Kitkat Reyes' POV
"J-Jax!"
Kanina pa niya ako kinakaladkad at hindi kinakausap. Gan'to na siya simula n'ong umalis kami sa room kung nasaan si Clark. Habang tumatagal naman, naging pamilyar sa 'kin ang daang tinatahak namin na ikinataka ko.
"A-anong ginagawa na 'tin dito?"
Hindi niya ako sinagot at patuloy lang sa paglalakad. Huminto lang kami nang nasa harapan na namin ang malaking bakod ng forbidden place.
Pwersang pinaharap niya ako sa kanya bago niya binatawan ang kamay ko. Tiningnan niya ako nang masama tsaka nag-crossed arms.
"Don't do that again!" seryoso niyang sabi tsaka inabot sa 'kin ang kanyang panyo. "Wipe it!" tukoy niya sa mata kong nagtutubig at namumula pa rin sa kakaiyak ko.
"Pa'no mo nalamang nand'on kami?"
"I've been there the whole time. I followed you the moment that idiot told me that he told you about the video. I had this feeling that you might do something stupid... And I'm right!"
Agad naman akong sumimangot dahil sa sinabi niya.
"Hinila lang naman ako bigla ni... Teka! So narinig mo pinagsasabi ko?"
Bigla kong naalala ang mga pinagsasabi ko kay Clark kanina. Sinabi ko rin sa kanya ang nararamdaman ko kay Jax...
N-narinig din niya iyon?
Lumakas naman bigla ang tibok ng puso ko nang nakatitig lang siya sa 'kin habang naka-crossed arms pa rin. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya at hindi mapakali sa 'king tinatayuan.
'Anong klaseng titig 'yan? Susungitan na naman ba niya ako?'
Muli akong napasimangot nang maalala ang video na iyon. Buong lakas ko naman siyang tiningnan ulit at tinanong.
"Totoo ba? Na... Ano?.. Na..."
Hindi ko kaya! 'Di ko kayang itanong direkta sa kanya kung totoo ba talagang naghalikan sila ni Noreen. Parang mas lalo lang akong masaktan kung totoo iyon.
"If you're talking about if our lips met, yes it's true. But it's just a smack and nothing else," pag-amin niya na ikinaiwas ko ng tingin.
"So totoo nga?" bulong ko.
Nai-imagine ko pa lang ang halikan nila. Kung anong nararamdaman ni Jax sa halik na 'yon. Naalala ko rin n'ong time na nahuli ko sina Clark at Noreen na naghalikan habang kami pa, parang gan'on lang din mangyayari.
"N-nagustuhan mo ba?"
Mapapasakanya lang din sa huli si Jax. Bakit ba kasi mas maganda siya sa 'kin?
"Look! I don't know why I'm explaining these shits to you but she's the one who kissed mo and it's so sudden! I told you it's just a smack and I didn't like it!"
Kinunotan ko siya ng noo at tinginan ang sarcastic niyang mukha.
"So ibig sabihin magugustuhan mo kung hindi lang iyon smack?"
Agad naman siyang nainis kaya pinitikan niya ang noo ko nang malakas.
"Ouch!"
"You and your idiotic way of thinking! Tsk! Where's that bastard?" reklamo niya tsaka tiningnan ang kanyang relo na parang may hinihintay.
Lumayo naman siya sa 'kin para sumandal sa mataas na bakod. Sinundan ko naman agad siya nang naalala ko ang tungkol sa invitation.
Sinamaan niya ako ng tingin nang hinawakan ko ang kamay niya pero hindi ko na pinansin 'yon.
"Jax! Pakiusap 'wag ka nang pumunta d'on!"
Huminga siya nang malalim pero buti pinabayaan na niya akong hawakan ang kamay niya.
"They won't stay still if I don't show up there," kalmado niyang sabi pero alam ko mas malalim pa ang kanyang iniisip.
"Kahit na Jax! 'Di mo alam kung anong gagawin nila sa 'yo! Trust me! Ilang beses ko nang napanuod iyon! Halos lahat ng humahamon ay na-drop out na lang! 'Yong iba na-hospital pa!"
At wala man lang akong nagawa sa kagagawan nina Clark noon. Takot kasi ako.
Mas hinigpitan ko ang paghawak sa mga kamay niya at pilit na pinapaliwanag sa kanya na hindi magandang idea na hamonin ang tatlong gangs.
"Most of them died," simple niyang sabi na parang normal lang iyon sa kanya at hindi big deal.
"P-aano mo na sabi?"
Napasinghap ako nang maalala kong muli ang sinabi ni Clark tungkol sa nakapatay na pala siya. Na siya rin ang pumatay sa bestfriend ko. Hindi ko talaga maisip na nagawa niya iyon! Galit na galit ako sa kanya!
"Yong bestfriend ko! P-pinatay ni Clark ang bestfriend ko... H-hindi ko aakalaing gan'on pala siya!"
'Yon 'yong time na kakahiwalay pa lang namin at nalaman 'yon ng kaibigan ko na bagong transfer lang dito. Hinamon niya ang grupo nila. Akala ko lang talaga nag-drop out lang siya kasi hindi siya tinitigilan ng Mysterious Knights!
'Yon pala...
Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko at kusa na lang itong tumulo nang walang tigil.
Muli kong tiningnan si Jax sa mata at nagmakaawa. Mas lalo kong hinigpitan ang paghawak ko sa mga kamay niya.
Ayokong pati siya...
"Jax pakiusap! Wag ka nang tumuloy d'on! D-dahil sa 'kin namatay ang kaibigan ko! Ayokong pati ikaw!"
Hindi ko matanggap kung pati siya...
"Maybe, because of you they might die!" bulong niya sa sarili pero hindi ko masyadong marinig kaya 'di ko na pinansin.
Napatingin naman ako sa bakod nang maalala ko ang isa sa mga sinabi ni Clark. "Dito din ba? Dito niya rin ba pinatay ang bestfriend ko?"
Ang sakit! Tanggap ko na na wala talagang nararamdaman si Clark sa 'kin noon pa. Kasi kung meron, 'di niya iyon magagawa sa kaibigan ko!
"You now hate him? Your Clark?"
Hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko tsaka pinatayo ako nang maayos. Nakita ko ang napakaseryoso niyang mukha.
"You now hate him, don't you? Or you're just feeling this way because of what he revealed to you?.. That he can kill!"
Kumunot naman ang noo ko sa pinagsasabi niya.
"Anong..."
"Tell me Kitkat! Why do you hate him?"
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at 'di ko alam kung bakit parang naiinis siya.
"G-galit ako sa kanya!" Nasasaktan ako sa sobrang higpit ng hawak niya sa balikat ko pero hindi ko magawang umangal.
Hindi siya umimik kaya alam kong hindi siya satisfied sa sagot ko.
"Kinamumuhian ko siya dahil sa ilang beses na niya akong sinaktan! Galit ako kasi mas pinili niya ang babaeng 'yon! Pinabayaan niya akong tratuhin ng gan'on ng mga myembro niya! Iniwan niya ako! Iniwan niya ako at pinagpalit kay Noreen kahit minahal ko siya nang sobra-sobra!"
Nanghihina na naman ako sa harapan niya. Ayaw din tumigil ng mga luha ko sa pagtulo. Nasasaktan ako!
At isa pa...
"H-hindi ko kayang mahalin ang isang mamamatay tao!" mahina kong sabi. Hindi ko pa rin kasi matanggap!
Bigla namang nanlaki ang kanyang mata na parang hindi niya inaasahan ang huli kong sinabi. Binatawan niya ako at agad na dumistansya sa 'kin. Bigla pa siyang natawa na parang may nakakatawa sa sitwasyon.
Huminga siya nang malalim tsaka muli akong tiningnan.
"That's right! A murderer doesn't deserved to be loved and to feel love. A murderer doesn't deserve your love Kitkat. Choose to live a normal life. Avoid people like him... and people like me!"
Iyong klaseng tingin na ngayon ko lang nakita mula sa kanya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit dapat ko rin siyang iwasan eh magkaiba naman sila ni Clark.
"J-Jax... Pero..."
"I won't love someone again and never will. Stay away from me after this. I don't want you to involve in my mess..."
"Pero Jax... Mahal kita!"
Klase-klasing emosyon na naman ang aking naramdaman. Natatakot sa maging reaction niya, nahihiya, kinakabahan, nasasaktan.
Nakita kong medyo nagulat siya saglit pero maya-maya ay ngumisi lang siya sa 'kin. Natawa siya nang kunti bago kinuha sa 'kin ang kanyang panyo.
Natigilan pa ako nang lumapit pa siya sa 'kin para punasan ang mga luha ko na pinakahindi ko inaasahang gagawin niya.
"Idiots got easily swayed by their misguided feelings! You just thought you love me but it's not. It's just an infatuation."
"Hindi! Ba't mo 'yan nasabi? Akin ang feelings na 'to kaya alam kong mahal kita! Oo inaamin ko nakuha mo ang attention ko n'ong bagong lipat ka palang dito, n'ong una tayong nagkakilala. Pero ngayon Jax alam ko na mahal na kita! Totoo ito!"
Para akong tanga! Alam ko... Pero wala akong pake kung ano man ang tingin niya sa 'kin.
Nabigla naman ako nang mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa 'kin. Seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko at wala akong idea kung ano man ang iniisip niya.
"I don't trust idiots!" bulong niya tsaka ako binitawan at lumayo sa 'kin.
Naiwan naman akong tulala at naguguluhan.
"POTA! KANINA PA BA KAYO?"
Sabay kaming napatingin sa biglaang pagsulpot ni Alfonso na hinihingal at pawis na pawis. Parang ilang kilometro ang kanyang tinakbo papunta rito.
Inabot naman ulit sa 'kin ni Jax ang kanyang panyo tsaka nilapitan si Alfonso.
"Tubig! Kailangan ko ng tubig! Mahihimatay na ako! Ho!"
"Why are you fcking late?" inis na tanong ni Jax na hindi man lang pinansin ang kawawang Alfonso.
Sumimangot naman ako. Bakit parang hindi siya naniniwalang mahal ko siya?
Sinamaan naman ng tingin ni Alfonso si Jax. "Eh ikaw kayang sundan ng mga walangyang myembro ng Mysterious Knights at Gold Snakes! Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko maligaw lang sila! You don't know my pain!" pagdadrama niya.
Sinipa lang ni Jax ang binti nito kaya natumba ito sa lupa. "Did you succeed?" tanong niya kay Alfonso.
"Aray! Oo na! Oo na! Ako pa! Dapat may bayad to! Tsk!"
Tinulungan ko naman siya para makatayo.
"Salamat... Aray! Ba't nananapak ka?"
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Ba't mo sinabing naghahalikan sila! Hindi naman pala! Sinisiraan mo si Jax!"
"Ba't ka affected? Girlfriend ka ba ha? Ano ngayon kung maghalikan sila? Aray!"
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Ngumisi siya sa 'kin tsaka tumatawa. Ako naman itong namumula ang mukha sa inis at sa hiya.
"Kailangan ba talagang ipamukha?" sigaw ko sa kanya.
Inirapan ko siya tsaka nagbuong lakas na harapin si Jax. Hinawakan ko ang kamay niya tsaka nag-puppy eyes na ikinakunot ng noo niya.
"Hoy Jax!" buong lakas kong sabi. Nang ma-realize ko kung anong gagawin ko pala, uminit bigla ang aking mukha sa hiya.
Na-conscious ako sa mga titig niya. Mugto pa 'yong mata ko tsaka ang haggard ko.
"P-pwede bang manligaw?" seryosong tanong ko sa kanya at pilit na hindi inalis ang tinginan namin.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko! OMG!
"Obviously no!"
'Yong hiya na nararamdaman ko kanina, mas dumoble pa iyon. Ay hindi, naging times three iyon. Naging times four pa nang marinig kong tumawa nang malakas si Alfonso!
Nag-pout naman ako tsaka pinisil ang mga kamay niya. "Jax naman eh! P-Pag-isipan mo muna bago mo sagutin!"
"I won't accept feelings from idiots!"
"BWAHAHAHAHA!"
"Argh!" Sinamaan ko ng tingin si Alfonso na pumapalakpak pa sa kakatawa. Mabilis ko siyang nilapitan para patahimikin ang bunganga niya pero agad lang itong nakatakbo.
"Busted! HHAHAHAH!"
"Bweset!"
"Good that you're getting along with each other. Now let's go," sabi ni Jax at nagsimula nang maglakad. Agad naman akong tumabi sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Buti na lang at hindi nagreklamo.
"Anong getting along? Ayoko sa engot na 'yon!"
...
Third Person's POV
Dumaan silang tatlo sa secret passage na alam ni Alfonso para makalabas ng campus nang hindi nasusundan. Tinulungan naman ulit ni Jax ang dalaga para makaakyat sa bakod tsaka inalalayan din sa pagbaba.
Napanganga naman ang dalaga nang makita si Alfonso na simpleng tumalon sa bakod. Hindi niya inasahang napakadali lang nitong gawin ng binata.
"Ngayon ka pa lang ba nakakakita ng gwapong magaling sa gan'to?" pagmamayabang pa nito na ikinairap lang ng dalaga.
Habang naglalakad sila papunta sa bahay ni Alfonso, 'di niya maiwasang sulyapan si Jax. Alam niyang may kakaiba na kay Jax pero hindi niya inakalang meron itong tinatagong mga baril.
Inutusan kasi siya ni Jax kunin ang tatlong baril at limang bundle ng one thousand sa locker nito.
'Pa'no siya nagkaroon ng mga ganto? Pa'no niya ito nadala at naipasok sa campus? Gaano ba siya ka mapera kung may 500,000 siyang cash sa locker niya?' mga tanong ni Alfonso sa kanyang isip.
...
N'ong sabay silang bumaba galing sa rooftop para sundan si Kitkat, pinayuhan siya ni Jax na maging aware sa paligid at hindi magkampante.
"Here's the key! Get those and don't let anyone see it. Bring it to your home and don't let anyone follow you! After that, tell your boss that you're going to be my friend and colleague and have my trust. Tell him that you're going to betray me after. Don't mention Kitkat to him. We'll meet up in front of forbidden place before 6:30pm."
Biglang huminto si Jax kaya napahinto rin siya. Nakita nilang biglang kinaladkad si Kitkat ni Clark.
"Follow me!" utos lang nito sa kanya tsaka tumakbo opposite sa tinahak nina Kitkat.
"Hide!"
Kumunot ang noo niya nang bigla silang nagtago sa loob ng isa pang vacant room. Ilang sandali lang ay may tatlong estudyanteng dumating na ikinagulat ni Alfonso.
"Tangna! Nasa'n na'ng mga gago'ng 'yon?"
Namangha na naman ulit siya kay Jax kasi pa'no nito nalaman na may sumusunod pala sa kanila?
Tinanguan siya ni Jax at nakuha naman niya agad ang ibig sabihin nito.
"You're looking for us?" pagpapakita nito sa tatlong estudyante.
Hindi pa ito nakasagot ay hinila na nilang dalawa ang tatlo papasok sa room tsaka pinagbubugbog. Nang mapatumba ni Alfonso ang isa ay napalingon siya kay Jax at sa dalawang wala na ring malay.
"Wow! Bilis ah!"
Bago sila lumabas ng room, ni-lock muna nila ang door knob para walang makapasok na iba roon.
"There are some who will be following you! You already know what to do!" sabi nito bago sila naghiwalay.
...
"Malapit ka lang pala sa campus?"
Nabalik naman si Alfonso sa realidad nang magtanong ang dalaga. Tiningala niya ito at nasa boarding house na pala sila.
Pagbukas niya ng room niya, agad nag-react ang dalaga sa sobrang kalat nito. Nanlaki naman ang mga mata niya ang maalalang may babae pala kaya hindi niya muna pinapasok ang dalawa.
Niligpit niya muna ang mga nagkalat na mga damit at ibang gamit bago sila pinagbuksan. Nahihiya pa rin siya rito kasi babae si Kitkat tsaka baka makita pa nito ang kanyang mga brief na kung saan-saan nakalagay.
Pagkalabas niya, pumasok naman ang dalaga. Hinila naman siya ni Jax palayo sa dalaga habang busy pa ito kakatingin sa kwarto niya.
"Pack up things for 2 days and 3 nights! We're not gonna stay here!"
Kinunotan lang niya ito nang noo pero unti-unti namang na-process sa ulo niya ang ibig sabihin ni Jax. Wala siyang idea kung bakit pero alam niyang delikado. Hindi niya maipaliwanag pero parang ang laki ng tiwala niya kay Jax.
"But before that, give it to me!" tukoy nito sa inutos sa kanya.
Simple lang niyang kinuha ang bagpack sa kama kung saan niya nilagay ang mga baril. Sinulyapan niya ang dalaga pero nagtingin-tingin pa rin ito sa kwarto niyang sobrang kalat.
"Use that money to rent a hotel. Someone, or worst, more of them will be following me so let's part ways for now. I don't want her to involve in this mess so I want you to protect her for me. Don't tell her anything! Keep her away from this mess!"
Because of what Kernel told him, he knew that there will be a chance that these two will be followed by enemies. Kitkat is too innocent for this so he will do anything to keep her safe.
Isang baril lang ang kinuha ni Jax at binigay niya kay Alfonso ang dalawa pang baril at ang limang bundle na one thousand. "You can use that guns if it's really necessary! And buy her clothes." may diin nitong sabi.
Napaseryoso din si Alfonso kasi alam niyang hindi nagbibiro ang binata. Malakas ang kutob niyang may hindi magandang mangyari ngayong gabi.
Tumango siya rito at tatalikod na sana para mag-ready ng damit, nang muling magsalita si Jax na ikinatigil niya.
"I knew you're not ordinary student but I never thought you're more than what I expected," nakangising sabi nito.
Hinarap niya naman si Jax.
"So tell me, who's your real boss?"
Sumimangot naman siya dito.
"Pa'no mo nasabi?"
"The fact that you did not react about how to use guns means you already know. You obviously showed me that you're familiar with it," then he smirked.
"Oo na! Wala na akong takas sa 'yo! Wala akong boss okay? Happy? Matagal na akong tumigil sa gan'to at ikaw lang ang pilit nagpapabalik sa 'kin! Psh! Tsaka pareho lang tayo! 'Di ko inakalang lumagpas ka sa expectation ko!"
Ngumisi lang si Jax sa kanya.
'Yong feeling na parang ang tagal na nilang magkakakilala dahil naging comfortable sila sa isa't-isa pero hindi. Pareho nilang 'di inaasahang magkakasundo sila ngayon dito.
"Anong pinag-uusapan niyo? Hindi niyo na naman ako sinasali!" biglang sulpot ng dalaga.
"Wala! Sinasabihan ko lang siya na layuan ang engot na katulad mo!" pang-aasar ni Alfonso na agad namang sinapak ni Kitkat.
Nang sila nalang dalawa ni Jax sa labas, tumabi naman si Kitkat sa binata.
"Ihahatid mo ba ako? Anong oras na," pag-aalala niya. Hanggang ngayon kasi gusto niyang tanungin ang binata kung anong ginagawa nila dito pero parang may pumipigil sa kanyang sarili na magtanong.
Tiningala niya ang binata at makikita sa mukha ng dalaga na labis nitong pag-aalala kasi hindi niya mapigilan si Jax sa pagpunta sa court.
Nakaisip naman siya ng idea kaya kinapa niya ang bulsa niya baka may kahit anong bagay siyang makapa. Natuwa naman siya nang may nakuha siyang isang maliit na paper clip.
Inabot niya ito kay Jax pero kinunutan lang siya nito ng noo.
"Dali! Kunin mo na!"
'What's this idiot gonna do again?' sa isip nito.
"Kung pwede lang sana kitang pigilan para hindi ka makapunta d'on... Kaso wala akong karapatang pigilan ka..."
Huminga nang malalim ang dalaga tsaka nag-aalalang sinalubong ang mga titig ng binata. Nakakunot pa rin ang noo nito.
"Pangako mo sa 'kin Jax! Huwag kang mamamatay! Dapat maibalik mo 'yan sa 'kin bukas! Aantayin kita!"
Naiisip pa lang ang dalaga na baka matulad si Jax sa bestfriend niya, napakagat ulit siya ng labi para pigilan ang sariling 'di maiyak.
Nakita na niya ilang beses kung anong mangyayari sa recruitment. Lalo pa't nalaman niya na ang iba ay namamatay pala.
"Pangako mo 'yan! Kung hindi mo 'yan maibalik sa 'kin, hahanapin kita kahit saan mabawi ko lang 'yan!" pananakot ng dalaga para talagang mag-ingat ang binata at hindi hayaan ang sariling mapatay.
"Why do I have to keep this trash?" nakatitig lang si Jax sa kanya habang hawak-hawak nito ang paper clip.
"Ipangako mo lang!" Iniwas niya ang tingin sa binata para hindi maiyak. "Ayoko nang mawalan ng isang mahalagang tao sa buhay ko! Ayokong mawala ka! Kaya sisiguraduhin mong ligtas ka para maibalik mo 'yan sa 'kin!"
Out of 100 people only 25 who survived and didn't drop out that's why her worries are immeasurable. That 25 people became the members of the 3 gangs.
Muli niyang tiningnan ang binata. "Eh kung sasama na lang..."
Agad naman siyang natahimik at nagulat nang biglang inangkin ni Jax ang mga labi niya. Parang nanghihina ang buong katawan niya at kusa na lang pumikit ang kanyang mga mata.
Wala siyang ibang narinig kundi ang malakas na tibok ng puso niya. Wala siyang ibang nararamdaman kundi ang mga labi lang ng binata na patuloy na humahalik sa labi niya.
Iba ito sa mga halik noon ni Jax.
Hinawakan ng binata ang bewang niya tsaka siya binuhat at sinandal sa dingding at patuloy itong hinahalikan. He wrapped her legs to his waist and she kissed him back.
Nang bubuksan na sana ni Alfonso ang pinto, mabilis namang nahawakan nang mahigpit ni Jax ang doorknob nito gamit ang isa niyang kamay para hindi makalabas si Alfonso. Isang kamay niya ay nakahawak sa doorknob at ang isa ay nakahawak sa bewang ng dalaga. Hindi man lang pinutol ang paghahalikan nila.
"HOY! ANO BA!" sigaw nito kaya napatigil si Kitkat habang nanglalaki ang mga mata niyang nakatitig sa mata ni Jax.
"Don't mind him," sabi nito at muling tinuloy ang halikan nila.
'Ang lambot at ang init ng mga labi niya! Nananaginip po ba ako lord? Bakit niya ito ginagawa sa 'kin? Hindi ko naman siya maitulak kasi...'
Pilit niyang pigilan ang kiliti nang hinimas ni Jax ang kanyang legs na nakayakap sa bewang nito.
"Jax! Pa'no na ako makakaakyat nito kung tuluyan na akong nahulog sa 'yo?" mahinang banggit niya habang pareho silang nagtitigan sa isa't-isa nang naghiwalay ang mga labi nila.
Jax wanted to smile because of Kitkat's stupid remarks. But he suppress it.
'She really says anything what's inside her mind. Idiot!'
"I will comeback to give it back to you! I promise!" sabi nito tsaka siya binaba.
'I know this is the only way I can make her stop worrying about me. But it feels like my body has an own mind. I just found myself kissing her. That kiss... is very different from the kiss I experienced to anyone before. It's...
No! I don't want to admit it! But why is my heart can't stop beating faster? Shit! This is bad!'