Kristin
Morning, it's morning again. And if I will start my day, I will begin by saying this one,
The world which I live in is influenced by the society who challenged us children from low-class families. At my young age, I learned to act in accordance with my family status for some instilled this notion for me.
If you're a student from a humble family, keep yourself away from the limelight. Don't be a leader, be a member. Don't run a position from your Student Organization, be a supporter. Don't argue who'll get the first place's medal, just accept the second place's award.
If you're already working, level your eyes on the shoes of your boss, for that job would never be yours.
No, I wasn't pointing out the individuals with a golden spoon in their mouth, the poverty of many would never be their fault, but several are using this as a weapon to uplift themselves and harm those who are not privileged in this life. This is not general, just saying.
Anyway, as I realized that time is in motion, continuance, and would never stop, a bucket of water was splashed on my face- I was bathed with the awareness that I should not live with the mindset 'I should act like this because I'm poor'. Since that day, I have sworn that I should aim high, I'll be a big boss and conquer the conglomerate companies.
So now that I am twenty-seven, three years before I get thirty. That promise-
"Oh, you surprised me, I thought you were still asleep."
My eyes flattered until I was satisfied, then I immediately moved it towards my forty-seven years old mother. I looked at her with gladness-
"Anong tinitingin mo pa diyan? Bumangon ka na."
At diyan nagtatapos ang paglalakbay ng aking utak na nakarating narin pala sa ibang bansa. Isa akong Filipino at ipinanganak sa Pilipinas, mahusay lang akong magsalita ng Ingles sa aking...utak. At ang nagpapatunay niyan ay ang Nanay ko.
"Kristin."
Inalis ko na ang kumot na bumabalot sa aking katawan na may kurba parin kahit papaano-
"Ano, babangon ka naman diyan sa kama mo na hindi mo inaayos. Ilang ulit ko ng sinabi sa iyo na wala tayong katulong dito sa bahay para iligpit ang mga higaan niyong magkapatid. Ako na naman ba ang inaasahan mong umayos niyan."tikom ang bibig kong tinignan ang katawan ko na halos hindi pa bumabangon sa aking kama. Tsaka ako tumingin sa Nanay ko na patuloy parin ang paglabas ng salita sa kanyang kupas na labi.
Ilang ulit ko naring narinig ang mga ito mula sa kanya, mula pagkabata, sa pagdadalaga ko, hanggang sa edad kong ito na dapat raw sana ay nag-asawa na at may anak narin. Kung ako ang tatanungin, hindi ako naniniwala dito pero kung ang mga kapit-bahay namin?
Malamang sa malamang, ang kanilang isasagot, 'sa ganyang edad nararapat na mag-asawa na 'yan'. Ilang ulit ko na itong narinig sa mga kapit-bahay namin, ano raw ang ginagawa ko na hanggang ngayon ay hindi pa ako namumukod----ang utak ko ay nasa kabilang kanto na naman.
Binalik ko ang atensyon ko sa Nanay kong hindi pa nakakagitna sa gusto niyang ihayag ngayong araw sa akin.
"Ma."tawag ko sa kanya, hindi ko alam kung namamaos ba ang boses ko dahil hindi ito narinig ng Nanay ko, o baka naman masyadong mahina ang pagkakasabi ko kaya mas mabuting ulitin ko.
"Ma."mukhang mahina parin dahil hindi parin ako tinitigilan ng Nanay ko.
"Ma."kaya't linakasan ko na ang boses ko dahil nararamdaman ko na ang pamamanhid ng taenga ko ngunit ganoon parin.
Ganito ba talaga ang mga Nanay? Lagi niyang sinisumbat sa akin na hindi raw ako nakikinig sa mga payo at sinasabi niya sa akin, ngayong simpleng tawag ko lang, hindi pa niya marinig.
"Mama."naisip ko na buuin ko na ang salita ko, baka hindi lang alam ng Nanay ko na 'Ma' ang pina-ikling salita ng 'Mama'.
"Bakit?"
Sa wakas, narinig narin niya ako. Napa-iling ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang naisip na buuin na ang salita ko nang una kong tawagin ang aking Nanay kanina.
"Bakit hindi ka sumasagot?Tinatanong kita kung may problema ka ba dahil kanina ka pa tahimik."
"Wala."iyon lang ang sinabi ko matapos ang paulit-ulit kong pagtawag sa Nanay ko. Aba, sabihin ba naman niyang kanina pa ako tahimik, malamang tatahimik talaga ako dahil sa oras na magsasalita ako pabalik, sasabihin na naman niyang nagka-edad lang ako sinasagot-sagot ko na siya.
Pero inunahan ko na siyang magsalita ng makita kong bibigkas na ulit siya.
"Ma, magaling pala akong mag-English at kahit ikaw rin, alam mo."saad ko habang bumababa na ako mula sa kama ko.
"Talaga?"lapit ni Nanay, pinulot niya ang kumot ko at sinimulan niyang tupihin ito. Pinanood ko naman siya at muntik na akong umiling ulit. Kaya ako hindi natututo dahil kahit ilang ulit niya akong pagsabihan, siya parin naman ang gumagawa. Ang akala ko ito na ang simula ng pagbabago ko dahil pupulutin ko na sana kanina ang kumot pero naunahan ako.
"Paano mo alam na mahusay rin akong mag-english?"
Napatingin ako sa gilid at sinimulan kong balikan ang sinabi ko kanina, sinabi ko ba talagang mahusay mag-English si Nanay?
Hindi ah, sinabi ko lang na alam niya. Tsk-tsk, kaya nakakatakot magbitaw ng salita, lalo na kung magbibiro ka lang naman sana para mas masaya. Paano ko sasabihin na gawa-gawa lang ng isip ko na alam niyang magsalita ng Ingles?
Bumaling ako kay Nanay na nagdadalawang-isip dahil hindi ako makapili kung itutuloy ko parin ba ang biro ko o pupurihin ko na lang siya para makalabas ako dito sa bahay na hindi natatalakan ulit.
"Kristin? Tinatanong kita kung paano mo alam."
"Uhmmmmm..."dikit ang labi ko habang pinipilit kong papiliin ang sarili ko hanggang sa napa-ewan na lang ako at tumalikod na mula kay Nanay. Dineretso ko ang pintuan at kinuha ang tuwalya ko sa likod ng pinto.
"Nagpuyat ka na naman siguro kagabi kaya lutang ka na naman. Ayan ang sinasabi ko sayo, kalalaro mo ng MG."humarap ako kay Nanay para itama siya.
"ML, ma."
"ML? Hindi ba mobile game 'yang linalaro mo."
Ilang ulit akong kumurap sa harapan ni Nanay.
Ah, mobile para sa M at game para sa G. Pwede naman, dahil mobile game nga ang mobile legends. Pero, hindi mobile game ang pangalan ng linalaro ko kundi mobile legends. At siguro namali lang ng pagkakarinig si Nanay sa huling letra, bagkus na L, pumasok sa taenga niya ang G.
"mobile legends, Ma. M, mobile. L, legends."inayos ko ang pagbigkas upang matuto ang Nanay at ng hindi magkamali sa susunod. Mahirap na kung pagsasabihan niya ang mga anak ng mga kapit-bahay namin. Pare-pareho pa naman ang iniisip namin, 'Anong problema ng matandang ito? Pinapakealaman niya ang buhay ko, hindi naman niya ako anak. Buti sana kung mabubuti ang mga anak niya, isa rin naman silang ganito, ganyan, ganoon. Nakita ko nga ang anak niya noong isang araw na'---parang ganun.
"Kristin, maligo ka na. Ako na naman sisisihin mo mamaya."
"Ma, narinig mo ako diba? Hindi MG ang linalaro ko kundi ML. Pati narin ang mga bata diyan sa labas, pare-pareho kami ng linalaro-"
"Narinig ko."
Tumango ako at tumalikod na pero parang may ibang kumontrol sa katawan ko, parang impluwensya na nagsasabing kumpirmahin ko na talagang naintindihan ni Nanay ang sinabi ko. Malay ko, may iba siyang iniisip at sinabi niya lang na narinig niya. Humarap ulit ako at tinignan ang Nanay ko na patapos na sa pagliligpit ng aking kama.
"Ma-"
"Narinig ko! Naintindihan ko! At hindi ko na pagsasabihan ang mga bata diyan sa labas."
Tumigil na ang Nanay ko at hinarap narin ako na halata sa kanyang mga mata na naubusan na siya ng pasensya sa akin.
Ngumiti ako kay Nanay. "Salamat, Ma."
"At sorry Ma, dahil hindi ka mahusay mag-english. Inisip ko lang na siguro alam-"
Dali-dali na akong lumabas sa kwarto bago pa umabot sa akin ang binatong unan ng Nanay ko.
"Ma, alam mo rin siguro na hindi rin talaga ako mahusay mag-english-"silip ko sa kwarto pero pinagsisihan ko ito dahil naramdaman ko ang malambot na unan ngunit may pwersang tumama sa mukha ko. Na kahit nahulog na sa sahig ang unan, ramdam ko parin ang kakaibang lambot nito sa mukha ko.
"Alam ko, at ano ngayon kung hindi ka mahusay? Gustong-gusto ka naman ng mga boss mo. Hindi sa pagalingan ng English ang trabaho kundi sa ano ang kaya mong ibigay para dito."tumango at ngumiti ako sa sinabi ng Nanay ko.
"katulad na lang ng pagpasok ng maaga sa trabaho."sumang-ayon ulit ako pero napatigil ako at napatitig ako kay Mama.
"Anong oras na, Ma?"