Chereads / La Hija / Chapter 3 - CHAPTER THREE

Chapter 3 - CHAPTER THREE

"Sya po ba ang anak mo?" Tanong nya nang mapansin ang mga litrato na naka-display sa isang maliit na lamesita. Isang lumang litrato ng batang lalaki na nakasuot ng pang boy scout. Inilapag ni Amelia ang isinandok na pagkain para kay Juliet. At saka naupo para sabayan itong kumain.

"Oo. Si Anghel."

"Anghel?"

"Angelo ang pangalan niya. At isa syang biyaya para sa amin.. sa akin kaya naman tinawag ko syang Anghel. Nag-aaral sya ng medisina para sundan ang yapak ng aking asawa."

"Bakit po kayo lumuwas dito ng mag-isa?"

" Naghiwalay kami ng asawa ko noong nasa grade 4 palang si Anghel. Dumaan sya sa maraming counceling. Ganun kalaki ang naging epekto sa kanya ng paghihiwalay naming magasawa. Kinalaunan, habang nagkakaisip siguro mas nagugustuhan na niyang mabuhay kasama ang papa nya." Juliet felt the sorrow that Amelia carried as she shared the painful experiences of her family.

"Hayaan po ninyo. Mari-realize din po iyan ng anak mo. Lahat tayo nangangailangan ng ina. Hahanapin ka din po ni Anghel." Sabi ni Juliet na naging sanhi para ngumiti muli si Amelia.

"Napakaswerte naman ng papa mo at mama mo."  Anito. 

Tanging pag-ngiti lang ang tinugon ni Juliet. Marahil hindi na sinabi ni Joni na wala na syang ina.

"Hmm. Masarap po itong soup ninyo ah." Pagiiba nya ng topic.

"Mabuti naman at nagustuhan mo. Specialty ko yan." 

" Wag po kayong magalala kapag nagluto po si papa, hahatiran ko po kayo para matikman nyo din po ang luto nya."

" Hmm—sige. Hihintayin ko 'yan ah."

" Maraming salamat po sa pagkain!"

" Nabusog ka ba?" Sinamahan na sya ni Amelia na bumalik sa kanilang bahay.

" Sobra po. Salamat din po pala dito," ipinagbalot din sya ng ginang ng pagkain para sa kanyang ama.

" Wala iyon. Salamat din dahil sinamahan mo ako. Medyo nabigla si Juliet nang bigla syang yakapin ni Amelia ngunit hindi nya magawa ang magpumiglas. Niyakap nya din ang ginang at ninamnam ang init ng katawan nito.

Mag asikaso ka na't papasok ka pa."

" Opo." Masaya nyang tinalikuran si Amelia.

^journal:

Practice bukas.

Pending sa arts and music

Deadline: Friday.

Special part: I feel like I am with my mother.

Hihiga na sana si Marco sa higaan nya nang mapansin sa bintana na nakatambay si Joni sa rapat ng bahay nito na para bang may hinihintay. Ilang sandali pa'y may bavarng dumating. Hindi pamilyar ang mukha nito kaya agad nyang naisip na bago itong tenant ng lalaki.

"Amy!" Tawag ni Joni kay Amelia. Mukhang kagagaling lamang nito sa palengke dahil sa mga bitbit nitong gulay at iba pa. Lumapit naman si Amelia sa lalaki.

"Bakit?" Tanong nito.

"Naikwento ka sa akin ni Juliet noong nakaraan. Salamat ah."

" Ah ganun ba? Naku—wala iyon. Ako nga ang dapat magpasalamat sa anak mo eh."

" Hahaha—hayaan mo kapag hindi na ako busy sasabayan ka namin ni Juliet sa pagkain." Ani Joni.

" Sige aasahan ko iyan ah.." napakatamis ng mga ngiti sa labi ni Amelia kaya sobra ding nagalak si Joni dahil naramdaman nyang napasaya nya ang babae sa kanyang mga sinabi.

"Si Juliet?"

"Kakaalis lang. Maaga pumasok."

"Ganun ba—sya sige. Dito na muna ako ah."

" Sige.

Samantala.. labis naman ang pagtataka ni Marco. Dahil sakanyang pagmamasid kina Joni, mukha naman masaya silang naguusap. Ngunit nang talikuran na ng babae si Joni ay nakita nya na nanlilisik ang mga mata nito. Para bang galit na galit ito kay Joni. May kung ano pa itong binubulong.  Kaya naman sinundan nya ng tingin ang babae.

"Kuya!" Tuloy napilitan syang lumabas para lapitan si Joni na papasok na sana sa sariling bahay.

"Oh. Marc. Bakit?" Tanong ni Joni.

"Sino po iyon?" Tanong nya nang makalapit na kay Joni.

"Ah yun ba? Si Amelia. Bagong kapit-bahay ninyo."-Joni.

"Tagasaan yon?-Marco.

" Cotabato daw eh."-Joni.

" Hmm. Kinilala nyo pa ba yung pagkatao nya?"-Marco.

Tumawa si Joni sa binata.

" Sira ulo ka. Bakit ko naman gagawin iyon?"-Joni.

" Wala po. Iba na po kasi panahon ngayon eh. Pakiramdam ko hindi gagawa ng maganda yon."

Ngumisi si Joni.

" Anong gagawin nya e' hamak na babae lang iyan. Baka ako pa may gawing masama sa kanya. Hahaha." Biro ni Joni.

" Kuya Joni talaga eh."

" Hahaha. Sige na matulog ka na." Ani Joni.

" Sige ho."

^Journal:

Hindi na ko nilalapitan ni Topi. Bakit kaya?

*Few days later*

" Oh. Gabi na. Bakit gising ka pa?" Tanong ni Joni nang biglang lumabas si Juliet ng kwarto. Kasalukuyan kasi syang nanunuod ng online sabong.

"Sisilipin ko lang po sana si Topi."

"Gabi na. Bukas nalang kayo maglaro ni Topi. May pasok ka pa. Bumalik ka na." Utos nito.

" Goodnight po."

" Goodnight."- Joni.

Napabuntong hininga syang nag tungo muli sa study table. Iniisip nya na baka nagtatampo na si Topi sa kanya. Ipinagpatuloy na lamsng nya ang pag gawa ng kanyang mga assignments. Sa kanya namang pagmumuni muni ay bigla nyang naisipan na silipin ang butas sa dingding. Kulay itim lang ang nakikita nya. Marahil tulog na din di Amelia.

[3AM]

Ako..

Ang..

Kailangan..

Mo..

[silently moaning..]

Juliet..

Juliet..

[Echo]

Juliet kept her eyes closed even though her mind was awake

"Hmmm.."

She can't move

[Scary echo..]

^Journal:

Sleep paralysis.. may tumatawag sa akin.

*Kinaumagahan…

"Topi!" Masaya nyang sinalubong si Topi at masaya din ang aso na halos gusto nang magpakarga sa kanya.

"I miss you too, baby. Sorry. Busy lang." Hinayaan nyang punuin ni Topi ng laway ang kanyang mukha.

" Tama na iyan. Kakain na tayo." Ani Joni. Ngunit nagpatuloy pa rin sa paglalaro sina Juliet at Topi.

[KNOCKING..]

sabay pa silang napalingon sa kumakatok. Kasabay non'  ang biglang pag-angil ni Topi.

"Shhh.. Topi." Tumahol ng tumahol si Topi na para bang nais nang sugurin ang taong kumakatok.

"Juliet." Sumenyas si Joni na ikulong na muna si Topi.

"Halika muna Topi. Maglalaro tayo mamaya." Matamlay namang sumnod si Topi.

[Whimping..]

" Babalikan kita promise. Bye" sabi ni Juliet.

Wait lang." Sabi ni Joni. Binuksan nya ang pinto at bumungad sa kaniya si Amelia.

"Oh Amy, kamusta?" Bati ni Joni sa babae. Mayroon itong bitbit na malaking tupperware.

"May problema ba?"

"Naalala ko kasi na nangako kayo sa akin na sasabayan nyo ako kumain. Pero mukhang nakalimutan nyo na ata kaya ako na ang sumadya para sana yayain kayo." Nakangiting turan ni Amelia.

" Pa?"

" Oh. Hi, good morning po." Bati ni Juliet.

" Pasensya na Amy ah. Uhh—halika. Pasok ka. Tamang tama't kakain na kami." Aya ni Joni.  Pumasok naman si Amy. Tahimik na nagkatinginan sina Joni at Juliet. Ngunit magiliw parin nilang tinanggap ang babae. Kahit na nga tila may iba sa awra ng ginang. Hindi nila malaman kung galit ba ito o sadyang iyon na ang mood nya pagkagising. Pero hindi sila bastos na tao, gusto nito sumabay sa kanila sa umagahan at wala silang nakikitang mali sa bagay na iyon.