Chereads / La Hija / Chapter 8 - CHAPTER EIGHT

Chapter 8 - CHAPTER EIGHT

"Uy! Goodmorning." Bati ni Marco kay Juliet nang makasalubong ito. Hindi sya pinansin ni Juliet.

"Oh. Kuya Joni!" Sunod nyang nakasalubong si Joni.

"Galing ho ata kayo sa labas ah." -Marco.

"Oo. Niyaya ko si Juliet pumunta sa palengke."

" Naks. Bonding."

[Joni softly chuckles]

" Matutulog kana?" Tanong nya kay Marco.

"Yosi muna ko kuya." Anito.

"Oh sya sige." Naupo si Marco kung saan sila madalas tumambay nina Joni.

" Aling Amelia! Good morning.." Bati ni Marco nang makitang palabas ng sariling silid si Amelia. Nginitian lamang sya ni Amelia. Lumabas muli si Joni at lumapit kay Marco.

"Amelia,  mamaya pupunta si Lino. Yung kumpare ko."

"Hmm.." naka poker face lang si Amelia at 0 lnakatitig ng diretso kay Joni.

"Nagkaroon na ako ng budget. Mapapalagyan ko na ng double wall yung kwarto mo." Ani Joni.

" Hindi naman ako nagrereklamo ah." Biglang apila ni Amelia. Lalong nakumbinsi si Joni na may iba itong pakay.

"Uh—mas okay na iyon. For formality na din. Yung kwarto mo nalang kasi ang hindi pa masyadong maayos. Basta bukas o mamaya pupunta si Lino. Baka katukin ka niya mamaya." Sabi nya. Hindi na nagsalita pa si Amelia at dumiretso na palabas.

"Lagot ka kuya. Na-offend ata sayo si Aling Amelia." Ani Marco.

" Sus. Mas okay kung ganun."

" Bakit naman po?"

" Basta." Tumingin si Joni sa paligid at naupo sa tabi ni Marco.

" Makinig ka ng mabuti sa akin.."

"Okay?"

"Pakimasidan si Amelia. Lahat ng makikita mong kakaiba sabihin mo sa akin." Pabulong na sabi ni Joni.

" Bakit ko naman po iyon gagawin?" Tanong niya.

"Basta.Gusto ko kasi makakuha ng dahilan para mapaalis ko sya dito." ani Joni.

"Bakit naman po kayo ganyan magsalita?"

"Basta. Pag may napansin ka na kakaiba magsabi ka sakin." Nagtatakang tumango na lamang si Marco.

[Knocking..]

[Door creaks..]

"H-hi.. Lino. Yung mag aayos ng dingding." Nakangiting bati ni Lino kay Amelia.

"Ah ngayon na ba agad?" Ani Amelia.

"Dapat nga nung nakaraan pa. May gawa kasi ako nung linggo. Ngayon lang ako naging available." Napapakamot na tugon ni Lino. Binuksan ni Amelia ng maluwag ang pintuan.

"Pasok ka." Nakangiti namang pumasok si Lino. Pinagmasdan nya ang bawat sulok ng kwarto. Nakita nya agad ang tinutukoy ni Joni na butas. Malapit ito sa lababo ni Amelia.

"Kunin ko lang yung gamit ko ah." Paalam nya. Nakangiti naman na tumango si Amelia. Hindi naman naging mahirap kay Lino ang ginagawa nya dahil hindi naman mareklamo si Ameia. Bagkus buong oras syang pinapanood nito sa kanyang ginagawa.

"Itong ilalim nalang." Aniya nya. Mahinahong lumakad si Amelia kay Lino.

"Heto oh. Uminom ka na muna." Alok nito ng isang baso ng malamig na juice. Masaya namang tinanggap ni Lino ang baso na iyon. Tahimik lamang syang pinagmamasdan ni Amelia. Biglang tumawa si Lino ng nakakaloko.

"Bakit ka tumatawa?" Takang tanong ni Amelia.

"Kakaiba yung mga tinginan mo sa akin. Akala mo siguro hindi ko napapansin ano?" Lumapit si Lino sa lababo at dinukot ang lalamunan para isuka sng juice na pinainom ni Amelia.

"May inilagay ka ba sa inumin ko?" Natatawang tanong ni Lino. Mukhang hindi naman naiintindihan ni Amelia ang sinasabi ni Lino. Lumuhod si Lino para ihanda sng gagamitin na lang takaip sa ilalm ng lababo.

"Nakita kita."

"H—ha? Saan?"

"Yung kapit bahay ko nawalan ng anak. Nakita ng mga pulis yung pinagkakaabalahan ng bata sa laptop nya baga sya nawala."

" Hindi ko alam kung anong sinasabi mo." Tumawa si Lino.

" May nakita silang site na parang 'mama cares' ba yon. Nakita ko yung mga picture ng members. Andun ka." Hindi na kumibo si Amelia. Natamggal na ni Lino ang mga gamit sa ilalim ng lababo pero nagulat sya sa kanyang nakita. Isang msliit na butas na pwedeng daanan ng tao ang naron at sa butad na iyon ay kitang kita ang loob ng ilalim ng kama ni Juliet. Agad hinawakan ni Lino ang martilyo. Haharapin nya sana si Amelia pero may matigas na bagay na humampas sa batok nya. Sa sobrang lakas ay maari itonh marinig ng ibang tao.

"Aaahh! Daga!" Sigaw ni Amelia.

"Ikaw...put...na ka.." hilung-hilo si Lino na natabig nya pa ang baso ng juice.

" Ayy! Okay lang yan. Ako na magliligpit nyan! Sabi ni Amelia na sinasadyang lakasan ang boses nya para walang maghinala na may nangyayari na sa loob ng silid nya. Tuluyan nang natumba si Lino. Nakiramdam muna si Amelia. Inalog-alog nya si Lino gamit ang kanyang paa. Nang masiguro nitong hindi na ito makakatayo'y sinara nya na ang mga bintana  at ang kanyang pintuan. Dinampot nya ang kawali na pinanghampas nya sa ulo ng lalaki.

"May anak ka bang maghahanap sayo?—Wala? Kawawa ka naman." Hinampas nya pa muli ito sa ulo hanggang sa makita na nya sa sariling mga kamay ang dugo mula kay Lino.

Alas-nueve na ng gabi. Napasarap si Marco ng tulog. Kaya late na syang nakapag-asikaso. Ibinaba nya ang kanyang kurtina para magbihis. Narinig nya ang pag tahol ni Topi. Sinilip nya ang aso.

"Si kuya Joni talaga. Hindi nalang pakawalan si Topi pag gabi." Aniya habang pinagmamasdan ang bakuran.  Ibaba na nya sana ang kurtina nang makita nya na lumabas bigla si Amelia. Binaba nya ang kurtina at palihim na sumilip. Hindi malinaw sa kanya kung ano ba ang ginagawa ng babae pero nasisiguro nyang may bitbit ito na mabigat. Muling kumahol si Topi.

[Gasps..] hindi nya inaasahan ang biglang paglingon ni Amelia sa direksyon nya. Binitawan nya ang kanyang kurtina at nagtago. Rinig na rinig nya pagkalansing ng kung anumang bitbit ng babae. Parang ibinaba ni Amelia ang mga ito. Maya-maya'y nakarinig sya ng magaan na mga hakbang mula sa labas. Hindi nya maintindihan kung bakit pero nakaramdam sya ng matinding takot. Napatongin sya sa pintuan. Hindi pa ito. Naka-lock. Kung anu-ano agad na nakakatakot ang pumasok sa isipan nya. Kaliligo pa lang nya ngunit parang pagpapawisan na sya sa kaba lalo na nang makitang kusang umiikot ang doorknob nya na parang marahang binubusan mula sa labas. Wala na syang ibang maisip na gawin. Dahil kitang kita nya na marahang bumubukas ang pintuan nya.

[Phone ringing..]

"Hello? Oh?! Papunta na kayo?!" Napapikit sya habang bumubulong ng pasasalamat dahil may tumawag bigla sa kanya. Tiningnan nya ang pinto. Tumigil na ito sa pagbukas.

"Oh? Oo na. Nakabihis na nga. Ilan ba kayo?"  Nagkunwari syang may kausap parin sa cellphone at patay malisyang lumabas. Doon ay natanaw nyang kapapasok palsng ni Amelia sa sariling kwarto.

"Lesson learned Marco, lesson learned.." nasabi nya habang iniisip na sa susunod ay magla-lock na sya ng pintuan.