Chereads / La Hija / Chapter 4 - CHAPTER FOUR

Chapter 4 - CHAPTER FOUR

Samantala sa kanila namang pagkain ng breakfast kasama si Amelia, nakaramdam si Juliet ng pagkailang. Paano'y madalas nya mahuli ang mga simpleng sulyap ni Amelia sa kanya. At sobra sya nito kung asikasuhin. Magmula sa pag sasandok ng pagkain at paglalagay ng tubig sa baso. Kulang nalang nga'y subuan na sya nito. Tumingin si Juliet sa ama. Abala ito sa pagkain kaya hindi siguro nito napapansin.

"Uhm.. excuse me.." biglang nilabas ni Amelia ang cellphone nya.

" Hello? anak?" masayang bati ng babae sa kabilang linya.

" Okay lang. Mayroon. Kasabay ko kumain si Juliet at yung papa nya."

[Amelia chuckle]

" H—ha.." nawala ang ngiti sa labi ni Amelia.

" Ganun ba?.. Sige.. Kelan mo nalang ako bibisitahin?" pinilit naman ng mag-ama na wag makinig. Pero dahil nga kaharap lang nila ang babae'y naririnig nila ang tinuturan ni Amelia. Maya-maya'y binaba na ng babae ang linya at malungkot na kumain.

"Anak ko.. si Anghel.." tumango lang ang dalawa. Pakiramdam ni Juliet nabtama lang na ipakita nilang dalawa ng ama na hindi sila interesado malaman.

"Sya nga pala anak, bago ka pumasok, daanan mo ang ninang mo." Ani Joni.

" Ay oo nga pala. Naku. Baka nagtatampo na iyon." Hindi nya na pala ito nadaanan noong nakaraan.

" Hmm—wag kang magaalala sinabi ko na sa kanya na busy ka sa school. Hmm—Amy, kain ka pa."

"Sinong ninang?" Tanong ni Amelia.

"Ah si Mina. Yung ninang ni Juliet. Kababata namin iyon ng mama nya kaya malapit sa aming mag-ama."

" Weh?—sa atin ba talaga?" Makahulugang biro ni Juliet.

" Ikaw talaga."-Joni.

"So nagkikita kayo ni ninang?" -Juliet.

"Hindi. Nagkasalubung lang sa bayan gawa na pareho pala kami kukuha ng ID. Kasama nya nga ang tita Nimfa mo."

" Sus. Si tita Nimfa pa nga." Si Nimfa na pinsan ng ama nya, ang isa sa mga naguudyok kay Joni na mag-asawa na at botong boto ito kay Mina.

"Oo na. Alam ko na ang iniisip mo. Gusto na nila akong mag-asawa ulit. Para naman daw may ina na magaalaga sayo." Tahimik naman na nakikinig si Amelia sa mag-ama. Ngunit hindi na nya nagugustuhan ang tono ni Joni. Tila nagpapaalam na ang lalaki sa anak.

"Pero gusto ba ni Juliet?" Sabat ni Amelia. Nagkatingan muli ang mag-ama.

"Well..Hindi ko pa matanggap." Palihim na ngumiti si Amelia.

"Pero   hindi naging masamang ama ang papa ko kaya.." ngumiti si Juliet at tumingin sa ama.

"...naniniwala akong deserve ni papa lahat ng happiness."

" So pumapayag ka na na mag-asawa ako?" Biglang sumigla si Joni. Natatawang tumango si Juliet. 

" Opo." Niyakap ni Joni ang anak. Alam ni Joni na mabigat para sa anak ang desisyon na iyon pero dahil sa pagmamahal ng kanyang anak ay mas pinili nito ang kaligayahan nya.

"Hindi mo na ba mahal ang mama mo?" Dito'y medyo nahahalata na nila na kanina pa galit si Amelia.

"Mahal ko po si mama. At siguradong iyon din ang gusto nya para kay papa." Sabi ni Juliet. Biglang tumayo si Amelia. Napatingin sila sa babae.

" May gagawin pa pala ako. Salamat sa pagkain." Bigla itong umalis na walang sinasabibg kahit ano.

" Tenant mo may mens." Bulong ni Joni kay Juliet.

"Baka nalulungkot lang kasi hindi sya binisita ng anak nya." Aniya.

" Kawawa naman."

" Oo nga po eh."

" Hayaan mo sya anak. Maigi na't hindi tayo manghimasok sa personal na problema nya. Pero tama yung ginawa mo. Yung pinuntahan mo sya noong magbalak syang magpakamatay—pero Juliet, hanggang doon lang iyon okay? Ayoko na nai-involve ka sa mga personal matter ng mga tenant natin." Bilin ni Joni.

" Opo papa."

" Hm—bilisan mo na't magaasikaso ka pa."

" Pero jowa mo na si ninang?" Natatawang tanong ni Juliet.

" Hindi pa." Nagtawanan silang mag-ama.

Night 1.

^Journal:

"Kawawa din talaga si Aling Amelia.. sana makabondin na nya na si Anghel."

"Anak, matulog ka na." Sabi ni Joni nang silipin nya si Juliet sa kwarto.

"Maya-maya po. Bukas ko na po kasi ito ipapasa eh." Pumasok si Joni at naupo sa kama ng anak. Pinagmasdan nya ang kabuuhan ng silid. At sa side table ng anak ay nakita nya ang larawan ng kanyang yumaong asawa. Kinuha nya ito at tiningnan. Miss na miss na din nya ang misis nya. Tumingin sya sa anak na abala sa pag gawa ng takdang aralin. Lumapit sya sa anak at ipinatong nya sa gilid nito ang larawan ng kanyang ina. Napahinto si Juliet sa lagsusulat at malungkot na tumitig sa larawan ng ina.

"Anak, okay lang sa akin kung hindi ka pa ready. Hindi naman ako nagmamadali. At alam kong maiintindihan 'yon ng ninang Mina mo." Sabi ni Joni.

" Papa, kailangan mo iyon.  Sa pagiging abala ko para mabuhay, dadating ako sa punto na makakalimutan kong tumatanda ka na. Kailangan mo po ng makakasama. At alam kong gugustuhin din iyon ni mama." Napangiti si Joni. Nakaka proud kasing pakinggan ang mga sinasabi ni Juliet. Napaka-matured na nito. Tinap nya ang ulo ng anak at niyakap.

"Salamat anak. Kung naririnig ka lang ng mama mo siguradong matutuwa sya."

" Sus. Nambola ka pa." Tumawa na lamang ang lalaki.

" Ano 'to?" Bigla nyang napansin ang maliit na butas sa tapat mismo ng kinauupuan ni Juliet. Kinutkot nya ito at tinitigan ng maigi. Para kasi syang namalik-mata. Ngunit kulay itim naman ang butas. Marahil mayroon na itong takip sa kabila.

"Butas po."

"Butas? Bakit mo binutasan?"

"Hindi po. Baka po namali lang si Aling Amelia ng pagkakapako noong nakaraan." Sabi ni Juliet.

" Hmm ganun ba? Hindi bale patatakpan ko nalang." Pakiwari niya'y parang sinadya ang pagkakabutas.  Ngunit ayaw nyang mag- isip ng masama. At ayaw nya din takutin ang kanyang anak. Bigla silang may narinig na kumalabog sa kabila. Tiningnan ni Joni si Juliet tila wala namang iniisip na masama ang anak tungkol sa butas na yon.

"Tatakpan ko ito bukas. Para magkaroon ka ng privacy at yung tenant natin."

" Okay po."

" Matulog ka na dyan."

" Opo."

The breeze was cold, carrying the melancholy tone of the dark environment

Kinaumagahan..

Juliet...

Juliet...

Juliett...

As Joni said, he went to the child's room to cover the hole he saw.  He looked at Juliet who was sound asleep.  He looked at the hole when he saw a crack from the other side. He searched for the source of the crackle.  And until he heard where the book rack was placed on the study table. Kitang kita nya na screw driver ang pinangkukutkot ng kung sino mang nagbubutas sa kabila. Yumuko si Joni upang hindi sya makita. Nakikiramdam... nagmamasid at kinakabahan. Ilang sandali pa'y tumigil na ang pagkaluskos o pagbubutas. Tiningnan nya ang anak. Hindi nya alam kung gigisingin nya pa ba ito o ano. Hindi nya din alam kung ano ang motibo ni Amelia para gawin iyon. Nang masiguro na nyang wala nang kung anoman ay saka sya umalis ng silid ng anak.