A few days passed and little by little Joni noticed that the child's heart was moving away from him. Nagiging madalas na ang pagkain nya ng mag-isa dahil hindi na siya sinabayan ni Juliet sa pagkain. Kung minsan umuwi man si Juliet mula sa school ay nakakulong lang sa kwarto nya. Hindi na rin ito nilalaro si Topi.
[Joni's knocking..]
"Jul—"
Mabuti nalang at agad niyang nakita ang switch ng ilaw. Hindi niya alam kung malikmata lang. Nakapatay kasi ang ilaw sa silid ng anak. Pero sigurado siyang may taong nakatayo at nakatunghay sa natutulog niyang anak. Ang pangangatawan nito ay hindi mawari. Para lamang itong matangkad na anino. Sa sobrang takot at gulat niya nga'y halos malagutan na siya ng hininga. Nang buksan nyo ang ilaw ay tiningnan nya ang kabuohan ng silis ni Juliet. Tahimik syang nagmasid. Tiningnan nya ang anak na tulug na tulog. Nagkataon naman na napadpad ang tingin nya sa sahig at nakita nya ang frame ng larawan ng kanyang yumaong asawa na nasa lapag kung saan nakatayo ang nakita nyang nilalang. Napapalunok syang lumapit para damputin ang picture frame at ilagay ito sa dating pwesto. Dahil sa matinding takot ay hindi na nya nagawa pa ang patayin ang ilaw at pintuan ng anak. Matapos din n'on ay nagpasya syang matulog sa labas ng kwarto ni Juliet upang mabantayan ang anak.
Kinaumagahan..
"Oh anak, kakaluto ko lang. Tara—"
"Hindi na po. Late na po ako." Nagmamadaling lumabas si Juliet ng kanilang bahay na hindi man lang nilingon ang ama.
"Huy? Kanina pa ako nagsasalita. Para kang tuod dyan" Sabi ni Mina.
" H—ha?"
" Ang sabi ko ano kayang magandang gamit na ibibigay kay Juliet?"
" Uh—wag na kaya muna?"
" Huh? Bakit?"
" Baka kasi nabigla ko si Juliet." Sumeryoso ang mukha ni Mina.
7" Ano bang nangyayari?"
"Nitong nakaraan kasi parang umiiwas na sa akin si Juliet.. naiisip ko na napabayaan ko na ata ang anak ko." Kumapit si Mina sa braso ni Joni.
" Kilala ko si Juliet. Mabuting bata 'yon. Siguradong maiintindihan nya. Baka busy lang sa school." Tinanggal ni Joni ang pagkakakapit ng babae sa kanya.
"Pano mo nasasabi iyan? Alam ko kung kelan nagdamdam sa akin ang anak ko." Dala ng inis nya'y iniwanan nya si Mina. Imbis na umuwi ay dumiretso sya sa paaralan. Saktong sakto ito dahil sa ganung oras natatapos ang klase nila Juliet.
"Lori." Hibarang nya si Lori na abala sa pagdutdot mg cellphone.
"Oh hi—tito." Bati namsn nito.
"Si Juliet?"
"Uhm—sinundo po sya ng tita nya."
"Sinong tita?" Kunot-noong tanong ni Joni.
" Wait. Halos kasabayan ko lang 'yon lumabas ng room eh.—ayun! Magi!"
"Hi, Tito Joni!" Masayang bati ni Magi.
" Si Juliet?"
" Ow! She had just left with Aunt Amy."
" Huh?" Nagtataka na lamang na nagtinginan si Magi at Lori nang wala nang sinabi di Joni at nagmamadaling umalis.
"Juliet?.. Anak.." nakarinig siya ng tumatawa.
[Laughing continues..]
"Mas bagay sayo ito anak." Naririnig nya ang usapan ni Juliet at Amelia mula sa kwarto ng anak. Marahan syang lumakad para silipin ang nasa loob.
"Salamat po, mama." Ngayon nga'y tinatawag na ni Juliet na "mama" si Amelia. Kaunting hakbang pa at makikita na nya kung ano bang pinagkakaabalahan ng dalawa sa loob ng kwarto.
"Pa?" Halos atakehin sya sa puso nang marinig ang boses ni Juliet. Gulat at hindi maipaliwanag na takot ang naramdaman ni Joni nang makitang nakatayo sa likod nya ang anak. Pumasok sya sa kwarto ni Juliet ngunit walang tao sa loob. Subalit nasisiguro nyang nasa loob si Juliet at si Amelia.
"Bakit po?" Tanong ni Juliet.
"K—kanina ka pa ba dyan?" Nauutal na tanong ni Joni sa anak. Umiling lang si Juliet.
" Kanina ka pa dyan?" Paguulit nya ng tanong.
"Kararating ko lang. May binili lang po ako sa tindahan." Sagot ni Juliet. Tumingin sya sa sala.
"M—may kasama ka ba dito?" Tanong nya.
"Wala po."
"Bakit po?" Habol tanong ni Juliet. Tumingin muli si Joni sa kwarto ng anak.
"W—wala. Gutom ka na ba? Ano gusto mo kainin?" Tanong niya habang nagpauna na sa pagpunta sa kusina. Hindi naman sumasagot si Juliet at nanatiling nakatitig sa kanya. Kahit hindi sya lumilingon ay alam at nararamdaman nyang nakatingin si Juliet mula sa likod. Hindi nya maintindihan kung bakit ngunit parang napaka-bigat sa kanya ang pakiramdam na iyon. Ayaw nyang mag isip ng masama at ayaw nyang makaramdam ng takot sa sarili nyang anak—ngunit sa kanyang pagluluto'y palakas ng palakas ang kutob nya nasa likod na nya na mismo si Juliet.
"J—juliet? Lumingon sya ng mabilis ngunit walang tao sa likod nya at natanaw nyang nagsara na si Juliet ng pinto ng kwarto. Tinapos nya na lamang ang pagluluto at binalewala ang mga napansin na kakaibang behavior ni Juliet. Matapos nyang magluto ay naisipsn nyang puntahan si Juliet para hatiran ito ng pagkain. Ngunit tulog na si Juliet agad nang pasukin nya ang silid nito. Inilapag ni Joni ang pagkain na hinatid para sa anak. Naupo sya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang natutulog na anak. Napansin nya na yakap yakap nito ang larawan ng ina. His conscience swallowed him up. Perhaps he also found it difficult to accept but with the grief caused by the death of his wife—he invalidated what Juliet was feeling and going through. He became too self-centered and forgot that he had a child who also needed his presence.
"Sorry anak." Nasabi nya na lamang. Hahayaan nya nalang sana na matulog si Juliet nang bigla nyang maalala na si Amelia. He didn't want to think badly of this man but since she became close to Juliet, his daughter's attitude has changed.
In an inexplicable way he thought of removing the cover he had put on the hole and he dared to peek into it to see what Amelia was up to.
[Wood screeching…]
It's dark. He did not see any light o baka may takip na ito sa kabila.
[Screeching continues..]
[Deep gasps..]
Muntikan nang matumba si Joni. Hindi madilim sa kwarto ni Amelia. Nakasilip din ito at mata nito ang nakikita nya at hindi isang takip. Napatingin si Joni sa natutulog na si Juliet. Hindi nya alam kung gigisingin nya pa ba ito o ano. Kimuha sya ng malalim na paghinga at marahan muling lumapit sa butas.
[Slowly gasping..]
Joni's eyes widened at what he saw. Amelia is sitting on top of her bed—nakahubad. Literally. At may hawak itong damit. Pamilyar ito sa kanya. Hindi sya pwedeng magkamali. Uniform ni Juliet ang hawak ng babae. Ngunit ano itong ginagawa ni Amelia? Bakit tila niyayakap nito ang uniporme ng anak? Napaluhod sya nang makitang lalakad palapit sa butas si Amelia sa butas. Malamang ay sinisilip nito si Juliet. Isinandal nya ang ulo sa dingding upang marinig kung may sinasabi ba ito. Pero iba ang kanyang naririnig. Wala itong sinasabi ngunit umuungol ito. Ungol na pa bang mayroon syang kasiping sa kabila. Nahilamos na lamang ni Joni ang mga palad sa mukha. Pinagpapawisan sya ng malapot at halu-halong damdamin na ang kanyang nararamdaman.