Juliet scratched her eyes as she walked out of the room. She was even a little surprised dahil nadatnan nya si Joni sa sala.
"Oh 'pa. wala ka pong pasok?"
"Ahm—sumakit kasi bigla yung balakang ko eh." pagdadahilan ng lalaki. Ayaw nya muna sabihin kay Juliet ang mga nakita nya.
"Okay lang po ba kayo?" Nagaalala na umupo si Juliet sa tabi ng ama.
"Oo anak. Baka maaga lang ako magkakarayuma hahahaha." Aniya.
"Sige po 'pa magpahinga ka muna ngayon ako nalang po mag aasikaso ngayon." Ani Juliet. Ngumiti si Joni.
" Wag na papasok ka pa. Ako na bahala. Papatanggal lang ako ng antok."
" Sure po kayo ah."
" Oo." Tatayo na sana si Juliet nang mayroong kumatok.
" Ako na po."
Juliet immediately approached the door to check who was knocking.
"Aling Amelia. Kayo po pala." Napalingon din si Joni nang marinig kung sino ang dumating.
"Magandang umaga hija. "
"Good morning din po."
"Ipinagluto kasi kita ng pancake." Nakangiti nitong inabot ang nilutong pancake kay Juliet.
"Naku. Nag-abala pa kayo. Salamat po."
"Wala iyon. Naalala ko kasi na napasok ang papa ng maaga baka wala ka pang almusal. Ayoko din naman na papasok ka ng gutom." Sabi nito.
" Ang sweet nyo naman." Ngiti lang ang itinugon ni Amelia.
" Uh—pasok po kayo." Bigla namang lumapit si Joni.
"Ano iyan?" Tanong ng lalaki.
"Pancake po. Bigay ni aling Amelia."
"Andyan ka pala." Ani Amelia.
" Oo nga. Mukhang pang dalawang tao 'yong pancake ah. Pwede humingi?"
" Oo naman 'pa."
" Pasok ka." Yaya ni Joni sa babae. Nakayuko itong pumasok.
" Anak, ipagtimpla mo naman kami ng kape." Utos ni Joni.
" Sige po."
While Juliet is brewing coffee for the two, Joni and Amelia are quietly waiting.
"Eto na po." Inilapag ni Kuliet ang kape sa tspat ng mga ito.
"Ano nga pala trabaho mo noon?" Tanong ni Joni kay Amelia.
"Dati akong nurse sa PSC South Cotabato."
" Hmm. Yung—asawa mo?"
" Doctor sya doon."
" Hanggang ngayon?"
"Oo."
"Ilan ba anak mo?"
"Isa lang."
"Eh—bakit nga ba ulit kayo naghiwalay ng mister mo?"
Juliet felt ashamed of her father's sudden interview with Amelia.
"Papa masyado naman pong personal iyan." Ani Juliet. Hindi kumibo si Joni at nakagititig lang kay Amelia. Joni is full of questions. Despite a series of questions to the woman, Amelia still managed to remain calm. At nakikipagtitigan din ito na para bang handa sya sumagot sa kung anumang gusto nyang malaman.
"Uhh—masarap po itong pancake nyo." Pag-iiba ni Juliet ng usapan upang mabawasan ang tensyon na namamagitan sa dalawa.
" Joni, kung mayroon kang gustong itanong pwede mo akong diretsuhin. Hindi mo ko kailangang idaan sa ganito." Naging poker face ang mukha ni Amelia na pa bang lalong nagpalaki ng awkwardness.
" Okay. Bakit mo binubutas ang ding ding ni Juliet?" Direstsong tanong ni Joni.
" Pa." Parang gusto na lang maglaho ni Juliet sa hiya.
[Amelia just grinned.]
"Pasensya ka na. Madami kasi akong litrato na gustong i-display sa dingding."
" Gamit ang screw driver?"
" Nakita mo pala iyon. Nakakahiya naman." Natatawang sabi nito.
"Naisip ko kasi na baka magising ko kayo lalo na si Juliet kung magpupukpok ako ng ganung kaaga. At wala akong masyadong alam sa ganung gawain." Paliwanag ni Amelia.
" Ako naman ang magtatanong kung okay lang—nakita mo na naman pala ako bakit hindi mo pa ko tinulungan?" Tuloy ay si Joni ang nabaligtad ni Amelia. Hindi nakakibo ang lalaki.
"Pasensya na. Wrong timing ata ako. Mukhang masama ang pakiramdam mo. Uuwi na ako." Walang sabi-sabing umalis si Amelia. Napa-buntong hininga Juliet.
"Pa ano 'yon?" Tanong nya sa ama.
"Uhm—hindi ko din alam."
"Galit po ba kayo kay Aling Amelia?"
" Hindi. Kalimutan mo na iyon. Baka tama nga sya. Baka masama lang ang pakiramdam ko." Ani Joni.
" Magpahinga na lang po kayo ngayon hindi muna ako papasok para maasikaso po kita.
"Hindi pwede. Pumasok ka. Ayoko ng aabsent ka."
" Pero papa.." sumenyas si Joni sa anak na maupo sa tabi nya. Tumalima naman si Juliet.
"Anak, may gusto ako sabihin sayo."
"Ano po iyon?"
"Pwede mo ba iwasan si Amelia muna?"
" H..ho? Bakit naman po"
" Eeh—ayoko lang na masyado kang napapalapit sa mga tenant natin. Alam mo na..—ayoko na baka gamitin nila iyon satin pag dating ng araw. Baka isipin ng mga tenants natin may favoritism tayo."
"Naiintindihan ko po."
" Basta ang gusto ko umiwas ka sa kanya. Okay?"
" Opo."
"Pa, aalis na po ako." Paalam ni Juliet.
" Mag-ingat ka."
" Pare!" Ilang sandali matapos umalis ni Juliet ay saka naman dumating si Lino. Lumabas din si Marco para makitambay kina Joni.
"Ba't gising ka pa?" Sita ni Joni sa binata.
"Maya ho. Nalipasan po ng antok eh." Aniya.
"Oh eto." Inalok ni Lino ng sigarilyo si Marco na tinanggap naman nito.
"Ang tagal mo naman."-Joni.
"Paano yung kapit bahay ko—iyak ng iyak. Nagkagulo sa amin." -Lino.
"Bakit? "-Joni.
" Nawawala yung anak nya eh "-Lino.
"Baka naglakwatsa lang." Ani Marco.
"Eh—sana nga."-Lino.
" Saan ba daw nagpunta bago nawala?"
Suddenly, Joni also felt anxious and curious.
"Hindi ko din alam eh. Masyadong siksikan ang mosas sa bahay nila kanina. Ang dami dami pang pulis."-Lino.
" Mang Lino naman oh. Maghahatid na lang ng chismis bitin pa." Napapakamot na sabi ni Marco.
" Matulog ka na nga. Mag-ipon ka ng tulog para hindi kayo nagsasabong ni Juliet kapag sinisingil ka sa upa." Natatawang sabi ni Joni.
" Ay naku kuya Joni. Likas na masungit talaga 'yang anak ninyo."
" Saiyo lang."-Joni.
" Oo. Malakas ang pang-amoy ng pamangkin ko—ayaw 'non ng babaero."-Lino.
" Mang Lino naman. Parang nakababatang kapatid ko nalang 'yang si Juliet. Hindi ko 'yan pagiinteresahan."-Marco.
" Wala naman akong sinabibg ganun ah."-Lino.
Meanwhile — in the middle of their happy conversation, Amelia passed by who looked like she had come from the market again. The three men who were talking were malicious and pretended to see nothing.
"Iyan ba yung bagong tenant mo?" tanong ni Lino.
"Oo, bakit?"
"Hmm.. para kasing ano.. parang nakita ko na yan kanina.." sabi ni Lino na nagkakamot pa ng ulo sa pagiisip.
"Mang Lino type mo si Aling Amelia ah." biro ni Marco. Binatukan sya ni Joni.
" Parang nakita ko tung mukha nya eh doon sa—"
"Hoy! yung basura nyo hindi nanaman nakuha!" biglang sigaw ng kanilang kapit-bahay.
" Naku. Next week pa balik ng mga 'yon." napapailing na sabi ni Joni.
"Maghukay ka nalang dyan sa gilid pre. ilibing mo nalang yung basura." suhestiyon ni Lino.
" Marc, tulungan mo ko pag day off mo ah."
"Sige po."
" Ano nga ulit yubg sinasabi mo tungkol kay Amy?"
"Ah oo—"
"Kuya, bakit parang laging may handaan sa bahay ni Aling Amelia?" sabat ni Marco.
" Hindi ko din alam. Pero minsan hinahatiran nya si Juliet ng pagkain."-Joni.
" Naku kuya baka type ka ni—"
" Bibig mo nga." Saway ni Joni.
" Mag-asawa ka na kasi pre para naman hindi na naghahanap ng kalinga ng ina si Juliet."
" Darating din tayo dyan."-Joni.
" Anong 'tayo'? Kayo lang uy. Ayoko pa. Hahaha" sabi ni Marco na tinawanan naman nina Joni at Lino.