Chereads / Imperfect Couple / Chapter 4 - Chapter Four

Chapter 4 - Chapter Four

BRIAN LOPEZ Point of View

Nasa conference meeting ako habang kausap ang mga board directors nang makatanggap ako ng isang tawag. Wala itong sound pero nag vi-vibrate ito sa aking bulsa. Habang nakikinig sa kanila ay kinuha ko iyon upang malaman kung sino ang tumatawag. Nanliit ang mata ko ng makita ang caller name. Bago siya umalis kaninang madaling araw ay pina-save nito ang kanyang number. Sinagot ko iyon.

"Brother-in-law." bungad sa tawag nito.

"What can I do for you, Ms. Cortez?" tanong ko.

"I'm sorry to disturb you. I know you're a busy person."

Binaba ko ang cellphone at tinakpan iyon.

"Excuse me!" malamig na tugon ko sa mga kaharap ko.

Tumayo ako at lumabas sa conference room.

"Not really, Miss Cortez. I though you are tired at hanggang ngayon tulog pa." Huminga ako ng malalim. "Tell me, Miss Cortez. Bakit hinahanap mo ko ng ganitong oras? Miss me?" sarkastikong sagot ko.

"Mamayang gabi, aattenand ako charity ball na pangungunahan ni Mayor Raymond Villafuerte. It's importante dahil related ito sa project na gusto nating makuha. We can't miss the opportunity."

"You can't miss the opportunity. Kahit hindi ko makuha ang project na iyon, tatakbo pa rin ang business ko." sagot ko.

"I know, pero malaking kawalan sa company mo kapag nakuha ng Pyramid ang project." sabi nito. I heard her gigle. "Brother-in-law, I need you to be there. Wala akong kasama pupunta doon kaya naman, baka pwede na samahan mo ako. Please."

Sa imahinasyon ko nakikita ko ang ngiti nito. Ang magandang mukha nito at kung paano ito humingi ng pabor na alam kong hindi ko mahihindian. Napabuntong hininga ako.

"Ganyan ka na ba kadesperada na pakasalan ako, Miss Cortez?' sarkastikong tanong ko.

"Brother-in-law, 'wag ka naman masyadong mean sa akin." ngising sagot sa akin. "Using my effort para ma achieve ang goal natin ,syempre determinado ako." dagdag nito.

"That is your goal, not mine." apila ko.

"Whether me or you, for the sake of this project you should accompany me." Narinig kong bumuntong hininga ito sa kabilang linya. "Okay! If you accompany me, I'll give you a reward and make an effort tonight. Deal?"

Gusto ko makita kung talaga bang makukuha ng babaeng ito ang project. I'm interested kung ano ba ang kaya niyang gawin para makuha ang bagay na kanyang gusto. I curled my lip.

"Then, daanan mo ako dito sa office. 5pm sharp." tugon ko.

"Thank you, brother-in-law."

Pinatayan ko ito ng cellphone. Naiinis ako na tawagin niya ako sa ganoong pangalan. Bumalik ako sa conference room at itinuloy ang meeting.

Naghihintay ako sa aking opisina habang nakatingin sa glass window kung saan kita ang buong siyudad sa Cebu. It's already 5pm pero hindi ako bumababa kahit tinatawagan ako ni Samantha.

Gusto ko itest ang temper niya. Alas sais na at wala pa rin akong balak bumaba. Muli ako nitong tinawagan at bago sagutin iyon ay pinigilan ko muna mapangisi. "Maybe she's angry and lost temper."

I decided na bumaba na at puntahan ito. Nasa ground floor na ako ng makita ko ito sa malayo. Wearing a beautiful, classy but simple long gown. Sinagot ko iyon at napatingin ito sa kinaroonan ko. Binaba na nito ang kanyang cellphone at masayang naglakad upang salubungin ako.

"Brother-in-law, you're late." ngiting sabi nito sa akin. Iniyakap ang kamay sa aking braso.

"I'm busy, I can't compromise my important matter dahil lang sa'yo."

I thought magagalit ito at sisigawan ako pero hindi. Maganda pa rin itong nakangiti sa akin.

"Okay lang 'yun. Alam ko naman kung gaano ka ka-busy. Shall we go?" tanong na yaya nito.

Dumating na ang kotse na sasakyan na dala ng aking driver.

"Get in." utos ko.

Pagpasok nito ay agad akong sumunod. Isiniksik ko ito sa pinakadulo ng sasakyan at binigyan ng maalab na halik sa labi. Naramdaman ko ang pagiging mailap nito at kulang na lang itulak ako palayo.

"Brother-in-law. what are you doing?" tanong nito sa akin.

"Ano sa tingin mo?" sarkastikong tanong ko sa kanya. "I'm getting my reward."

"Nandito tayo sa tapat ng kompanya mo. Nakakahiya sa mga empleyado mo na madadaanan tayo.

Can't you wait any longer? Beside kailangan muna natin pumunta sa charity ball."

"And so what? I don't care."

Sa harap ng babaeng ito nawawalan ako ng pagtitimpi sa sarili. This is my first time to make a move. I can;t wait any longer but she's right. Hindi naman magandan kung makikita kami dito sa kotse na gumagawa ng milagro.

"You are so naughty, brother-in-law." ngising tugon nito sa akin.

Hahalikan kong muli ito ng iniwas niya ang kanyang mukha. Nakahawak ang kamay nito sa dalawang balikat ko at pinipigilan na makalapit sa kanya.

"Anong problema mo? 'Di ba ikaw ang may gusto nito? So, ayaw mo ng pumunta ng chairty ball kasama ako?"

"Hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin. We are almost late. Pwede naman natin gawin 'yan mamaya kapag tapos na yung mission natin."

"Your mission has nothing to do with me." sagot ko at akmang hahalikan muli ito.

"Kapag hindi tayo naka-aattend mamaya, all my plans will ruin. Kapag hindi ko nakuha ang project, ibig sabihin hindi mo ko papakasalan. At kapag nangyari 'yun, wala na akong rason para ibigay ko pa sa'yo ang katawan ko." nawawalan ng pasensiyang sabi nito pero nakangiti pa rin.

Inayos ko ang aking pagkakaupo. Pati ang coat ko na nagusot at hinagod ko upang mawala ang lukot. Umayos na rin si Samantha sa pagkakaupo at inayos ang gown nito. Muntik ko na kasing maibaba ang strap ng gown at naitaas ang gown nito. I clear my throat at tinignan ito.

Habang nasa byahe ay inaayos niya ang kanyang buhok na nagulo. Pati ang kaunting lipstick na kumalat sa kanyang mukha at tinanggal nito. I stared at her. Kahit simple lang ang make up nito ay lumalabas pa rin ang totoong ganda na meron siya. Her dress is simple pero dalang-dala niya. She's perfect and has exceptional beauty na kahit kanino babae hindi ko nakita.

For the first time, nakakita ako ng katapat ko. Smart, resourceful and brave. Karaniwan kasing babae na nakakasama ko ay handang ibigay ang sarili sa akin. Napaka ineteresado talagang makipag-deal sa babaeng ito.

Huminto kami sa isang five star hotel kung saan ginaganap ang charity ball. Nauna akong bumaba ng kotse na sinundan niya. Hawak nito ang invitation at maliit na bag.

"Look like I underestimated you, Miss Cortez. Handang-handa ka talaga ngayon gabi." sambit ko.

"Naisip ko na din 'yan. Compare to you and to my step-sister, iisipin niyo talaga na wala akong kakayanan na gawin ang mga bagay na ito." ngising tugon sa akin. "Nagbago na ba ang impression mo sa akin, Mr. Lopez?" tanong nito habang nakabaling sa dinadaanan namin at magandang nakangiti.

Nakikita ko rin na titig sa kanya ang mga ilan lalake na nadaanan namin. Nagtalim ang mata ko sa mga iyon at mas isiniksik ang sarili ko kay Samantha. Ito naman ang gusto niya, 'di ba? So be it!

Sinalubong ako ng isa kong kilala na nandito sa party. Kumalas naman ang kamay sa akin ni Samantha at umalis sa aking tabi. Habang kausap ang kakilala ko ay hindi naalis ang mata ko kay Samanta. Lumapit ito kay Mayor Villafuerte. Hinalikan nito sa pisngi at mahigpit na niyakap.

Napakuyom ang aking kamay na nasa aking bulsa. Nanlamig din ang tingin ko sa aking kausap.

Nakita ko na nakayakap ito kay Mayor Villafuerte papaalis sa madaming tao. Sinundan ko ng tingin ang mga ito ay nakita ko sila na lumabas ng banquet hall. Gusto alisan ang kausap ko upang sundan ito.

Ganito ba talaga ang babaeng iyon? Lahat gagawin pati ang sumama sa ibang lalaki para makuha ang gusto? Nagngingitngit ang puso ko na mahawakan siya ng ibang lalaki. Kanina ng makita ko sila ay iba ang closeness ng dalawa.

"Samantha Cortez. You give me a headache." sabi ko sa isip ko.

Hindi na ako mapakali dahil hindi pa bumabalik ang mga ito. Napatingin ako sa orasan at almost 30 minutes na ng umalis ang dalawa.

"What are they doing right now?' tanong ko sa isip ko.

Nag-excuse ako sa kausap ko upang sundan ang mga ito. Lumabas ako sa banquet hall at nagtanong-tanong sa aking paligid. Hinanap ko rin ito sa groundfloor ngunit bigo ako na mahanap ang dalawa. Bumalik ako sa banquet hall. Baka pagbalik ko ay nandun na ito.

Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Naisip ko pa na nakapatong si Samantha sa matandang iyon. "Shit! I'm getting paranoid at dahil iyon sa babaeng iyon."