SAMANTHA CORTEZ Point of View
Pagdating sa banquet hall, iniwan ko na si Brian kasama ang kakilala nito. Pinuntahan ko kaagad si Uncle Raymond upang kausapin ito. Sinalubong ko ito ng halik at yakap.
"Why are you here?" tanong nito pagkatapos akong halikan.
"Humingi ako ng invitation kay Tifanie dahil gusto kita makausap." sambit ko. "Uncle Raymond, pwede ba kita makausap ng sarilinan?" tanong ko. "I know your busy but this is urgent and important matter."
"Ofcourse, hija. Kailan ba kita tinaggihan." sambit nito.
Nagpaalam ito sa kanyang kausap. Nang makapagpaalam na ito ay pinuntahan ako.
"Doon tayo sa private room." yaya nito.
Iniyakap ko ang kamay sa kanyang braso palabas sa banquet hall. Dumiretso kami sa private lounge nito na madalas namin pinag-s'stayan kasama ng anak at asawa niya. Malapit ang pamilya Villafuerte sa akin dahil na din sa koneksiyon ni daddy. Isa si Uncle Raymond na nagtiwala kay daddy na wala itong kasalanan sa nangyari, 5 years ago.
Pagpasok sa lounge ay naupo kami. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ang pakay ko.
"Uncle, I need your help." sabi ko. Seryoso akong humarap sa kanya ngunit nginitian lang ako nito.
"Alam ko na ang mukha mong ganyan, anak. What can I do for you my second princess?" sabi nito sa akin. Bukod sa tatlong anak nito ay tinuring na ako nitong isa sa kanyang mga anak ng yumao na si daddy. Ang mga anak nito ay sina Ronald, Erick at Tifanie. "Don't tell me na may kinalaman ito sa mga Lopez?" tanong nito. Napabuntong hininga ito sa akin. "Samantha, I know what you are trying to do. Gusto mo patunayan na wala kinalaman si Adrian sa nangyari 5 years ago. Are you serious na gusto mo talaga makilala kung sino ang talagang may sala na inisdenta na iyon?" Hinawakan ni tito ang kamay ko. "This is not simple matter, hija. Alam mong hindi magugustuhan ng daddy mo ang gagawin mong ito."
Tumingin ako ng seryoso kay Uncle Raymond. Alam ko na mahirap ang pagdadaanan ko at maaring ikapahamak ko pero hindi ako matatahimik hanggat hindi napaparusahan ang may sala at hindi nalilinis ang pangalan ni daddy.
"Uncle, alam ko na po. Pero desidido na po talaga ako. Kailangan kong gawin ito hindi lang para kay daddy kung hindi para sa akin din. Ayoko mabalewala ang pagsasakripisyo niya at akuin lahat ng kasalanan na hindi naman niya talaga ginawa. Alam niyo naman po iyon, 'di ba?!"
"Kung 'yan na talaga ang plano mo. Ikaw ang bahala. I will support you. Isa lang ang hiling ko, ingatan mo ang sarili mo."
"Thanks, uncle. I owe you this."
Pagkatapos naming mag-usap ni Uncle Raymond ay bumalik na kami sa banquet hall. Naroon na ang pamilya Villafuerte na sinalubong ko. Hinalikan ko isa-isa si kuya Erick, kuya Ronald and one of my bessy, si Stefanie. Matanda lang ito sa akin ng dalawang taon pero marami kaming bagay na pinagkakasunduan.
Bago ko iwan si Uncle ay binulungan ko ito.
"Uncle, sa tingin mo bagay ba kami ni Brian Lopez?" tanong ko.
Uncle poked me. "His heart is not belong to you."
"You are so mean, Uncle." pakunwaring tampo ko. "I have to go. Bibisitahin na lang kita kapag may time ako. Hindi ko na rin aaksayahin ang oras ng mahal naming Mayor." ngising sabi ko. "Uncle, sooner or later, I will give you a good news, sana maging masaya ka para sa akin." Binigyan ko ng magandang ngiti si Uncle at umalis na. May mga tao na rin kasing naghahanap sa kanya kanina pa.
Pabalik na ako sa table namin ni Brian ng matanawan ko ito sa malayo na kasama si Ivory. Nag-init ang mata ko sa galit. Pero expected ko naman na makita siya dito dahil kasama siya sa halos gathering na ginaganap sa buong cebu. Dahil din sa koneksiyon ng mga Gonzales, halos lahat ng kilalang tao dito sa Cebu ay kaibigan at kakilala nila.
Ngayon, ipapamukha ko sa babaeng ito kung ano ang kaya kong gawin. Kung noon nakaya niyang ahasin ang ex-boyfriend ko na si Harold, ngayon ipaparamdam ko naman ang sakit sa kanya kung paano mabalewala ng taong gusto o mahal mo. "Watch and learn, Ivory!" sabi ko na nakangisi sa aking sarili.
Umupo ako sa tabi ni Bria. Ngumiti ako ng maganda na humarap sa aking step-sister.
"Step-sis, nandito ka pala." kunwaring gulat na sabi ko.
Nakita ko ang pagdilim ng mukha nito na ikinatutuwa ng puso ko.
"Dear sis, ako dapat ang nagtatanong niyan sa'yo!"
"Tama ka sis, dapat hindi na ako magtaka na nandito ka dahil isa kang kiallang tao dito sa cebu." sabi ko.
Napairap ito sa akin. Nakataas ang kilay at malamig ang mukhang nakatingin sa akin.
"Kaya ba nandito ka dahil alam mo na pupunta din dito ang ex-boyfriend mong si Harold?" banggit nito. "Pathetic!" irap na sabi nito sa akin.
"Is that so?" matigas kong sabi. "I think nakalimutan mo na ata yung nangyari, 2 years ago. Hindi ba nilandi mo ang ex-boyfriend ko kaya nakipaghiwalay siya sa akin? Dear sis, mukhang ikaw ata ang nandito ngayon para makita ang walang kwentang lalaking iyon." Pakibit balikat kong sabi. I sip my wine at kinakalma ang aking sarili.
Hindi ito ang oras para gumawa ng eksena. Impoprtante ang event na ito sa akin, ganun din kay Uncle Raymond.
Nakita ko na naging aligaga si Ivory sa aking sinabi at tumingin kay Brian. Alam ko na ayaw niyang masira ang magandang image sa lalaking ito. Sa amin dalawa, siya ang pathetic. Napakuyom ang kamay nito na nakapatong sa lamesa.
"Samantha, you shut up or I will tear your mouth!" pagpipigil na sabi nito. "Harold is not my time. Hindi siya ang klase ng lalaking pakakasalan ko."
"Oh! Okay." tipid kong sagot at binigyan ito ng magandang ngito. Itinaas ko ang aking kamay upang makipag cheers. "Cheers!" sambit ko at nilagok ko ang laman ng aking baso.
Kinuha ko ang kamay ni Brian at hinimas iyon. Kaya niya i-deny ang sinasabi ko dahil wala akong proweba.
"Before, pinuntahan ako ni Harold para magkabalikan kaming dalawa. May pinakita pa nga siyang video na kung saan kitang-kita kung paano mo siya nilandi. Ikaw pa nga ang pumunta sa kwarto niya, hindi ba?!" sarkastikong sabi ko.
Gustong makipagbalikan sa akin ni Harold kaya ikinuwento niya lahat sa akin ang nangyari. Ang totoo, sina-psycho ko lang si Ivory. At kita naman sa kanyang mukha ang pagka-guilty.
"Bakit ko naman siya lalandiin? He's so disgusting. He;s like a piece of trash na kahit kailan hindi ko dadamputin dahil ginamit mo na. At yung video na sinasabi mo, gawa-gawa niya lang iyon para magmukha akong masama sa'yo."
"Okay lang iyon. Gusto mo ba i-send ko yung video sa'yo at dalhin mo sa NBI para makasuhan mo si Harold? Para malaman na natin kung sino sa inyong dalawa ang nagsisinungaling at nagsasabi ng toto."
Nilakihan ako ng mata ni Ivory na para bang gusto niya na akong tumigil. Gusto niya akong tumigil dahil andito si Brian na magiging future husband niya. Pero hindi na mangyayari iyon, never!
"Samantha, don't talk nonsense over here. Sagutin mo ang tanong ko kung bakit ka nandito?" paangil na tanong nito at halata namang nauubusan na ito ng pasensiya.
Natawa ako. Bumaling ang tingin ko kay Brian na ngayon matalim ang tingin kay Ivory.
"I thought sinabi na sa'yo ni brother-n-law kung bakit andito ako ngayon. Anyway, mukhang wala ka naman kaalam-alam." Napangisi ako at pinisil ng madiin ang kamay ni Brian. "Brother-in-law, the matter is settled. Kailangan natin umalis ngayon, para maasikaso ang contract."
Nakita ko ang pamimilog ng mata nito. Hindi nito inaasahan na wala pang isang araw ay makukuha ko na ang project.
"Okay, let's go." yaya ni Brian.
In my peripheral view, nakita ko ang naiinis na mukha ni Ivory. Tumayo ito at nagsalita.
"Brian, can I go with you?" sabat nito. Tinitignan ko lang ang talunang mukha nito.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Brian. Hinatak ko na ang braso nito palabas ng banquet hall.
"Brother-in-law, umalis na ako sa bahay. Pwede mo ba akong kupkupin kahit mga ilang araw lang? Pagnakahanap na ako ng malilipatan, aalis din ako." parinig ko kay Ivory. Mas maganda nang isipin niya na sa bahay ako ni Brian matutulog.
"Why?"
"Like what you said, itinakwil na ako ng mga Gonzales. Hindi naman ganun kakapal ang mukha ko para mag-stay sa impyernong bahay na iyon." Inalog ko ang braso nito. "Can you help me?" pa-cute kong tanong.
I'm not serious about living with the same roof with him. Delikado ako! Kaya naman, kapag naghiwalay kami ngayong gabi, didiretso na ako pauwi sa hotel.
Sa byahe, nakakita ako ang paborito namin ni daddy na restaurant. "Golden Chiken Chinese Restaurant" Kilala ang restauarant na ito dahil sa mura ng mga pagkain pero dekalidad ang lasa. Volunteer din sa firefighter ang mga staff dito.
"Brother-in-law, pwede mo ba ako ibaba diyan malapit sa restaurant?" sabi ko.
Agad naman huminto ang kotse at bumababa agad. Bago o isara ang pintuan at nakayuko ako upang kausapin si Brian.
"Pupuntahan na lang kita bukas sa opisina mo para pag-usapan yung contract. Good night and thank you for tonight."
"Are you ordering me, Miss Cortez?" malamig na tanong nito. Nagtataka naman ako dahil wala naman ako nasabi na masama o masakit sa tenga.
"HIndi naman sa ganun, Mr. Lopez. I think it's getting late at alam kong pagod ka rin sa trabaho." paliwanag ko.
"You asked me if you can stay to my house, right?"
"Oo, but you didn't answer kaya naisip ko na ayaw mo. Beside, may tinutuluyan na akong hotel. So I won't bother you anymore."
"You can go to my place!" maawtoridad na sabi nito.
"No need. Thank you." sagot ko.
"Samantha Cortez, sa tingin mo ba ganun mo lang ako kadali mapapasunod sa gusto mo? Pagkatapos mo kong gamitin, isasantabi mo na lang ako?!" malamig na tugon sa akin. Brian grabbed my risk papalapit sa kanya. Tumaas ang balahibo ko sa batok ng bumulong ito. "I want to see your performance tonight, baby."
Kinuha ko muli ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak at nginitian ito.
"Not tonight, baby." sabi ko sabay sara ng pintuan ng kotse. Naglakad ako papunta sa restaurant. Nagulat ako ng may humawak sa bewang ko.
"Hindi ikaw ang masusunod ngayon! Whether you like it or not, wala ka ng magagawa. Since the Bantayan Island is settled, you are my woman now."