Hymn of The Lost Harmony

🇵🇭classic_dreams
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 18.5k
    Views
Synopsis

PROLOGUE

Maririnig ang tunog ng alarm clock sa tabi ng higaan ng isang lalaking natutulog. Ilang segundo matapos itong tumunog, kusang nagbukas ang mga mata ng lalaki. Tiningnan niya ang alarm clock na nasa tabi niya atsaka ito pinatay.

Tumayo siya mula sa pagkakahiga atsaka ginusot-gusot ang mga mata niya. Naglakad siya papalabas ng kwarto at nagtungo sa kusina.

"Hoy!" bungad ng kanyang nakatatandang kapatid na babae ng makarating siya roon. "Good morning!"

"Morning." ang tanging sagot ng lalaki.

Naghain lamang siya ng isang cereal bilang umagahan at matapos no'n ay muli siyang bumalik sa kanyang kwarto habang dala-dala ang cereal.

Nagtungo siya sa kanyang study desk atsaka inilapag dito ang hawak niyang cereal. Binuksan niya ang kanyang laptop atsaka pinindot ang link kung saan siya ay sasali para makapag-online class siya.

Nang makasali siya roon, naabutan niyang nagle-lecture na ang kanyang professor, ngunit imbis na siya'y makinig, kinain niya lang ang cereal na dala-dala niya at saka kinuha ang cellphone niya.

Isang ngiti ang kumurba sa kanyang labi habang tinititigan ang hawak niyang cellphone atsaka niya ito pinindot. Mula sa isang ngiti, kumurba ito ng pabilog na sumisimbulo na siya ay nagulat.

"Woah! So ito pala 'yon? Nice, nice!"

'Hindi nasayang ang perang pinambili ko.' dagdag pa nito sa kanyang isipan.

Ang tinutukoy niya ay ang binili niyang RPG game sa isang online shop. Ang larong ito ay pinamagatang The Euphony in Schmaltz. Bali-balita sa social media na sikat at napakaganda ang larong ito. Mahahalata naman talaga na sikat ito dahil kailangan pa itong bilhin para lang ma-install sa gadget.

Masusi niya itong tinitingnan, at sa bawat pindot niya ay mababakas sa hitsura niya ang tuwa.

Ilang minuto ang lumipas ay panay pa rin siya sa paglalaro. Pindot dito, pindot doon. Ni hindi na niya alam kung ano ang sinasabi ng professor niya.

"Hoy!" isang sigaw ang umalingawngaw sa kabuuan ng kwarto niya. Maski siya ay napatigil atsaka napatingin sa lugar kung saan nanggaling ang sigaw.

Doon niya nakita ang kanyang nakatatandang kapatid na babae na nakapa-meywang at magkasalubong ang kilay.

"Ano 'yan? May klase ka tapos naglalaro ka lang?" sigaw pa nito.

'Epal naman nito.' pagrereklamo niya sa kanyang isipan.

Hindi na lamang niya ito pinansin, bagkus ay humarap na lang siya sa screen ng kanyang laptop atsaka nagpanggap na nakikinig sa kanyang professor.

Ilang oras ang nakalipas, natapos na ang kanyang online class. Nagtungo siya sa kanyang kama at saka doon humiga at muling naglaro.

Halos buong araw ay doon lamang siya nakatingin sa kanyang cellphone. Hanggang sa sumikat na ang buwan ay naglalaro pa rin siya.

"Oy!" mahinang sigaw ng ate niya sa kanya. Pumasok ang ate niya sa loob ng kanyang kwarto atsaka binuksan ang ilaw.

"Bilhan mo nga ako ng asin doon sa may mini grocery store. Dali na!" utos nito sa kanya.

"'Yoko, ikaw na." pagtanggi nito.

"Sige, basta ikaw ang magluto." napasinghal naman ang lalaki atsaka tumayo mula sa pagkakahiga.

Lumabas siya ng subdivision para magtungo sa tindahan. Habang naglalakad siya ay nilalaro niya pa rin ang The Euphony in Schmaltz.

Matapos niyang makabili ng asin, normal siyang naglakad habang nakatutok pa rin sa cellphone niya. Lakad lamang siya ng lakad. Ang paningin niya ay naka-focus sa cellphone niya at wala siyang pakialam sa paligid niya.

Hanggang sa...

"Kuya!" kusa siyang napatingin sa batang babaeng sumigaw. Hindi ito malapit sa kanya, ngunit hindi rin ito malayo. Kitang-kita sa reaksyon nito ang gulat.

Ang lalaki naman ay gulat din ang reaksyon na may kahalong pagtataka.

"Kuya!" mas lalo itong nagulat ng muling sumigaw ang bata. Lumingon siya sa harapan niya at gulat na gulat siya ng makita niya ang isang van na bumubulusong at pagewang-gewang ng takbo.

Tinangka ng lalaking tumakbo, ngunit huli na ang lahat.