ALVIR's POV"Oh? Maupo ka muna." inalalayan ako ni Cinroeslia sa isang street bench. Hindi ko na kinayang maglakad."Naku ano ang nangyayari sa'yo?!" teka bakit para siyang nagpa-panic? "Inumin mo ito dali!""Ha? Ano 'to?""Inumin mo na lang!" kunot-noo ko namang tinitigan ang isang kulay asul na likido na nakalagay sa loob ng maliit na boteng gawa sa salamin atsaka ito ininom."Ayos ka na ba?" teka bakit gano'n?Bakit pakiramdam ko ay lumulutang ako? Ang sarap sa pakiramdam."Hoy imulat mo ang mga mata mo!""Ha?!" teka anong nangyari?! "A-anong nangyari?""Ang ininom mo ay isang gayuma kung saan 'pag ininom mo ito ay magkakaroon ka ng ilusyon." sambit nito."Kaya pala." gusto ko ulit uminom!"Masyado ka sigurong napagod sa page-ensayo. Dapat hindi mo sinusobrahan ang page-ensayo mo dahil maaari ka talagang mapagod ng husto.""Ayos lang ako." sambit ko pa atsaka tumayo."Dahil isa ka ng manlalakbay, siguro naman ay pwede ka ng tumuloy sa paupahang-bahay ni Manong Fredrick." tumingin naman ako rito atsaka tumango.---"Hmm, oo nga!" sambit ni Manong Fredrick habang masusing tinitingnan ang tsapa ko. "Sige maaari ka ng pumasok. Kausapin mo si Manang Belindah upang malaman mo ang tutuluyan mong kwarto."Matapos sabihin iyon ni Manong Fredrick, kaagad akong pumasok sa loob ng paupahang-bahay niya. Nasa bungad pa lang ako ngunit pagkamangha na agad ang aking naramdaman."Woah, ang laki pala nito?" masasabi kong napakalaki ng bahay na ito. Mukhang nasa 5-6 floor ito o mahigit pa. Bukod dito, ay napakalawak nito."Kamusta!" napatingin ako sa babaeng biglang nagsalita. "Mukhang ngayon lang kita nakita rito. Ano ang iyong pangalan?" base sa ayos niya at sa pwesto niya, siya ang receptionist dito."Ako si Alvir." sambit ko. Nakita kong naglabas ito ng isang malaking kwaderno atsaka nagsulat."Ikaw ay nasa dibisyon ng Vselennaya, hindi ba?" tanong nito kaya naman tumango ako. "Sige, maaari ka ng pumasok sa loob."Nang tuluyan na akong makapasok dito, napansin ko na maraming gamit ang naka-display dito. Maraming mga mortal ang nakasuot ng damit-pangkasambahay. Mukhang sila ang kasambahay dito.So para palang hotel ang style nito?"Ang kwarto ng mga lalaki at ng mga babae ay magkaiba. Pero sa isang kwarto na tutuluyan mo, may kasama ka. Maaaring dalawa kayo o tatlo." rinig kong sambit ni Cinroeslia."Tuwing kakain naman ay may nakatakdang oras para rito. Tingnan mo na lang sa anunsyong naroroon sa sulok." tumango naman ako. "At kapag tayo ay kakain, lahat ng mga mortal na naririto sa paupahang-bahay ay sabay-sabay na kakain doon sa kusina.""Parang gano'n sa bahay-ampunan?""Oo!"Hotel-style at orphanage-style pala ang paupahang-bahay na ito. Mukhang maayos naman kung dito na ako tutuloy para iwas gastos na rin at may maayos akong matutuluyan. Sa tingin ko naman ay magkakaroon ako ng mga kaibi---"Alvir? Alviiiir!" kunot-noo ko namang hinanap ang direksyon ng isang nilalang na sumigaw ng pangalan ko."M-Magnus?!" teka, bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito?!"Bakit ka nandit--- hoy 'wag mo nga akong yakapin!" pinilit kong kumalas mula sa pagkakayakap niya pero masyadong mahigpit ang pagkakakapit niya sa akin.Maya-maya pa'y kumalas na ito."Masaya ako dahil dito ka rin tutuloy! Mayroon ka na bang kwarto? Doon ka na lang sa kwarto ko kasi mag-isa lang ako roon e, nakakainip.""Ah..." kung magiging roommate ko siya, mukhang magkakagulo kami."Oo nga naman, Alvir. Bakit hindi na lang kayo magsama nitong kaibigan mo." napatingin naman ako kay Cinroeslia."Aaaaaahhhh!""Aray!" napatakip ako ng aking tenga dahil sa biglaang pagsigaw ni Magnus! "Manahimik ka ng---""Napakaganda mo sa malapitan!" napatingin ako kay Magnus na parang naghuhugis-puso ang mata niya habang nakatitig kay Cinroeslia."Ah..." nakita ko kung paano napangiwi si Cinroeslia kaya palihim akong natawa."Anong tinatawa-tawa mo d'yan, Alvir?! Hindi mo sinabing may nobya ka na pala!" huh?!"Teka, hindi---""Bakit napakasama ng mga dyos? Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong nobya?! Bakit ikaw me--- Aray!" welp, binatukan ko lang naman siya. Sobrang lakas ng boses niya at kada may dadaan ay napapatingin sa kanya."Una sa lahat, hinaan mo ang boses mo. At pang-huli, hindi ko nobya si Cinroeslia." pagtatama ko rito."Cinroeslia pala ang iyong ngalan." sambit nito habang nakatingin kay Cinroeslia. "Ako si Magnus, nagagalak akong makilala ka.""Gayundin ako." ngumiti naman dito si Cinroeslia kaya naman lalong nag-mukhang baliw si Magnus. Para siyang inatake sa puso."O siya, mauuna na ako. May mga bagay pa akong dapat ayusin." tumango naman ako atsaka siya pinanood na umalis."Nakikita mo ba kung gaano siya kaganda, ha?!" natawa naman ako sa sinabi ni Magnus.Pero tama siya. Napakagandang babae ni Cinroeslia.---"Teka, ano ang kakaibang tunog na 'yon?" bigla kong pagtatanong. Kasalukuyan akong nasa kwarto at nakahiga sa sarili kong kama."Palatandaan 'yon na kakain na, kaya tara na." sagot naman ni Magnus. Agad naman kaming nagtungo sa vazett-draiochta at sa isang iglap, nakita namin ang sarili naming nasa kusina na.Si Magnus na ang nag-desisyon kung saang pwesto kami uupo kaya pumayag na lang ako.Ang kabuuan ng kusina ay napakalaki. Pero ang tanging nakikita ko lang ngayon ay dining area at masasabi kong napakalaki rin nito. Malalapad at napakahaba ng mga lamesang makikita rito kaya sa isang lamesa ay napakaraming mortal na ang nakaupo sa kanilang napiling pwesto.Pagkaupo ko sa aking pwesto ay otomatikong may nagpakitang pagkain sa harapan ko. Medyo nagulat nga ako e."Alam mo ba kung bakit dito ang napili kong pwesto, Alvir?" biglang tanong ni Magnus habang kumakain kami."Bakit?""Dahil napakaganda ng tanawin! Kay daming babae ang nahahagilap ng aking mga mata." napangiwi naman ako habang nakatitig sa kanya."Sige, sabi mo e." pag-sang-ayon ko na lang.Patuloy lamang ako sa pag-kain at hindi na pinansin pa ang kapaligiran ko. Ngunit habang tahimik akong kumakain, muli kong naalala ang pag-uusap namin ng babaeng pumapatay ng mortal tuwing gabi kanina.'Ang pamilya ko at ang angkan ko ay may kakayahan kung saan namamana at pinapasa nila ito sa bawat henerasyon kaya gano'n na lamang ang gulat ng aking mga magulang ng malaman nilang wala akong kakayahan.''Kaya naman nagtungo ako sa isang espiritu. Humiling ako sa kanya na bigyan ako ng kanyang kapangyarihan. Tumugon naman siya at pumayag ngunit kapalit ng aking nais ay kailangan kong pumatay ng isang libong mortal.'Muli kong naalala ang mga sinabi niya. At dahil sa sinabi niya, may mga tanong na nabubuo sa aking isipan. May mga bagay na hindi ko maintindihan kaya nais kong magtanong kay Cinroeslia."Tingnan mo Alvir, napakaganda ng babaeng 'yon! Napakatangkad niya at napakaganda ng mahaba niyang buhok!" tumango na lamang ako kay Magnus kahit hindi ko alam kung sinong babae ang tinutukoy niya.Teka, nasaan na ba si Cinroeslia?"Alam mo ba kung nasaan si Cinroeslia, Magnus?" pagtatanong ko rito."Hindi e." tumango na lamang ako atsaka inilibot ang aking paningin upang hagilapin sa Cinroeslia."Alvir, ang babaeng 'yon ay nakakabighani! Nais ko siyang makilala sapagkat napakaganda niya!" hindi ko na lamang siya pinansin at pinagpatuloy ang paghahagilap kay Cinroeslia.Nasa'n na ba siya? Umalis ba siya sa paupahang-bahay? O baka naman ay may ginagawa lang siya kaya ang tagal niyang bumalik dito. O baka naman, nasa iba ang pwesto niya."Oy, Alvir.""Ha?" napatingin ako kay Magnus. Seryoso itong nakatingin sa akin."Kumalma ka." sambit nito. "Baka naman, may ginagawa pa si Cinroeslia kaya wala pa siya rito." bumuntong-hininga naman ako. Sayang, may nais pa naman sana akong malaman."Sige." sambit ko na lamang atsaka ipinagpatuloy ang pag-kain."May gusto ka ba sa kanya?" pakiramdam ko ay biglang bumara sa lalamunan ko ang pagkaing nginunguya ko kaya agad akong napaubo."H-ha?" uminom naman agad ako ng tubig."Wala lang, nais ko lang malaman. Napansin ko kasi na hindi ka interesado sa mga babae na naririto at siya pa rin ang hinahanap mo.""H-ha?! A-ah.." tumikhim naman ako. "Hinahanap ko siya kasi may nais akong malaman.""Sige, sabi mo e." mukhang ginaya niya lang 'yung line ko kanina."Hoy! Andyan lang pala kayo, kay tagal ko kayong hinanap!" napatingin naman ako sa sumigaw. At tama nga ang hinala ko, si Cinroeslia ito."Talaga, hinanap mo ako?" parang tangang tanong ni Magnus."Oo tsaka si Alvir." umupo naman siya sa upuang nasa harapan namin. Bale, napapagitnaan kami ng mahabang lamesa na pinapatungan ng pagkain.At katulad ng nangyari sa akin kanina, otomatikong lumabas ang pagkain sa lamesa ni Cinroeslia."Anong nangyari sayo? Bakit ngayon ka lang?" pagtatanong ko rito."Nagtungo kasi ako sa silid-aklatan nitong paupahang-bagay. At may natagpuan akong aklat kung saan nakasulat doon ang patungkol sa mga sinaunang mangkukulam. May mga sinaunang salamangka akong nalaman doon!"Nagulat ako ng bigla siyang naglabas ng napakalaki at napakakapal na libro. Teka, paano 'yan lumabas? Galing sa ere?"Ito ang aklat na tinutukoy ko." binuklat naman niya ito."Alvir, nababasa mo?""Hindi, Magnus." narinig kong natawa si Cinroeslia."Oo nga pala, hindi niyo pala nababasa ang mga salitang nakapaloob dito." hinawakan niya ang libro at sa isang iglap ay bigla itong naglaho.Nagsimula naman na siyang kumain kaya ipinagpatuloy ko na rin ang pag-kain.Teka, may itatanong pala ako sa kanya."Cinroeslia, ang isang kakayahan ba ay pinapasa sa iyo ng iyong magulang o kusa mo itong natatanggap matapos mong ipanganak?" pagtatanong ko rito."Depende. May mga kakayahan na pinapasa at may mga kakayahan din na kusa mong natatanggap matapos mong ipanganak. Katulad ng aking pamilya. Ako ay nagmula sa angkan ng mga mangkukulam kaya naman ang aking ina ay isang mangkukulam ngunit ang aking ama ay isa lamang normal. Nang tumuntong na ako sa tamang edad ay ipinagkaloob na ni Ina sa akin ang kakayahan niya kaya naman nawalan na siya ng kakayahan at namuhay bilang normal na mortal.""Ibig sabihin, pinapasa ang kakayahan na mayroon ka sa bawat herenasyon?""Oo.""Ngunit paano kung may kakayahan ang magulang ngunit ang anak ay wala?" gano'n kasi ang sitwasyon ng babae na pumapatay."Ibig sabihin ang kakayahan ng kanyang mga magulang ay hindi napapasa." so ipinanganak pala siya na wala talagang kakayahan."'Yan lang pala ang tanong mo edi sana sa akin ka na lang nagtanong!" rinig kong sambit ni Magnus."Patawad ngunit wala akong tiwala sa'yo."Sige, salamat." sambit nito atsaka suminghal. Narinig ko namang natawa si Cinroeslia."Marahil kapag mas lalo niyo pang nakilala ang isa't-isa ay matututo niyo ring pagkatiwalaan ang isa't-isa." sambit ni Cinroeslia."Marahil nga." pag-sang-ayon naman ni Magnus.---Makikita ang kabilugan ng buwan mula sa labas ng bintana, at dahil bukas ito, pumasok sa loob ng kwarto ang malamig na simoy ng hangin."Ang paupahang-bahay ito ay para sa mga kasapi ng El Forandringsrytme na walang matutuluyan." sambit ko atsaka humarap kay Magnus. "Bakit wala kang matutuluyan? Nasaan ang iyong pamilya?""Hmm, hindi ko alam." sagot nito atsaka tumawa ng mahina."Ano?!""Basta ang alam ko lang ng mga panahong 'yon, sinisigawan ako ni Ina na sumama ako sa mga mortal na hindi ko kilala. Hanggang sa isang iglap, naririto na ako." pagdagdag niya. "Ah, basta! Bata pa ako ng mga panahong iyon kaya hindi ko pa alam kung ano ang nangyayari.""Nasaan ang mga magulang mo?" muli kong pagtatanong. Malaki naman itong ngumiti ngunit agad ding naglaho."Hindi ko alam." sagot niya. "Matapos kong mapalayo sa aking pamilya ay lumaki ako sa isang bahay-ampunan na naririto sa Vrede at hanggang sa lumaki na ako, napag-desisyunan ko ng mabuhay ng mag-isa.""Ikaw? Bakit ka naririto sa paupahang-bahay?" balik na tanong niya."Wala akong alam sa mundong ito. Basta pagkamulat ko na lang ng aking mga mata, wala na akong maalala sa mga nangyari sa nakaraan ko." sagot ko."E paano ka napunta rito sa Vrede? At paano ka nakasali sa El Forandringsrytme?""Nasa isang gubat ako no'n na pagmamay-ari ng isang espiritu na nagngangalang Seduire. Malaki ang nagawa kong kasalanan kaya naman inatake niya ako. Akala ko'y mapapaslang na ako ngunit dumating si Cinroeslia para tulungan ako. Hanggang sa dinala niya ako rito sa Vrede dahil wala raw akong sinulid.""Sinulid? Anong sinulid?" pagtatanong nito."'Yon nga rin ang hindi ko alam e. Ang sabi sa akin ni Cinroeslia ay makukuha mo lamang ang sinulid sa namamahala ng kabuuan ng Garmoniya ngunit malaki raw na halaga ang kapalit nito." hindi ko pa rin alam kung anong big deal sa sinulid na 'yon maliban sa proteksyon kay Seduire."Ah, gano'n ba." sambit nito atsaka iniligay ang mga kamay niya sa batok niya."Hindi na ako makapaghintay na matapos ang page-ensayo at malibot na rin ang Garmoniya." rinig kong sambit ni Magnus."Ako rin." nais ko ring libutin ang kabuuan ng Garmoniya.. Kasama si Cinroeslia."Alam mo ba kung bakit nais kong sumali sa El Forandringsrytme?""Hindi, pero bakit?" sagot at tanong ko sa kanya."Nais kong mahanap ang aking pamilya." sagot nito. "Ikaw? Bakit ka sumali sa El Forandringsrytme?""Kung lilibutin ko man ang kabuuan ng Garmoniya, baka sakaling may magbalik na alaala sa aking isipan."Katahimikan ang nanaig sa aming dalawa."Saan ba nagmumula ang mga kakayahan maliban sa ito'y pinasa ng magulang sa kanyang anak?" muli kong pagtatanong."Sa mga espiritu." sagot naman ni Magnus. "May mga ibang espiritu ang kayang magbigay ng kakayahan sa isang mortal dahil nga ang kanilang kakayahan ay halos kasing lakas ng sa mga diyos.""Binigyan ng mga diyos ng prebilihiyo ang mga napili nilang espiritu upang bigyan ng kakayahan ang mga mortal na mapipili naman ng mga espiritu.""Ah, gano'n ba." pakiramdam ko ay marami pa akong dapat malaman sa mundong 'to. Kung bakit pa kasi nawalan ako ng alaala."Alvir." tumugon naman ako rito atsaka tumingin sa kanya. Nakita ko na deretso siyang nakatitig sa akin. "Kapag ba tinititigan mo ako, wala ka bang nararamdaman na kahit ano?""Hmm, meron.""Ano?""Pakiramdam ko ay magsisimula ka na naman ng ingay.""Ano?!" at tulad ng sabi ko, nagsimula na nga siyang mag-ingay.Paano kaya ako makakatulog nito?---Kinaumagahan ay sabay kaming nagtungo ni Magnus sa El Forandringsrytme upang ipagpatuloy ang page-ensayo. Nagsisimula ng magturo si Ginoong Dante ng makarating kami roon kaya nakinig naman ako. Maya-maya pa'y nagsimula na kaming mag-ensayo. May bagong defense at attack na tinuro si Ginoong Dante kaya lalo kaming nagsanay.Bandang tanghali ng tumigil kami sa page-ensayo dahil sinabi ni Ginoong Dante na may pupuntahan daw kami.Matapos ang ilang oras na paglalakad, huminto kami sa tapat ng mga naglalakihang puno."Ito ang tinaguriang pinaka-malaking gubat dito sa Vrede." pagpapakilala ni Ginoong Dante ng gubat."Bagong page-ensayo na naman ba 'to? Nais ko ng magpahinga at nagugutom na ako!" rinig kong mahinang reklamo ni Magnus."Naiintindihan ko na kayo'y pagod at gutom na, kaya naman nais kong magtungo kayo sa pinakamalalim na parte ng gubat at hanapin ang uervkl." dagdag pa ni Ginoong Dante. Narinig ko ang saya sa mga estudyante. Pero bakit sila masaya?"Oy, Magnus---" napatigil ako ng makitang para siyang isang aso. Tila naglalaway sa isang pagkain."Anong ginagawa mo?" kunot-noong tanong ko rito."Uervkl! Isang kakaibang prutas at tinagurang pinakamasarap sa lahat ng mga prutas. Isang kagat mo pa lang ay manamanam mo na ang pinaghalong tamis at kaunting asim!" mukhang napagaya ako sa kanya. Pakiramdam ko ay mukha na rin akong aso."Madalang makita ang mga ganitong uri ng prutas at kung ito'y makikita man sa pamilihan, diyamante ang halaga nito. Kaya nais ko talagang matikman ang prutas na 'yon!"Nais ko rin matikman 'yon!"Ngayon ay maaari na kayong magtungo---" hindi pa tapos magsalita si Ginoong Dante ay tumakbo na papunta sa loob ng gubat ang mga estudyante."Tara na, Alvir!" agad naman akong sumunod kay Magnus at nagtungo sa loob ng gubat.Maya-maya pa'y napatigil kami sa pagtakbo dahil sa hingal. Napatingin ako sa paligid, puro matatayog na puno na lamang ang aking nakikita at mga ligaw na halaman at damo. Nasaan na ba kami?"Nasaan na tayo, Magnus?" tanong ko sa kanya."Hindi ko alam e. Pero malalaman natin na nasa pinakamalalim na parte na tayo ng gubat kung wala na halos sinag ng araw ang nakakapasok." napatango naman ako."Kung gayon ay tara na." tumango naman ito atsaka nagsimula na kaming maglakad.Tahimik kaming naglakad at walang nais na magsalita sa amin. Alam ko rin na pareho na kaming gutom kaya kailangan na naming magdali."Raaaaaar!" pareho kaming nagulat ni Magnus ng may marinig kaming sumigaw. Agad ko naman hinanap ang sigaw na 'yon. Naglakad-lakad ako sa direksyon kung saan naririnig ko ang sigaw ngunit hinawakan ni Magnus ang pulsuhan ko.Napatingin naman ako sa kanya. Bakit tila'y piniligilan niya ako?"Isang sigaw ng halimaw." sambit nito. "Mas maganda kung hindi na lang natin ito papansinin. Mas maganda kung magtungo na lang tayo ng deretso.""Halimaw? Ibig sabihin ay kalaban ng mga mortal?""Oo.""Edi dapat natin itong patayin. Baka mamaya ay may mapatay pa itong mortal e.""Teka, Alvir!" hindi ko na siya pinakinggan at nagtungo sa direksyon kung saan narinig namin ang sigaw.Nang makarating ako roon, agad naman akong napatingin sa halimaw na tinutukoy ni Magnus na may gulat."Alvir, baka mamatay ka kung---" maging siya ay napatigil ng makita ito."Raaaar!" sigaw ng halimaw atsaka tumingin sa amin. Agad naming inihanda ang hawak naming espada atsaka ito sinaksak ng walang kahirap-hirap.Pagkahugot ko ng espada mula sa pagkakatarak nito sa dibdib ng halimaw, bigla itong naglaho."Halimaw ba talaga 'yon? Bakit masyado naman yatang maliit." sambit ko."Maswerte ka dahil maliit na uri ng halimaw ang nakita mo. 'Wag kang mag-alala, maraming uri ang halimaw na nakita mo." sagot ni Magnus atsaka nauna ng maglakad.Nagtungo na kami sa kaloob-looban ng gubat. At habang naglalakad kami, padilim ng padilim ang nadadaanan namin."Dito." sambit ni Magnus. "Dito na ang pinakamalalim na parte ng gubat kaya nasaan na ang puno ng uervkl? Mali yata tayo ng direksyon na napunta---""Raaar!" naging alerto agad kami ng biglang magpakita sa harapan namin ang sa tingin ko nasa sampu na maliliit na halimaw."Bruh." tanging sambit ko na lang atsaka sila sinugod.Napansin ko na nanununtok ang mga ito bilang atake. Pero wala na akong balak na obserbahan pa ang movements nila. Nagugutom na ako at pakiramdam ko'y nanlalabo na ang paningin ko.Mabagal akong tumakbo kaya naman hinabol ako ng ilang halimaw. Tumigil ako sa pagtakbo kaya tumigil din sila. Ngayon ay nakikita kong magkakatabi sila kaya naman agad ko ng isinagawa ang plano ko.Ginamit ko ang buong lakas ko atsaka tumakbo sa kanila, at sa bawat madadanan kong halimaw ay mabilis kong sinasaksak, hanggang sa mawala na sila sa paningin ko."Woah!" napatingin ako kay Magnus katatapos lang din labanan ang mga halimaw. "Napakabilis ng iyong galaw? Iyon ba ang kakayahan mo?""Wala akong kakayahan." sagot ko. "Nasaan na ba ang sinasabi mong prutas?""Hindi ko nga alam e. Baka banda roon ang pun---" sa muling pagkakataon ay naputol ang kanyang sasabihin. Nakita ko sa peripheral vision ko ang isang liwanag kaya napatingin ako sa harapan ko."Ah! Ang puno ng uervkl!" mabilis na tumakbo papunta roon si Magnus kaya agad akong sumunod.Napatingin ako sa mga bunga ng puno atsaka pumitas ng isa. Nakita kong nagbabago ito ng kulay. Agad ko naman itong kinagat atsaka tumingin kay Magnus pero..."Huh?" napatingin ako sa paligid ko. Wala ng matatayog na puno."Masaya ako na nakabalik kayong busog, aking mga estudyante!" nakangiting sambit ni Ginoong Dante. Kinagatan ko naman ang hawak kong uervkl."Gano'n pala 'yon, 'pag nakapitas ka ng isang uervkl mula sa puno nito, maglalaho ka roon sa gubat." rinig kong sambit ni Magnus. "May kakayahan pala ang puno na magpalaho ng isang mortal. Sayang, kukuha sana ako ng marami.""Malugod kong binabati ang aking mga estudyante sapagkat maaari na kayong magsimula ng inyong paglalakbay!""Huh?" teka, anong ibig niyang sabihin?"Lagi ninyong tatandaan na sa bawat paglalakbay niyo ay marami kayong kakaharapin na panganib. Huwag kayong matakot dito bagkus ay labanan na lamang ninyo.""Sa wakas! Makakapag-lakbay na ako!""Ibig sabihin, tapos na ang page-ensayo?!""Oo.""Huh? Dalawang araw lang?" paano nangyari 'yon?"Hindi basta-basta magiging guro si Ginoong Dante ng wala lang." sambit ni Magnus. "Alam mo ba na ang sayaw na pinagawa sa atin ni Ginoong Dante ay isang ritwal?""Ano?!""Ritwal kung saan mabilis na masasanay ang ating katawan sa iba't-ibang klase ng atake at depensang itinuro sa atin. Halimbawa, nagturo si Ginoong Dante ng isang atake, mabilis na matututo ang iyong katawan kapag ginawa mo ang atakeng itinuro niya.""At isa pa, kusang gagalaw ang katawan mo kung alam mong kailangan mong labanan ang isang panganib.""Ah, gano'n pala 'yon." napakamot naman ako ng ulo ko. Bakit ba kasi hindi pa ako nasasanay? Bakit lagi na lang akong nagugulat na mayroon silang ginagamit na salamangka? Siguro dahil wala ako no'n? Uh, bahala na.Matapos ang mga pangyayari ay muli kaming nagbalik ni Magnus sa paupahang-bahay ni Manong Fredrick. At nang ako'y makarating sa aming kwarto, nagulat ako na may makita akong isang maliit ni aklat sa ibabaw ng higaan ko. Kunot-noo ko naman itong hinawakan at tiningnan."Muntaklat?" patanong kong sambit. Agad ko naman itong binuksan at nagulat ako ng makitang isang page lang ang laman nito. At sa pahinang 'yon ay nakita ko ang halimaw na nakalaban namin kanina.- Isang halimaw na nagmula sa pamilya ng mga -. May kakayahan ang mga itong manakit ng isang mortal sa pamamagitan ng panununtok. Sila rin ang pinaka-maliit sa lahat ng -.'Yon ang nakalagay sa pahinang ito. Nakalagay din dito ang litrato ng halimaw."Para saan ito?" pagtatanong ko kay Magnus."Ito ang manwal ng isang manlalakbay. 'Yon lamang ang alam ko e.""Ah, gano'n ba."---Dahil wala naman kaming gagawin ni Magnus, naisipan naming lumabas ng kwarto. At habang naglalakad kami pababa ng hagdan, nakasalubong namin si Cinroeslia na paakyat."Oy!" pagbati nito atsaka ngumiti."Kamusta!" nandyan na naman ang mga mata ni Magnus na tila naghu-hugis-puso."Kamusta ang page-ensa--- woah! Kulay ginto na ang gilid ng inyong mga tsapa!""Ha?" napatingin naman ako sa tsapa ko habang nakakunot ang noo. At oo nga, kulay ginto na ito at napakakintab. Ngayon ko lamang napansin."Ibig sabihin ay may nakalaban na kayong isang kalaban! Paniguradong halimaw 'yon, tama ba ako?!" tumango naman ako."May nais akong itanong." sambit ni Magnus. "Nakakita kami ng sarili naminh muntaklat sa ibabaw ng aming mga kama, ngunit ng amin itong buklatin, iisang pahina lamang ang nilalaman na aklat na 'yon. Bakit?""Ang bawat uri ng kalaban na iyong makakalaban sa iyong paglalakbay ay kusang lalabas sa manwal na binigay sa inyo. At teka, hindi dapat isang pahina lamang 'yan. Nakalagay dapat sa manwal niyo ang alituntunin na dapat sundin ng bawat kasapi ng El Forandringsrytme." paliwanag naman ni Cinroeslia.Agad kong binuksan ang handbook. At mukhang nadagdagan nga ng 2-4 pages ang aklat. Nakalagay sa mga pahinang 'yon ang alintuntunin ng El Forandringsrytme at iba pa. Mamaya ko na lamang babasahin dahil napakaraming salita."Kailan niyo naman balak na maglakbay?" pagtatanong naman ni Cinroeslia."Nais ko na ngang simulan ngayon e. Pero nais ko na kasama kayo!" sagot ni Magnus."Naku, mas maganda kung lilibutin niyo muna ang kabuuan ng Vrede bago kayo lumabas dito.""Sang-ayon ako!" napatango na lamang din ako bilang pagsang-ayon."Kung gayon ay tara!" nanghihikayat na sambit ni Cinroeslia atsaka tumakbo. Agad naman namin siyang sinundan ni Magnus.