ALVIR's POVNapalingon ako sa kabuuan ng lugar na pinuntahan namin. Napakaraming mortal ang naririto at samu't-saring ingay ang naririnig ko. Napansin ko rin na may mga palaro rito at may ibang mga mortal ang nagpe-perform kung saan pinapanood sila ng ibang mga mortal. "Ito ang Plaza la Vrede!" masaya at nakangiting pagpapakilala sa amin ni Cinroeslia. "Ito ang lugar dito sa Vrede kung saan tiyak na mabibigyan ka ng saya at aliw!" "May ganito palang lugar sa Vrede?" patanong na sambit ni Magnus."Bakit, hindi ka pa ba nakakapunta rito?" tanong ko naman sa kanya."Hindi e." "Tara, doon tayo!" sinundan namin si Cinroeslia. Napatigil naman kami sa harapan ng isang lalaking umaawit. Lahat ng kanyang manonood ay tutok na tutok sa ginagawa niya."Napakaraming mortal ang may kakayahang umawit." sambit ni Cinroeslia. "Ngunit may mga piling nilalang ang pinaka-kakaiba sa lahat ng mga mang-aawit." napatingin naman ako sa kanya."Anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ko rito."Ano sa tingin mo?" balik na tanong niya atsaka tumingin sa akin.Mga piling nilalang na pinaka-kakaiba sa lahat ng mang-aawit? Teka, paano muna sila naging kakaiba? "Uh---""Doon naman tayo sa palaruan!" muli na namang tumakbo si Cinroeslia kaya wala kaming nagawa ni Magnus kundi ang habulin siya."Bakit lagi ba siyang tumatakbo?" pagtatanong ko habang tumatakbo."Dahil lahat ng babae ay napaka-ganda tuwing sila'y tumatakbo!" "Ang layo ng sagot mo." komento ko atsaka mas lalo pang binilisan ang pagtakbo.Nang maabutan namin si Cinroeslia ay agad kaming huminto. Rinig na rinig ang mabibigat na paghinga namin dahil sa hingal."Ang bagal niyo naman." sambit ni Cinroeslia."Ang bilis mo namang tumakbo! Ayoko na---tubig!" pagsasalita ni Magnus. Agad namang bumili ng inumin si Cinroeslia sa tinderong katabi niya atsaka ibinigay ang inumin kay Magnus."Haaa! Hindi talaga ako mabubuhay ng walang tubig!" sambit nito matapos uminom.Naglakad si Cinroeslia patungo sa isang tindahan kaya sinundan naman namin siya."Kamusta binibini at mga ginoo! Bakit hindi niyo subukan ang inyong swerte at baka sakaling kayo ay mag-uwi ng mga premyo!" ang sabi ng tindero."Anong meron dito?" pagtatanong ko."Kailangan mo lang panain ang pinaka-sentro ng bilog at siguradong mag-uuwi ka ng premyong nais mo." sagot niya."Sige, susubukan ko." sambit ni Cinroeslia atsaka nagbigay ng labing-limang pilak. Binigyan naman siya ng tindero ng pana.Hinawakan niya ang pana atsaka ipinikit ang isa niyang mata. Matapos niyang igalaw-galaw ang pana, pinakawalan niya ito."Woah!" wow, napana niya."Napakagaling, binibini!" komento ng tindero. "Ano ang nais mong premyo?" "Nais ko ang kwintas na ito." sagot niya atsaka itinuro ang kwintas na gawa sa pilak. Napakakintab nito.Nang maibigay ito sa kanya ay biglang siyang lumapit sa akin."Maaari bang isuot mo ito sa akin?" pagtatanong niya."Oo naman." ibinigay niya ito sa akin atsaka tumalikod. Hinawi ko ang mahaba niyang buhok atsaka ipinagka-isa ang lock nito. Humarap siya sa akin ng matapos ko itong mailagay."Napakaganda nito! Bagay ba sa'kin?" "Sa tingin ko'y lalo kang gumanda ng ito'y iyong sinuot.""A-ano?" kumunot naman ang noo ko ng makita kong bigla siyang namula. Ano naman kayang nangyari sa kanya?"Yaaaaaa!" pareho kaming napatingin ng biglang sumigaw si Magnus. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang namamana rin siya ngunit hindi pa rin tumatama sa sentro ng bilog."Teka, ilang subok na ang ginawa niya? Ang isang subok ay nagkakahalaga ng labing-limang pilak." tanong ni Cinroeslia."Magnus, tama na 'yan! Baka mawalan ka ng---""Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang kwintas na katulad kay Cinroeslia!" kumunot naman ang noo ko."At bakit naman gusto mo rin no'n?""Para parehas kami!" sagot nito. Napa-iling na lamang ako.At sa huli, walang nakuhang kwintas si Magnus."Waaaaaaa!" napatakip naman ako ng aking tenga ng bigla na naman itong sumigaw. "Tumigil ka nga diyan!" sigaw ko sa kanya."Kung alam ko lamang na hindi ko makukuha ang kwintas e'di sana hindi ko na lang sinubukan na panain 'yung nakakainis na bilog! Nakakainis, kaunti na lamang tuloy ang aking mga pilak!""Sa ginawa mo pa lang na 'yan ay may kapupulutan ka ng aral. Una, paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? At ang panghuli ay nasa huli ang pagsisisi." sambit ni Cinroeslia habang kumakain ng sorbetes. Napasapo na lamang ako ng aking ulo habang pinapakinggan ang walang katapusang sigaw ni Magnus. Marahil ay inilalabas niya ang pagsisisi niya sa pamamagitan ng pagsigaw. Buti na nga lang talaga ay hindi siya sinisita ng ibang mga mortal na makakasalubong namin."Tumigil ka na nga diyan!" sorry pero hindi ko na kayang pakinggan ang makabasag-salamin niyang boses."Oy, oy! Ano kayang meron doon?" muli na namang tumakbo si Cinroeslia kaya wala kamimg nagawa kundi ang habulin siya.Tumigil siya sa harap ng isang pinto kung saan may nakabantay na lalaki na sa tingin ko'y nasa 45 -50 ang tanda."Naia ba ninyong manood ng pagtatanghal? Limampung pilak lamang ang kapalit." sambit ng lalaki. Napakamot naman ng ulo si Cinroeslia."Naku napakamahal. Huwag na lamang!" sambit ni Cinroeslia atsaka marahan na naglakad ng paalis."O bakit?" pagtatanong ko rito. Para kasing matamlay ang mukha niya."Nais ko sanang manood ng pagtatanghal ngunit nangangamba ako na baka maubos ang aking yaman. Kaya 'wag na lamang." sagot nito."Ah, gano'n ba." napangiwi naman ako. Mukha ngang napakalungkot niya. "Teka---" agad ko siyang hinila pabalik sa lalaki na nagbabantay."Nais naming dalawa na manood. Ito ang ginto." sambit ko. Agad naman itong tinanggap ng lalaki atsaka binuksan ang pinto."Alvir, hindi mo 'to kailangan---""Alviiir! Bakit niyo ako iniwan!" pareho kaming napatingin kay Magnus na hingal na hingal matapos tumakbo."Teka, manonood kayo ng pagtatanghal? Teka sasama ako!" sambit nito. "O ito ang limampung pilak." napailing na lamang ako atsaka pumasok na sa loob.Nang makatapak ako sa loob, napansin ko na sobrang laki pala nito. Hile-hilera ang mga upuan na para sa mga manonood at ang stage ay napakalaki.Agad kaming humanap ng mauupuan. Napagdesisyunan namin na sa second row umupo. Hindi pa nagsisimula ang pagtatanghal pero napakarami ng manonood.Maya-maya pa'y biglang nagsara ang ilaw at ang tanging bukas lamang ay ang mga ilaw na nasa stage, hudyat na magsisimula na.Sa isang sulok, may lumabas na isang babae na may hawak na pamaypay. Mabilis niyang binuksan ang pamaypay atsaka..."O ang kay liwanag na araw ay makikita na naman sa kalangitan, sumisimbulo ng bagong pagkaka-abalahan at karanasan..." isinalaysay niya ito habang kumakanta. Maliban dito ay may iba siyang ipinapakita tulad ng pagngiti sa dalawang babae at isang lalaki na sa tingin ko ay gumaganap bilang pamilya niya at ang paghuhugas ng pinggan at pagwawalis.Ang mga kagamitan na ginawa nila para sa pagtatanghal na ito ay kakaiba. Napaka-detalyado ng mga props at may kung sino man ang nagpapagalaw sa mga ito. Pero, hindi ko na pinanood pa ang ilang mga eksena. Hindi naman sa napapangitan ako pero wala lang talaga akong interes sa mga ganito. Maya-maya pa'y nakaramdam na ako ng inip at iniisip ko kung ilang oras pa ba ang itatagal ng pagtatanghal na ito."Ajsksndnjdnv..." kusa akong napatingin kay Cinroeslia ng bigla kong marinig ang tinig niya at nagulat ako ng makitang humikbi ito. Kumunot naman ang noo ko."B-bakit ka umiiyak?" anong nangyayari sa kanya."Antonio, huwag kang sumama sa kanya! Huwag mong iwan si Priannah!" napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Mukhang umiiyak siya dahil sa eksena ng pagtatanghal."Huwaaaa!" muntik na akong mapatalon sa gulat ng marinig kong humiyaw si Magnus. "Hoy, ang ing---""Isa kang inutil, Antonio! Ang pangit ng desisyon mo---huwaaaaa!" umiiyak din siya. Napatingin ako sa ibang manonood at napansin kong ang iba sa kanila ay nagpupunas ng pisngi nila.Hayst.---"Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang kataga ni Priannah na, 'ipinapangako ko na muli tayong magkikitang.. muli.'" at ng dahil sa sinabi ni Cinroeslia, humiyaw na naman si Magnus ng pagkalakas-lakas."Ang daya mo A-Alvir.. Bakit hindi ka umiiyak?!" kasi hindi naman ako iyakin tulad mo."Hindi ko masyadong binigyang-pansin ang pagtatanghal." sagot ko."Ha?! Sayang, hindi mo napanood ang parte kung saan nagpakamatay si Priannah!" "Oo nga! Napaka-inutil kasi ni Antonio!" Kasalukuyan kaming naglalakad paalis ng Plaza de Vrede. Malapit na ring lumubog ang araw kaya kailangan na naming makabalik sa paupahang-bahay.Biglang tumigil sa Cinroeslia sa paglalakad kaya napatigil din kami. Humarap siya sa amin."Nais kong ipagpatuloy ang aking paglalakbay bukas. Nais niyo ba akong samahan?" ha?!"Oo naman!" agad na pagsang-ayon ni Magnus. "Ikaw, Alvir?" napakamot naman ako ng aking ulo."Medyo nabigla lamang ako, pero sige. Pumapayag ako." nakita kong ngumiti siya."Kung gano'n ay magtungo na tayo sa palengke! May mga pagkain at sangkap tayong kailangang bilhin pagdating sa kakainin natin! May mga bagay din tayong kailangang bilhin na maaaring makatulong sa atin sa paglalakbay." agad naman kaming nagtungo roon.Kung saan-saang parte ng palengke kami nakapunta. Nagpunta kami sa bilihan ng pagkain at ng mga sangkap, sa bilihan ng mga damit, sa bilihan ng mga tent at iba pa. "Ano pa ba ang kulang natin?" pagtatanong ni Cinroeslia atsaka tiningnan ang mga pinamili. "Ah, dapat tayong magpunta kay Mang Galen!" Matapos ang ilang minutong paglalakad, nakapunta kami sa tindahan ni Mang Galen. Binuksan namin ang pinto ng tindahan niya atsaka pumasok."Mang Galen!" sigaw ni Cinroeslia. Napansin ko na puro espada at mga armor ang nandito sa tindahan. Ibig sabihin ay ito ang mga itinitinda niya."O, kayo pala!" napatingin ako sa isang lalaki na naglalakad patungo sa amin. Mukhang nasa 45-50 ang tanda nito. "Ano ang maitutulong ko sa inyo?""Nais naming mamili ng mga sandata. Yung matibay sana." sagot ni Cinroeslia. "Gano'n ba? Kung gayon ay maaari na kayong mamili." tumingin naman sa akin si Cinroeslia at sumenyas na pumili na kaya agad kong tiningnan ang mga sandatang naririto sa tindahan."Ito kayang isang 'to? Sa tingin mo ba'y magandang klase ito?" pagtatanong ni Magnus sa akin. Tiningnan ko naman ang hawak niya."Siguro? Wala kasi akong alam pagdating sa mga espada." sagot ko naman. Muli kong ipinagpatuloy ang paghahanap. Napakaraming sandata ang naririto ngunit wala akong mapili. Hindi naman sa mga pangit ang mga ito ngunit walang nakakaagaw ng atensyon ko. "May nahanap na ako." sambit ni Cinroeslia. Tiningnan ko siya at nakita ko na may hawak siyang pana."Ito na lang siguro ang sa akin." kamot-ulong sambit ni Magnus habang hawak-hawak ang espadang ipinakita niya sa akin kanina. Napakamot din ako ng aking ulo dahil ako na lang ang walang napipiling sandata.Muli kong nilibot ang kabuuan ng tindahan at nagbaka-sakali na may mahanap ako. "Hmm.." napatingin ako sa isang sandata na nakalagay sa isang sulok. Hinawakan ko ang hawakan nito atsaka hinila at tiningnan ng maigi."Iyan ba ang espadang napili mo?" napatingin ako sa lalaking nagsalita. Si Mang Galen."Ang espadang 'yan ay gawa sa pinaghalong kahoy, pilak, ginto at diyamante. Maliban sa mga ito ay may disenyo iyan na gawa sa mga perlas at ang mga imahe na iyong makikita ay mabusising inukit at ang pinakadulo nito ay pinatalim ng maigi. Garantisado rin ang katibayan ng espadang hawak mo." Ah, kaya pala medyo mabigat ito at may mga disenyong kakaiba. Napakakintab nga nito."Ilang diyamante ang halaga nito?" alam ko namang mahal ang ganitong uri ng espada."Tatlong diyamante lang naman." 'lang'? At nakangiti pa ito habang nagsasalita. Okay. Mukhang magsisimula na naman akong maghirap."Sige, bibilhin ko na ito." sambit ko atsaka ibinigay ang dalawang diyamante sa kanya. Ngiting abot-langit naman niya itong kinuha.Nagtungo ako kina Magnus at Cinroeslia."Ang tagal mo naman." "Woah, ano 'yan Alvir? Kakaibang klase ang disenyo nito!" "Espada na sobrang mahal." sagot ko sa tanong ni Magnus. "Maraming salamat sa pamimili! Inaasahan ko ang inyong muling pagbabalik sa aking tindahan." "Salamat din, Mang Galen!" kumaway ito sa amin pero hindi ko na lang siya pinansin.Tuluyan na kaming nakaalis sa lugar kung saan nakatayo ang tindahan ni Mang Galen. Nasa ibang parte na kami ng palengke at kasalukuyang naglalakad pabalik sa paupahang-bahay ni Mang Fredrick."Hindi na ako makapag-hintay na lumabas ng Vrede at libutin ang kabuuan ng Garmoniya!" sigaw ni Magnus. Natawa naman ako habang dinramdam ang malamig na simoy ng hangin."Ano naman kaya ang naghihintay na kapalaran sa atin 'pag nakalabas na tayo ng Vrede?" biglang pagtatanong ni Cinroeslia."Kakaibang kapalaran siguro?" natawa naman si Cinroeslia dahil sa sagot ni Magnus. Naramdaman ko ang kusang pagkurba ng ngiti sa aking labi habang tinititigan siya. 'Ngunit para sa ikabubuti ng iyong sarili, minsan kailangan mo ring maging makasarili. At tulad ng sabi ko, dito ka nararapat. Hindi sa lugar na 'yon.''Kamusta na sina Ina at Ama?'Cinroeslia.. Bakit mo sila iniwan?---Isang napakagandang kapaligiran. Maririnig ang mga ibon na humuhuni at makikita ang mga damo, bulaklak, halaman at mga puno na sumasabay sa agos ng hangin.Napakatahimik. Napakasarap sa pakiramdam."Hmm.. Hmm..." isang napakagandang tinig ang aking narinig. Nang dahil sa kanyang pag-himno, lalong nabigyang-kulay ang kapaligiran. Mas sumigla ang bawat naririto."Hmm.. Hmmm..." muli siyang kumanta. Sino kaya ito? Nais ko siyang makita sapagkat nakakabighani ang kanyang boses.Maya-maya pa'y hindi ko na narinig ang kanyang tinig. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata."Haa!" napasigaw ako dahil sa gulat ng makita kong unti-unting nagbago ang kapaligiran. Unti-unting nawala ang mala-paraisong kapaligiran hanggang sa tanging kadiliman na lamang ang aking nakikita.Anong---"Tulungan mo ako!"---"Haa!" napabalikwas ako ng bangon. "Buti naman at nagising ka!" naramdaman ko ang mabibigat kong pag-hinga. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib."Uminom ka muna ng tubig." napatingin ako kay Magnus na may hawak na isang basong tubig. Agad ko naman itong ininom."S-salamat." huminga ako ng malalim atsaka dahan-dahan itong ibinuga."Binangungot ka. Ano ang iyong natatandaan sa napanaginipan mo?" tanong niya. "Tulungan mo ako." sambit ko atsaka sinubukang alalahanin pa ang ibang detalye ngunit wala ng lumalabas na impormasyon sa utak ko."Baka may ibang kahulugan ang panaginip mo. Natatandaan mo pa ba ang hitsura ng nagsabi sayo niyan?" umiling ako. Tanging ang katagang 'tulungan mo ako' lamang ang natatandaan ko.Tumingin ako sa labas ng bintana. Nasa kalangitan pa rin ang buwan. Mas maganda kung kakalimutan ko na lamang ang napanaginipan ko at matulog na lamang.---Malapit ng sumikat ang araw ng magising ako. Kasalukuyan kaming nagha-handa ni Magnus ng mga gamit na aming dadalhin sa paglalakbay. Matapos naming maghanda, lumabas na kami ng paupahang-bahay ni Manong Fredrick. Sa harap ng naglalakihang pinto ng kanyang paupahang-bahay ay nakita ko siya na kausap si Cinroeslia.Nang medyo malapit na kami ni Magnus sa kanila ay pareho silang napatingin sa amin."Ito ba ang mga kasama mo?" tanong ni Manong Fredrick kay Cinroeslia. Nakangiti namang tumango si Cinroeslia. "Kung gano'n ay mag-iingat kayo. Hindi niyo alam kung anong klaseng kapahamakan ang maaari ninyong kaharapin sa labas ng Vrede.""Masusunod, Mang Fredrick." nakangiting sambit ni Cinroeslia. Tuluyan na kaming nagpaalam kay Manong Fredrick. Isang kaway na nangangahulugang pagpapaalam ang iginawad niya sa amin. Ngayon ay kasalukuyan kaming naglalakad paalis."O, bakit?" pagtatanong ko ng makitang biglang huminto si Cinroeslia sa paglalakad. Nasa unahan siya naglalakad habang sabay at pareho kaming naglalakad ni Magnus sa likod niya."Baka may nais kayong bilhin sa Vrede bago tayo tuluyang umalis?" pagtatanong niya. "Wala na." sagot ko. "Tsaka, mas maganda kung titipirin natin ang ating yaman." "Tama ka!" bigla naman siyang ngumisi atsaka muling naglakad."Teka, hindi ko pa sinasagot yung tanong ni Cinroe---""Sigurado akong mas maraming produktong binibenta sa labas ng Vrede." pagputol ko sa sasabihin ni Magnus."Hmm, mukhang may punto ka."---Hindi ko alam kung saang kanto na kami dumadaan pero marami pa rin namang mga mortal. Habang naglalakad ako, napansin ko na may mga mortal na kakaiba. Mayroon kasing ibang mga mortal na iba ang parte ng kanilang katawan. Mayroon akong nakitang mortal na ang katawan niya ay pang-mortal naman ngunit ang kanyang tenga ay sa pusa at mayroon din siyang buntot. Ang iba naman ay tenga ng aso, kuneho at iba pa."Kalahating-mortal at kalahating-hayop." ang sagot ni Cinroeslia ng magtanong ako sa kanya tungkol sa nakita ko. "Normal lamang ang mga gano'ng mortal.""Paano nangyari 'yon?" muli kong tanong."Nangyari 'yon noong kauna-unahang panahon pa. Kung saan ang lahat ay bago pa. Ang mga mortal noon sa mundong ito ay talagang pinupuri ang mga diyos, kabilang na rito ang diyos ng mga hayop. Kada buwan ay may isang mortal ang nag-aalay ng kanyang buhay sa diyos ng mga hayop. At ng dahil sa mga alay na buhay, naisip ng diyos ng mga hayop na gumawa ng isang hayop na may dugong mortal.""Gano'n?" pagtatanong ni Magnus."Oo. At hindi 'yon magtatagumpay kung wala ang tulong ng diyos ng pagkabuhay." dagdag pa ni Cinroeslia."Saan mo naman nalaman 'yan?" pagtatanong ko sa kanya."Nabasa ko sa isang aklat ng kasaysayan." Muli kong nilibot ang paningin ko at muling pinagmasdan ang mga mortal na may dugo ng hayop. Kakaiba sila, nakakamangha.Muli kong iniharap ang aking paningin sa dinadaan ko ngunit sa hindi malamang dahilan, muli akong napatingin sa kanang bahagi ng kantong dinadaanan namin.Nanlaki ang mga mata ko ng may makita akong isang babae na napakaganda at eleganteng tingnan. Masasabi kong mayaman siya dahil sa pananamit niya at mukhang mas matanda siya kaysa sa akin. May hawak itong payong na sa tingin ko ay napakamahal.Napaiwas agad ako ng tingin ng bigla itong tumingin sa akin. Matapos ang ilang oras na paglalakad, napatigil kami sa isang lugar kung saan napapalibutan ng puno."Teka, ito yung gubat kung saan tayo nagsanay diba?" pagtatanong ni Magnus. Inilibot ko naman ang aking paningin."Bakit tayo nandito?" pagtatanong ko. Tama si Magnus, ito ang gubat na 'yon at sigurado akong maraming halimaw ang naririto ngayon."Ang parte na kinatatayuan natin ay ang pinaka-gitnang parte ng kagubatang ito." sambit ni Cinroeslia. "Ngayon ay hinihiling ko na kayo'y tumabi."Nagtungo kami sa isang side kung saan hindi gano'n kalapit kay Cinroeslia. Nakita kong lumuhod siya atsaka nagpalibot ng mga kulay-gintong kandila sa kanya. Maya-maya pa'y pumikit siya at kung ano-anong handsign ang ginagawa niya. Bukod doon ay may sinasabi siya na hindi ko maintindihan."Ganyan pala ang ginagawa ng mga mangkukulam." sambit ni Magnus.Magsasalita sana ako ngunit nakita kong biglang nagkaroon ng dalit ang mga kandila na nakapalibot kay Cinroeslia. At sa isang iglap, biglang nagbago ang hitsura ng paligid."Woah." kasalukuyan kaming nasa harap ng gintong puno."Ngayong nakalabas na tayo ng Vrede, dapat alamin natin kung saang lugar tayo pupunta." sambit ni Cinroeslia. Inilabas niya ang handbook niya atsaka ito binuksan."Ngayon ay nasa Charoúmenos tayo." tiningnan ko ang handbook niya."May mapa pala 'yan?" pagtatanong ni Magnus."Oo. Lahat ng manwal ay may mapa. Bakit, ang sa inyo ba'y wala?" agad kong kinuha ang handbook ko mula sa bag atsaka ito binuksan."Meron." bakit kaya ngayon ko lang nakita 'to?"Ang bayan ng Sopranoa ang medyo may kalapitan sa Charoúmenos. Doon muna tayo magtungo." kaagad naman kaming pumayag. Maya-maya pa'y nagsimula na kaming maglakad paalis."Gaano ba kalayo ang lalakarin natin papunta roon? Hindi ba pwedeng gumamit na lang tayo ng transportasyon?" pagtatanong na naman ni Magnus."Mamaya na. Wala pang transportasyon na makikita rito sa parte ng dinadaanan natin." sagot ni Cinroeslia."Charoúmenos.. Isa ba itong bayan?" pagtatanong ko."Oo naman." sagot ni Cinroeslia. "Ngunit kakaunting mortal lamang ang naninirahan sa Charoúmenos dahil mabundok dito at puno ng gubat. Masasabi rin na tago ang Charoúmenos dahil walang gaanong pumupunta rito."Nagpatuloy kami sa paglalakad at hindi na nagsalita pa. Habang naglalakad kami, napansin kong paunti ng paunti na ang nakikita kong mga puno---nangangahulugang malapit na kaming makalabas ng gubat. "Sa wakas!" biglaang sigaw ni Magnus. Malapit na kaming makapunta sa pinakalabas ng kagubatan at malayo pa lang kami roon ay nakikita ko na ang mga kalesa."Tara!" sambit ni Cinroeslia atsaka tumakbo ng mabilis. "Oy, antay!" sigaw ko atsaka tumakbo para habulin siya.