Chereads / Hymn of The Lost Harmony / Chapter 2 - PART 1 | CHAPTER 2

Chapter 2 - PART 1 | CHAPTER 2

ALVIR's POV

Sakay-sakay ng isang kalesa, kasalukuyan kaming lumilipad patungo sa kung saan mang lugar.

"Ano ang iyong ngalan?" tanong nito.

"Alvir." sagot ko kahit hindi ko naman talaga alam kung ano ang pangalan ko.

"Ako si Cinroeslia. Nagagalak akong makilala ka."

"Ah, likewise." sambit ko. Nakita kong kumunot ang noo niya.

"Likewise?" tanong nito. Ha? "Ano ang likewise? Anong klaseng lenggwahe ang sinasalita mo?"

"Ang ibig kong sabihin, nagagalak din akong makilala ka. Pasensya na, hanggang ngayon ay tuliro pa rin ako."

"Bakit? 'Wag mong sabihin na natakot ka kay Seduire!" 

"H-hindi 'no." ngunit lalo lamang niya akong inasar.

"Si Seduire ang ispirito ng kagubatang 'yon." napatingin naman ako sa kanya. "Kung sino man ang magtangkang kunin ang kahit maliit na sanga ng puno na nasa gubat ay kanyang parurusahan." 

Gano'n ba. Kaya pala.

Pero teka, paano si Manong Delfinn?

"Saan ba tayo pupunta? Gusto ko ng bumalik sa bahay. Baka may nangyaring masama kay Manong---"

"Hindi maaari." ha?! "Hindi ka nararapat doon." 

"Ano bang pinagsasasabi mo? Kailangan ko ng bumalik doon---"

"Huwag kang makulit, lalaki. Wala kang sinulid kaya tumahimik ka."

"Sinulid? Anong sinulid ang sinasabi mo?" 

"Karamihan sa mga mortal na nagtutungo sa gubat ay may sinulid. Ang sinulid na 'yon ay ang proteksyon nila laban kay Seduire at nanggaling ang sinulid na 'yon sa namamahala ng Garmoniya." 

"Garmoniya?"

"Garmoniya ang pangalan ng nasyong ito." 

"Kung gano'n ay kailangan ko lang humingi ng sinulid sa namamahala ng Garmoniya para makabalik na ako sa bahay. Maaari mo ba akong dalhin doon?"

"Hindi." ha? "Tulad mo ay wala rin akong sinulid."

"Bakit? Bakit hindi ka humingi?"

"Malaki ang kabayaran kapag ikaw ay nanghingi. Kaya huwag ka ng umasa na bibigyan ka." 

Nubayan. 

"Saan ba tayo patungo?"

"Sa lugar kung saan malayo kung saan ka nakatira." 

Maya-maya pa'y naramdaman ko ang pagsayad ng gulong ng kalesa sa lupa. Mukhang naka-landing na kami. 

Agad akong lumabas at sinuri ang paligid. Kasalukuyan kaming nasa harap ng isang tulay na gawa sa bricks. Sa ilalim nito ay may ilog na kay linaw. 

Naglakad kami patungo sa tulay.

"Anong lugar ito?" pagtatanong ko.

"Ito ay ang Charoúmenos, Garmoniya. Malayo ito sa gubat." ibig sabihin, malayo ito kina Manong Delfinn at Aling Helen?

"Ano bang ginagawa ko rito? Bakit mo ako dinala rito?" tanong ko.

"Dito ka na maninirahan mula ngayon."

"Ano?!" hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa gulat. Buti na lamang at dalawa lang kami.

"Alam mo babae, paniguradong hinihintay na ako sa bahay. Kaya kung wala naman akong mapapala rito, mas mabuting sabihin mo sa akin ang daan pauwi." 

"Hindi ka nararapat doon." matigas na sambit niya. "Kalimutan mo na sila."

"Kalimutan?! Baliw ka ba? Madali para sayong sabihin 'yan pero para sa'kin, sobrang hirap gawin ng bagay na 'yan!" kahit na isang araw ko pa lang sila na nakikilala, napalapit na ako sa kanila. At simula ng patirahin nila ako sa kanilang tahanan, tinuring ko na sila bilang pamilya ko.

Nakita kong napatigil siya sa paglalakad. Humarap siya sa akin atsaka ako tinitigan ng deretso sa aking mga mata.

"Alam ko.. Ang iyong nararamdaman." ngumiti siya ng maikli atsaka tumalikod sa akin. "Ngunit para sa ikabubuti ng iyong sarili, minsan kailangan mo ring maging makasarili. At tulad ng sabi ko, dito ka nararapat. Hindi sa lugar na 'yon." 

Muli kaming naglakad na dalawa. Napatingin ako sa kalangitan at nakita kong magtatakip-silim na.

"Kamusta na sila?" biglang tanong niya.

"Ha?"

"Kamusta na sina Ina at Ama?" napatigil naman ako sa paglalakad atsaka siya tiningnan. Nakita kong napatigil siya atsaka humarap sa akin.

"Oh?"

"'Wag mong sabihin na ikaw ang anak nina Manong Delfinn at Aling Helen?!"

"Ako nga." sambit nito atsaka muling naglakad. 

"Teka, pa'no mo nalaman na doon ako nakatira sa kanila?"

"Ang hawak mong itak. Sigurado akong kay Ama 'yan." napatingin naman ako sa itak na hawak ko. Kasalukuyang binabalutan ng makapal na tela ang metal nito.

"Naririto na tayo." sambit niya atsaka tumigil sa paglalakad.

"Ha?" ano ang tinutukoy niya? Eh nasa harapan lang kami ng isang napakalaking puno. Ang kulay nito ay kasing kulay ng sa ginto.

"Akajajshjsnsn..." napatingin ako sa kanya. Nakita ko na nakaluhod siya lupa habang nakaharap sa puno. Nakapikit siya at kung ano-anong sign ang ginagawa ng mga kamay niya. May binibigkas din siya na parang chant.

"Ano 'ya---" napatigil ako ng makita kong biglang kumislap ang bawat sanga ng puno. May inilabas itong golden blings at sa isang iglap...

"Nandito na tayo!" 

...nagbago ang paligid.

Inobserbahan ko ang paligid at nakita kong marami ang mortal. Ang iba ay nag-uusap at ang iba naman ay may kanya-kanyang ginagawa. 

"Oy, bili ka na ng inumin na yari sa buko!" coconut juice pa nga. Gusto ko sanang bumili kaso wala naman akong pera.

"Saang lugar ito?" pagtatanong ko.

"Ito ay ang sikretong lugar ng Charoúmenos. Ang Vrede. Dito nakatira ang mga mortal na walang sinulid." hindi ko alam kung bakit sobrang big deal kapag walang sinulid ang isang mortal.

"At para makapasok dito ay kailangang gawin 'yong ginawa mo kanina?"

"Oo. At tanging mangkukulam lang ang makakagawa ng ritwal na 'yon."

"Ha? Bakit, hindi ko ba pwedeng gawin 'yon o ng ibang mortal na hindi naman mangkukulam?"

"Oo. Pwede kang mamatay." weh? "Kaya kung gusto mong gawin ang ritwal na 'yon, kailangan isa ka talagang mangkukulam at may sapat kang kaalaman sa pangkukulam."

"Bakit naman mamamatay?"

"Kapag ang isang mangkukulam ay gumagawa ng ritwal, kailangan alam niya kung paano balansehin ang kanyang sarili, ang kanyang mahika, at ang kanyang kaluluwa. Katulad ko, ang ritwal na ginawa ko kanina ay ang pakikipag-usap sa kapangyarihan ng mahiwagang puno. Ang katawan ko ang gumagawa ng ritwal, ang kapangyarihan ko ang dahilan kung bakit gumagana ang ritwal, at ang kaluluwa ko ang nakikipag-usap sa kapangyarihan ng mahiwagang puno."

"So multi-tasking pala ang mangkukulam?"

"Multi-tasking? So?" 

"Ah wala. Ang ibig kong sabihin ay maganda ka."

"A-ano?" nakita kong napakamot siya ng ulo. Palihim naman akong natawa. "Tsk, tara na nga!"

Muli kaming naglakad papunta sa kung saang lugar ng Vrede ang pupuntahan namin. Tumigil kami sa tapat ng isang napakalaking bahay. Walang katok-katok na pumasok si Cinroeslia sa loob nito kaya naman sumunod na lamang ako.

"Mang Fredrick, siya nga pala si Alvir." pagpapakilala sa akin ni Cinroeslia.

"Nagagalak akong makilala ka Alvir. Tawagin mo na lamang akong Mang Fredrick." nakangiti naman akong tumango. "Masaya ako dahil nakahanap na ng nobyo si Cinroeslia."

"Ha?" pagtatanong ko.

"Hay naku, Mang Fredrick! Andyan ka na naman sa mga biro mo." 

"Aba'y akala ko naman ay ikaw na ang nobyo ni Cinroeslia. Sayang, magpapa-piyesta sana ako." ano bang sinasabi niya?

Napakamot naman ako ng ulo atsaka naiilang na ngumiti. 

"Oo nga pala Alvir, si Mang Fredrick ang may-ari ng bahay na ito. Pwede ka ritong tumira ng libre." sambit ni Cinroeslia.

"Oo, ako ang may-ari ng bahay na 'to pero wala akong sinabi na pwede ang libre." napatingin naman ako kay Mang Fredrick.

"Ano ka ba naman, Mang Fredrick. Syempre pwede ang libre, hindi ba?"

"Hindi." napasimangot naman si Cinroeslia. Tumingin siya sa akin atsaka ngumiti ng pilit at muling tumingin kay Mang Fredrick.

"Pero bakit ako libre?" dito rin siya nakatira?

"Dahil parte ka ng El Forandringsrytme." napatingin ako kay Cinroeslia. 

"Tara na nga Alvir, wala tayong mapapala kay Mang Fredrick." hinawakan niya ang pulsuhan ko atsaka ako hinila papaalis.

Pagkalabas namin, nakita ko na madilim na. Makikita na ang mga bituin sa kalangitan at ang buwan. Makikita ang maiilaw na parol sa daanan. Parang nagsisilbi itong street lights.

"Hindi maganda 'to." muli akong napatingin kay Cinroeslia. "Kailangan mo ng makahanap ng matutuluyan bago siya sumalakay." 

"Siya?" sino ang tinutukoy niya?

"Isang mortal na pumapatay ng mortal." 

"Ano?" kung baga, para siya mamamatay-tao?

"Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin siya ng El Forandringsrytme. Napakagaling niyang magtago." 

"Ano pa ang ibang mga detalye?"

"Sumasalakay siya tuwing gabi kaya lahat ng mortal na nakatira rito ay sinisigurong sarado ang kanilang mga pinto at bintana. At base sa obserbasyon namin, kutsilyo lang ang ginagamit niya sa pagpatay." 

Sa madaling salita, kailangan ko ng makahanap ng matutuluyan dahil baka ako ang madali. Pero saan naman?

"Dito tayo." nagtungo kami sa harap ng isang pinto atsaka ito kinatok.

"Oh, sino kayo?" isang napakatandang babae ang sumalubong sa amin. Sa hitsura pa lang niya ay masasabi kong masungit ito.

"Pwede bang patuluyin niyo muna ang lalaking ito sa loob ng inyong paupahang-bahay? Kahit ngayong gabi lang." biglang tumingin sa akin ang matanda na siyang ikinagulat ko. 

Nakakatakot ang mga titig niya. Sa tingin pa lang niya ay masasabi kong hinuhusgahan na niya ako sa kanyang isipan.

"Saan ang bayad?" tanong nito.

"Wala po e." sagot naman ni Cinroeslia.

"Pwes, hindi ako papayag." matapos niyang bigkasin ang huling katagang sinambit niya, agad niyang isinarado ang pinto.

"Ang kunat talaga ng matandang 'yon!" rinig kong bulong ni Cinroeslia na ikinatawa ko.

"'Wag kang tumawa dyan lalaki. Alalahanin mo na wala ka pang matutuluyan!" sambit nito atsaka nauna ng maglakad. Agad ko naman siyang sinundan.

"Eh bakit mo kasi ako dinala rito?"

"Kanina ko pa sinagot ang tanong na 'yan." bakit ba minsan ay napakasungit ng babaeng 'to?

"Dito ka muna, lalaki. Pupuntahan ko ang may-ari ng paupahang-bahay. 'Wag kang aalis dito." tumango naman ako. 

Naramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin na dumampi sa balat ko. Napakalamig at napakatahimik. Tanging tunog ng kuliglig at pagaspas ng mga sanga ng puno lang ang aking naririnig.

Nasaan ka na ba, Cinroeslia?

"T-tulong!" nagulat ako ng makita ang isang babae na paika-ika ng takbo. "Tulungan mo ako, parang-awa mo na."

"Anong meron?" tanong ko rito. Napansin kong punong-puno ng dumi ang katawan at damit niya. Sabog din ang buhok niya.

"Nakita ko siya... Ang pumapatay! Tulungan mo ako! Tulungan mo ang pamilya ko!"

"T-teka, n-nasaan na ba siya?" 

"S-sundan mo ang l-lamig ng hangin.. M-mahahanap mo siya. Tulungan mo k-kami." 

"Anong---" napasapo ako ng ulo atsaka tumakbo paalis kahit hindi ko alam kung saan ako patutungo. 

Sundan ang lamig ng hangin? Anong ibig niyang sabihin? Paano ko naman malalaman 'yon?

Naramdaman ko ang biglaang paghangin kaya naman napayakap ako sa sarili ko. Napakalamig. 

Muli na namang humangin at sa oras na ito ay matagal ito bago huminto. 

"Teka nga---" napakurap ako ng aking mga mata sa pag-aakalang namamalik-mata lamang ako, ngunit hindi.

Nakikita ko ang direksyon kung saan patungo ang hangin. 

Agad ko naman itong sinundan. Iyon nga lang, may side effect. Lalo akong nilalamig.

Ilang minuto ang nakalipas, bigla na lamang naglaho sa paningin ko ang direksyon ng hangin kaya napatigil ako sa paglakakad.

"T-tama na! Ahh!" nanlalaki ang aking mga mata na sinundan ang sigaw na aking narinig. 

Ngunit mas lalo akong nagulat ng makita ko ang dalawang mortal. 

At kitang-kita ko kung paano saksakin ng isang mortal ang isa pang mortal.

Napakaraming saksak. 

"Tama na!" napatingin ako sa batang lalaki na umiiyak. 

Unti-unti akong nakaramdam ng galit at inis. Sa murang edad ng bata ay hindi siya dapat nakakasaksi ng ganito kabayolenteng pangyayari.

"Ama!" napakuyom ako ng aking kamao atsaka...

"Itigil mo 'yan!" mabilis akong tumakbo atsaka akma siyang pipigilan ngunit bigla itong humarap sa akin at tinutukan ako ng hawak niyang kutsilyo kaya naman napatigil ako sa pagtakbo.

"Papatayin mo ako?!" nanlaki ang mga mata ko ng makitang isa itong babae na nakasuot ng hood. Nakakatakot ang kanyang ngiti.

"A-anong ginagawa mo?!" sigaw ko rito.

"Alam mo bang ito na ang huli kong biktima? Pero mukhang mali ako, dahil ikaw ang panghuli!" nakita kong gumalaw ang kamay niyang na may hawak na kutsilyo kaya naman agad kong hinawakan ang pulsuhan niya.

"Hindi mo ako mapipigilan, mortal!" 

"Ahh!" napahiga ako sa lupa habang iniinda ang sakit dahil sa sipang ginawa niya.

"Napakahinang nilalang." muli kong nakita ang nakakatakot niyang ngiti.

"Ikaw 'yon." pagsasalita ko atsaka agad na tumayo. Ngumisi ito atsaka iwinasiwas ang hawak niyang kutsilyo kaya ilag lang ang nagawa ko.

"Tanggapin mo ng mamatay ka, mortal!" napakurap ako ng aking mga mata at sa isang iglap.

"Paalam!" nanlaki ang aking mga mata ng makaramdam ako ng isang matalas na bagay na tumarak sa aking dibdib.

Masakit. Napakahapdi.

Napatingin ako sa dibdib ko at nakita ko ang pagdaloy ng mga dugo. 

"Hindi." hindi ako pwedeng sumuko. Walang kamalay-malay ang bata. Nawalan siya ng ama, dahil sa babaeng ito.

Hustisya.. Para sa mga pinatay niya.

Nakita kong tumalikod siya at nagtungo sa bata.

"Ikaw na ang sunod." mapanglaro nitong sambit atsaka tumawa. 

Buong lakas kong kinuha ang malaking bato na nasa tabi ko atsaka ito hinawakan.

Nanglalabo ang paningin kong ibinato sa kanya ang hawak kong bato atsaka pumikit. 

---

"Ang talukap ng kanyang mga mata ay gumagalaw."

"Hmm, gising na siya."

Isang liwanag ang bumungad sa akin. 

"Alvir!" huh?

Naramdaman kong may pumulupot sa katawan ko kaya agad ko itong tiningnan.

"Alvir! Diba sabi ko huwag kang aalis sa pwesto mo?! Bakit nalaman ko na lang na nakahilata ka na sa lupa at may kutsilyong nakatarak sa dibdib mo?!" 

Cinroeslia...

Tumayo ako atsaka umupo. 

"Ayos ka na ba? Masakit pa ba ang dibdib mo?" teka, bakit umiiyak siya?

"Ayos lang ak---"

"Buti naman! Akala ko naman mamamatay ka na!" lalo itong pumalahaw ng iyak na para bang isa siyang bata na inagawan ng kendi.

"N-nasaan ako?" 

"Naririto ka sa pagamutan na pagmamay-ari ng El Forandringsrytme." napatingin ako sa babaeng sumagot. 

Sabay kaming napatingin sa pinto ng makarinig kami ng katok. Agad naman nagtungo roon ang babae atsaka ito binuksan.

"Naririto ba si Alvir?" tanong nito.

"Oo." nakita kong pumasok ang isang matatangkad na tatlong lalaki. Nakasuot sila ng armor na gawa sa metal mula ulo hanggang paa at may hawak silang armas na kung tawagin ay spear.

"Ako si Rolaud. Isa akong kabalyero mula sa El Forandringsrytme. Nais kong ipatid sa'yo na ikaw ay magtungo sa palasyo ng El Forandringsrytme." pagkatapos niyang magsalita ay agad siyang naglakad paalis kasama ang dalawa pang kabalyero.

"Mukhang nais kang makita ng prinsesa." napatingin naman ako kay Cinroeslia.

"Prinsesa?"

"Makikilala mo rin siya kapag ikaw ay nagtungo roon." napatingin ako sa babae ng bigla itong magsalita.

"Pasensya na, hindi mo pa pala ako kilala." sambit nito. "Ako si Wynonna, ang manggagamot at ang namamahala ng pagamutan ng El Forandringsrytme." 

"Nagagalak akong makilala ka."

"Walang anuman." nakangiting sambit nito. "Kung wala na kayong kailangan, ako ay aalis na." tumango na lamang ako atsaka pinanood siyang maglakad paalis.

"Paano ako nakarating dito?" tanong ko kay Cinroeslia.

"Dinala ka rito ng isang batang lalaki." teka, yun ba yung batang lalaki kagabi?

"Paano niya ako nabuhat?" pagtatanong ko pa.

"May kakayahan siyang palutangin ang sino at anuman. At sabi niya ay unang beses niyang magpalutang ng mortal."

"Gano'n ba."

"Ang bigat mo nga raw e." 

"Ha?" napakamot naman ako ng aking ulo.

---

"El Forandringsrytme. Ano ba 'yon?" tanong ko kay Cinroeslia habang naglalakad. Kasulukuyan kaming naglalakad patungo sa palasyo ng El Forandringsrytme.

"Isa itong organisasyon dito sa loob ng Vrede." sagot nito. "Si Maestro Sylvius ang pinaka lider ng organisasyong ito at siya'y sinusuportahan ng prinsesa, ang namamahala ng kabuuan ng Vrede."

"Anong meron sa El Forandringsrytme?" muli kong tanong.

"Napalaking lugar ang Vrede, at sa sobrang laki nito, hindi lang mga mortal ang nakatira rito." sambit nito. "May mga ibang nilalang na nakatira rito kung saan ang iba sa kanila ay pumapatay ng mortal."

"Ha?"

"Kaya naman ginawa ang organisasyon ng El Forandringsrytme para puksain ang mga ito." 

"Gano'n ba."

"Oo. At meron itong tatlong dibisyon. Ang una ay ang dibisyon para sa mga kabalyero. Ang tawag sa dibisyong ito ay Vojska. Sila ang nagbabantay sa palasyo ng El Forandringsrytme at sa palasyo ng prinsesa. Sila rin ang responsable sa pagbabantay ng kulungan ng mga preso."

"Pangalawa, ang dibisyon para sa mga manggagamot. Zachrance ang tawag sa dibisyong ito. Sila ang gumagamot sa mga mortal at mga mortal na kasapi sa El Forandringsrytme. At ang pangatlo, ang dibisyon para sa mga manlalakbay o kilala bilang Vselennaya. Sila ay naglilibot sa kabuuan ng Vrede at maaari rin sa labas ng Vrede. Sila ang madalas na pumapatay sa mga nilalang na pumapatay ng mortal at mahilig silang tumuklas ng mga bagay-bagay."

Ah, gano'n pala 'yon.

"Ikaw, diba kasali ka sa El Forandringsrytme? Saang dibisyon ka?"

"Sa dibisyon ng Vselennaya." sagot nito.

So adventurer ka pala.

"Bakit hindi mo subukang sumali ng El Forandringsrytme? Para makatira ka ng libre doon kay Mang Fredrick." 

"Hmm, pwede naman kaso may kulang e." sambit ko.

"Ano naman?" 

"Wala akong kakayahan, 'di tulad mo." sagot ko. Wala akong kahit na anong kapangyarihan at bukod doon ay wala akong alam pagdating sa pakikipaglaban.

"Ayos lang 'yan! Meron din namang mga manlalakbay na walang kakayahan. Pero kasi, kadalasan sa mga mortal na walang kakayahan na kasapi ng El Forandringsrytme ay napupunta sa dibisyon ng Vojska." 

"Eh?!" debale na lang. Pakiramdam ko'y nakakainip maging kabalyero. Yung tipong tatayo ka lang sa may gate buong maghapon.

"Pero ikaw naman ang pipili kung saang dibisyon ang gusto mong salihan." sambit nito.

"At kung pipiliin mo ang dibisyon ng Vselennaya, dapat marami kang alam pagdating sa pakikipaglaban. Hindi mo alam kung sino ang makakalaban mo kaya dapat handa ka!" 

"E ikaw, bakit parang wala ka namang dala-dalang kahit anong armas? Paano ka nakikipaglaban?"

"Tsk, kapag may kalaban, kinukulam ko lang sila!" 

"Ha? Edi magsasagawa ka pa ng ritwal para mapatay sila?"

"Ano ka ba naman! Anong tingin mo sa'ming mga mangkukulam puro ritwal lang ang kayang gawin? Syempre hindi ano!" 

Natawa naman ako sa kanya.

Ilang minuto ang lumipas, nakarating na kami sa gate ng napakalaking palasyo.

"Ako si Alvir." sambit ko sa kabalyero. Agad naman nilang binuksan ang mala-higanteng gate ng palasyo.

"Tara na!" biglang hinawakan ni Cinroeslia ang pulsuhan ko atsaka ako hinila papunta sa loob.