Chereads / FIND ME: A Love Through Eternity (FILIPINO VERSION) / Chapter 47 - CHAPTER 46 "IMPREGNATE ME 1"

Chapter 47 - CHAPTER 46 "IMPREGNATE ME 1"

NAUNA na silang tinanong ni Marielle kung ano ang plano nila para sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Sa simula ay nagbiro si Daniel, gusto raw nito ng trip to Europe, pero dahil nga sa kalagayan nito ay pareho-pareho naman nilang alam na imposibleng mangyari iyon.

Si Ara ang nag-suggest na sa mismong mansyon nalang sila mag-stay. Masaya na siyang kasal na sila ng lalaking pinakamamahal niya. Ngayon mas importante higit sa kahit ano pang pwedeng mabili at mabayaran ng salapi ay ang pagsisimula ng treatment nito.

"Bakit hindi ka pumayag nung nag-suggest si Mama na mag-check in tayo sa isang five-star hotel?" katulad ng napagkasunduan nila noon pa mang lumipat siya sa masyon ay sa kwarto na siya nito matutulog simula sa gabing iyon.

Nasa veranda sila noon at nagpapahangin. Katatapos lang nilang kumain ng masarap na hapunan na si Aling Salyn at ang biyenan mismo niya ang naghanda. Bukod pa iyon sa masarap rin na lunch nilang mag-anak kanina bilang reception ng kasal nila ni Daniel sa isang five-star hotel and restaurant.

"Hindi ko naman kailangan iyon, mas gusto ko dito, sa bahay natin," aniyang tiningala ang asawa saka pagkatapos ay naglalambing na inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito.

"Alam mo bang nakatayo ako dito noong una kitang nakita na naglalakad diyan sa kalsada kasama si Nanay Susan? Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon kasi kakaiba talaga ang naramdaman ko," ilang sandali pagkatapos ay iyon ang sinabi sa kaniya ni Daniel.

"Talaga?" ang hindi makapaniwala niyang tanong saka malapad ang pagkakangiti sa mga labi ni nilingon muli ang kabiyak.

Tumango si Daniel. "Hindi ko naman nakita noon ang mukha mo kasi nakatalikod ka, pero alam mo ba iyong feeling na parang sinasabi at ibinubulong sa akin na may something sa iyo na hindi ko dapat pakawalan?"

Kinilig si Ara sa inamin na iyon sa kaniya ng kanyang asawa. Napakasarap marinig ng mga ganoong klase ng confessions mula sa lalaking pinakasalan niya. Bukod pa roon ay ang katotohanan na talagang mahal na mahal rin niya ito.

"Pareho lang naman tayo eh," sagot niyang tumawa pa ng mahina.

Noon itinuwid ni Daniel ang pagkakaupo nito saka siya inilayo mula rito at pagkatapos ay tinitigan sa kaniyang mga mata.

"What do you mean?" tanong pa nito.

Napahagikhik si Ara dahil sa kilig na kaniyang naramdaman. "Hindi mo ba naisip kung bakit sa kabila ng matinding inis na nararamdaman ko para sa iyo noon hindi kita nagawang iwasan ng lubusan? Siguro kasi destined talaga, kaya nga nandito na tayo ngayon hindi ba?" ang ngiting-ngiti niyang sagot.

Nanatiling nakatitig lang sa kaniyang mukha ang kaniyang asawa. Napakaganda at napaka-aliwalas ng aura nito sa paraan na kahit yata ang pinakamahusay na pintor ay hindi nito mabibigyan ng justice ang damdamin na nasa mga mata ngayon ng kaniyang gwapong asawa.

"Magpahinga ka na?" ilang sandali pagkatapos ay iyon ang naisipang itanong ni Ara kay Daniel saka niya marahan na hinaplos ang likuran nito.

Umiling si Daniel saka siya niyuko at hinalikan sa kaniyang mga labi. At dahil nga hindi siya naging handa sa ikinilos na iyon ng kaniyang asawa ay marahas siyang napasinghap at umabot iyon sa pandinig nito. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang makita niya ang matinding amusement hindi lang sa mga mata nito kundi maging sa ngiti at mukha nito.

"Hindi ba sinabi mo gusto mong magka-anak tayo?" ang naglalambing na tanong sa kaniya ni Daniel saka siya hinila patayo.

Mabilis na niragasa ng kaba ang dibdib ni Ara dahil sa sinabing iyon sa kaniya ni Daniel.

Oo nga at asawa na niya ito, pero hindi niya alam at hindi rin niya maipaliwanag kung sa papaanong paraan at kung bakit tila ba hindi parin siya immune sa lahat ng kakatwang emosyon na kaya iparamdam at ibigay sa kaniya ni Daniel.

"O-Oo naman, gusto ko nga lalaki at sana maging kamukha mo," sagot niya kusang napaatras nang mapagmasdan niya ng husto ang mga mata ng kaniyang asawa at makita ang tila ba maliliit na apoy na nagsisimula na namang maglagablab sa mga iyon.

"Oh, bakit parang natatakot ka sakin?" ang natatawang tanong sa kaniya ni Daniel na hindi niya inakalang napansin pala ang kaniyang ginawa.

Noon magkakasunod na umiling si Ara. "Of course not! Hindi ako natatakot sa'yo no! Bakit naman ako matatakot eh asawa kita?" aniyang muli na namang humakbang palikod nang makitang lumapad ang amused na ngiti ng kaniyang asawa saka nagsimulang lumapit sa kaniya.

"Alam ko kung bakit," ang aliw na aliw na winika ni Daniel saka huminto sa paghakbang.

"Sige nga, bakit?" hindi napigilan ni Ara ang matawa dahil sa nakikita niyang kakulitan ng kaniyang asawa nang mga oras na iyon.

Nagkibit ng balikat si Daniel saka siya nilapitan at hinila na papasok ng kwarto. Pagkatapos noon ay isinara na nito ang pinto palabas ng veranda, hinawi ang kurtina na tumatakip roon saka siya sinimulang hubaran. Pagkatapos noon ay isinunod namang hubaran ng kaniyang asawa ang sarili nito mismo.

"A-Anong ginagawa mo?" ang gulat na gulat niyang tanong sa asawa habang pinanonood niya ang ginagawa nitong pag-aalis ng saplot sa kaniyang harapan mismo.

Hindi sumagot si Daniel at sa halip ay hinila nalang siya nito papasok ng banyo, binuksan nito ang shower na tuluyang bumasa sa kanila dalawa habang nasa ilalim sila niyon.

Agad ang naging reaksyon niya dahil sa lamig ng tubig. Pero sandali lang iyon dahil nang halikan siya ni Daniel ay mabilis niyang naramdaman ang pag-iinit bigla ng buo niyang katawan. Kaya sa huli ay minabuti niyang ikawit nalang ang kaniyang dalawang braso sa leeg ng kabiyak saka tinugon ang mariin nitong halik sa kaniya.

Kung noong una silang nagtalik ni Daniel ay nagawa niyang ibagay ng buo ang lahat ng mayroon siya rito, alam ni Ara na mas higit pa roon ang makakaya niyang ibigay ngayon lalo at may basbas na ang lahat ng gusto nilang gawin, dahil sila ay pinag-isa na.

Aminin man niya o hindi ay unti-unti niyang nararamdaman ang pagtutumindi ng paghahangad niya para kay Daniel. Kaya naman nang maramdaman niya ang galit nitong pagkalalaki na ngayon ay nakadaiti sa kaniyang puson, hindi na siya nagdalawang isip na damhin iyon ng kaniyang kamay upang bigyan ng isang masuyong masahe na alam niyang magugustuhan ng kaniyang asawa, at hindi nga siya nagkamali.

Siguro nagustuhan talaga ni Daniel ang ginagawa niya kaya nagawa pa nitong bumitiw sa mariin nitong paghalik sa kaniya upang bigyan daan ang mararahas na pagsinghap na sanhi naman ng kaniyang kapusukan na unti-unting ginigising ng lalaki sa kaniyang katawan.

"Sweetheart!" anas nitong hinawakan ng mahigpit ang batok niya saka siya tinitigan at pagkatapos ay muling umungol.

Noon umangat ang sulok ng labi ni Ara saka mas binilisan pa ang ginagawa sa pagkalalaki ni Daniel. Pero iyon nalang ang kaniyang pagkabigla nang kumilos ang mga kamay ng kaniyang asawa.

Kinuha nito ang dalawang kamay niya saka nito iniligay ang mga iyon sa itaas ng kaniyang ulo.

"I'm sorry my love but I don't think I need long foreplay this time. My desire to claim you right now as my wife is so intense," anitong niyuko muna siya saka hinalikan sa mga labi.

"O-Okay," sagot ni Ara sa pagitan ng paghahabol ng paghinga nang pakawalan ni Daniel ang kaniyang mga labi.

Ngumiti ito. "Don't worry, mayroon tayong buong gabi ngayon at sa mga susunod pa, habang hindi pa nagsisimula ang therapy ko at habang kaya ko, ibibigay ko ang pangangailangan mo," anito habang nakatitig ng husto sa kaniya ang maiitim nitong mga mata.

Nang maramdaman ni Ara ang ulo ng pagkalalaki ng kaniyang asawa na unti-unti nang gumagawa ng panunuluyan sa kaniya ay parang wala sa sarili siyang napakagat-labi. Iyon ay sa kagustuhan niyang pigilan ang pagkawala ng ungol mula sa kaniyang bibig.

Pero nabigo siya. Napadaing parin siya bagaman mas mahina na iyon.

"Look at me sweetheart," si Daniel habang ginagawa nitong ganap ang pagpasok sa kaniya ay kusa napapikit si Ara kasabay ng pagtaas ng kaniya ulo.