"HINDI ba makakasama sa iyo ang pinaggagagawa nating ito?" nang pareho na silang nakahiga ng asawa niya ay iyon ang naitanong ni Ara rito.
Narinig ni Ara ang mahinang tawa na naglandas sa lalamunan ni Daniel. "Sa tingin ko hindi naman," sagot nito saka siya kinabig at saka dinampian ng isang simpleng halik sa kaniyang noo.
"Kung ganoon pala eh samantalahin na natin ang pagkakataon," aniyang kumilos saka umibabaw sa asawa niya.
"Ara!" saway ni Daniel sa kaniya.
Kinikilig na natawa lang siya ng mahina at saka sinimulan ang muling paghuhubad ng ngayon ay manipis na pantulog na kaniyang ng suot.
"Hindi mo naman kailangang bumangon, huwag kang mag-alala kasi ako ang magtatrabaho this time," aniya pang inihagis kung saan ang hinubad niyang damit saka isinunod ang suot niyang panloob na yari naman sa manipis na lace.
Madilim ang kwarto nila nang mga sandaling iyon dahil nga nagpatay na sila ng ilaw kanina pagkatapos nilang maligo. At tanging ang liwanag na nagmumula lamang sa poste ng ilaw sa may kalsada ang nagsisilbing tanglaw nila. Tumatagos ang liwanag niyon sa bintana ng kwarto,
Gaano man kalamlam ang liwanag ay nakita parin ni Ara ang magandang ngiti na sumilay sa mga labi ng kaniyang asawa na lalong nagpaningas naman sa kaligayahan at excitement na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.
"Ikaw ang bahala," ang tanging naisagot ni Daniel sa tono na tila ba sinasabi nitong gawin niya ang gusto niya dahil may tiwala naman ito sa kaniya, kaya iyon nga ang ginawa ni Ara.
Nang yumuko siya para halikan ang kaniyang kabiyak ay gumanti rin si Daniel nang maiinit na halik sa kaniya. Naging mapusok ang sandaling iyon sa paraan na para bang walang anumang namagitan sa kanilang dalawa sa loob ng banyo kanina.
Iyon ang isa pa sa mga katangian na gustong-gusto niya sa kaniyang asawa. Palagi kasi niyang nararamdaman ang matindi nitong pananabik sa kaniya at iyon ang nagbibigay at naghahatid sa kaniya ng mas karagdagang init na nagiging dahilan kaya lalo pang nagniningas ang tila apoy na binubuhay nito sa kaniyang pagkatao.
"Wala ka bang planong magpahinga, kahit sandali lang?" ang amuse pang tanong sa kanya ng lalaki nang ihiga siya nito para ito naman ang umibabaw sa kaniya.
Nangingislap ang mga mata niyang sinuyod ng tingin ang gwapong mukha ng kaniyang kabiyak. At mas nagkaroon siya ng sapat na liwanag para mabista iyon ng lubusan nang abutin nito ang lampshade sa sidetable ng higaan saka iyon binuhay.
"Mas gusto kong sulitin ito, para siguradong mabubuntis ako," pagsasabi niya ng totoo saka inabot ng kaniyang kamay ang mukha ni Daniel. "ayokong isipin na mawawala ka, alam mo ba iyon?" tanong niya rito.
Hindi nagsalita si Daniel kaya nagpatuloy siya.
"Mas gusto ko paring isipin na gagaling ka at magkakaroon tayo ng isang masaya at buong pamilya balang araw," pagpapatuloy niya habang hindi niya alintana ang nararamdaman niya hapdi ng mga sulok ng kaniyang mga mata.
"Susubukan natin, malay mo maging mas mahaba pa kaysa inaasahan ang buhay ko. Ang mga doktor naman mismo ang nagsasabi na instrumento sila ng Panginoon. Ang Diyos parin ang totoong may hawak ng buhay ng isang tao," anito sa kaniya saka ngumiti.
Tumango si Ara sa sinabing iyon ng kaniyang mister. "Magdadasal ako, hindi ako mapapagod na hingin iyon sa Kaniya, hanggang sa ibigay Niya," aniyang tuluyan na ngang umagos ang kaniyang mga luha pagkatapos.
"Huwag kang umiyak, honeymoon natin ngayon kaya dapat masaya tayo," alo naman sa kanya ni Daniel.
Tumawa roon ng mahina si Ara. Tama nga naman ito, kailangan maging masaya silang dalawa at ganoon ang kailangang gawin niya. Kaya naman mabilis siyang nagpahid ng kaniyang mga luha saka buong pagmamahal na inabot muli ang mukha ni Daniel saka iyon banayad na hinaplos.
"Sorry," ang tanging isinatinig niya bago kinabig ang batok ng kaniyang asawa at mariing hinalikan sa mga labi.
Kahit kailan ay hindi yata siya mapapagod sa ganitong mga sandali sa pagitan nila ni Daniel. Dahil mahal na mahal niya ito.
Sa loob ng ilang sandali ay nanatili sila sa ganoong ayos, pero hindi ang kamay niya na kusang gumawa ng sarili niyang eksplorasyon sa katawan ng kaniyang kabiyak. At iyon na marahil ang naging dahilan kung kaya muli ay naramdaman niya ang pagbabago ng paraan ng paghalik ni Daniel sa kaniya. Dahil mula sa pagiging banayad ay bigla itong naging mapusok sa paraan na muli na namang hindi naging madali para sa kaniya ang huminga.
Nang bumaba ang mga halik ni Daniel pababa sa kaniyang leeg ay hindi niya napigilan ang mapasinghap bagaman iyon rin ang pagkakataon na nakita niya upang sumagap ng hangin.
Ang maiinit na labi ng kaniyang asawa ay parang maliliit na apoy na humahalik sa kaniyang balat, na unti-unting tinutupok ang kaniyang buong pagkatao at nagpapaningas ng init na kaniyang nararamdaman.
Noon niya naalala ang sinabi niya kanina nang simulan niya ang tagpong iyon.
Sinabi niya kay Daniel na siya ang magtatrabaho kaya naman iyon ang ginawa niya. Nagulat pa ang kaniyang asawa nang itulak niya ito pabalik sa pagkakahiga at saka muling binawi ang kaninang posisyon sa ibabaw nito.
"What are you doing?" tanong nitong gulat na gulat sa ginawa niya .
"Hindi sinabi ko kanina na this time it will be my play?" ang tila nang-aakit niyang tanong saka kinapa ang bagay na nasa pagitan ng mga hita ng kaniyang asawa.
Narinig niya ang naging marahas na pagsinghap ni Daniel. Ramdam rin niya ang matinding pagpipigil nitong lingkisin siya ng tuluyan. Dahil natitiyak niyang kung hindi lamang niya ipinaalala rito na siya ang magtatrabaho sa pagkakataong iyon, baka katulad kanina ay ito na naman ang malamang na nagmamaniobra ng mainit na sandaling iyon sa pagitan nilang dalawa.
"Ara," anas ni Daniel na inabot ang kaliwa niyang dibdib saka iyon binigyan ng isang masarap at banayad na masahe.
Umungol siya dahil sa ginawang iyon ng kaniyang asawa. Ang kamay nito ay parang may baga kaya ramdam na ramdam niya ang matinding init mula roon. May palagay siya na alam ng kaniyang asawa na nangangapa siya kung paano magsisimula kaya naman ito na mismo ang unang kumilos.
Bumangon ito at sa halip ay naupo at isinandal ang sarili sa headboard ng kama. Pagkatapos ay kinabig siya at mariing hinalikan sa kaniyang mga labi, at noon na nga tuluyang nagkaroon ng ideya sa Ara kung ano ba ang dapat at susunod na kailangan niyang gawin.
Hinawakan niya ang laylayan ng suot na tshirt ni Daniel saka niya iyon hinila pahubad. At katulad ng ginawa niya sa damit niya kanina ay inihagis na lamang niya iyon kung saan mang bahagi ng silid. Pagkatapos ay kumilos siya saka itinulak pababa ang suot nitong boxers hanggang sa huli ay ang asawa na niya ang tumapos niyon.
Naramdaman agad ni Ara ang ngayon ang matindig na pagkalalaki ni Daniel na nakadaiti sa kaniyang hiyas. Napasinghap siya roon. Ibang klase ang init na naramdaman niya at muli ay parang gusto na naman niyang tapusin na ang lahat at tuluyan nang bigyan ng kaganapan ang pagtatalik nilang iyon.
"Go on, gawin mo ang gusto mo," si Daniel na hindi niya napuna pero kanina pa pala nakatingin sa kaniya.
Nag-aalangan na napangiti si Ara sa sinabing iyon ng kaniyang asawa. "O-Okay," aniya sa nahihiyang tono saka hinawakan ng kaniyang kamay ang matipuno nitong pagkalalaki.
Narinig niyang humugot at nagpakawala ng marahas na paghinga ang kaniyang asawa sa ginawa niyang iyon. At sa kalaunan ay parang sinagot rin naman niya ito sa kaparehong paraan nang siya mismo ang gumawa ng unang hakbang upang muli ay pag-isahin ang kanilang mga katawan.
"Mmnnn..." daing niya saka namumula ang mukhang tinitigan ang kaniyang asawa. "A-Ang laki talaga," anas na naman niya habang maingat na pinatutuloy si Daniel sa loob niya.
Tumawa ng mahina dahil doon si Daniel habang nasa mga mata nito ang makahalong amusement at matinding paghahangad sa para sa kaniya.
"Kaunti nalang, sweetheart, remember, it fits yours, perfectly?" paalala pa nito saka siya binigyan ng isang masuyong haplos sa mukha.
Tumango si Ara sa sinabing iyon ni Daniel sa kaniya.
Totoo naman iyon. Sa kabila ng katotohanan na malaki at mahaba ang pagkalalaki ni Daniel ay nakapagtatakang fit na fit ito sa kaniya.
Hindi nga lang nagiging madali para sa kanilang dalawa sa simula dahil sa likas na pakipot ang kaniya pero sa huli, katulad niya ay bumibigay rin ito kay Daniel at sa huli ay walang anumang reklamo at buong pusong tinatanggap ang bawat paghampas nito ng kaligayahan sa kaniya.
"Kaunti nalang," ani Daniel na niyuko ang dibdib niya saka iyon sinimulang suyuin ng malikot nitong dila.
Parang gumuhit ang isang latigo ng kaligayahan sa katawan ni Ara dahil sa ginawang iyon ni Daniel.
Kung sinadya nito iyon, hindi niya tiyak. Pero ang masarap na kuryenteng umagos sa katawan niya nang dahil sa patuloy na pagsibasib ng mainit nitong bibig sa dulo ng kaniyang dibdib ang tila ba nagbigay ng ideya sa kaniya kung ano muli ang dapat niyang gawin.
Nang magsimula siyang gumalaw sa kandungan ng kaniyang asawa ay agad na naging aware si Ara sa pagdoble ng kaligayahan na nararamdaman niya.
Ang pagkalalaki ni Daniel na nagbibigay sa kaniya ng kakaibang kaligayahan at pati narin ang bibig nitong ngayon ay nagpapalipat-lipat na sa dalawa niyang dibdib.
Lalong nagtumindi ang init sa katawan niya. Pati narin ang sensuwal na paghahangad na alam niyang siyang nagdidikta sa kaniya kung ano ang mas mainam na gawin sa paraan na pareho silang magiging mas maligaya.