"NAGKAUSAP ba kayo ni Jason kanina?" katulad ng dati, pauwi na sila noon patungo sa parking lot kung saan naka-park ang kotse ni Daniel.
Tumango si Daniel. "Bakit?" tanong nito sa kaniya.
"Anong sabi sa'yo? Kasi hindi kami nagkaroon ng chance na makapag-usap ng matagal ngayong araw," sagot niya.
"Masaya siya, ganoon naman ang mga kaibigan hindi ba?"
"Parang si Jenny. Magkasabay nga silang kumain ng lunch kanina. Sana sila nalang ano? Para maging masaya rin ang kaibigan ko katulad ko," si Jenny ang tinutukoy ni Ara bago siya pumasok at naupo na sa passenger seat ng kotse.
"Talaga bang masaya ka kasama ako?" kunwari ay hindi kumbinsidong tanong sa kaniya ni Daniel.
Noon ginagap ni Ara ang kamay ng binata saka inilagay sa tapat ng kaniyang puso. "Ano sa tingin mo?" tanong niyang ngiting-ngiti.
Hindi sinagot ni Daniel ang tanong niyang iyon at sa halip ay niyuko siya nito at mapusok na hinalikan. Hindi iyon inasahan ni Ara kaya naman marahas siyang napasinghap dahil sa ginawang iyon ng kaniyang nobyo.
At kung hindi niya inasahan ang paghalik na iyon sa kaniya ng binata ay hindi rin niya inasahan ang mas paglalim pa ng halik sa kaniya ni Daniel na nagdulot naman sa kaniya ng magkahalong kaba at excitement.
"D-Daniel, baka may makakita sa atin dito," anas niya nang bumaba ang mga labi ng binata sa kaniyang leeg.
Dahil sa sinabi niyang iyon ay mabilis na itinigil ng binata ang ginagawa. "Pasensya kana, hindi ko napigilan ang sarili ko," anitong hinalikan pa siya sa noo pagkatapos.
Noon pumunit ang isang nakakaunawang ngiti sa bibig ng dalaga saka banayad na hinaplos ang perpektong mukha ng kaniyang nobyo. Pagkatapos ay siya na mismo ang kumilos para dampian ng simpleng halik sa mga labi nito ang binata.
"Nauunawaan ko, at gusto kong malaman mo na gusto ko rin iyon, gustong-gusto ko kapag hinahalikan mo ako," pagsasabi ng totoo ni Ara sa kagustuhan niyang pawiin ang nakikita niyang pagkapahiya at pag-aalala sa mga mata ng kaniyang nobyo.
Marahil nag-aalala si Daniel na baka nagalit siya sa ginawa nito at ayaw niyang makaramdam ng ganoon ang kaniyang nobyo dahil kapag nasasaktan ito, ganoon rin ang nararamdaman niya.
KATULAD ng naging advice sa kaniya ni Jenny, inamin niya sa mga magulang niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Daniel. At katulad rin ng napag-usapan nila ng kaniyang bestfriend, walang naging problema sa side ng parents niya at sa halip ay natuwa pa ang mga ito.
Dahil doon ay nag-set ng isang espesyal na pananghalian ang nanay at tatay niya para kay Daniel at labis na ikinatuwa iyon ni Ara.
Naging masaya ang pananghalian na iyon hindi dahil sa madalas na pagbibiro ng tatay niya kundi dahil sa katotohanang nakikita niyang tanggap ng mga magulang niya ang kaniyang nobyo.
Matapos ang pananghalian ay niyaya siya ng binata na mag-stay muna sa bahay nito. Ayon rito ay wala si Aling Salyn. Day-off raw nito at kinabukasan pa ng hapon babalik. Ipinagpaalam siya ni Daniel kina Anselmo at Susan at pumayag naman ang mga ito. Alam niyang may tiwala sa kaniya ang mga magulang niya at ganoon narin sa kaniyang nobyo kaya malaya niyang nagagawa ang gusto niya.
"Oh hindi ba mas maganda kapag alam ng mga magulang mo ang tungkol sa atin? At least hindi na natin kailangan pang magsinungaling para gawin lang ang ganito," si Daniel nang puntahan siya nito sala dala ang dalawang baso ng malamig na orange juice.
Mula sa binubuklat niyang magazine ay nagtaas ng tingin si Ara saka nakangiting sumagot. "Oo nga. Saka tama naman si Jenny, wala namang against sa relasyon natin kaya hindi natin kailangang itago ang mayroon tayo," aniyang itinuloy ang pagba-browse sa magazine.
Ilang sandali siyang nalibang sa magagandang bahay na nakikita niyang naka-feature sa magazine na iyon kaya naman nagulat siya at hindi napigilan ang mag-protesta nang bigla iyong kuhanin ni Daniel saka ibinalik sa ilalim ng centertable kasama ang iba pang babasahin doon.
"Hey, Daniel!" protesta niya.
"Mamaya na iyan, mas importante pa ba iyan sa gusto kong gawin sa'yo?" anitong pilyo siyang nginitian saka lumapit ng husto sa kaniya.
"T-Teka, a-ano bang---," at tuluyan na ngang inangkin ng binata ang kaniyang mga labi.
Kasabay ng pagkakasakop ni Daniel sa mga labi niya ay ang muli na namang pagtama ng tila ba nakakabaliw ng kuryenteng humaplos sa buong katawan niya kaya siya naparalisa. Nagmistula tuloy intermission ang mga nauna nang halik na ipinadama sa kaniya ni Daniel dahil sa hindi maipaliwanag na damdamin na ibinibigay sa kaniya ng binata nang mga sandaling iyon.
"Ara, mahal na mahal kita," nang sandali nitong pakawalan ang mga labi niya ay iyon ang narinig niyang ibinulong sa kaniya ni Daniel kaya siya nagdilat ng paningin.
"I love you too," sagot naman niya saka hinaplos ng humahangang tingin ang mukha ng lalaking pinakamamahal niya.
Hindi na nagsalita pa si Daniel at sa halip ay muli siya nitong niyuko at saka siniil ng halik sa kaniyang mga labi.
Nang mga sandaling ay ramdam ni Ara ang matinding init na unti-unting pinagniningas ng binata sa kabuuan niya. Mga labi pa lamang niya ang pinagpapala ng binata pero ganito na ang epekto niyon sa kaniya, paano pa kaya kung umabot na sila sa sukdulan ng kapusukan nilang dalawa?
Sa naisip niyang iyon ay agad na natigilan si Ara at may palagay siyang napuna iyon ni Daniel kaya awtomatiko ring nahinto ang binata sa ginagawa.
"What's wrong?" tanong ni Daniel sa kaniya.
Noon habol ang paghingang sinalubong ni Ara ang mga titig ng lalaki saka magkakasunod na umiling. "I want you to give me your deepest and most passionate kiss," ang sa halip ay isinagot niya.
Hindi niya nakakalimutan ang lahat ng pangaral sa kaniya ng kaniyang ina. Pero alam din niyang kahit kailan ay hindi siya makakayang talikuran ni Daniel.
Eighteen na siya at nasa wastong gulang na. Kung anuman ang mangyari alam niyang hindi siya tatalikuran ng kaniyang kasintahan dahil mahal na mahal siya nito at narararamdaman niya iyon.
Hindi tiyak ni Ara kung ang sinabi niyang iyon ang nagbigay ng dahilan kay Daniel para maging mas agresibo ito sa paraan ng paghalik sa kaniya. Pero katulad narin ng sinabi at hiningi niya sa binata, ibinigay nito sa kaniya ang hinihingi niya sa paraang hindi na niya malaman kung papaano tutugunin ang ginagawa sa kaniya ng binata dahil sa nagtutuminding kapusukan nito.
Napaigtad si Ara nang maramdaman niyang kasabay ng malalalim at mapupusok na paghalik sa kaniya ni Daniel ay nagsimula naring maglikot ang mga kamay ng lalaki.
Si Daniel ang first boyfriend niya at ito rin ang kaniyang first kiss kaya nangangahulugan lang na ang lahat ng ginagawa nito ay bagong lahat sa kaniya. At iyon ang dahilan kaya hindi niya mapigilan ang mag-react dahil sa masarap na kilabot na ibinibigay sa kaniya ni Daniel.
"Ara, nababaliw na ako sa'yo, baliw na baliw na ako sa'yo," anitong sandaling pinakawalan ang kaniyang mga labi saka sinuyod ng tingin ang kaniyang mukha.
Nakita niya ang tila maliliit na labi ng apoy sa mga mata ng binata. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang maramdaman ang init ng mga labi nito nang muli iyon dumampi sa kaniya.
Wala na yata siyang kakayahang tumanggi dahil sa simula pa lang, alam naman niyang isa ito sa pinakahihintay at pinakapinapangarap niyang mangyari sa pagitan nila ng binata. At ngayong nangyari na, mas lalo niya iyong napatunayan, na nakahanda niyang ibigay ang saili niya kay Daniel, ngayon mismo, kung gugustuhin nito.