Chereads / Zandrah the Witch Girl / Chapter 1 - Villa La Illusyon

Zandrah the Witch Girl

🇵🇭Bangshy_09
  • 6
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 13.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Villa La Illusyon

ABALA ang ina ni Glenn sa pag-aayos ng mga kanilang gamit palibhasa ay bagong lipat lang sila sa Villa La Illusyon. Malaki naman ang kanilang bahay at nagustuhan niya ang katahimikan ng lugar.

Nakatayo siya sa isang poste na malapit lang sa bahay nila. Nakita niya ang isang karatula sa itaas at binasa niya ito.

"V-Villa La IIlusyon...Mama, tama po ba ang pagkabigas ko?"  

Nilingon niya ang kanyang ina na lumapit sa kanyang tabi.

"Oo anak. Tama, Villa Illusyon nga ang basa na 'yan. Naku, ang baby ko magaling na magbasa. Hmm, pa kiss nga!" bahagya pa siya nitong hinawakan sa magkabilang pisngi niya saka siya hinalikan ng kanyang ina. Nandidiri naman siyang pinahiran ang kanyang pisngi saka tinapunan ng masamang tingin ang kanyang ina.

"Mama naman, big boy na po ako 'wag niyo na akong i-baby!" Nakasimangot niyang sabi at tinawanan lang siya ng kanyang ina.

"Eight years old ka pa lang, kaya baby pa kita okay?"

"Mama naman eh!"

Naipadyak niya ang kanyang paa para ipakita na nagprotesta siya sa tinuran nito pero wala namang effect iyon sa kanyang ina at ginulo lang ang kanyang buhok.

Nakasimangot na lamang siya rito.

"Mama, labas muna ako ha, maglalaro po ako."

"O, sige basta 'wag kang lalayo ha! Baka mapano ka pa." wika ng kanyang ina na abala na ngayon sa pag-aayos nang kanilang gamit sa loob ng bahay nila

"Opo, Mama."  Pinulot niya ang bola ng soccer at tinungo ang kanilang gate saka lumabas na sa bagong bahay nila.

MASAYA si Glenn na lumisan sa bahay nila habang bitbit ang kanyang bola. Naglakad-lakad muna siya at tinitingnan ang buong paligid sa lugar ng Villa la Illusyon.

Tahimik at maliit lang ang pook na nilipatan nila pero mayaman naman sa mga kulay berdeng kapaligiran. Kung titingnan mabuti kumpleto naman ang pangangailangan sa pook na ito. May isang maliit na parke na puwedeng maglaro sa batang kagaya niya. Sa tapat naman ng parke ay may isang maliit na palengke roon. Sa may bandang unahan naman ay may nakita siyang paaralan sa mga bata at katapat nito ay ang pook baranggay.

Napangiti si Glenn. Sa tingin niya ay masisiyahan siya rito. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang makarating siya sa isang lugar na malayo sa matataong lugar. May nakita siyang malaking lumang mansyon na napapaligiran ng mga nakakatakot na puno. Ang puno ng acacia at balete. Ni hindi ito nasisinagan ng araw dahil natatakpan ito sa mga naglalakihang puno.

Nakaramdam siya ng kaba sa dibdib dahil ngayon lang niya napansin na medyo napalayo na siya sa parke. Doon pa naman ang palatandaan niya pabalik sa kanilang bagong bahay. Tiyak sigurado siyang nag-aalala na ang kanyang ina dahil papalubog na ang araw pero hindi pa siya nakauwi sa kanila.

Masyado pa namang delikado sa batang katulad niya na bagong dayo pa sa ganitong lugar. Naghanap siya nang mga tao na puwede niyang pagtanungan ngunit wala siyang makita.

Napatingala ulit siya sa lumang bahay na nasa harapan niya. Magarang-magara ito na may desinyo pang Spanish era. Naisip niyang sobrang luma na ang mansyon na 'yon basi na rin sa desinyo nito. May malaki pang pader ang nakapaligid sa buong mansyon  bago ka makakapasok sa gate. Tiyak sigurado si Glenn na wala talagang makakapasok na akyat bahay gang dahil sa laki nang pader na 'yon.

Maya maya ay may naaninag si Glenn na aninong tao sa may malaking bintana sa mansyon na 'yon. Kinurap-kurap pa niya ang kanyang dalawang mata upang masiguradong may nakita nga siyang tao doon. At nakumpirma nga niya na may  isang batang babae na kasing edad niya ata ang naroon. 

Mahaba at maitim ang buhok nito ngunit hindi niya maaninag ang buong mukha nito dahil medyo madilim ang paligid roon. Pero nakatitiyak siyang nakatingin sa direksyon niya ang batang babae na 'yon.

Pinilit niyang makita ang buong mukha nito ngunit sadya talagang nakatayo ang batang babae sa isang madilim na sulok sa malaking bintana na 'yon. Tanging malinaw sa mata niya ay may hawak itong napakagandang manika, na nakasuot pa nang isang lolita na damit. Akma sanang lalapitan niya ang mansyon na 'yon nang bigla siyang matumba sa sobrang pagkagulat niya nang marinig ang dalawang matanda sa kanyang likuran.

"Hoy bata! Ano bang ginagawa mo rito. Alam mo bang delikado dito, kaya umuwi ka na lamang sa bahay niyo! Dali!" ani ng isang Ale na ramdam niya ang pangamba sa boses nito.

"Naku! Halina na kayo, nakatingin sa'tin ang batang anak ng demonyo! Baka mapano pa tayo! Dali! Mila!"  hinila ng isang Ale ang kasamahan nito at hinawakan naman siya ng Ale na nag-ngangalang Mila kaya sabay silang tatlong umalis papalayo sa mansyon na 'yon. 

Bahagya pa niyang nilingon ang batang babae na nasa bintana naaninag niya nang kunti ang mukha nito nang mag-angat ito ng tingin. Bakas sa mga mata nito ang pagkalungkot gusto sana niyang manatili doon ngunit hinila na siya nang tuluyan sa dalawang matanda na kasama niya.

Sino siya?

Bakit siya malungkot?

Bakit tinawag siya sa dalawang babae na batang demonyo?

-Villa La Illusyon

MARAMING dalang tanong sa isipan si Glenn nang maihatid siya nang dalawang Ale sa bahay nila.  Hindi niya pa rin makalimutan ang malungkot na mukha sa batang babae na 'yon tila para ba siyang naapektuhan o, kaya nakaramdam din ng pagkalungkot nang makita niya ito.

"Ikaw talagang bata ka! Pasalamat ka may nakakita sayo, papano na lang kung wala? Tiyak mamamatay ako sa sobrang pag-aalala sayo." Sermon ng ina niya saka siya niyakap nang mahigpit nito.

"Baby, 'wag munang uulitin ito okay?"

Tumango lamang siya. Batid niyang sobrang nag-alala ang ina niya kaya na-guilty tuloy siya sa ginawa niya. Hindi naman niya intensyong lumayo sadya lang talaga na hindi niya namalayan ang oras at nakarating siya sa mansyon na 'yon ng hindi sinasadya.

"Naku, salamat po talaga sa paghatid sa aking anak. Papaano ko po ba kayo mapapasalamatan?"

"Ay, wala 'yon Ineng. Eh, matanong ko lang kayo po ba ang bagong lipat sa bahay na 'yan?" itinuro ni Aling Mila ang bahay nila.

"Ah, oho. Kakatapos ko nga lang mag-ayos ng mga gamit namin. Ah, ako ho, pala si Amanda, Manda na lang po ang tawag niyo sa'kin." pakikala ng kanyang ina sa dalawang ale.

"Ako si Milandres, Mila for short."

"Ako naman si Tiana. Tiya for short. Kami pala ang mga kapit bahay mo Manda."

"Ay, nako nakalimutan ko kayong alukin ng meryenda! Ano ba naman klaseng kapit bahay ako, hali po kayo pasok!"

"Ah, hindi na Manda, mag-gagabi na rin magluluto pa kasi ako." Ani ni Aling Tiya

"Ganoon po ba, eh ikaw Mila gusto mo ba ng meryenda?"

"Ay naku hindi na rin. May aasikasuhin pa din ako sa bahay namin. Ah, nga pala Manda, pagbawalan mo 'yang anak mo na pumunta sa lumang mansyon na malapit lang sa sementeryo."

"Po, bakit po? Sino po ba ang mga nakatira 'don? Bakit po sabi niyo na anak ang bata na 'yon sa demonyo?"

Nakanga-nga ang dalawang ale sa sunod-sunod na tanong niya. Sa hindi niya mapigilan 'wag sumabat, nanaig kasi ang pagka-kuryusidad niyang ugali. Siniko naman siya nang kanyang ina para patahimikin siya sa tabi.

"Mama naman!"         

"Batos sa bata ang sumasabat sa usapan ng mga matatanda,"

"Eh, curious lang ako," kamot niya sa ulo.

"Kahit na."

"Basta Manda, pagbawalan mo siyang pumunta doon dahil may lahing misademonyo ang mga naninirahan doon. Kung ayaw mong mapahamak 'yang anak mo dapat protektahan mo siya."

"Salamat Mila, makakaasa ka."

"Mama, naman! Pati ba naman kayo naniniwala sa mga ganyan?" Maktol niya ng makapasok sila sa loob ng bahay.

"Glenn, para sa sarili mo ang iniisip ko. Totoo man o, hindi seguridad mo ang importante sa'kin baby. Tayo na lang dalawa kaya ayokong may mangyayaring masama sayo."

Nilingon niya ang kanyang ina batid sa mukha nito na maiiyak na ito. Tama naman ang ina niya sila na lamang dalawa kaya naiintindihan niya ito. Wala siyang kinalakihang ama dahil pumanaw ang ama niya noong nasa sinapupunan pa siya ng kanyang ina. Her mom is a super hero. Lahat ng mga pangangailangan niya ay ibinibigay nito. Pati mga bagay na sa tingin niya ay hindi naman importante katulad ng mga laruan na mahal ay bumibili ito na hindi naman niya hinihingi. Kaya kung minsan sa mga baon na ibinibigay nito sa kanya ay tinitipid na lamang niya para hindi na siya bigyan ng ina niya.

Napahiga si Glenn sa kama habang iniisip pa rin ang batang babae na nakaitim na may dalang manika.

"Sino kaya siya? Anong pangalan niya? Sana, maging kaibigan ko siya."

Nasa ganoon ang pag-iisip niya ng marinig niya ang sigaw nang kanyang ina  sa ibaba.

"Glenn, baba na handa na ang hapunan natin."

"Nariyan na Mama," tumayo na siya at tinungo ang pinto sa labas.

KINABUKASAN maagang nagising si Glenn upang hindi siya mahuli sa unang pasok niya sa klase. Kaka-transfer pa lamang niya kaya dapat mabigyan niya ng magandang impresyon ang mga bago niyang guro at kaklase. Excited na nga siyang pumasok sa eskwelahan lalo na kung makikita niya ang batang babae na 'yon.

Napangiti siya ng maisip niya ito.

"Glenn, baby gising ka na?"

Nilingon niya ang pintuan sa kanyang kwarto, pinagbuksan niya ng pinto ang kanyang ina.

"Good morning Mama ko!" Humalik siya rito sa pisngi.

"Good morning baby ko! Naku, mukhang independent na ang baby ko, marunong na mag-ayos sa kanyang kwarto."

"Eh, syempre mama big boy na po ako." pagmamalaki niya pa.

"Hmm, pero baby boy ka pa rin ni Mama tandaan mo 'yan. Kahit lumaki ka na ay ikaw lang ang nag-iisang gwapong baby boy ko!" Anya nito at kinurot pa siya sa pisngi.

Napangiwi na lamang si Glenn sa ginawa nito.

"Mama, ako lang ang nag-iisang anak niyo eh, syempre ako lang ang pinakagwapo sa paningin niyo." Komento niya.

Tumawa lang ang kanyang ina.

"Oo na. Hay, kay bilis ng panahon noong una baby ka pa." lumuhod ang ina niya at inayos nito ang uniporme niyang suot. "Alam mo baby ko, pangarap talaga ng Daddy mo na buhat-buhatin ka o di kaya maglaro kayo ng basketball pero sayang lang dahil wala na ang Daddy mo. Kamukhang-kamukha mo pa naman siya."

Napansin niyang na ngingilid ang mga butil ng luha sa kanyang ina tila pinipigilan lang nitong lumuha sa kanyang harapan. Ganito lagi ang ina niya sa tuwing mababanggit ang kanyang ama ay maiiyak ito sa lungkot dahil namimiss ng mama niya ang kanyang ama.

Minsan hiniling na lang niya na hindi na lamang sila magkamukha nang kanyang ama dahil sa tuwing nakikita siya ng kanyang ina ay malulungkot ito. Pero nagpapasalamat pa rin siya dahil kamukha niya ang ama niya dahil laging maaalala ng ina niya na laging nandidito ang ama niya sa pamagitan ng presensya niya.

Sabi kasi ng Lola Teri niya ang ina ni Mama, na para daw magkabiyak sa bato ang mukha nila ni Papa. At sa tuwing pinagmamasdan siya ng kanyang ina ay lagi nitong binabasted ang mga manliligaw nito. Nasa labing pito pa ang edad ng ina niya nang mabuntis siya ni papa. Kaya naman kung titingnang mabuti para lang siyang bunsong kapatid ng ina niya.

Niyakap lang niya nang mahigpit ang kanyang ina gumanti din ito nang yakap sa kanya habang pinipigilan nitong umiyak. Pero rinig naman niyang sumisinghot singhot pa ito. Napailing na lamang siya, kahit kailan kasi napaka iyakin nang mama niya.

"Mama, 'wag ka nang umiyak. Napakatanda muna para maging iyakin eh," biro niya at pinalo siya ng mahina sa balikat. Natawa na lamang si Glenn.

"Glenn, ha, twenty five pa lang si Mama mo. Kaya bata pa ako, hmmp!"

"Mama, galit ka po?"

"Hay naku bata ka, eight years old ka pa lang pero napaka-mature munang mag-isip. Baby ko, 'wag magmadali sa paglaki okay? Hayaan mong maranasan ang kasiyahan sa pagiging bata."

"Eh, Mama hindi naman ako nagmamadali. Tsaka sabi ni Lola, talagang in born na ako sa pagka-mature ko, di daw gaya sayo isip bata pa rin."

"Glenn Dale Collins! Gusto mong mapalo sa pwet, bawiin mo ang sinabi mo!"

Natatawa siyang tumakbo pababa sinundan naman siya ng kanyang ina.

"Hala si Mama pikon!"

"Mag-sorry ka kay Mama mo, isa!"

"Dalawa!" Asar niya rito.

Pati sa baba ay naghahabulan sila at nagtatawanan. Masaya at kuntento ang buhay niya kahit hindi kumpleto ang pamilya niya ay pinuno naman ng pagmamahal nang kanyang ina. Bagama't malayo na siya sa lola niya na naninirahan sa Manila ay lagi pa rin siyang tinatawagan  ng kanyang lola ni wala pa ngang paltos sa pagtawag.

"Halika dito, bata ka!"

"Bleeh nye nye nye!"

HINALIKAN niya ang kanyang ina sa pisngi matapos nitong i-park ang kotse sa tapat ng paaralan. Marahan siyang bumaba dala ang lunch box niya.

"Bye Mama, 'wag niyo na akong ihatid sa loob kaya ko na po."

"Naku, bata ka! Anong hindi? Baby, first day mo sa school so dapat ihatid kita sa loob." Akma sanang lalabas ito sa sasakyan ay inunahan niya ito ng takbo papalayo. Kumaway lang siya rito at nag-flying kiss pa.

"Hoy Glenn! Hintay, sandali!"

"No, Mama. Ako lang pupunta sa classroom, una na ako Ma! Baka ma-late ka pa sa trabaho mo, bye bye!"

Tinignan niya sa huling sandali ang mama niya at saka siya nagtatakbo papasok sa loob ng eskwelahan.

"Baby, ingat!"

Napailing na lamang si Amanda nang buksan niya ang pinto ng sasakyan.

"Hay naku, bakit ba matanda mag-isip 'yong anak ko." Bumuntong hininga na lamang si Amanda saka pinaandar ang sasakyan.