Chereads / Zandrah the Witch Girl / Chapter 3 - The Old Mansion

Chapter 3 - The Old Mansion

BREAK TIME nila ngayon kaya nagpasya si Glenn na umupo sa may bakanteng upuan sa pinakadulo ng canteen nila. Wala pa naman siyang kaibigan o kakilala kaya mag-isa siyang kumain.

Nasa malalim siyang pag-iisip kung pupunta ba siya sa lumang mansyon o hindi. Inimbitahan siya ng babaeng maganda na sa pagkakaalala niya ay Matilda ang pangalan nito.

Pupunta ba siya o hindi? Gusto din niyang malaman kung nasa maayos na ba ang pakiramdam nang batang babae na 'yon. Bakas pa naman sa mga mata nito ang lungkot at sakit. At nasasaktan siya kapag nasasaktan din ang batang 'yon.

"Hay, ano bang nangyayari sa'kin? Ang gulo ko."

"Hala, baka kinulam ka na nila! Sabi ko sayo na 'wag mo silang lapitan o kausapin! O, ayan! Ayan ang nangyayari sa mga taong kinukulam!"

Nilingon ni Glenn ang batang payatin sa harapan niya. Nakataas ang kanyang kilay ng makita niya ito sa kanyang harapan. Sa pagkakaalala niya hindi sila close, kaya bakit pinili nitong tumabi sa kanya?

"Oy, peace tayo bro!"

"Bakit nag-away ba tayo?"

"Hindi," sagot nito habang ni ngunguya ang kinakain nitong siopao.

"Ako nga pala si Timmy, 'Tim for short! Tsaka, nagpapasalamat ako sayo Glenn Dale dahil ipinagtanggol mo ako kina Junjon." Ibinigay nito ang natirang siopao sa kanya.

"Kahapon sa klase, ayaw mo akong kausapin. Ni hindi mo sinagot 'yong tanong ko kung gusto mong---"

"Maging kaibigan kita? Sige, ba! Pasensya na sa ugali ko, talagang ganoon ako sa mga ibang bata na bagong dating. Lalo na, na mas matangkad ka sa'kin ng kunti."

Nangunot naman ang kanyang noo sa sinabi nito.

"Eh, anong koneksyon 'don? Eh, sadya namang mataas  ang height ng Papa ko."

"Iyon na nga, karamihan sa ganyang hitsura mo ay lagi akong binu-bully. Lalo na sa grupo ni Junjon."

"Ah, okay."

"Basta Glenn, wala ka bang nararamdaman na masama sa katawan mo? O di kaya ay masakit ang ulo mo, o siya tiyan?"

"Hindi naman marami ang kinain ko para magka-indegestion ako."

"Eh, hindi 'yan ang ibig kong sabihin!"

"Eh, ano?"

"Diba kinausap mo 'yong batang mangkukulam? Tiyak, kinukulam ka na niya! Ayon sa mga sabi-sabi ng mga nakakatanda ay kapag hinawakan o tiningnan mo sila sa mata tiyak mahuhulog ka na sa kanilang patibong at kokontrolin ka na nila!"

Napahawak sa tiyan si Glenn at bahagyang tumawa ng pagak. Sa panahon ngayon, di na uso ang mga ganyan. Tsaka, hindi siya naniniwala na may lahing demonyo o mangkukulam ang batang 'yon. At kung totoo man e, di sana nilipad na sila Junjon para makaganti sa ginawa nito.

"Tim, hindi na uso ang mga mangkukulam, kapre, o di kaya'y tikbalang. Sus, modern generation na, tapos naniniwala ka pa diyan?"

"Totoo 'yon! Kunsabagay bago ka pa lang rito kaya imposibleng maniwala ka sa amin. Tsaka, matagal na akong nakatira dito."

"Sige nga, anong pangalan niya kung matagal ka na rito?"

"Ang alam ko Zandrah, ang pangalan niya at kaedad lamang natin siya. Ang sabi ni Inay sa'kin, sila daw ay may lahing mangkukulam. Tatlo sila nakatira sa lumang mansyon. Si Matilda ang nakakatandang kapatid na babae ni Zandrah, labing tatlong gulang na siya. Ang sabi sabi ay hindi na lumalabas ng bahay ang mga ito dahil kinatatakutan sila ng mga tao rito."

"Eh, kayo lang ang natatakot sa kanila ni wala naman silang ginagawang masama sa inyo." Maikling sambot niya.

"Sandali hindi pa ako tapos magkwento!"

Binuksan niya ang supot ng siopao at pagkatapos ay kinain ito.

"O, sige na ituloy muna ang kwento."

"Sabi nang inay ko, nagsimula daw ang kinatatakutan ng mga tao ay 'dun sa ina nila. Noon daw kinikilala ang pamilya nila na mapagbigay at mabait. Tinatakbuhan sila ng mga taong bayan rito at dinadala nila ang mga kanilang anak na may sakit upang gamutin ng ina nila Zandrah. Doktor kasi ang magulang nila."

"Oh, see? Bakit sila tinawag na mangkukulam, ni wala pa lang utang na loob ang mga taong taga-rito."

"Glenn, makinig ka sabi eh!"

"Oh, siya! Ituloy na ang kwento!"

"Sila Zandrah, ang may-ari ng lupa ng Villa La Illusyon,"

"So, mayaman pala sila." Komento niya.

"Natural, may malaking mansyon sila eh." Tim rolled his eye balls.

"O, tapos?"

"Iyon nga, isang araw habang papauwi na ang ama nila ay pinatay ito nang walang awa."

"Eh, teka Tim, sinong pumatay at bakit pinatay ang ama nila?"

"Ewan. Iyon lang ang nalalaman ko sa kwento ng inay ko."

"Ano ba 'yan Tim, ang bitin nang kwento mo!"

"So naniniwala ka na sa'kin!?"

"Hindi. Papaano ako maniniwala eh, hindi ko alam kung totoo 'yang kwento ng inay mo."

"So, sinasabi mo nag-sisinungaling ang inay ko ganoon?"

"Tim, hindi naman sa ganoon. Ay maiba nga tayo, may sasabihin ako sayo ng sikreto."

Lumiwanag naman ang mata nito saka bahagyang inilapit ang tenga nito sa kanya. Napailing na lang siya at sinabi niya rito ang nangyari kahapon. Hindi makapaniwala si Tim sa kanyang sinabi. Matapos niyang ikwento 'yon ay nakabuka pa ang bibig nito.

"Weh, hindi nga? Totoo? Talagang inimbitahan ka nilang pumunta sa lumang mansyon!?"

"Sssh, Tim! Hinaan mo 'yang bibig mo."

"Oops, sorry! Pero baka may gagawin silang masama sayo Glenn," wika nito na may bahid na pag-aalala sa boses.

"Hindi naman siguro Tim. Kung may plano silang masama sa'kin sana noon pa kahapon ay sinaktan na nila ako."

"Eh, baka naman binigyan ka nila ng isang pagkakataon kaya binuhay ka pa nila. Eh, sabi ng mga taga-rito sa tuwing sasapit ang ika dalawang araw ng Nobyembre ay may isang nawawala nang bigla ang mga asawa ng mga tao rito. At baka ngayon naman ay mga bata ang target nila! Naku, Glenn, huwag ka na lang pumunta doon!"

Napailing si Glenn at winaglit niya ang braso nito na nakahawak sa balikat niya.

"Ang tindi talaga ng imagination ng inay mo. Halika na, may klase pa tayo, tumunog na ang bell." Nauna siyang tumayo at sumunod na rin sinTim sa likod niya. Sabay silang dalawa na pumasok sa kanilang classroom.

🦇🦇🦇🦇

TUMUNOG na ang huling bell hudyat na tapos na ang klase nila. Mabilis iniligpit ni Glenn ang kanyang mga gamit at akmang lalabas na siya sa pinto ng hilahin siya nang kung sino.

"T-Tim..."

"Glenn, huwag ka nang pumunta 'don mapanganib sila."

"Wala kang pweba Tim, kaya 'wag mo silang pagbintangan ng ganyan." ani niya at naunang lumabas sa pinto. Nasa hallway na siya nang sumunod pa rin ito sa kanya. Sa hindi siya makatiis ay binalingan niya ito.

"Ano ba Tim, sasama ka ba sa'kin?"

Umiling ito. Napabuntong hininga siya.

"Kung ganoon paalam na. Mauna na ako sayo,"

"Teka, Glenn sandali!"

"Sasama ka?"

"Hindi."

Tinalikuran niya na ito. Pero sa bawat talikod at tanong niya ay tanging iling at hindi ang sagot nito. Sa totoo lang lakad takbo ang ginagawa nilang dalawa. Para silang sirang plaka na paulit-ulit. Hangang makarating sila sa lumang mansyon ay ganoon pa rin ang binabanggit nito na 'wag daw siyang pumasok at baka mapahamak siya.

"Ano ba Tim, bakit ba sunod ka ng sunod sa'kin?"

"Eh, diba kaibigan mo ako? Kaya, bilang kaibigan kailangan kitang protektahan!" anito na nanginignig pa ang dalawang tuhod nito. Natawa lang siya sa pagpapakita nito ng tapang sa harapan niya pero alam naman niyang natatakot na talaga ito.

"Eh, akala ko ba hindi ka papasok?"

"Eh, papasok ka sa loob kaya papaano ako? Ayaw ko kayang maiwan rito!"

"Hay naku, tara mag-door bell na tayo."

Pinindot niya ang doorbell saka ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto. Napatalon sila sa gulat, samantalang  si Tim ay bigla itong kumapit sa kanya.

"Waah, Glenn, ayoko na rito. Umuwi na tayo!"

"Ano ka ba, kararating lang natin umuwi agad? Kung gusto mo mauna ka na."

"Ayoko! Kaibigan kita kaya bilang unang kaibigan mo dapat kitang protek-----aaaaah!"

Nagulat silang dalawa na may biglang tumalon sa balikat nila. Isa itong maitim na hayop pero di naman nila maaninag kong ano 'yon mabilis itong nakaalis.

"Waah, a-ano 'yong nilalang Glenn? Alis na tayo dito, sige na...."

Siniko niya ito at siya ang naunang naglakad papasok sa mansyon.

Pinagmasdan ni Glenn ang buong bahagi ng mansyon. Malaki pa ito sa malapitan at tila napapaligiran ng mga gumagapang na halaman ang dingding ng mansyon sa labas. Tapos madilim pa itong tingnan dahil natatakpan ito ng mga naglalakihan puno sa gilid. Talagang hindi ito masisinagan ng araw ang lugar na'to.

"Sino kayong mga lapastangan na pumasok sa lugar na ito! Magsalita kayo!"

Halos matumba sila Glenn at Tim sa lakas nang malamig na boses na nagsalita sa may di kalayuan. Lalong napakapit si Tim sa kanya dahil ni walang tao ang sumalubong sa kanila pero may gumulat namang boses sa harapan nila.

"Mga lapastangan! Ang lakas naman ng loob niyong pumasok rito!"

Isang malamig at malakas na hangin ang dumaan sa kanilang dalawa dahilan na napayakap sila sa sarili. Pinilit pa ni Glenn, na labanan ang hangin na 'yon sa mapagitan ng pag-ekis sa sariling braso nito  upang hindi sila matumba.

"G-Glenn, uwi na tayo!" Sigaw nito.

"Nandito na tayo Tim, aatras ka pa ba?"

"P-pero sabi ko sayo may lahi silang mangkuku---ahhh!"

Napasigaw si Glenn nang kusang nilipad ng hangin si Tim at nabangga ang katawan nito sa pader ng mansyon. Nawalan ito ng malay sa malakas na impak sa pagbangga nito. Nang maramdaman niyang humupa na ang hangin ay nilapitan niya ang kaibigan. Labis siyang nag-aalala sa kalagayan nito. Kung bakit naman kasi isinama niya ito. Di sana ito napahamak ng dahil sa kanya.

"Tim! Tim, gising! Gising Tim!"

"Huwag kang mag-alala pinatulog ko lang siya." Bumungad sa kanyang harapan ang matangkad na babae na may violet na mata. Nakilala niya agad ang babaeng 'yon ito ay si Matilda.

"Kamusta, bakit ka nagpunta rito?"

Nagtaka siya sa tanong nito pero ganoon pa man ay pinaalala niya ang imbitasyon na sinabi nito sa kanya.

"Ah, ganoon ba. Kaya ko sinabi ko sayo 'yon para hindi ka na pumunta."

Tumaas ang kanang kilay niya.

"Ha? Eh, di ba sabi mo puwede akong pumunta sa mansyon na ito?"

"Oo nga. That's means hindi, alam mo ba 'yong reverse psychology?"

Tumango siya. So ganoon pala ang ibig sabihin nito. Kaya siya nito inimbita ay para sabihin o ipakita nito na 'wag kang pupunta sa mansyon.'  wala talaga itong intensyon na papuntahin siya rito.

"Kung ganoon, bakit mo pa sinaktan ang kaibigan ko kung ayaw mo kami papasokin rito? Eh, di sana hindi mo binuksan ang gate."

"Walang nagbukas diyan sa gate! At isa pa trespassing kayo kaya natural na saktan ko kayo!"

"Hindi naman kami masama at mas lalong wala kaming intensyon na manakit sa inyo! Idinamay po pa ang kaibigan ko." Naikuyom niya ang kamay.

"Hindi kayo masama? Huh! Nagpapatawa ka ba? Lahat ng mga tao sa labas ay mga masasama! Kaya naming pinili na manatili rito at umiwas sa mga taong mapang-api sa amin ng kapatid ko!"

"Kung ano man ang ginawa sayo ng mga tao rito ay labas ako at ang kaibigan ko. Tsaka, sinaktan mo ang kaibigan ko, kaya hindi ba't para ka na ring mga taong 'yon na tinutukoy mo?"

"Lapastangan 'yang bibig mo! Haaah----"

"Matilda, tama na 'yan!"

Napalingon si Glenn sa isang matanda na may mahabang puting buhok. Nakatungkod pa ito at nilapitan si Matilda.

"Tumigil ka na. Walang ginawang masama ang bata na 'yan. At tama ang sinabi niya kung sasaktan mo sya para ka na ring sa mga taong nanakit sa'tin. Gusto mo ba 'yon??"

"Hindi po."

"Ganyan nga apo."

Napatingin ang matanda sa kanya at bahagya itong ngumiti.

"Halika bata, lumapit ka sa akin at pumasok ka sa bahay namin. Welcome na welcome ka rito."

"Lola!"

"Sssh! Matilda ayaw ko nang maingay at pakialagaan mo ang kaibigan niya habang papakainin ko pa ang bisita natin."

Tahimik lang si Glenn na sumunod sa matanda. Pagkapasok niya sa loob ay bumungad sa kanya ang mala spiral na malaking hagdan sa gitnang bahagi nito. Sa itaas naman ay may isang lumang antic na chandelier na tanging mga kandila ang nakasindi roon. At 'di lamang 'yon pati na rin ang mga nagliliwanag sa loob ay mga kandila na nakapaskal sa pader o dingding sa bawat sulok ng silid.

Nakangangang nilibot nang tingin ni Glenn ang buong kabahayan sa loob. Bagama't maalikabok na rin ang mga lumang gamit na sigurado siyang mga antic na ito.

"Halika hijo, umupo ka muna rito. Kukuha lang ako ng miryenda para sayo."

Gusto niya sanang sabihin na'wag nang mag-abala pa pero nahiya siya dahil bigla sumulpot ang maliit na batang babae sa harapan niya. Nakatayo lang ito sa may hagdan, dala-dala uli ang manika nito. And as usual, malungkot uli ang mata nito na nakatitig sa kanya.

"Um-h-hi, g-gusto ko sanang makipaglaro sayo kung pwede lang. Hehehe,"

Namumula siyang napayuko rito. Hindi niya maiwasang magandahan sa batang ito. Lalong namumukadkad ang ganda nito sa madilim na silid na'to. Tanging kandila lamang ang nagsisilbing pagitan ng liwanag nila.

Hinintay ni Glenn na magsalita ito pero ganoon pa rin, wala siyang inaasahan na boses mula rito.

Pipi kaya siya?

O, nahihiya lang?

"Wala kang aasahan na sagot diyan," napalingon si Glenn sa kanyang likuran. Nakita niya si Matilda na pasan ang kaibigan niyang si Tim. Wala itong malay tao nang ihiga ito ni Matilda sa sofa.

"Ang kapatid kong si Zandrah, mula nang mamatay si Mommy hindi na siya nagsalita pa. Pero pa minsan minsan ay tipid siyang nagsasalita."

Nakadama ng lungkot at awa si Glenn.

"Bakit ayaw niyang magsalita, at bakit hindi siya pumapasok sa eskwelahan?"

Tumayo si Matilda at kumuha ng libro. Lumapit naman si Zandrah at naupo sa may mesa saka nagsimulang basahin ang nasa loob ng libro. Bahagya siyang nilingon ni Matilda.

"Sa palagay mo, makukuha pa ba niyang pumasok sa eskwelahan niyo kung sa paglabas ng aking kapatid sa bahay na'to ay manganganib siya. Masakit marinig sa'kin na kinukutya ang aking kapatid. Ni hindi na nga niyang sinubukang magsalita sa amin." Dama ni Glenn ang malungkot na boses ni Matilda.

Napayuko siya at humingi ng tawad rito.

"Bakit ka humihingi ng tawad? Hindi ikaw ang kaisa-isang tao ang aasahan kong marinig 'yan." Inis nitong sambot saka umalis ito sa harapan niya.

"H-huh? May nasabi ba akong masama?" Binalingan niya si Zandrah ngunit napangiwi siya nang maalala niyang hindi pala ito nagsasalita.

"Pagpasensyahan muna hjio, sadya lang na emosyonal na tao si Matilda. Oh, sya kumain ka ihijo may menudo at cake kami rito."

Ipinaghiwa siya ng cake at binigyan din siya ng orange juice.

"Ako nga pala si Lucia, ang lola nina Zandrah at Matilda."

"Ako po si Glenn Dale Colins, tawagin lang niyo na lang akong Glenn."

"Ah, bagong dayo ka ba hijo? Ngayon lang kita nakita rito. At tsaka ang tapang muna man dahil nagpunta ka pa sa mismong mansyon namin. Ah, bakit nga pala ikaw ay na parito?"

Napangiwi si Glenn sa sobrang asim ng juice. Lalo din siyang napapikit sa daming tanong na binabato nito sa kanya. Napaisip tuloy siya kung tama bang pumunta pa siya rito?

Maya maya ay umupo sa tapat niya si Zandrah at uminom din ng juice. Nakita pa niya ang pagkunot ng mukha nito matapos mainom ang juice.

Mahina siyang natawa.

"Glenn," tawag ng lola nito.

"Po?"

"Anong dahilan kung bakit na parito ka?"

"Gusto ko pong makalaro si Zandrah, kung papayagan niyo ho ako."

Tipid na ngumiti ang matanda.

"Aba'y bakit hindi, pero si Zandrah ang magdedesiyon niyan kung gusto ka niyang makalaro."

Nilingon niya si Zandrah hinintay niyang tumango ito since hindi naman ito kumikibo. Ngumiti ito sa kanya dahilan na natameme siya sa ganda nito. Natawa naman ang matanda sa naging reaksyon niya dahilan na namula siya sa hiya.

Grabe, ang ganda niya!

"Eh, lola tanong ko lang. Bakit hindi siya pumapasok? Ka-kasi po 'nong una akong lumipat rito ay hinanap ko po siya." He shyly fidget his fingers as he bowed his heads.

"Halika Glenn, may ipapakita ako sayo."

Dinala siya sa likod ng hardin nila. Nagtaka pa siya ng biglang nag-iba ang paligid habang may ibinubulong ang matanda.

"T-Teka anong nangyayari?"

🦇🦇🦇🦇

Itutuloy....