Chereads / Zandrah the Witch Girl / Chapter 4 - Demonic Spell

Chapter 4 - Demonic Spell

INILIBOT nang tingin ni Glenn ang buong paligid. Nataranta siya ng hindi niya alam kung nasaan na sila nag-iba kasi ang mga paligid. Naging mas luma ang mga kagamitan at mga kasuotan ng mga tao.

"Teka anong nangyayari?"

Ngumiti lang ang matanda saka inumwestra nito ang paligid.

"Kumalma ka hijo,  ipinakita ko lamang sayo ang mga nangyayari noon, noong nabubuhay ang mga magulang nila Zandrah."

Nakita ni Glenn ang isang napakagandang babae na nakalumbaba sa may veranda. Mahaba ang buhok nito at may mapuputing balat, nakasuot ito ng mahabang itim na bestida. Sa tingin niya ay nasa spanish era sila ngayon.

Narinig niyang tumikhim ang matanda.

"Iyan ang anak ko, si Amelia. Ang ina ng mga apo ko. Kasalukuyan siyang nagmumokmok sa veranda dahil ngayong araw ang unang anibersaryo sa pagkamatay ni Sandro."

Muling napatingin si Glenn sa ina nila Zandrah. Wala itong kabuhay-buhay na nakatunganga sa veranda. Naririnig pa niya ang mga halinghing nitong iyak. Nakaramdam siya ng awa para dito.

Nais niya sana itong lapitan nang biglang naglaho ito sa harapan niya. Pero nang tingnan niya uli ito ay naging iba na ang lugar sa paligid nila. Madilim ang buong paligid ng inilibot niya ang tingin. Walang bintana o maski liwanag ng araw ang nakakapasok sa silid na 'yon. Ngunit natuon lang ang pansin niya nang marinig niyang may nagdadasal...o pagdadasal ba 'yon?

Ipiniling niya ang ulo at binalingan niyang muli ang babae. Nanlalaki ang dalawang mata ni Glenn nang makilala niya ang babaeng nagdadasal---mali, may encantasyon pala itong ginagawa kaharap sa malaking kawali na umuusok pa sa init.

Inilagay nito ang pakpak na paniki at muling binabanggit ang encantasyon. Gumalaw ang mga walis at bigla din kumulog ng malakas. Inulit-ulit nito ang pagbigkas sa encantasyon, habang pinagmamasdan ito ni Glenn ay wala siyang naiintindihan sa sinabi nito.

"Lola, ano pong ginagawa niya?"

"Gustong subukan ni Amelia, na buhayin ang asawa niya."

"Po, posible ba 'yon?"

Tiningnan siya ng matanda.

"Oo, posible 'yon Glenn pero may malaking kapalit ito."

"Kung ganoon mabubuhay uli ang ama nila Zandrah?"

Ang inaasahan niyang sagot ay hindi niya narinig sa halip ay ibinalik nito ang tingin sa nangyayari. Biglang nandilim ang buong paligid kasabay 'non ay ang pag-ilaw ng mga kandilang itim sa buong silid. Nangilabot si Glenn sa mga nakikita niya pakiramdam niya ay may mangyayaring masama.

Kumuha ng kutsilyo ang ina nila Zandrah at hiniwa nito ng kunti ang gitnang palad nito saka inihalo sa malaking kawali na kumukulo pa. She then converse a spell.

"I call upon you a demon to be sent up from hell make him a witness of this irreversible  spell. I have made up my mind, I will never go back, make my Sandro turn back alive!"

Biglang kumidlat nang sunod-sunod, kasabay 'non ay may iilang bagay na lumulutang hanggang may narinig silang boses. Ang akala ni Glenn ay dumating na ang demonyong tinatawag ng babae pero hindi pala. Isang lalaki na nakatayo sa may pinto ang takot na takot sa mga nakita nito.

"D-Demonyo ka! May lahi kang demonyo! Tulong!" anito at tumakbo ng mabilis.

Nang mga sandaling 'yon ay iwinaksi ni Amelia ang kumukulong kawali, umiiyak ito habang ginugulo ang mga gamit roon. Pinagmasdan ito ni Glenn, bakas sa mukha nito ang pagsisissi sa ginagawa nito kanina.

"My god. What happen to me? No! No! This couldn't be happening!"

"Mama," 

Nilingon ni Glenn si Zandrah. Nakatingin ito sa kanyang ina.

"Lola, ano pong nangyari pagkatapos nito?" Lakas loob niyang tanong. Ngumiti lang ang matanda at pagkatapos ay nag-iba muli ang paligid.

Sa ngayon napunta sila sa isang maraming kakahuyan. Inilibot niya ang tingin may mga tao na nagtipon-tipon sa gitnang bahagi nang gubat. May malaki kasing patag na lupa roon at 'don sila nakatayo sa harapan ng mga tao. Nagtataka pa si Glenn kung bakit may isang babaeng nakagapos at pinalilibutan pa ng mga tao.

"Mama, mama!"

"Zandrah, apo hindi mo sila mapipigilan. Nasa sinaunang panahon tayo kaya hindi natin puwedeng magbago ang lahat dahil baka may mangyayari sa kasalukuyan." paliwanag ng lola nito.

Narinig lamang ni Glenn ang mahinang halinghing nito.

"Lola, ano pong nangyayari, bakit iginapos ang ina ni Zandrah?"

"Glenn, ito ang naging resulta sa pagkakamaling ginawa ng anak ko. Nang dahil may nakasaksi sa ginawa ni Amelia, ay sinugod ang mansion at dinakip si Amelia ng mga taong bayan."

"Po?"

"Kinatatakutan na ang aming lahi magmula nang malaman nilang may kapangyarihan kami." malungkot nitong sabi.

Malungkot na nilingon ni Glenn si Amelia. Nagmamakaawa itong pakawalan siya ng mga tao ngunit hindi ito pinakinggan ng mga taong bayan sa halip ay sinunog nila ang ina nila Zandrah.

"Sunugin, sunugin, sunugin ang mangkukulam! Sunugin!" Sigaw ng mga taong bayan.

Narinig niyang umiiyak sa tabi niya si Zandrah. Wala itong tigil sa kakatawag na 'Mama' gusto niyang lapitan at pigilan ang mga taong bayan. Pero alam niyang hindi na niya kayang galawin o pigilan ang nangyari na.

"Sunugin, sunugin, sunugin, ang mangkukulam!"

"Sa lahat ng mga mabubuting ginawa namin sa inyo, ito pa ang isusukli niyo sa'kin! Mga walang puso, magbabayad kayo sa mga ginawa niyo! Isusumpa ko, sa tuwing sasapit nang ika-dalawang araw ng Nobyembre isa sa mga asawa niyo ang mawawala!"

"Sunugin na 'yan! Mangkukulam 'yan ang nararapat sa kanya ay mamatay!" Wika ng isang ginang.

Tumingin si Amelia sa babae. Nanlilisik ang mata niya sa galit.

"Sisiguraduhin kong, ikaw ang mauuna sa sumpa ko. Tandaan mo 'yan Tiya." Matapos ang sinabi nito ay saka ito nagdasal na lalong ikinahindik ng mga taong bayan.

Our father who art in hell praise your name thy kingdom come to us, thy will be on earth as it is on hell.

Grant my spell and show me the revenge of those who dare hurt me and my family.

Make me into temptation and teach me to love evil. Amen.

Aaaa-men!

Kasabay 'non ay ang malakas at nakakatakot na halakhak ang pinakawalan nito. Sa tindi nang takot ng mga tao ay hinagisan ito ng kutsilyo, sapol si Amelia sa puso. Bago ito nawalan nang hininga ay ngumisi ito na parang demonyo.

"Ang lahat nang ginawa ninyo sa akin ay babalik at babalik sa inyo! Tandaan niyo 'yan!"

Tumayo ang mga balahibo ni Glenn nang marinig niya ang nakakatakot na halakhak nito, kasabay 'non ay ang pagdilim ng kalangitan at malalakas na kulog.  Pinagmasdan niya ang mga tao nangingilabot silang lahat sa takot kaya sila nagsialisan, hanggang namalayan na lamang ni Glenn na bumalik na pala sila sa mansyon.

Napaupo siya sa sofa hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya matapos makita at malaman ang buong katotohanan.

"Uminom ka muna nang juice Glenn, batid kung nabigla at natakot ka sa mga ipinapakita ko sayo."

Nag-angat siya nang tingin kay Lola Lucia. Maamo ang mukha nito at nababatid niyang may mabuti itong puso. Kita niya sa mga mata nito ang pagkalungkot nang mamatay ang sarili nitong anak mula sa mga taong mapanghusga.

"Lola, bakit po ganoon...bakit po nahantong sa masakit na paraan ang pagkamatay ni Tita Amelia? Pakiramdam ko parang unfair naman po."

Tinapik ng matanda si Glenn.

"Glenn, batid kung may sala din ang anak ko na si Amelia, tinawag niya ang kampon ng demonyo at ipinagkanulo pa nito ang kaluluwa rito. Siguro dala na rin sa pighati ng pagkamatay ni Sandro ay nagawa 'yon nang anak ko."

"Pero lola isang pagkakamali lang po 'yon, bakit hindi po pinatawad ng mga taong bayan? Alam ko at alam nila na mababait ho kayo kaya bakit nila pinaslang imbes ikulong?"

Ngumiti nang mapait ang matanda saka ito tumayo.

"Magpapahinga na muna ako Glenn. Mukhang napagod yata ako sa ginamit kong kapangyarihan."

Tumango na lamang siya at hinatid niya nang tingin ang matanda. Alam niyang iniiwasan nito ang tanong niya kanina kaya pinabayaan na lamang niya ito.

"Lola Lucia, ako po...ako po hindi naniniwalang masama kayo. Tsaka hindi po ako natatakot sa inyo kung mangkukulam po kayo." Pahabol niyang sabi rito.

"Salamat Glenn. Isa kang mabuting bata." Ngiti nitong tipid.

🦇🦇🦇🦇

MATAPOS maunawaan at masaksihan ni Glenn ang buong katotohanan ay pabalik-balik na nagpupunta siya sa mansyon at nakikipaglaro kay Zandrah. Iyon ang nakagawian niyang routine pagkatapos nang klase niya.

Kung minsan doon na rin siya gumagawa ng assigment habang tinuturuan niya din si Zandrah. Masaya siya kapag ngumingiti ito sa kanya nagsasalita na rin ito sa kanya ngunit kunti lang.

Nang sumunod na araw ay napansin ni Glenn na unti-unting lumiliwanag ang buong mansyon at maging sa kapaligiran nito ay naging makulay din.

Napangiti siya bago pumasok sa loob ng gate nang tanawin niya ang mansyon sa labas. Hindi na ito madilim at katakot takot tingnan di tulad nang dati noong una siyang dumating rito.

"Hoy, Glenn!"

"T-Tim bakit ka nandito?"

"Ikaw dapat ang itinatanong ko niyan. Bakit napapadalas ang pagpunta mo rito? Sabihin mo, ginagayuma ka ba nila o tini-threaten? Glenn, sabihin mo sa'kin ang totoo!"

Napailing na lamang siya. Kahit alam na niya ang katotohanan ay hindi niya magawang  sabihin ang totoo dahil alam niyang walang maniniwala sa kanya. At batid din niyang malalim ang galit ng mga taong bayan sa pamilya ng mga West.

"Tim, nagkakamali ka nang iniisip. Mabubuting tao sila Zandrah."

"Hindi. Sigurado akong kinukulam ka nila para--"

"Para ano Tim? Kung may gagawin sana silang masama sa akin eh, di sana sinaktan nakita o di kaya'y pinatay na nila ako."

"Glenn..."

"Tim," bumuntong hininga muna siya saka nilingon ang kaibigan.

"Kung ayaw mong maniwala sa akin mas makakabuting ikaw na lang sumaksi sa dalawang mata mo. They are good people Tim. Simula nang pumasok ako sa mansyon na 'yon ay marami akong nalalaman na hindi mo alam."

"Glenn baka naman---"

"No Tim. Lahat ng mga tao dito ay takot sa kanila dahil may kapangyarihan sila." usisa niya

"Kaya nga dapat natin silang iniiwasan."

Umiiling-iling siya.

"Hindi tama 'yon Tim. Kahit may kapangyarihan sila ay tao pa din sila, nakakaramdam din sila nang sakit tulad sa'tin. At kahit naiiba sila may busilak na puso naman sila di tulad sa mga taong mapanhusga rito."

"Ewan ko sayo Glenn, na brainwash siguro ka. Kaya ka nagkaganyan...akala ko pa naman kaibigan kita pero---"

"Hindi Tim. Ang tunay na magkaibigan ay dapat nagtitiwala at nagkakaintindihan sa isa't isa. Mas lalong may respeto sa bawat isa kahit ano ka man. Masama o, mabait may kapangyarihan man o wala. Lahat ay pantay-pantay iyon ang paniniwala ko." saglit itong tumahimik sa harapan niya. Matagal na hindi ito kumibo hanggang maya maya ay nag-angat ito nang tingin sa kanya.

"Ewan ko, Glenn." Wika nito saka lumayo at umalis na nang tuluyan. Malungkot niyang tiningnan ang kaibigan papalayo.

"Bakit mo ba sinasayang ang oras mo para sa amin?" 

Sumulpot sa kanyang harapan si Matilda.

"Ayan tuloy nawalan ka na ng kaibigan nang dahil sa amin. Bumalik kana sa inyo o hindi kaya ay sundan mo 'yong bata na 'yon. Nagsasayang ka lang ng oras sa amin alam mo bata, hindi namin kailangan ng awa mo. Okay na sa amin at tanggap namin na lahat ng mga taga dito ay may galit sa amin."

Tiningnan niya nang seryoso si Matilda. Naikuyom niya ang kamay habang nakikinig sa mga patutsada nito sa kanya. Hindi siya makatiis na sagutin ito kaya sorry na lang ito sa kanya.

"Sino bang may sabing naawa ako sa inyo?" Natigilan ito sa sinabi niya.

"Noong una Oo naawa ako kay Zandrah pero ngayon hindi. Ate Matilda, huwag mong pag-isipan ng masama ang paglapit ko kay Zandrah, mabuti po ang intensyon ko sa kanya. At isa pa, itinurin ko na po siyang kaibigan at bilang kaibigan ay gusto ko po siyang suportahan sa lahat ng bagay. Alam ko po hindi deserve ni Zandrah ang ginagawa ng mga tao para sa kanya at para sa inyo. Labas si Zandrah sa ginawa ng ina niyo sa mga tao kaya unfair po 'yon. Zandrah deserve respect. She deserve better!" hinihingal niyang sabi saka pumasok sa loob ng mansyon. Iniwan niyang nakanganga ito na bakas ang pagkagukat sa kahaba niyang litanya.

🦇🦇🦇🦇

"HINDI ba't kahanga-hanga siyang bata Matilda?" Nilingon niya ang kanyang lola Lucia na nasa likuran niya.

Nasa may hardin sila ng lola niya na umiinom ng tsaa samantalang ang kanyang kapatid na si Zandrah ay abala naman sa pakikipaglaro sa batang lalaki na 'yon. Naiinis siyang isipin na may punto ang mga sinasabi nang bulinggit na 'yon ni hindi siya maka-react sa sinabi nito. Pero gayon pa man ay hindi pa rin siya komportable na lumalapit ito sa kapatid niya. Wala siyang tiwala sa mga tao matapos nilang patayin ang ina niya.

"Hjia, apo huwag muna mang tingnan nang masama si Glenn. Mabait ang bata na 'yan at siya lamang  ang nag-iisang kalaro ni Zandrah. Pagmasdan mo nga sila tingnan mo ngumingiti na ang apo ko nang dahil sa kanya."

"Lola, ayaw kung masanay si Zandrah sa kanya. Baka dumating ang panahon ay iiwan o hindi kaya'y tatraydurin nito ang kapatid ko. Ayaw ko po siyang masaktan."

Dahan dahang inilagay sa platito ni Lucia ang tasa. Pinagmasdan niya ang kanyang panganay na apo, ngumiti siya ng malungkot rito. Hindi niya alam na ganoon na pala ang pighati at poot nang apo niya sa mga tao. Ni hindi na marunong magtiwala sa iba. Naiintindihan niya ito mula ng mamatay ang ina nila ay nagbago na ang paniniwala nito mula sa mga tao.

Hindi niya gusto 'yon. Gusto niyang maibalik ang mabait at mapag-unawang Matilda na kilala niya noon. Lihim na lamang niyang ipinagdasal na sana may isa pang dumating na bata na kagaya ni Glenn, na handang makipagkaibigan sa isa pang apo niya.

"Lola!"

Nilingon niya ang direksyon ni Zandrah. Nakangiti itong lumapit sa kanya dala dala pa rin nito ang manika. Sa ngayon ay nauna nang umuwi ang batang Glenn nang hindi niya namamalayan mag-gagabi na kasi kaya naiintindihan niyang maagang umuwi ang bata.

"Ano 'yon apo?"

"Lola, gusto ko pong mag-aral! Gusto ko po magkaklase kami ni Glenn!" Ngiti nitong sabi na ikinagulat naman niya at ni Matilda.

"A-anong sabi mo apo?" Hindi naman siya bingi kahit may katandaan na siya ay rinig na rinig niya ang sinabi nito. Pero hindi pa rin siy makapaniwala sa biglaang pahayag nito. Ni hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot sa apo niya.

"No! Zandrah, dito ka lang mag-aaral ako lang ang magtuturo sayo." Amok naman ng isang apo niya si Matilda.

"Ayoko. Gusto ko mag-aral sa school!" Sigaw nito saka humiyaw ng iyak papaakyat sa itaas.

"See that Lola? Kaya ayaw kong lumalapit 'yong batang Glenn, nahahawa na si Zandrah sa kanya!"

"Apo hindi naman siguro sa ganoon,"

"Whatever, lola basta dito pa rin mag-aaral si Zandrah! Whether she likes it or not!" Anya nito saka umalis sa harapan niya.

🦇🦇🦇🦇

Itutuloy....