Chereads / Zandrah the Witch Girl / Chapter 6 - Ang Huling Sandali

Chapter 6 - Ang Huling Sandali

ISANG araw habang nanonood si Zandrah sa laro nila Glenn ay aksidenteng nasipa ng kanyang kaklase ang bola patungo sa ibang direksyon.

Namataan ito ni Zandrah na lumihis ang bola at nakita niyang may masasaktan na ibang bata kaya tumakbo siya at sinangga niya ang bola na muntik ng bumunggo sa isang batang babae.

Natigilan ang lahat na nandoon di nila aakalain na gagawin iyon ni Zandrah.

"Zandrah!" mabilis na lumapit sa kanya si Glenn pero hindi siya lumingon rito sa halip ay binalingan niya ang batang babae na binunggo niya.

"Okay ka lang ba?"

"oo. S-Salamat sa pagsakip mo sa'kin ang bait mo pala." Ngumiti ito sa kanyang harapan at sinuklian din niya ito ng matamis na ngiti.

Sa unang pagkakataon may nakausap na rin siyang bata bukod sa kaibigan niyang si Glenn. Tila ito na ang pinakamasayang araw niya sa buong buhay niya. Nang dahil sa kanyang ginawang pagtulong ay nasaksihan ng mga ibang mga bata roon na mabait pala siya kaya nagsiglapitan ang mga ito sa kanya at inaya siyang maglaro.

"Ako nga pala si Mia."

"Zandrah naman ang pangalan ko."

"Tara laro tayo ng soccer!"

"Hep! Sorry na lang Mia, sa amin makikipaglaro si Zandrah diba Glenn?" inakbayan ni Tim ang kaibigan. Tumingin naman sa kanya si Glenn.

"No! Sa'min maglalaro si Zandrah, diba Zands?" inakay ni Mia ang kamay niya at bahagya siyang nagulat roon pero agad din nakabawi ng masilayan niya ang cute na mukha nito. Napatingin siya sa ibang mga bata tila naghihintay ang mga ito kung saan siya sasama.

"Hoy, wag kang madaya Mia, sa amin nga maglalaro si Zandrah eh!"

"Hindi ako madaya Tim! Bakit mo ba inaaya na maglaro sa inyo si Zandrah eh, puro naman kayo mga lalaki dapat sa amin si Zandrah dahil babae din siya!"

"Aba't—"

Sa totoo lang ay gusto na niyang maiyak ramdam na ramdam niya ang pagmamahal at excitement ng mga bata na makasama siya. Tila naglaho na ang mga takot at pangamba nila ng lapitan siya ng mga ito. Hindi na siya kinatatakutan ng lahat.

She was overwhelmed.

"Hep! Tigilan niyo na 'yan Tim...Mia," pumagitna si Glenn sa dalawa saka nagpatuloy "Hayaan niyong si Zandrah ang magdesisyon kung saan niya gustong sumali." Bumaling ito sa kanya na ikinamumula naman niya ng hiya.

"Zands, saan mo gustong sumali sa amin o, kina Mia?"

Sandali siyang nag-isip sa totoo lang gusto niyang sumali kina Mia pero ayaw naman niyang masaktan ang damdamin nang ibang mga boys lalo na't sa best friend niyang si Glenn. Baka ma-dissapoint ito sa kanya kapag hindi siya sumama.

"Ahm, okay lang ba na maglaro na lang tayong lahat? Ayaw ko kasing pumili eh. Lahat ko kayo gusto." Sambit niya at ikinatuwa naman ng mga kasamahan niya.

Napailing na lamang si Glenn saka ginulo ang buhok nito.

"Ang cute mo kapag ganyan ang mukha mo." Inis niyang kinurot si Glenn na siyang ikinatawa nito at tila nahawa na rin siya sa tawa nito.

They were both laughing and teasing to each other but suddenly they stop when they sense something was not right. Lahat ng mga batang kasamahan nila ay bakas ang pagkamangha ng titigan nila si Zandrah.

"Glenn, may dumi ba sa mukha ko?"

"Wala naman."

"Eh, bakit parang naging tulala silang lahat?"

"Whoa! Ang ganda mo pala Zandrah kapag tumatawa ka parang lumiliwanag ang mundo!" tili ni Mia sa kanya saka siya niyakap nito.

Ang buong akala niya ay muling nanumbalik ang pagkatakot nila sa kanya pero naging kabaligtaran pala ang nangyari. Nang makita niya ang mga kasiyahan ng mga kasamahan niya ay lalo din siyang sumasaya.

"Okay. Para mas masaya sang-ayon na ako sa sinabi ni Zandrah. Sali tayong lahat pero dapat boys versus girls ang laro para mas maganda. Okay ba iyon?"

"Okay!"

Lahat ng mga ito ay nag-unahan na bumalik sa soccer field samantalang siya ay nakatulala at naiiyak na nakatayo habang pinagmamasdan ang mga nangyayari.

For the first time in her life, looking into the abyss of a crowd staring at the field she felt joy and satisfied. Ramdam niya ang init na pagtanggap ng mga bago niyang kaibigan nakangiti ang mga ito habang kumakaway sa direksyon at tinatawag siya at si Glenn.

"Bakit ka umiiyak?"

"K-Kasi masaya ako Glenn, kung hindi dahil sayo hindi ko mararanasan nang ganito. Maraming salamat talaga."

Naramdaman niyang pinalis nito ang kanyang luha saka tumingin sa kanya.

"Mabait ka Zands, kaya hindi magtataka na magugustuhan ka nila kaya huwag kang magpasalamat sa'kin."

"Ah, basta thank you pa rin. Dahil kung hindi dahil sayo hindi ko sila makikilala." Yumakap siya rito ng mahigpit at pagkatapos ay nagtataka siyang napatingin sa mga kaibigan niya grabe kung makasigaw.

"Oy, ano iyan!?"

"Hala, hoy Glenn, wag mo ngang inaakit si Zandrah!" tumatakbong hinila siya ni Mia patungo sa soccer field. Natawa na lamang si Glenn ng makita ang pagtataka sa mukha ng kaibigan niya ng lingunin siya nito.

"Hmm, kaya pala mabait ka kay Zandrah huh, kasi gusto mo siya 'no?"

"Sira ka Tim. Maglaro na nga lang tayo."

"Asus, in denial ka lang!"

🦇🦇🦇🦇

NAGING masaya ang araw niya sabik na pumasok si Zandrah sa paaralan para makita muli ang mga bago niyang kaibigan. Marami na rin siyang naging kaibigan ng dahil tinuturuan niya rin ang mga ito sa mga parte ng leksyon na di nila maintindihan. Siya at si Glenn ang nangunguna sa pagtututor ng mga kaklase nila.

Subalit ang munting kasiyahan ng kanyang puso ay agad napawi ng nalaman ito ng mga magulang ng mga bata nangamba sila na baka may gagawin itong masama sa mga bata. Pinapaagalitan nila ang kanilang mga anak pagnakitang nakikipag-usap o, nakikipaglaro ito sa kanya.

Naging malungkot si Zandrah ramdam niya na iniiwasan na naman uli siya ng lahat tanging si Glenn at si Tim lang ang may lakas loob na lumapit sa kanya.

Gusto niyang magalit pero naiitindihan niya ang sitwasyon. Ramdam naman niya na gusto siya ng mga kaklase niya pero wala silang magagawa kapag ang mga magulang na ang pumilit na iwasan siya ng mga ito. Nawala ang dating sigla ng mga kaklase niya at napuno ng mga kalungkutan.

🦇🦇🦇🦇

HABANG naglalakad si Zandrah pauwi nagtaka siya ng may mga lipon ng mga tao ang nagkakagulo. Lumapit siya para makita ang pinagkakagulohan, ngunit hindi niya makita dahil natatabunan siya ng mga tao. Gumapang siya at nakita niya ang bahay na nasusunog.

"Mama! Mama, tulungan niyo ako!"

Napasinghap siya sa gulat ng makita ang isang bata na nakakulong sa nag-aapoy na bahay.

"Tulungan niyo ang anak ko! Nagmamakaawa ako dios ko!"

Lumingon-lingon siya sa paligid sunod-sunod na kumakalat ang mga apoy sa kabahayan dahil sinamahan ng malakas na hangin. Wala rin mga bombero na darating dahil lahat bigla na lamang nagkasira-sira ang daan. Nagtulong-tulungan ang lahat para sagipin ang mga biktima na nakulong sa bahay ngunit balewala rin dahil lalong lumalakas ang apoy.

"Anong nangyayari ba't ayaw humupa ng apoy?" naisatinig niya.

Habang pinagmamasdan niya ang mga pangyayari ay nakita siya ni Mrs. Yhumeng at marahas siyang sinampal nito sa harap ng mga nagkukumpulan na tao.

"Ikaw! Ikaw ang dahilan ng lahat. Ang lakas ng loob mo bata ka para sunugin ang mga bahay namin! Demonyo ka! Mangkukulam!"

"H-Hindi po! Wala po akong kinalaman sa sunog." Subalit hindi ito nakikinig sa mga paliwanag niya ang tanging ginawa nito ay nang ingganyo sa mga tao na siya ang gumawa ng sunog. Ipinaratang nito sa kanya na nagbabalak siyang maghigante sa kanilang lahat at isa-isahin silang papatayin.

"Demonyo kang bata ka! Walang ginawa ang lahi niyo kundi manakit ng mga tao!"

"Mrs. Yhumeng, kailanman wala po akong sinaktan na tao maniwala po kayo."

Humagulhol siya ng iyak ng isa-isahin siya ng mga tao na pagbabatuhin ng mga kung anong bagay. May isa pa nga na hinagisan siya ng balde na may lamang tubig at agad siyang nabasa.

"Tigilan niyo iyan!"

Napalingon si Zandrah sa kanyang likuran. Mabilis siyang dinaluhan ni Glenn at hinubad nito ang jacket at inilagay ito sa kanyang balikat. Tumigil naman ang mga tao roon ng matalim na tiningnan ito ng kaibigan niya.

"Mrs. Yhumeng, alam niyo pong masamang mangbentang na wala kayong puweba. Bakit po kayo nanakit ng kapwa tao?"

"Huh, ikaw bata ka siguro ginayuma kana ng mga pamilya ng batang iyan ano? Sa tuwing may nangyayari sa kanya lagi kang sumusulpot."

"Mrs. Yhumeng, mag-sorry po kayo kay Zandrah. Alam niyo po na inosente siya at wala siyang kinalaman sa sunog."

Pinahid niya ang kanyang mga luha at napatayo sa gilid ng kaibigan niya. "Kailanman ay hindi ho ako nanakit sa inyo o maging sa kapwa tao ko. Kahit na ang sama-sama nang turing ninyo sa'kin ay hindi ko po magagawang saktan ang isa sa inyo."

"Kung ganoon, please tulungan mo ang anak ko." Sabay silang lahat na napalingon sa isang babae na dumaan sa kanilang harapan. Umiiyak itong napaluhod sa kanya at humihingi ng tulong.

"Nagmamakaawa ako Zandrah, alam kung isa ako sa mga taong humuhusga sa lahi niyo ngunit kakapalan ko na ang mukha ko alang-alang sa ikakabuti ng anak ko. Please Zandrah, tulungan mo ang anak ko. Sagipin mo siya please."

"Nahihibang ka na ba Luming!? Nasisiraan ka ata ng ulo eh, masama siyang bata hindi ka niya tutulungan baka pakana lang niya itong lahat! Hala, mga kasama patayin niyo ang batang iyan!" sigaw ni Mrs. Yhumeng at tumalima naman sa pagsang-ayon ang mga tao roon.

"Patayin!"

"Demonyo ka!"

"Mangkukulam!"

Napayuko na lamang si Zandrah habang pinagbabato siya uli ng mga tao roon kung anu-anong bagay namakakasakit sa katawan niya ay lahat inihahagis sa direksyon niya. Marahan naman siyang niyakap ni Glenn at pinoprotektahan nito.

"Glenn!" sigaw niya ng masaktan ang ulo nito sa isang mahabang dos purdos na kahoy. Nawalan ito ng malay at umagos ang dugo nito sa puting blouse niya.

"No, Glenn! Tama na! Tama na po!" umiiyak siyang napayakap sa walang malay niyang kaibigan. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama rito.

"Ano ba! Tama na!" pumagitna si Aling Luming sa harapan niya at hinarap ang mga tao roon.

"Ano ba naman kayo, ang lalaki ninyo tapos bata lamang ang kaharap niyo pero kung makapanakit kayo parang wala kayong anak! Kita niyo na ngang may nangyayaring sunog sa baryo natin pero anong ginagawa niyo imbes na magtulungan tayo ay nang-aapi kayo ng bata!"

"Luming, bulag ka ba? Hindi iyan simpleng bata lamang kundi anak ng mangkukulam!"

"oo nga!"

"Mangkukulam iyan!"

"Demonyo ang bata na iyan!" kanya-kanyang kantyaw ng mga tao roon pero hindi inaasahan ni Zandrah na ipagtatanggol siya ni Aling Luming.

"Mrs. Yhumeng, ina ka rin. Kung iyan ang nangyayari sa anak mong babae matatamo mo ba rin bang manakit ng isang bata? Nakikusap ako sa inyo tigilan na natin ito hayaan niyo akong humingi ng tulong sa kanya para iligtas ang anak ko. Please lang makinig naman kayo." Hagulhol nito.

Namayani ang bulung-bulungan ng mga tao roon. Tila nakikisimpatya ito kay Aling Luming. Hindi pa rin kasi dumadating ang tulong ng mga bomber roon dahil nasira ang mga daanan. At imbes na magtulungan patayin ang apoy ay siya pa ata ang pinagdiskitihan ng mga tao.

Napatingin si Zandrah sa mga bahay na nasusunog tantya niya ay hindi simpleng tubig ang magpapapatay sa apoy. Tila may halo itong salamangka kaya tumayo siya at nilapitan si Aling Luming.

"Pakiusap po pakibantayan niyo po ang kaibigan ko."

"Makakaasa ka Zandrah, basta't tulungan mo lang mailigtas ang anak ko."

Tumango siya at napadako ang mata niya sa isang lalaki na may bitbit ng walis. Nilapitan niya ito at nanghiram sa walis na dala nito.

"Walis lumipad ka!" utos niya at agad naman kumilos ito at lumapit ang walis sa harapan niya na nakalutang. Pasimple siyang sumakay sa walis saka humawak sa stick nito.

"Pumunta tayo sa direksyon na iyon." Utos niya at pasimpleng kumilos ang walis at lumipad ito sa direksyon sa mga nasusunog na bahay. Lahat ng mga roon ay namangha sa kanilang nakita ng wala pang limang oras ay isa-isang sinagip ni Zandrah ang mga taong na-trapped sa kani-kanilang bahay. Huli niyang sinagip ang anak ni Aling Luming na sa ngayon ay tumakbo ang batang lalaki patungo sa direksyon ng ina nito nang makatapak sila sa semento.

"Mama!"

"Anak, salamat dios ko ligtas ka! Maraming salamat Zandrah!"

Ngumiti lamang siya ng isa-isa niyang tiningnan ang mga tao roon na nakayakap sa mga kani-kanilang pamilya na animo'y may munting reunion na nagaganap. Kung kanina ay poot at pagkamuhi ang mga ibinabatong tingin ng mga tao sa kanya ngayon naman ay matamis na ngiti at pasasalamat ang ibinigay ng mga ito sa kanya na bagay niyang ikinatutuwa. Pwera lang kay Mrs. Yhumeng na masama pa rin kung makatingin sa kanya.

"Zandrah,"

"Glenn!"

"Anong nangyayari sinasaktan ka ba nila?"

Umiling siya. "Hindi na."

"Pakiusap Zandrah, patigilin mo ang apoy!" punong pag-susumamo ng mga tao sa kanya nakaramdam siya ng awa sa mga ito. Kaya walang pag-alinlangan niyang tinulungan ang munting hiling nila.

"O, dakilang apoy humupa ka at umalis sa bahay na sinunog mo. Pakinggan mo ang aking hiling! Kashin...kahum..barada! Barada!"

Sa isang sambit ng mahiwaga niyang spell ay agad na naglaho ang mga apoy sa mga kabahayan. Narinig niya ang mga kasiyahan ng mga tao at muli na naman siyang pinasalamatan. Subalit ang kaninang kasiyahan na nangyari ay biglang naglaho ng bula at napalitan ng poot at paghihiganti.

Biglang nandilim ang mga kalangitan sa langit. Sunod-sunod ang mga kidlat at kulog ang pumainlalang sa kalangitan waring may sakuna na paparating. Lahat ng mga tao roon ay nakatingin sa kanya at binigyan siya ng tingin na mapanghusga.

"Hindi! Hindi ako ang may gawa niyan maniwala po kayo."

"O, kitams? Pinaglalaruan lamang tayo ng bata na iyan! Mangkukulam siya...masama siyang bata mesa demonyo ang batang iyan!" muling sigaw ni Mrs. Yhumeng sa kanya na agad naman sinang-ayunan ng lahat.

Gusto niyang mapaiyak. Nagtataka siya kung bakit ganoon kabilis magbago ang mga isip ng mga tao. Nagdadalawang isip tuloy siya kung totoong ipinapakita ng mga ito sa kanya.

"Patayin siya!" anya ng lahat pero bago pa masigkilos ang mga tao ay isang napakalakas na kidlat ang dumating at naglanding sa gitna ng daan. Napasinghap ang mga tao roon ng muntik na silang masaktan. The lightning struck at them, ang resulta ay gumuho ang semento sa daan at lumikha iyon ng isang malaking sinkhole.

"Nakita muna ang ginawa nila sayo Zandrah?" isang malamig na boses ang pumailanglang sa buong kalangitan. Lahat sila ay napatingin sa itaas dahil doon nanggagaling ang boses ngunit wala silang makitang tao na nakatayo roon.

"Bakit mo pa tinutulungan ang mga tao na iyan! Pinarusahan ko sila dahil sobra na ang mga panglalait nila at pang-aapi sa lahi niyo! Matagal na kitang pinagmamasdan at nakikita ko kung papaano kayo apihin ng mga taong bayan!"

Inilibot ni Zandrah ang tingin sa itaas ngunit wala pa rin siyang makita kung sino ang nagsasalita. Ganoon din ang reaksyon ng mga tao nagtataka at natatakot sa mga nangyayari ngayon.

"Bilang kaparusahan sa mga ginawa niyong kapangasan sa mga lahi ko ay maghihirap kayo at magkakasakit! Mamamatay kayo ng walang katapusang pasakit! Ishin..kabum birada..birada..birada kaboom!"

"Glenn!" Bumadha ang pag-aalala niya sa kaibigan may tumubong bukol sa iba't-ibang parte ng katawan nito hindi lamang iyon pati na rin ang ibang mga tao ay naglulupasay sa sakit.

Kumulog...kumidlat at humangin ng napakalakas nagsimula na ring bumaha sa kanilang kapaligiran. Lahat ng mga tao na naroroon ay kanya-kanyang humihingi ng saklolo.

Nakita ni Zandrah ang mga dinaranas ng mga tao. Nasasaktan siya rito lalong lalo na sa kaibigan niyang si Glenn na naghihingalo sa sobrang sakit.

"Glenn, lumaban ka please."

"Ang sakit Zandrah...sobrang sakit ng katawan ko."

"No, no, no please lumaban ka!" kasabay sa pagtulo ng kanyang luha ay napatingala siya sa langit. Doon niya nakita ang isang magandang nilalang na nagre-reflect sa mga ulap. Nakatingin ito sa direksyon niya at tila nasisiyahan ito sa mga nangyayari.

Doon lang niya naiintindihan kung sino ang kaharap niya.

"Dios ko, itigil niyo na 'yan!" sambit ng Lola Lucia niya na kararating lang kasama ang ate Matilda niya.

"Lola Phantara, itigil niyo na po 'yan!" kay Matilda.

"Lola Lucia...ate Matilda sino po siya?"

"Siya ang great grandmother natin Zandrah, si Lola Phantara ang reyna ng mga witch."

"Ate Matilda, pagalingin mo si Glenn please? Hindi gumagana ang kapangyarihan ko."

"Naku Zandrah, kahit gustuhin ko man siyang pagalingin ay hindi ko magagawa iyon. Tanging ang reyna ng mga witches ang makaka-lift sa spell na ginawa nito."

Naiiyak siyang tumingala sa langit habang hawak niya ang kaibigan na walang malay sa kanyang kandungan.

"Pakiusap Reyna Phantara parang awa muna itigil muna ang mga parusang ito. Napamahal nasa amin ang mga tao alam ko pong hindi nila intensyon na saktan kami."

"Pangahas! Idiota! Hindi mo ba nakikita Zandrah ayaw nila sa lahi natin. Hindi mo lang ba iniisip na sila ang dahilan kung bakit namatay ang pinakamamahal mong ina? Kaya bakit ka pa nagmamakaawa? Nararapat lamang iyang sa kanila!" anito at sabay na humalakhak.

"Sige, sumigaw ng sumigaw kayo sa sakit! Ishin kahoom birada birada kaboom!" sa muling paggamit nito ng spell ay nakita ni Zandrah ang halos sabay sabay na sigawan ng mga tao. Lalong dumarami ang mga sakit na tumutubo sa kani-kanilang katawan lahat sila ay sumisigaw ng tulong sa kanya.

"Aahh! Ang sakit!" naiiyak na napabaling si Zandrah kay Glenn. Sa ngayon walang sawa itong sumusuka ng mga uod at mga insekto na lumalabas sa bibig nito kasabay 'non ay ang paglaki ng mga bukol nito sa katawan nito.

"Glenn," iyak niya. "Sorry."

Tumingin ito sa kanya at kahit nahihirapan itong itaas ang kamay ay pinalis pa rin nito ang kanyang mga luha. "Hindi ba sabi ko...a-ayaw kitang makitang umiiyak?"

Lalong tumulo ang kanyang mga luha ng makitang pilit itong ngumingiti sa harapan niya. This is his bestfriend. He was too kind. Too sweet and too caring especially to her.

Marami siyang pinagpapasalamat rito dahil sa kabila ng mga masasakit na salita ang pinagbabato ng mga tao sa kanya ay hindi niya magawang magalit dahil kay Glenn. Ito lang ang kaibigan niyang nagpakita kung ano ang isang tunay na mabait na tao.

"Hindi ka ba nagagalit kasi...kasi pinaparusahan kayo ng reyna ng mga witch?"

He slowly shook his head. Zandrah close her eyes when she saw his body is in pain and agony. "Bakit Glenn? Dapat magalit ka. Magalit ka samin please?"

"Hindi ako magagalit kasi naiintindihan ko siya." Anito at nahihirapang huminga.

"Pero mali pa rin ang ginawa niya sa inyo."

"Zandrah, kahit anong gawin mo hindi naman ako magagalit kasi kaibigan kita. Diba nga sabi ni Walter Winchell, 'A real friend is one who walks in when the rest of the world walks out."

Napangiti si Zandrah sa sinabi nito. True. He's too good to be true. Ang nag-iisa niyang kaibigan ay laging nandiyan para pasiyahin siya. Because of him she laughs a little harder, cry a little less, and smile a lot more.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung hindi niya nakilala ito. Tiyak mananatili pa rin siya sa lumang mansion nag-iisa nagkukulong at kinatatakutan pa rin ng mga tao. Malaki ang pasasalamat niya rito dahil kung hindi dahil sa ipinapakitang kabaitan nito ay walang Zandrah ang ngumingiti ngayon.

"Reyna Phantara nakikiusap po ako tanggalin niyo na ang spell na ginawa niyo sa kanila please po. Please!?"

Ipinukol ng tingin ni Reyna Phantara ang batang lalaking kasama ni Zandrah bakas sa mukha nito na nakangiti pa rin kahit na nanggagalaiti ito sa sakit. Batid niya ang pagkabusilak ng puso nito at hindi niya maiwasang maantig.

"Tulad ka din ng iyon ina Zandrah," mungkahi nito. "Malambot ang puso masyadong mabait at mapagpatawad. Pero hindi ko maiiwasan tanggapin na muli na namang nanaig at napatunayan na ang pag-ibig ang siyang pinakamalakas na kapangyarihan. Sa lahat ng mga nakikita ko ay muling pinatunayan ng sarili niyong ina na hindi lahat ng mga tao ay masasama na mayroon din pang natitira." Anito at nagpakawala ito ng engkantasyon saka naglaho ng bula.

Bumuka ang liwanag ng kalangitan natapos na ang unos na ipinadanas ng reyna ng mga magkukulam lahat ng mga tao roon ay nagtataka kung bakit sila nakaratay na nakahiga sa gitna ng daan. At kung dati ay halos maubos ang kabahayan sa pagkasunog ay tila naglaho ang bakas ng anino nito at para lang bumalik sa normal ang lahat.

Para lang bagong gising ang mga tao roon at at agad nagbalik sa normal ang dati. Lahat ng mga taong nakasaksi sa mga pangyayari ay walang alaala. Tila kasabay sa paglaho ng spell ni Reyna Phantara ay naglaho din ang sa alalaala ng lahat ang kaninang nangyari.

🦇🦇🦇🦇

"Glenn, maghanda ka na. Aalis na tayo!" sigaw ng kanyang ina at nagmamadali siyang inayos ang kanyang mga gamit.

"Oh, okay na ang lahat? Dala muna ba ang mga gamit mo?"

"Yes Ma. Pero sandali lang po."

"Bakit may nakalimutan ka pa ba?"

"Opo. Magpapaalam na muna ako sa mga kaibigan ko."

Nakatanggap ng bagong trabaho ang kanyang ina doon sa Maynila at kailangan nilang lumisan para doon manirahan. Malungkot man ang balita na iyon dahil ayaw niyang mawalay sa best friend niyang si Zandrah ay wala siyang magagawa pa.

Napabuntong hininga siya ng madatnan niya sa gate ang nag-iisang babae na umiiyak sa tuwing makikita niya ito.

"Paalam na Zands, maging masaya at masigla ka dito huh!"

Tumango ito sa harapan niya. "Oo ba. Basta wag mo akong kalilimutan ah!" may inabot ito ng isang bagay na ipinagtataka niya.

"Ito oh. Tanggapin mo sana para di mo ako malilimutan. Lagi kang magpadala ng sulat sa'kin okay?"

"Yes, Ma'am."

"Sira ka talaga Glenn." Sabay silang natawa sa itsa't isa.

"Balang araw magkikita din tayo at pagnangyari iyon iilaw iyang kwentas na hawak mo. Madali mo lang ako makikilala kapag nagkaganon."

Lumapit si Glenn sa best friend niya at niyakap niya ito ng napakahigpit.

"Magpapakabait ka Zands."

"Huwag kang mag-aalala Glenn hindi malulungkot si Zandrah dahil ngayon marami na siyang kaibigan. Diba Zands?" siko naman ni Tim.

"Ipangako mo 'yan bro." wika niya at sabay silang nag-shakehands.

"Pangako bro." matapos siyang makipag-shakehands rito ay binalingan niya ang kanyang magandang bestfriend na kasalukuyang umiiyak sa harapan niya.

"Huwag ka nang umiyak Zands, malay mo babalik kami ni Mama rito."

"Kailan naman iyon?" natawa siya sa paglukot ng mukha nito. Ramdam niya na hindi nito gustong umalis siya pero tinanggap lamang iyon ni Zandrah dahil naiitindihan nito ang sitwasyon niya.

"Hmm..ewan siguro kapag eighteen na tayo babalik ako rito para dalawin ka." Ngiti niya.

"Totoo?"

"Oo naman kailan ba ako nagsinungaling sayo?"

Sandali silang nagtitigan bakas sa mukha nito na mangungulila ito sa presensya niya at ganoon din siya. Napamahal na niya ang best friend niya kaya nasasaktan siya kapag umiiyak ito.

"Glenn, tara na?" sumulpot ang kanyang ina at hinhintay na siya nito na sumakay sa kanilang sasakyan. Napabuntong hininga siya saka yumakap muli kay Zandrah.

"I promise Zands, babalik ako."

"Okay." Mahina pero dinig niya ang garalgal na boses sa pagtango nito.

Tumalikod na siya at dahan-dahang lumapit sa kanyang ina hanggang tuluyan na silang pumasok sa loob ng sasakyan. Pinilit ni Glenn na huwag lingunin ang direksyon nila Zandrah dahil tiyak maiiyak na naman siya ayaw pa naman niyang makita na umiiyak siya sa harapan ng mga ito.

"Tara na Ma."

"Sigurado ka ba Glenn? Why not try to wave at them?"

Mabilis siyang umiling saka kinuha ang itim na shades na pambata at isinuot niya ito sa kanyang mata. "Real man does'nt cries Mama." Tumawa ng pagak ang kanyang ina saka inabisuhan ang driver na umalis na sila.

Sa kanyang pag-alis sa bayan ng Villa Illusyon ay masaya siya dahil nawala na ang pagkamuhi ng mga taong bayan sa pamilya ng mga West. Hindi niya alam kung ano ang nangyari parang may mali—hindi na maalala ng mga taong bayan ang mga nangyari tila parang nawala na ang pangalan ng mga West na kilalang mangkukulam at itinurin sila ngayon ng mga taong bayan na mababait na ordinaryong tao lamang. Kutob niya ay may tumulong sa pamilyang West para maglaho ang lahat ng mga tsimis sa pamilya nila. Pero ganoon pa man ay malaki ang pasasalamat na lang niya dahil matatahimik na siya sa pag-alis niya na wala nang mang-aapi sa kaibigan niyang si Zandrah.

And speaking of her, muli na namang nanumbalik ang kanyang kalungkutan ng maalala niya ang mukha nito na basang-basa dahil sa kaiiyak. Sana hindi ito magkakasakit at sana magkaroon ito ng mga maraming kaibigan na handa siyang protektahan.

Napadungaw siya sa bintana ng sasakyan ng masilayan niya ang karatula na 'Villa La Illusyon Exit Boundary' mapakla siyang ngumiti. Tuluyan na talaga silang lumisan ng kanyang ina. Bagama't malungkot siya dahil aalis na siya ay nagpapasalamat na rin siya dahil napadpad sila ng kanyang ina sa lugar na iyon kahit ilang sandali lang. Sulit ang pananatili niya dahil nakilala niya ang kanyang mga kaibigan. Babaunin niya sa kanyang alaala ang mga nangyayari sa kanya sa bayan ng Villa Illusyon.

"Pangako babalik ako Zandrah."