Chereads / Zandrah the Witch Girl / Chapter 5 - Her Desired

Chapter 5 - Her Desired

NAKATABILI ang ulo ni Glenn habang hinihintay ang pagsisimula nang klase nila. Bored na bored na siya kaya tiningala niya muna ang kalangitan sa labas. Iniisip niya kung ano na ang ginagawa ni Zandrah, matagal-tagal din na hindi siya nakabisita sa mansion dahil naging abala siya sa school project nila.

Nilalaro niya ang kanyang lapis at naisipang iguhit ang mukha ng batang babae. Nakangiti siyang ginagawa niya 'yon nang may kumalabit sa kanya.

Inis na nilingon ni Glenn si Tim. Susumbatan niya sana ito dahil iniistorbo nito ang gingawa niya nang magtaka siya sa mukha nito. Nakatulala itong itinuro ang daliri sa may pintuan nang classroom nila. Sinundan niya ang direksyon nito at nanlalaki ang dalawang mata niya nang makita si Zandrah sa labas ng pintuan kausap ang guro nila.

"G-Glenn, maguguho na ba ang mundo? B-Bakit nandito siya?"

Imbes na sagutin niya ito ay nakangiti siyang tumayo at tinawag niya ang batang babae.

"Zandrah!" Kaway niya dito.

"Hala, maguguho na nga talaga!"

Hindi niya pinansin si Tim sa halip nangingislap ang mga mata niya sa tuwa at agad na nilapitan ang kaibigan.

"Lola Lucia," mano niya sa matanda.

"Kamusta Glenn?"

"Okay lang po. Na-miss kong kalaro si Zandrah."

"Heto naman ang apo ko, sobrang na-miss ka ata kaya siguro kinumbensi niya ako na mag-aaral siya dito."

Masaya niyang nilingon si Zandrah na namumulang nakayuko. Iniyuko niya ang ulo niya saka tiningnan ito.

"Totoo ba 'yon Zandrah, na-miss mo ako kaya gusto mong mag-aral sa school ko?"

Kimi itong tumango sa harapan niya kaya ngumiti siya nang kay tamis. Sa sobrang tuwa niya ay niyakap niya ang kanyang kaibigan.

"Ang galing Zandrah, lagi na tayong magkikitang muli!"

Namumula naman itong gumanti nang yakap sa kanya. Nasa ganoon kalagayan sila nang marinig niyang  tumikhim ang kanilang guro  kaya napilitan siyang pakawalan si Zandrah.

"Ah, Glenn, total magkakilala naman kayo ba't di mo siya ipakilala sa mga kaklase mo."

"Sige po. Halika Zandrah, ipapakilala kita sa mga kaklse ko." Itinaas niya ang kanyang kamay at naghintay siyang aabutin nito ang kamay niya. Ngunit napansin ni Glenn na tila nag-alangan itong pumasok sa loob.

Naalala niyang hindi sanay si Zandrah na makasalimuha ang mga tao. Ngayon lang ito lumabas sa maraming tao kaya naiintindihan niya ang bakas nang takot sa mukha nito. Inabot niya ang kamay nito at pinagsalikop niya ang kanilang palad. He smiled at her when their eyes met.

Nagpapasalamat siya dahil naglakas loob itong pumunta sa eskwelahan nila para lang makita siya.

"Huwag kang mag-alala Zandrah, nandito lang ako sa tabi mo. Tingnan mo sila na nakataas ang noo tapos ngumiti ka okay?"

Tipid itong tumango sa kanya. Pumasok silang dalawa sa loob kasunod ang guro nila habang nagpaiwan lang sa labas ng pinto ang lola ni Zandrah.

Lahat ng mga kaklase niya ay bakas sa mga mukha nito ang takot, gulat at pagtataka kung bakit nandito sa harapan nila ang anak na tinatakutan ng mga taong bayan. Matapang na hinarap ni Glenn ang mga kaklase niya at naging alerto siya kung sino mang may planong saktan ang kaibigan niya.

"Ah, Zandrah, introduce yourself to the class." Pasimula nang guro nila. Halata sa boses nito na natatakot sa pamilya ni Zandrah.

Tiningnan siya ni Zandrah, bakas sa mukha nito ang takot. Humigpit pa ang pagkakapit nito sa kamay niya at ramdam niya ang panginginig sa kamay nito. Tila maiiyak pa ito kung hindi siya ngumiti.

"Okay, lang 'yan. Nandito ako sa tabi mo walang sino mang mananakit sayo. Kaya sige na, mag-pakilala ka na sa kanila."

Bumuga muna ito nang hangin saka inihanda ang masaya nitong ngiti at akmang magsasalita na nang naunahan ito nang isang batang lalaki.

"Bakit nandito ang demonyong 'yan!?" sukmat ni Jacko

"Oo nga, teacher, baka kukulamin tayo niyan!" singit naman ni Junjon.

"Bakit ba siya pinayagan na mag-aral dito!? Teacher, kapag naging kaklase namin 'yan hindi na ako papasok!" kay Jacko.

"Kami rin!" anya nang lahat.

Nagsitayuan ang mga kaklase niya at lahat sila ay lumabas sa classroom. Nakayukong tumingin sa sahig si Zandrah at humihikbing umiiyak. Niyakap na lamang niya ito para damayan. Habang ang kanilang teacher Jesselle ay dumiretso sa principal office para huminginang tulong.

May iilan kasing mga magulang na nakatoka sa gate at nalaman nilang pumapasok sa paaralan si Zandrah. Natakot at nangamba ang mga magulang na baka may mangyaring masama sa kanilang mga anak. Kaya sa ganoong ka bilis na pangyayari ay nalaman nilang may iilan nang mga magulang na nagproprotesta sa labas.

Lihim na nagagalit si Glenn. Hindi pa rin kasi nagbabago ang mga tao, pati inosenteng bata na gustong makapag-aral ay pagkakaitan pa nila. Hindi na sila naawa kay Zandrah, tanging gusto lamang nito ay makapag-aral kasama ang mga batang kaedad niya.

Bakit ganoon ang mga tao nagiging masama para sa iba?

Hindi ba puwedeng maging masaya at matahimik ang lahat?

"Paalisin ang mangkukulam, paalisin!"

"Paalisin!"

Nakatingin si Glenn sa ibaba, tanaw niya ang mga magulang na nagra-rally sa labas dala ang mga karatula na may mukha nang mga West. Naikuyom niya ang kamay at binuksan ang isang bintana saka hinarap ang mga tao.

"Hindi ba kayo titigil? Bakit niyo ba pinipigilan ang isang bata na mag-aral!? Ito ay isang paaralan at hindi kumpulan ng mga rally-hista! Hindi na kayo nahiya, naturingan pa kayong magulang. Tapos ganito pa ang ikikilos niyo? Ang mag-protesta sa harapan ng mga anak niyo, at sa harapan pa nang eskwelahan na pinapasukan ng mga anak niyo!?" hingal niyang sabi.

Tumahimik naman ang buong paligid. Lumabas ang kanilang principal at hinarap ang mga magulang na nag-proprotesta.

"Mga, mahal kong magulang ipagpaumanhin niyo ngunit tama ang sinasabi nang bata. Ito ay isang paaralan at hindi dapat ipinapakita ang mga di kaya-ayang bagay sa harapan ng mga bata. Kung may gusto kayong hinaing ay pag-usapan natin 'to nang mabuti. Maari ba?"

Nagkatinginan ang mga ito saka isa-isa silang tumango. Napabuntong hininga na lamang si Glenn nang makita niyang nagsiuwian na ang mga tao.

"Salamat, Glenn. Isa ka talagang mabuting bata na nakilala ko." Hinalikan siya ni Lola Lucia sa noo.

"Wala naman po akong ginagawa, tanging isinasalat ko lamang ang opinyon ko. Na sa tingin ko po ay tama."

Ngumiti lamang ang matanda sa kanya saka siya niyakap nito.

"Glenn, anak!"

Nilingon niya ang tumawag sa kanya, laking gulat niya nang makita ang Mama niya sa classroom nila kasama ang kaibigan niyang si Tim.

"Mommy,"

"Narinig ko ang nangyari, sinabi sa'kin ni Tim na may batang mangkukulam ang mag-aaral dito. Ano ka ba naman, anak! Huwag ka nang makisalamuha sa bata na 'yon baka mapano ka pa." Hinihingal itong yumakap sa kanya.

Nanatili nakayuko si Zandrah nang pagmasdan niya ito. Samantalang malungkot na ngiti ang isinukli nang matanda. Maya maya ay lumapit ang guro nila at tinawag si Lola Lucia.

"Mawalang galang na po Mrs. West, pero ipinatawag po kayo ng principal para sa pagpupulong kung makapag-aaral ba si Zandrah."

"Ganoon ba, sige pupunta na kami." Malungkot na tugon nito at inakay ang kamay ng apo nito.

"Tara na, apo."

Nagtaka siya nang lumakas ang hikbi nito, umangat ang ulo nito saka siya tinignan. Nagulat siya nang makita itong namumula ang ilong at mata nito. Nag-igting ang panga niya sa galit, ramdam niya na nasasaktan na ito sa mga pangyayari.

"Lola, hindi na po ako papasok sa school."

"Apo..."

"Ano! Bakit Zandrah, diba gusto mo akong makasama sa school?" Sa tindi nang pagkagulat niya ay nilapitan niya ito.

"Oo. Pero kung ganito lang naman ang mangyayari, ayoko nang pumasok, magkikita pa naman tayo diba? Dadalawin muna man ako sa amin pagkatapos nang pasok mo di ba?" Hingal nitong iyak.

"Kuntento na ako 'dun sa mansion mag-aaral, tapos magaling pa ang ate Matilda kong magturo! Na-miss lang kita kasi ikaw ang unang kaibigan ko na hindi natakot sa akin." Tumingin ito sa guro nila.

"Sorry po sa mga gulong ginawa ko. Pangako po hindi na po ako tatapak sa eskwelahan na ito. Nagbibiro lang po ako kaya kalimutan niyo na lang po ang nangyari." matapos ay lumapit ito kay Tim.

Napaatras naman si Tim sa tindi nang takot kaya hindi na lamang tuluyan na lumapit si Zandrah.

"Sorry din. Kung ipinaramdam ko na inigaw ko si Glenn sayo, kaya ka nagseselos sa'kin."

"Oy, hindi ah!"

"Pangako hindi na ako lalapit kay Glenn, alagaan mo sana ang kaibigan ko." Wika nito saka hinila ang lola nito.

"Teka Zandrah, sabihin mo ang totoo gusto mo talagang mag-aral dito?"

Bahagya itong umiling pero alam niyang gusto talaga nitong mag-aral. Nilapitan niya ito at hinawakan ang pisngi nito.

"Huwag kang mag-sinungaling sa'kin. Alam ko sa puso mo na gusto mong mag-aral kaya please sabihin mo ang totoo sa'kin." Iyak niya.

"Hindi. Hindi ko gustong mag-aral! Ayaw nila sa'kin kaya ayoko din sa kanila!" sigaw nito at tumakbo ngunit bago pa ito makaalis ay nahagip niya pa ang braso nito.

Pinahid ni Glenn ang mga luha nito at tinignan niya ito na may bahid na seryoso ang mukha.

"Ayaw mo talagang mag-aral!?"

"Oo nga sabi eh!"

"Kung ganoon halika dito at samahan mo ako," hinila niya ito at tinungo nila ang opisina nang principal.

Marahas niyang binuksan ang pinto ng silid at bumungad sa kanilang harapan ang mga maiingay na mga magulang, ngunit nang makita sila ng mga ito ay nagsitahimikanang lahat.

Tumayo si Mr. Autum ang kanilang principal sa elementarya.

"Ah, ikaw ang anak ni Mrs.Collins tama ba?"

Nilibot niya ang tingin. Bakas ang mga takot sa mga mukha nila nang makita ang kasama niya na si Zandrah. Pasimple lamang itong nakatago sa likuran niya at takot na takot.

Nang mapansin niya ang sitwasyon nito ay nagdalawang isip siya kung bakit niya pa dinala sa lugar si Zandrah. Puno pa namang mapang husga at mapang lait  ang mga tao dito. Pero sa kabilang banda ay na naisip dinniya na mas nakakabuti na siguro na harapin ni Zandrah ang mga ito. Dahil hindi habang buhay ay laging nagtatago sa dilim ang kaibigan niya.

"Diba sabi mo ayaw munang mag-aral, sige sabihin mo sa kanila kung anong dahilan kung bakit ayaw munang mag-aral!"

"Pero..."

"Zandrah, tell them now! Tell them the truth!"

"Gusto kung mag-aral! Gustong gusto kung mag-aral!" Hiyaw nito sa iyak.

"Bingi ka ba ang sabi mo, hindi mo gustong mag-aral! Bakit nag bago ang isip mo?

"I lied. I want to study in this school. Gusto ko pareho tayong mag-aral sa school, gusto ko magkaroon ng mga maraming kaibigan, gusto ko matuto ng mga lessons kay teacher, gusto ko sumagot sa blackboard, gusto ko sumamang maglinis ng classroom pagkatapos ng klase, gusto ko makapaglaro ng iba....pero...pero...hindi puwede," hikbi nito at abala sa pagpiga ng mga luha nito gamit ang daliri.

"At bakit hindi puwede?" Naiiyak na binalingan ni Glenn si Zandrah.

Ngayon lang ito nagsalita nang mahaba. Ang tanging Zandrah na nakilala niya dati ay mahiyain at tahimik. Pero ngayon, nailalabas na nito ang mga hinaing na sakit na ibinabato ng mga tao sa kanya.

He was proud of her.

"Kasi, kasi...takot sila sa akin... Takot sila sa amin...." Tuluyan na itong humagulhol ng iyak.

"Hindi naman kami bad, mabuti si Lola lucia at ang ate Matilda ko, hindi kami nananakit nang kapwa tao..."

Humihiyaw pa rin ito sa iyak kaya niyakap niya ito nang mahigpit. Namalayan na lamang ni Glenn na nasa likuran na pala niya ang kanyang ina, si Tim at ang Lola Lucia. Kasama nito si Teacher Jesselle na kasalukuyang umiiyak din tila naawa ito sa kahinatnan nang kaibigan niya.

"Hindi kami bad! Mabuti kami," ulit nito.

"Ssh, tama na Zands,"

"Sinungaling! Anak ka ng isang mangkukulam kaya masama kayo!" isang magulang ang nagbato ng papel sa ulo ni Zandrah.  

"Tama, kaya 'wag kang magpaawa sa harapan namin, dahil hindi kami naawa sayo! Principal, kapag iyang bata na 'yan ay pinapasok niyo sa eskwelahan na ito ay ita-transfer ko ang anak ko! At wala na kayong donation na matatanggap!"

"Mrs. Yhumeng huwag naman po ganoon,"

"Walang dala ang bata na 'yan kundi malas at kapahamakan!" Anito at bigla na lamang kumidlat ng malakas

Tumili nang malakas ang mga tao sa silid na 'yon.

"See? Kita niyo na, mangkukulam talaga ang mga lahi niyo!"

"Hindi totoo 'yan!" Giit niya.

"Kailan man ay hindi kami nanakit sa inyo at alam niyo 'yan!" Sa hindi mapigilan ay sumabat na ang Lola ni Zandrah.

"Anong wala? Hoy matandang mangkukulam, nakalimutan mo na ba, kayo ang dahilan kung bakit sunod-sunod ang mga delubyong nangyayari sa bayan na ito."

"Oo nga, alam naming kayo ang gumawa nang bagyo para bumaha at naging sira-sira ang mga bahay namin noon!"

"Hindi totoo 'yang ang mga paratang ninyo!"

"Magsitigil kayo," pumagitna si Ginoong Autum.

"Ganito na lang, itaas ninyo ang mga kamay na gustong sumang ayon na hindi puwedeng makapag-aral dito ang batang West,"

Naningkit ang mata ni Glenn nang makita niya na lahat ng mga magulang ay itinaas ang mga kamay nila.

"O, kita naman ang resulta Ginoong Autum. Lamang kami sa boto." Ngisi ni Mrs. Yhumeng.

"Pasensya na Mrs. West pero--"

"Sandali lang, hindi tama ang desisyon niyo Mr. Autum," ang ina niya ang pangahas na hinarap ang principal nila.

"Mrs. Collins,"

"Hindi tama na sila ang magdesisyon diyan."

"At bakit hindi? Kapakanan ng mga anak namin ang iniisip namin. Kaya nararapat lang na sa amin ang may karapatang magdesisyon tungkol sa usaping ito."

"Nasa batas nang ating bansa na bawal tumanggi ang isang guro o principal na huwag papaaralin ang isang bata. May karapatan ang mga bata na makapag-aral sa eskwelahan na pinili nila. At kapag ipinagpipilitan niyong sundin ang desisyon ng mga reklamo nila, wala ho akong magagawa kundi ipapa-report ko po kayo sa itaas."

Bakas sa mukha ng principal nila ang takot. Nakangisi si Glenn nang balingan niya ang Mommy niya, at lihim siyang kinihatan nito.

"How dare you! Kababago mo pa lang sa bayan na ito ay ang tapang tapang muna!"

"Mrs Yhumeng, if you want to file a complaint then talk to my lawyer." Matapang na pahayag ng ina niya.

"Ah, Mr Autum." Panimula ng guro niya.

"In my opinion ho, may karapatan ang bata na pumasok sa eskwelahang 'to. Sa totoo lang wala pa namang napatunayan na nanakit ho sila nang kanilang kapwa tao. Zandrah is a good kid, kita niyo naman halata sa mga mata nito na gustong makapag-aral dito."

Bumuga nang malalim na hininga si Mr. Autum at nagdesisyon itong puwedeng makapag-aral si Zandrah. Masaya siyang yumakap nang mahigpit rito. Samantalang poot at matalim na tingin ang isinumbat ni Mrs. Yhumeng sa lola ni Zandrah at sa ina niya.

"Makikita niyo magbabayad kayo! Tara na," inaya nito ang mga kapwa nitong magulang na umuwi na.

"Welcome to our school Zandrah," ngiti ni teacher Jesselle.

"Thank you po,"

Binalingan nang ina niya ang lola ni Zandrah.

"Paumanhin po, kung may nasabi ho akong masama sa apo niyo."

"Naku, 'wag mong isipin 'yon. Sakatunayan nga ako ay nagpapasalamat sa pagtatangol sa apo ko.Malaking bagay na 'yon sa akin."

"Eh, sino mang kaibigan nang anak ko ay kaibigan ko na rin."

"Salamat,"

Ngumiti lang ang ina niya. Masaya niyang inihatid sa classrom si Zandrah. Magkatabi sila nang upuan dahil ipinaubaya ni Tim ang upuan nito kay Zandrah. Naupo lamang ito sa likuran niya.

Simula noon ay lagi niyang tinutulungan na makahabol sa klase si Zandrah. Mabilis naman itong matuto kaya hindi siya nahirapan. Sabay silang kumain at sabay din silang umuwi, kung minsan pa nga ay hinahatid niya pa si Zandrah.

Sa mga lumilipas na araw ay tuluyan nang natanggap ng mga tao na mag-aaral na si Zandrah sa eskwelhan nila. Nakarating pa ito sa Department of Education, na siyang nag-aproba na makapag-aral nang malaya ang kaibigan niya. Masaya siya sa balitang 'yon pero malungkot din dahil  tanging siya at si Tim lamang ang kaibigan nito. Nagalit kasi ang mga magulang sa desisyon nang kaso. Kaya bilang ganti ay pinayuhan nila ang kanilang mga anak na 'wag makipaglapit kay Zandrah.

Kaya ni isa ay walang lumalapit sa kaibigan niya ay patuloy pa rin ang diskriminasyon ng mga tao sa pamilyang West. Kaya ipinapangako niya na lagi siyang na sa tabi nang kaibigan para punan ang pangangailangan nito.

🦇🦇🦇🦇

Itutuloy....