Chereads / Zandrah the Witch Girl / Chapter 2 - -Ang Misteryosong Batang Babae

Chapter 2 - -Ang Misteryosong Batang Babae

NASA LOOB na siya sa kanyang bagong classroom ng masalubong niya ang mga bagong kaklase niya na nagbabatohan ng mga papel, habang ang iba naman ay maingay na nag-kwekwentuhan.

Kasabay niya sa pagpasok ay ang kanilang guro. Mabilis na nagsig-upuan ang mga kaklase niya nang dumating ang kanilang guro. Bahagya pa nitong itinapik sa blackboard ang dala nitong stick.

"Okay class, makinig kayong mabuti."

Sinenyasan siya ng guro na lumapit sa tapat nito. Kinakabahan naman si Glenn na lumapit rito. Hindi naman siya takot sa bagong guro niya, kinakabahan lamang siya dahil hindi niya alam kung ano ang mga iniisip ng mga kaklse niya. Ramdam niya ang mga titig nang mga ito. Mariin siyang napalunok ng laway saka pinakinggan ang guro.

"Okay children, may bago kayong mag-aaral galing siya sa cebu. I am hoping you will treat him as part of your friends. Sige, na magpakilala ka na."

"Um, h-hi...ako nga po pala si Glenn Dale Collins, I am eight years old I live in—" natigil siya sa pagsasalita ng tumayo ang isang bata na medyo mataba.

"Hay naku, maupo ka na lang tingin ko aabot pa yata sa langit 'yang sasabihin mo eh." Kantyaw nito at nagtawanan naman ang mga kaklase niya.

"Junjon! Tumahimik ka diyan, hindi pa tapos magpakilala si Glenn. Sit down properly, kung hindi—" pinalo nito ang dalang stick sa blackboard dahilan na tumahimik ang kanyang mga kaklase.

"Y-Yes Ma'am."

"Good, sige na Glenn ipagpatuloy muna."

Ngumiti siya ng matipid pero hindi na siya nagdagdag sa sinabi niya at sa halip ay iginiya na lamang niya ang tingin sa buong silid. Hinanap ng kanyang mata ang isang partikular na batang babae na nakita niya kahapon. Pero bigo siya dahil wala pala ito sa loob ng classroom.

Hindi ko ba siya kaklase?

Kung ganoon, anong section siya? Ay, teka magka-edad ba kami?

Nasa ganoong pag-iisip siya nang marinig niya ang bahagyang pagtapik ng stick sa balikat niya. Mahina lang 'yon pero nagulat pa rin siya sa ginawa ng guro niya dahilan na napatalon siya sa gulat.

"Ay, sorry Ma'am!"

"Glenn, wala ka na bang sasabihin?"

"W-wla na po Ma'am." Sagot niya na nakatingin pa rin sa dalang stick ng guro nila.

"Sige, makakaupo ka na."

Idinismiss na siya ng guro kaya naghanap na siya ng mauupuan. At habang naglalakad siya papunta sa mga kaklase niya ay narinig niya ang mga iilan na bungisngis nila. Lalo na ang batang lalaki na umagaw sa atensyon niya kanina.

"Kita mo 'yon Jack, si totoy Glenn takot din sa stick ni Ma'am,"

"Oo, Junjon kitang-kita ko. Para siyang butiki kung magulat, hahaha..."

Tinapunan niya ito ng masamang tingin at nilagpasan niya ang dalawa. Napadako ang tingin niya sa may bintana, may bakanteng upuan roon kaya pinili niyang 'don na lang siya sa pwesto na umupo.

Nakangiti si Glenn nang sa wakas ay nakaupo na siya sa bagong desk niya. Nilingon niya ang batang katapat niya at lihim siyang kumaway rito.

"Hi, I'm Glenn Dale Co—"

"Collins, iyon ang sabi mo kanina." Walang gana nitong sagot at bumalik lamang ito sa pagsusulat sa notebook. May kinokopya kasi sila ng aralin.

"Ah, ganoon ba," ngumiti siya ng matipid at kinuha niya rin ang notebook niya na nasa loob ng bag.

"Ikaw ano ang pangalan mo?" Tinignan niya ang mga nakasulat sa pisara saka kinopya ito sa notebook niya. Hinintay niyang sumagot ito sa tanong niya pero tila hindi siya nito pinansin.

Nilingon niya ito.

"Alam kong nakakaistorbo na ako sayo, pero pwede ba kitang maging kaibigan?"

Wala siyang narinig nitong sagot kaya ibinalik na lamang niya ang tingin sa harapan. Pinilit na lang ni Glenn na itago ang disappointment niya sa unang araw niya sa school.

First day of school, wala akong kaibigan...

Wala akong makausap...

Ngumiti siya nang matipid.

Napagdesisyonan niya na aalisin niya ang pagkadismaya sa sarili lalo na sa unang araw pa sa klase niya.

Naisip niyang mahaba pa ang oras para maging malungkot siya. Puwede pa naman siyang makipagkaibigan sa iba o, kaya makipaglaro sa labas pagkatapos ng huling klase nila.

Hindi siya susuko at gagawin niya ang lahat para makahanap ng kaibigan.

NANG MATAPOS ang huling klase nila ay inayos na niya ang kanyang mga gamit at inilagay sa bag pack niya. Iimbitahan niya sanang kumain sa labas ang batang katabi niya nang lingunin niya ito ay bigla itong nawala.

"Umalis na ba siya?"

Napagpasyahan na lamang ni Glenn na pumunta sa parke. Wala man siyang kalaro o, kaibigan ay masaya pa rin niyang tinungo ang nasabing pook palaruan.

Pagdating niya roon ay nakita niya ang isang pamilyar na bata. Malaki at mataba ito, pango ang ilong nito at matatambok ang pisngi nito. Nilingon naman niya ang dalawang kasamahan pa nito na abala sa paghawak sa isa pang payat na bata. Pamilyar niya ang mga bata na 'yon.

"Ano, ibigay muna sabi ang baon ko!" akma sanang aambahan ng suntok ng batang mataba sa batang binu-bully nito nang mabilis niyang nilapitan ito.

"Huwag Junjon! Please 'wag mo akong saktan!" Makaawa ng batang payatin.

"Kung ganoon ibigay mo sa akin ang baon ko!"

"H-hindi naman 'to sayo eh. At isa pa snack ko 'to."

"Aba't ikaw!—"

"Hoy, tigilan niyo 'yan!"

Nilapitan ni Glenn ang mga ito. Ngayon lang niya napagtanto na mga kaklase pala niya ito. Nakilala niya ang batang mataba, si Junjon, ang kilalang lider sa dalawang kasamahan nito na sina Jack at Mack. Ang batang payatin naman na inaaway ay walang iba kundi ang katabi niya sa classroom.

Ito 'yong batang hindi namamansin sa kanya!

"Bakit niyo siya binubogbog?"

"Hoy, ikaw bagong lipat ka pa lang rito kaya 'wag kang makialam rito!"

"Si Junjon ka diba?"

"Oh, eh anong paki mo?"

"Junjon, isusumbong kita kay teacher Jesselle na nam-bubully ka!"

"Asus, Junjon eh, sumbongera pala 'tong si Downy eh!" Natatawang wika ni Jack.

"Glenn Dale, ang pangalan ko!"

"Hahaha, rinig mo 'yon Jack, Downy daw sabi niya! Siguro labandera 'yang Mama mo 'no kasi ipinangalanan ka niya nang Downy!"

Tumawa ang tatlong kaklase niya. Nagtimpi na lamang siya at hindi na lang niya papansinin ang tatlong 'yon. Ayaw niya nang away kaya papalagpasin niya ang mga ito. Pero galit pa rin siya dahil idinamay nila ang ina niya.

"Downy labada bango! Hmmm...hmmm, lalala!" Sumasayaw pa ang tatlo habang inaasar siya nito. Pero binalewa niya pa rin ang pang-aasar nila, hindi siya papatol sa mga batang ito na walang respeto.

"Okay ka lang ba?" Naglahad si Glenn ng kamay at tinulungan niya ang kanyang seatmate na tumayo. Itinulak kasi ito sa grupo ni Jack.

"Oo, salamat Glenn Dale."

"Glenn, na lang."

"Glenn na lang,eww yuck! Napakabakla!" Kay Junjon saka Binuntutan ito ng malakas na tawa nang tatlo.

Nag-igting ang kanyang panga habang naikuyom niya ang kamay. Hindi na niya papalampasin ang mga pang-aasar nila sa kanya. Nilingon niya ito at matalim na tiningnan.

"Oh, ano papalag ka!?"

Nagsilapitan ang dalawang alalay ng batang Junjon at hinarap siya ng tatlo. Hindi naman siya takot sa mga ito dahil alam niya sa kanyang sarili na kaya niya ang mga ito na pataubin.

"Ano kaya mo ba kaming talunin!?" Sikmat ni Mack at nakataas pa ang ngsuso nito.

Humakbang siya palapit sa tatlo. Hahakbang ulit sana siya nang lihim naman siyang kinalabit ng katabi niyang bata.

"Huwag na Glenn, baka mapano ka pa." Bulong nito sa kanya.

"Hindi kaya ko sila," diin niya.

Ibinigay ni Glenn ang kanyang maliit na bag pack sa batang ka-seatmate niya, nanatili pa rin ang tingin niya sa tatlong bullies na sa ngayon ay abala sa pagtanggal ng mga butones nito. Tsaka hinubad ang puting uniporme, ganoon din sana ang gagawin niya kung hindi lang sumigaw ang katabi niya.

"I-iyong batang mangkukulam nandito siya!" Itinuro pa nito kung sino ang tinutukoy nito. Sinundan nang tingin ni Glenn ang sinasabi nito at nanlalaki ang dalawang mata niya nang makumpirma niya kung sino ang dumating.

That was the girl he was looking for!

Siya nga ang bata na 'yon!

Nakanganga at nanginginig sa takot ang tatlong kaklase nila nang makita ang misteryosong batang babae. Naiiyak pa ang mga ito na tumatakbo papaalis.

"Waaah, Mommy!"

"Wahhhh, ahhh, nandito siya! Demonyo ka! Alis!" Kumuha si Jack ng bato saka ibinato nito patungo sa direksyon ng batang babae.

"Teka 'wag! Sandali!" Pero hindi niya napigilan ito. Nakita ni Glenn ang pagdapo sa maliit na bato sa mukha ng batang babae. Natamaan ito sa may noo dahilan na natumba ito. Lalapitan niya sana ang batang babae nang hilahin naman siya ng kasamahan niya.

"Ano ba bitiwan mo ako!"

"Nababaliw ka ba Glenn, anak siya ng misa demonyo at kung lalapitan mo siya tiyak mapapahamak ka."

Umiling si Glenn. Hindi siya naniniwala na anak nang demonyo ang batang babae na 'yon. Tinignan niya ito na nakayuko. Abala itong tinatakpan ang sarili gamit ang dalawang maliit nitong braso habang pinagtutulungan na pagbabatohin nila Junjon.

Nasasaktan siya habang pinagmamasdan niya ang mga natamo nitong sugat, naisip niyang kung tunay ito na anak nang isang demonyo. Bakit hindi nito kayang ipagtanggol ang sarili? Bakit hinayaan nito ang sarili na masaktan?

Bakit!?

Nagpupumiglas si Glenn na makaalis sa mahigpit na hawak ng batang niligtas niya. Nakita niyang dumudugo na ang tuhod at mga braso nito. Sumikip ang dibdib ni Glenn nang magtama ang kanilang mata.

She has a blue eyes. Malungkot at puno nang pasakit ang nakikita niya sa mga mata nitong maganda. May mahaba itong tuwid na buhok na nagpabagay sa maamo nitong mukha.

Hindi niya aakalain na ganito ang tinutukoy nila na anak ito nang demonyo?

Bakit ganoon, hindi niya inakala na may maamo itong mukha taliwalas sa mga nakikita niya sa tv o mga komiks na may nakakatakot na sungay ang anak ng demonyo. Pero itong batang babaeng 'to...wala siyang makita—tanging normal lang ito na bata.

"Ano ba tigilan niyo na 'yan! Junjon, sabing tumigil na kayo eh!"

Tumayo siya sa gitna at itinaas niya nang malapad ang kanyang dalawang kamay.

"Tigilan niyo nato! Wala siyang ginagawang masama sa inyo."

"Bakit mo ba siya ipinagtatanggol eh, anak ng demonyo 'yan!" Gigil ni Mack at binato nito ang hawak na bato saka mabilis naman niyang isinalag ang sarili. Napapikit na lamang siya sa sobrang sakit sa pagbato nito.

"Umalis ka diyan, Downy! Gusto mo bang ikaw ang batohin namin!?"

"Junjon, Jack, at Mack pwede bang tigilan niyo nato. Wala siyang ginaga—aray!"

Napaluhod si Glenn nang sunod-sunod ang mga tama niya sa buong katawan niya. Tila walang balak na tumigil sa pagbabato ang grupo ni Junjon. Maski siya idinamay pa. Napakawalang puso talaga ng mga ito.

"Glenn!" akma sanang lalapit ang batang lalaki na iniligtas niya kanina ngunit sinenyasan niya itong huwag lumapit.

"Diyan ka lang, 'wag kang makialam."

"P-pero Glenn..."

"Heh, nagpaka-hero ka pa diyan. Eh, may lahing mangkukulam ang batang 'yan!"

Inihagis ni Junjon ang malaking bato patungo sa direkayon ng batang babae. Tinakbo niya ito at isinangga ang sarili. Niyakap niya ang batang babae at pinotektahan ito.

"Ayos ka lang ba? Ma-may masakit ba sayo?"

Umiling ang batang babae at sa halip na sumagot ay ipinahawak nito ang dala nitong manika sa kanya at saka ito tumayo. Nagtataka si Glenn na tiningnan ang babae.

Tumayo ito sa kanyang harapan at nilingon nito ang tatlong kaklase niya. Nagtaas ng kamay ang batang babae na mala-zombie style ang dating saka tiningnan nang masama ang grupo ni Junjon. May mahaba itong buhok at kulay itim ito, samahan mo pa ang bangs nito na mala sadako yata ang presensya kaya dahilan na natakot nang sobra sila Junjon.Isa-isang nagtakbuhan ang mga ito papalayo sa parke, samantalang siya ay natawa na lamang.

"Mga talunan din pala," bulong niya.

Binalingan naman nito ang nag-iisang batang nakatayo at hawak ang bag ni Glenn. Pinagmasdan ni Glenn ang batang lalaki na ka-seatmate niya. Tila maiihi na ito sa sobrang takot.

Nanatili pa rin kasi ang position ng batang babae. Hindi ito gumalaw at diretso lang ang tingin nito sa kasamahan niya

"G-Glenn, ta...tara na. Natatakot na ako sa kanya,"

Natawa lang siya.

"Kaibigan ko siya, kaya please 'wag mo siyang takutin. Eh, hindi ka naman nakakatakot."

"Anong hindi nakakatakot kaya siya! Para siyang si Sadako o, kaya si the Ring!"

Muling nilingon ng batang babae ang kaibigan niya dahilan na tumakbo ito papalayo sa lugar nila. Ibinilin lang nito ang bag pack niya sa lupa.

Napailing na lamang si Glenn.

Ano ba kasing ikinatatakot ng mga taong taga rito, ni hindi naman na ngangagat ang batang babae na'to. At isa pa napakaganda pa nito. She looks like a doll.

A mestiza doll.

Bigla siyang namula ng hawakan nito ang kanyang pisngi.

"Ah—um," iyon lang ang nasabi niya saka siya nito hinawakan ang mga sugat niyang natamo.

"A—ray!"

Bigla itong nagulat sa sigaw niya dahilan na napayuko itong muli. Nanatili itong nakatayo sa harapan niya habang nilalaro ang dala nitong manika. Sinubukan niyang tingnan ang mukha nito ngunit sadya talagang mailap at mahiyain ito.

Napangiti si Glenn. Ilang beses na ba siyang napapangiti ng dahil sa batang babae nato? Tapos nagagandahan pa siya rito.

"Okay na ako. Sorry kung nabigla kita."

Tumango lang ito pero hindi pa rin nag-angat ng tingin sa kanya.

Bumuntong hininga si Glenn napansin niya na inangat nito ang maliit nitong mukha. Namangha siya dahil biglang nag-iba ang kulay asul nitong mata at naging kulay indigo ito.

Sa pagtitigan nila ay ngayon lang siya namangha ng sobra sobra. Ang hahaba ng pilik mata nito at may mapupungay itong labi. Tapos napakakinis pa ang kutis nito. Kaya hindi siya magtataka na titingkayad ang ganda nito kapag nasa dilim ito. Tiyak mamumukhan pa siguro ito ng mga tao na black lady. Eh, ang itim kasi nang suot nitong bestida pero bagay naman rito.

"Nga pala ako si Glenn. Ikaw ano ang pangalan mo?"

Bumuka ang bibig nito ng kunti pero wala naman siyang narinig na boses rito. Nagtaka siya kung pipi ba ito o, sadya nga lang ayaw nitong magsalita. Napailing si Glenn saka hinawakan niya ang kamay nito.

"Tara, hatid na kita sa inyo." Bahagya naman na umiling ito sa kanya.

Napakunot ang noo niya nang umatras ng bahagya sa harapan niya.

"Teka ba-bakit ka umatras? Huwag kang matakot sa'kin, hindi naman ako mangangagat. Promise!"

Sunod-sunod itong umiling saka itinuro nito ang nasa likuran niya. Nakanganga si Glenn ng may nakita siyang babae na kamukhang kamukha sa batang babae ngunit ang kaibahan lang ay may maliit itong buhok. Nasa balikat lang ang taas nitong buhok at katulad din sa batang babae nakasuot itong lacey dress na damit. Habang may dalang makapal na libro na sa tingin niya ay lumang-luma na.

"Zandrah, anong ginagawa mo dito tsaka bakit ka lumabas? Alam muna mang delikado dito!"

Napapikit na lamang si Glenn sa matinis na sigaw ng babae. Hula niya nasa labing tatlo ang edad nito. Yumuko lang ang batang babae na sa tingin niya ay Zandrah ang pangalan nito. Nakita niyang lumapit ang matangkad na babae saka lumingon sa kanya.

Inaasahan niyang magsasalita ito pero tanging tinignan lamang siya.

"Hoy bata umuwi ka na sa inyo baka isipin ng magulang mo kinidnap ka namin." Tinalikuran siya ng babae saka hinawakan nito ang batang babae at sabay ang dalawa na naglakad.

Magkapatid ba sila?

Magkamukha eh.

Sandali niyang pinagmasdan ang mga ito na papalayo sa kinatatayuan niya. At pagkatapos ay napagdesisyunan niyang kunin ang kanyang bag at umalis na din.

"Hmm, hindi na rin masama." wika niya sa sarili at napangiti.

"Hoy, bata!"

Nilingon niya ang tumawag sa kanya nakita niya ang babae na nakatayo sa may di kalayuan. Nagtataka naman siyang tiningnan ito.

"Ba-bakit?"

"Anong pangalan mo?"

"G-Glenn." aniya.

"Ako si Matilda, at siya naman ang kapatid kong si Zandrah. Pinasasabi niyang salamat daw dahil pinotektahan mo ang kapatid ko."

"Walang ano man."

"Tapos sabi niya kung hindi ka daw takot sa amin ay puwede kang dumalaw sa mansyon namin. Alam muna man siguro 'yon diba?"

"Oo, alam ko! Sige, pupunta ako bukas pagkatapos ng klase." excited niyang sabi dahilan na napatalon siya sa tuwa.

Natawa lamang ang babae na nag-ngangalang Matilda.

"O, bata saluhin mo 'to!"

May inihagis ito na maliit na bagay na agad naman niyang sinalo. Ibinuka niya ang kanyang dalawang palad at nakita niya ang maliit na ointment.

"Gamutin mo ang mga sugat mo. Effective 'yan promise," kumindat pa ito sa kanya saka nagpatuloy nang umalis.

"S-Salamat," wika niya pero wala na ang mga ito.