Chereads / My Heart's Hidden Desires / Chapter 9 - ~ Limitadong Hinaharap ~

Chapter 9 - ~ Limitadong Hinaharap ~

Sa tuwing ako ay nag-iisa,

`Di maiwasang puso ay mangamba.

Dulot ng aking kinasadlakang kalagayan.

Sa aking kinabukasang walang katiyakan.

***

Paano kung wala na sila?

Ang mga taong aking sandigan.

Paano kung ako ay maiwan?

Nag-iisa at puno ng kalituhan.

***

Dibdib ay puno ng takot.

Isipin lamang, `di na makaya.

Tuwina ay tanong sa sarili,

Bakit ako ay nabuhay pa?

***

Aking galaw na may limitasyon.

Walang laya sa aking pagkilos.

Buhay na nakasalalay sa iba.

`Pagkat `di ko kayang mag-isa.

***

Kanino kakapit? Huhugot ng lakas?

Upang ako ay maging matatag

Na harapin ang aking hinaharap,

Kung tanging ako na lamang.