Masakit isipin.
Ating pinagsamahan ay kay daling limutin.
Ika'y itinuring na kaibigan.
Ngunit ngunit ngayo'y isa ng estranghero.
***
Tinulungan sa oras ng pangangailangan.
At karamay sa mga kalungkutan at kasiyahan.
Ngunit katulad ng panahon,
Ito'y kaydaling lumipas at nilimot.
***
Minsang ika'y nakita at nginitian
Ngunit kasiyaha'y agad napawi
`Pagkat ako'y animo hangin
Ni hindi man lamang tinapunan ni kapirasong pansin.
***
At ng ikaw ay tanawin,
Aking agad napansin,
Ikaw ay mayroon ng bagong mga kaibigan.
At ating pinagsamahan ay tuluyan nang kinalimutan.