Malalaman mo ba?
Kung sino ang totoong ako
Sa dalawang mukhang ipinapakita ko.
O tulad ng iba ikaw ay masisilaw din
Sa mga ngiting aking ipinapaskil.
***
Malalaman mo ba?
Ang totoong ako
Kung ang nakikita mo
Ay ang panlabas kong anyo.
At ikinukubli ang totoong ako
Sa likod ng isang pagbabalat-kayo.
***
Malalaman mo ba?
Na ang iyong nakikita ay isang pagkukunwari.
Upang itago ang damdaming naghihinagpis.
At ang pusong puno ng pagtangis.
Malalaman mo ba?