Bansang ipinaglaban
Dugo't pawis ang naging puhunan
Mga bayaning 'di matatawaran
Taglay na katapangan.
***
Kaya kalayaan
Atin ngayong nakamtan.
Ngunit tapos na nga ba,
Ating pakikibaka?
***
Gayong atin ngayong nakikita
Bagong yugto ng pagmamanipula.
At ating bayang minamahal
Unti-unting sinasakal.
***
Sinong ating bagong bayani
Na sa kanila ay gagapi?
Paanong tayo'y lalaban
Kung tayo'y walang kakayahan?