Chereads / My Heart's Hidden Desires / Chapter 12 - ~ Mag-isa ~

Chapter 12 - ~ Mag-isa ~

Nakakapagod din palang umasa...

Sa mga pagkakataong akala mo nakakilala ka na nang bagong kaibigan.

Pero tulad lang din pala ng iba...

Akala mo nakahanap ka na nang mahihingahan ng bigat na nararamdaman ...

Pero mali nanaman..tulad ng dati...

Nakakapagod na rin magtiwala

Nakakapagod umasam na kahit papaano ay may isang taong makikinig sayo.

Lagi lang din naman silang umaalis...

Naglalahong parang bula

At sa muli maiiwan nanaman akong nag-iisa.

Nalulunod sa damdaming pilit na ikinukulong.

Kaya mas mabuti pa sigurong masanay na lang ako sa ganito.

Sinasarili ang lahat.

Mag-isa.