Dumadagundong,
Nakabibingi,
Nakatatakot.
Ang buong kapaligira'y nagdidilim
Wala kang ibang maririnig kundi ang pagkulog,
Ang kulog na halos ako ay mabingi
Ang kidlat na tila pinupunit ang kalangitan.
***
Ayoko talaga ng ulan
Pagkat ang ulan ay nagdudulot ng kalungkutan sa aking puso
Ang masasama at malulungkot na alaala'y nagbabalik.
***
Nakakatakot
Nakakalungkot
Lahat ng alaala'y masakit.
***
Kapag bumubuhos ang ulan
Ako'y laging nangangamba
Na baka sa aking paglingon ay biglang bumulaga ang madilim at nakakatakot na bangungot ng nakaraan.
***
Gusto kong magtago, gusto kong umiyak
Hindi ako makatakas sa isang bangungot na hanggang ngayo'y laging sa likod ko'y nakasunod.