Chereads / My Heart's Hidden Desires / Chapter 7 - ~ Ikaw Pa Rin ~

Chapter 7 - ~ Ikaw Pa Rin ~

Hanggang ngayo'y ikaw pa rin.

Hindi magawang ikaw ay limutin.

Mahabang panahon man ang lumipas,

Dito sa puso ko'y nananatili ka.

***

Pilitin mang ikaw ay kalimutan,

Sa tuwina'y hinahanap-hanap ka.

Puso'y puno ng pangungulila.

Alaala'y walang iba kung 'di ikaw.

***

Hinahangad na ika'y muling makita.

At sa bawat araw ay pinapangarap ka.

Kailan kaya landas natin ay muling magtatagpo?

Upang lungkot ay tuluyang maglaho.

***

Minsan naisip na lamang sumuko.

Ngunit masasayang alaala'y nagbabalik.

Na dulot sa puso'y lalong pananabik.

Na ikaw ay muling makapiling.

***

Sana sa ating muling pagkikita...

Ako'y iyo pa ring naaalala.

Dahil puso'y walang ibang hangad

Kundi ikaw pa rin ang makasama.