Sa bawat araw na lumilipas
Ikaw ang laging naaalala
Naaalala ko ang iyong pag-ngiti,
Ang iyong pagtawa,
Naaalala ko ang bawat imbay ng iyong kamay
Ang paraan ng iyong pagsasalita.
Naaalala ko ang iyong mga biro,
Ang iyong pag-awit.
Ang lahat ng alaala ay ibabaon
Sa puso at ituturing na isang kayamanan ng aking buhay.