Tag-araw ay sumapit na,
Dama sa lagkit ng balat nang bawat isa.
Kahit na maligo ay tila walang kwenta,
'Pagkat pawis ay patuloy sa pagpatak.
***
Lahat ng paraan ay ginagawa,
Makaramdam man lamang ng ginhawa.
Kulang na lang ay maghubad
At sa isang batyang tubig ay magbabad.
***
Pero wala pa ring saysay
Kaya naman naisip na solusyon
Mapawi man lang ang bugnot.
Maglunoy sa karagatan hanggang balat ay mangulubot.
***
'Di lang init ang mapapawi.
'Pagkat ito'y pagkakataon rin
Upang pamilya ay mabuo at mag-bonding.
Habang nagsasalu-salo sa baong inyong bitbit.
***
Hay, wala talagang tatalo
Sa panahon ng tag-init
Dahil sa mga bagong alaalang iyong muling babaunin,
Sa oras ng iyong pag-uwI.