Sa murang edad ay natutong magmahal.
Puso'y dalawang-palad na inialay.
Ipinagkaloob ang buong tiwala
Maging ang buong kaluluwa.
***
Nasilaw sa matatamis na ngiti.
Nalinlang ng mabulaklak na dila.
Ngunit ang lahat pala
Ay isa lamang pagmamanipula.
***
'Pagkat ng makamtan ang hiyas,
Naglahong parang bula.
Wala man lang ni bakas.
At ako'y iniwang puso'y wasak.
***
Kaya ngayon puso ko'y sintigas ng bato.
Damdamin ay sinlamig ng yelo.
At ang pag-ibig....
Ay itinuring na lamang na isang laro.