Chereads / My Heart's Hidden Desires / Chapter 2 - ~ Aking Damdamin ~

Chapter 2 - ~ Aking Damdamin ~

Sa aking pag-iisa lagi kang naaalala

Minsan ay nahiling na muling ikaw ay makita

Pero paanong ika'y muling makakaharap?

Gayong ang ating pagitan ay milya-milya.

***

Minsan nangangarap na ikaw ay kasama

Puso'y naghahangad na ikaw ay mayakap

Damdaming umusbong ng di ko namamalayan

Magdudulot pa ba ng paghihirap?

***

Bakit ngayon ko lang napagtanto

Damdaming sayo'y itinago

Ngunit wala ng kahihinatnan

'Pagkat tayo'y hindi magpanagpo.

***

Nahihirapan at nangungulila

Sa paglipas ng mga araw

Naaalala ang kakaibang ngiti

Sa labi mo'y namumutawi

Ngayon lang napag-ukulan ng pansin

Kung kailan di mo na ako napapansin.