Chereads / MissA_begail16's Short Stories / Chapter 3 - ~ Luklukan ~

Chapter 3 - ~ Luklukan ~

"Dapat na siyang bumaba! Wala s'yang nagagawang maganda para sa atin!" sigaw ng isa sa mga taong naroon at nakikiisa sa pagsira sa kaniya.

"Akala ko kapag nasa taas na ako tulad ng hangad ng nakararami ay magiging masaya na ako. Sila, at ibibigay ang buong suporta. Pero bakit ganito? Ang mga taong nagpupumilit na lumaban ako at siyang nagluklok sa akin dito sa taas ay s'ya ring humihila sa akin pababa?" bulong ni Rodney sa sarili habang tahimik na nakaupo sa kaniyang malambot na upuan sa sala at nanonood ng telebisyon.

"Dahil sa kaniya lalo kaming naghirap! Wala na kaming makain!"

"Hindi ba at ito ang gusto n'yo? Upang magkaroon ng pagbabago? Ang agawin ko ang korona sa mga taong sinasabi ninyong masama at sakim. Nakakapagod din pala ang ipaglaban ang sarili gayong alam mo nang wala ka nang kakampi." Napapikit na lamang siya kasabay nang paglapat ng likod sa sandalan.

"Dahil sa kaniya lalo kaming naghirap! Wala na kaming makain!"

"Dahil sa kaniya marami nang namatay! Dapat sa kanya ay mawala tulad ng mga pinatay niya!"

"Lahat na lamang ba ng kabiguan at problema sa akin isisisi? Sa mga bagay at sitwasyong hindi ko naman kontrolado. Nakakalungkot. Nakakapagod. Siguro kailangan ko na talagang ipasa sa iba ang korona upang ako'y makapagpahinga," muling bulong niya kasabay ng kaniyang buntonghininga ay ang paglandas ng isang butil ng luha sa kanyang kaliwang pisngi. "Upang sa iba na mabaling ang kanilang galit."

###