Chereads / MissA_begail16's Short Stories / Chapter 8 - ~ Video Call ~

Chapter 8 - ~ Video Call ~

Kalalabas ko lang ng banyo nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone tanda na mayroong nag-chat.

"Siguro si James na ito…" bulong ko habang naglalakad palapit sa kama. Naupo muna ako bago ko dinampot ang cellphone.

James: hi babe.

James: ready ka na ba?

Biglang nag-init ang buong mukha ko sa nabasa. Kahit na pumayag na ako sa gusto nito bilang regalo para sa one year anniversary namin, ay hindi ko pa rin maiwasang mailang at mag-alinlangan.

Me: hindi pa. Katatapos ko lang kasi maligo.

Me: saka gising pa sila mama.

James: gano'n ba?

James: sige maghihintay ako.

James: chat mo na lang ako para makapag-video call tayo.

Me: sige

Napapabuntonghiningang inilapag ko ang aking cellphone. Bago pabagsak na nahiga sa kama.

"Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko..." Bulong ko habang nakatitig sa kisame. "Pero kapag hindi ko siya pinagbigyan baka maibaling niya sa iba ang pansin niya. Ang hirap pala talaga ng long distance relationship."

Napabangon ako ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. At nakita kong may message ulit si James.

James: ano na, babe?

Me: wait lang. I-check ko lang kung tulog na sila.

James: okay

Walang ganang tumayo ako at tinungo ang pinto para silipin kung bukas pa ang ilaw sa ibabang palapag ng kama. Nang makita kong madilim na ay agad ko ng isinara at sinigurong naka-lock ang pinto bago muling bumalik sa kama.

Tinanggal ko na ang tuwalyang nakabalot sa aking buhok. Maging ang suot kong bath robe, kaya isang pares ng black lacey underware na lang ang suot ko bago sumampa at nahiga sa kama.

Me: ready na ko.

Akala ko ay magre-reply muna ito bago tumawag kaya muntik ka ng mabitawan ang aking cellphone nang bigla iyong mag-ring. At sa nanginginig na mga kamay ay ina-accept ko ang video call. Agad na bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni James.

"Hi, babe. I missed you…" namamaos na bati nito.

"Hi… missed you too," naiilang na tugon ko.

"Happy first anniversary. Napakasaya ko dahil pumayag ka sa request ko…"

"Happy anniversary… Pumayag ako dahil mahal kita…"

"Mahal din kita. Ready ka na?"

Humigit muna ako ng isang malalim na paghinga bago tumango. At sinimulan naming romansahin ang isa't isa gamit ang mga salita at sariling mga kamay habang pinapanood ang isa't isa. Nangako naman ito na iyon ang una't huling beses na gagawin namin iyon.

*

Kapapasok ko lang sa classroom namin nang mapansin ko ang kakaibang tingin sa akin ng aking mga kaklase kasabay ang mga bulung-bulungan.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan lalo na ng lumapit sa akin ang kaibigan kong si Mae.

"Ericka…" nanginginig ang tinig na sambit nito.

"Ba-bakit?"

"Nakita mo na ba ito?" Tanong nito sabay abot ng hawak nitong cellphone.

Kinakabahan man ay kinuha ko iyon. Unang bumungad sa akin ang sarili kong mukha. Wala sa sariling pinindot ko ang play button.

Para akong binuhusan ng isang timbang nagyeyelong tubig kasabay ng paninikip ng aking dibdib at tila ba may nakabara sa aking lalamunan hanggang sa unti-unting magdilim ang aking buong paligid.

###