"Ano yun?" ang tanong ni Brian habang nakataas ang isa niyang nakakunot na mga kilay na lagi niyang ginagawa kung siya'y nagtatanong.
"Pwede, sa ating dalawa na lang itong napag-usaoan natin tungkol sa akin at kay Simon sa nararamdaman ko sa kanya?" ang nahihiya kong tanong sa kanya.
"I have a condition to agree on that." ang sagot niya sabay nagkrus ng kanyang mga braso at taas noong tumitig sa akin habang ang kaliwang bahagi ng mga labi niya ay nakataas na nakangiti.
"A-ano?"
"What happened to me and Simon behind closed doors, you have to keep all of them secret muna." nanahimik akong saglit matapos marinig ang kanyang kundisyon. Nakaisip pa ako ng itatapat ko sa kundisyon niya.
"Mahal mo ba si kuya?" ang tanong kong gustong linawin muna ang isang bagay bago ko sabihin ang aking gusto.
"Hindi. Infatuated lang ako. Boyfriend ko lang mahal ko. Kinama ko lang siya. Ano? payag ka?" ang sagot niyang may bakas na kapilyuhan na sa kanyang mga ngiti at titig.
"Basta hindi mo na uulitin ha? Papayag ako kung di mo na hahayaang mangyari ulit sa inyong dalawa mga iyon. Please? Nasasaktan kasi ako kahit siguro mas mahal ko ang boyfriend ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit." ang malungkot kong pakiusap sa kanya. Tumamis ang ngiti sa mga labi ni Brian at ako'y kanyang niyakap ng mahigpit matapos tumangong pumayag sa aking mga sinabi.
"Mahal na mahal mo nga si Simon. Nakikita ko ang dating sarili ko sa iyo bago ako umuwi dito. Napakaswerte nila ng kuya at ng boyfriend mo." ang bulong niya sa akin habang nakapatong ang kanyang baba sa kaliwa kong balikat.
"Bola ka naman diyan. Focus ka na lang kasi sa boyfriend mo." ang sagot ko sa kanyang natatawa kahit natutusok na ang aking leeg sa nakaumbok na buto ng kanyang balikat. Kumalas si Brian sa kanyang yakap sa akin at pinagmasdan ang aking mukha.
"Are you serious in waiting for your boyfriend to return?" ang tanong niya. Patuloy pa rin naman ang pagsuri niya sa aking itsura.
"Oo naman. Tatanggapin ko siya ng buong buo makita ko lang siyang muli sa aking harapan. Kahit hindi na siya magpaumanhin. Ako na ang magsasabi sa kanya na pinatawad ko na siya at magpapasalamat pa ako na nasa harapan ko na ulit siya." ang malalmin kong sagot kay Brian dala ng damdamin at naitagong kalungkutan sa pangungulila para kay Rodel. Brian's face was then filled with awe while he looked me in the eye. Pilit kong nginitian siya pabalik.
"Jasper, you know? I think it'd be better for you to remove those glasses of yours. Why don't you try using contacts as an alternative to that?" ang suhestyon niya sa akin.
"Image stylist ka rin ba, Brian?" ang tanong kong natatawa na kanyang pabirong tinarayan.
"I saw that movie with that line and I'm not John Lapuz, okay?" ang natatawa niyang sagot.
Nagtawanan na kami ng mga sumunod naming usapan. Sa unang pagkakataon, nagkaroon kami ng bonding moment ni Brian at lalo kaming napalapit sa isa't-isa.
"You know? Let's go out today and get you that contact lens that will look good on you." ang sabi niyang binalik sa aming usapan tungkol sa aking itsura.
"Talaga? Bolero ka rin pala no?" ang natatawa kong sagot sa kanya. Ngumiti lang siya pabalik.
"Seriously, Jasper. Why not use contacts?" ang tanong niya sabay hawak ng kanyang dalawang kamay sa aking magkabilang panga at sinuri muli ang aking mukha.
"Ewan. Hindi ako maarte kasi sa katawan. Pero kung sabi mo na bagay, magpapacontact lens ako sa isa pang kundisyon." ang maligalig kong sagot sa kanya.
"Eh ano nanaman iyon?" ang nagmamataray niyang tanong sabay ng pagtaas muli ng isa niyang kilay.
"Pwede mo ba ako sa isama sa session niyo ni Simon para makausap ko si Simon? May gusto lang akong malaman. Gusto ko lang makasiguro." ang seryoso kong sagot sa kanya.
"Eh bakit hindi siya ang tanungin mo. Just call him Simon! You see him switch to much recently, right?" ang sagot niya.
"Aba malay ko ba, ikaw itong psychiatrist sa ating dalawa." ang nang-aasar kong sagot sa kanya. Humalakhak lang ang gaga at napailing.
Matapos ang ilang oras naming pag-uusap at pangungulit ni Brian. Kami'y pumunta sa isang tindahan ng salamin sa mata na nagbebenta ng contact lens sa may Park Square sa Makati City. Pinipilit niyang piliit ko ang may kulay ngunit hindi ko talaga tipo ang nirerekumenda niya sa akin kaya't clear lenses lang ang aking binili.
Matapos doon ay nagtungo kami sa Yoshinoya upang kumain.
"Eh di hindi ka na nahihirapan ngayon sa eyeglasses mo." ang wika ni Brian habang ibinababa ang tray ng aming order sa mesa at ako nama'y hinihilot ang arko ng aking ilong dahil sa naninibago ako na malinaw ang aking kapaligiran ng walang nakapatong na salamin dito. Napayuko lang ako nang ako'y mangiti sa kanyang sinabi.
"Pa-demure ka pa diyan para kang dalagang madre. Umayos ka nga diyan." ang wika niya habang binababa ang kanyang order na Beef Yakiniku, Chicken Katsudon at inumin sa kanyang harapan mula sa tray. Nang matapos ay kinuha ko naman sa kanya ang tray ay kinuha rin ang para sa akin, and Bento A - Ebi Tempura at large red tea.
Hindi pa sumusubo ng pagkain si Brian ay inilabas nanaman niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at nagtext. Napuna ko ang kanyang ginagawa habang nagsasawsaw ng tempura sa kikoman gamit ang chopsticks. Natuto akong gumamit ng chosticks nung minsang nagluto si Andrew para sa akin ng Yakisoba sa bahay. Subok lang ang ginawa niya ngunit lubos ko naman itong nagustuhan.
"Sino katext mo? Boyfriend mo?" ang nanunukso kong tanong sa kanya habang nakangiti bago kumagat sa tempurang tumutulo pa ang kikoman.
"Oo. Sabi ko kasi nandito ako ngayon sa Park Square, nangungulit." ang sagot niya sa aking habang abalang nakatitig sa screen ng kanyang phone at nagpipipindot.
"Gising na pa siya? Madaling araw na sa states ah. Bakit ka kunukulit?" ang tanong ko matapos lumunok ng nagmamadali para makapagsalita sa pagkamangha sa kasipagan na makapagusap sila kahit magkaibang oras ang kanilang kinagagalawan.
"Ay, di ko ba nakukuwento sa iyo?" ang nabigla niyang sagot at ibinaba ang kanyang telepono sa mesa sa kanyang harapan.
"Kelan ba tayo nag-usap ng ganito? Kanina lang di ba? Napakaprivate mo kasi." ang sarkastikong taong ko sa kanya't nakangiti.
"Ang sabihin mo, parang nagbuhol na bituka niyo ni Simon." ang natatawa niyang sagot.
"Dumating na dito ang boyfriend ko. It's been almost a month and he'll be going back to the US to continue his study." ang dagdag niya sabay dukot ng chopsticks at tinusoktusok laruan niya ang kanyang mga pagkain.
"Boyfriend ko rin. Mahirap ba talaga dun sa states? Paano kayo nagkakilala?" ang tanong ko agad sa kanya. Bakas sa aking mukha ang interes na marinig ang mga sagot niya. Nasa isip ko na sa mga oras na iyon si Rodel at gusto kong isipin na marahil ganoon din ang pinagdaanan niya nang pumunta siya roon.
"We met at a coffee shop where he was working part-time. It was love at first sight." ang sabi ni Brian habang nakatingin sa kawalan at abot tenga ang kanyang ngiti. Nawala na ang gana niyang kumain at pansin kong nadudurog na ang ulam sa ibabaw ng kanyang kanin sa patuloy niyang pagtusok dito.
"I ordered my drink while I was still looking at the menu behind him after he asked me when I got my turn. I was a little preoccupied too at that time and the long line have caused me to feel a bit irritated." ang patuloy niya habang nagpapabaling ng bahagya sa kaliwa't kanan ang kanyang ulo. Nakangisi lang akong nakikinig sa kanya. Natigilan ako sa aking pagkain sa mga sasabihin niya.
"When I looked at him after I took my wallet to give him my card, he was smiling at me and from his eyes I saw rather a different intention. Maraming coffee shops doon, marami ring cashier o barista ang nakaharap ko na. Siya lang ang kakaiba. He's filipino, and very manly. Oozing with sex appeal that he made me wet by just staring at his eyes." ang patuloy pa ni Brian habang tumitindi ang kanyang kilig habang nagkukuwento.
"I was speechless so I just smiled back at him. Then he said, 'Can I have your number?'. I was shocked and butterflies started to flutter inside me." ang dagdag niya sabay tigil upang ilabas ang nararamdaman niyang klig at gigil na nagipana na sa kanyang mukha.
"Ano ba yan. Skip ka na sa ibang detalye. So nagkakilala kayo?" ang istorbo ko sa kanyang daydreaming. Umasim ang mukha niya.
"Hay nako. Anyways, we met again after his shift dahil binigay niya sa akin schedule niya after I got my order. Then everything fell into place even in bed. Yun na." ang pahabol niya.
"Sus me. Akala ko kung ano na kasunod." ang nadismaya kong sagot sa kanya at ibinalik ang aking atensiyon sa aking kinakain.
"He's almost here now. Pinapunta ko na." ang sabi ni Brian bigla bago siya nagsimulang kumain. Nabigla ako.
"Nakakahiya naman. Baka inaasahan niya na may date kayo. Sana sinabi mo na kasama mo ako." ang halos mabulunan kong sinabi sa kanya.
"Too late for that. Sorry, self centered ako masyado. Me, me, me. I't be better to introduce you to him by surprise na rin. For the date, okay naman siguro sa kanya na kasama ka namin." ang wiika ni Brian at bumalik ulit sa pagkain.
Nang magseryoso na kami sa aming hapunan, tahimik na walang imik kaming inubos ang aming pagkain hanggang sa nauna siyang matapos sa akin.
Sa likod ni Brian kung saan naroon ang entrance ng Yoshinoya ako ay napatingin. Nanlamig na nagingig ang aking mga kamay na may hawak na chopsticks. Parang biglang nawala ang aking lakas. Nanlaki ang aking mga mata sa isang lalaking lumitaw sa di kalayuan. Mabilis na nag-init ang aking dibdib sa taong aking nakita. Magkahalong tampo at pananabik ang nahari sa aking puso.
Napatayo ako bigla habang nakapako ang mga titig ko sa kanya. Napansin agad ako ni Brian.
"Jasper, you look like you've seen a ghost?" ang tanong niya habang hinihimas ang kanyang sikmura at nakasandal sa likod gn kanyang upuan. Hindi ko siya napansin kaya't agad niyang sinulyapan ang dako kung saan ako nagigimbal.
Nakatayo si Rodel na sinusuri ang paligid. Nagkaabot kami ng tingin at marahan kaming naglakad papalapit sa isa't-isa. Tulala lang akong tiningala ang mukha niya dahil sa kanyang tangkad. Namuo ang mga luha sa aking mata. Puno naman ng lungkot at pagsisisi ang mga nasa mata ni Rodel ang aking nakita.
"B-bakit mo ako iniwasan? Hindi mo man lang ako hinayaang ipagtanggol ka. Nanindigan ako sa pagmamahalan natin, Rodel." ang sabi ko sa aking nanginginig na boses.
Nakalapit na sa aming tabi si Brian, bakas ang pagtataka sa aking reaksiyon at sa mga aking mga nasabi.
"Magkakilala kayo, Jasper? Rodel?" ang naguguluhang tanong niya sa aming dalawa.
Nagtitinginan na ang ibang customer sa aming paligid. Nakiusyoso na ang mga taong nakakita sa akin na ako'y lumuluha.
Tumango si Rodel at hindi ako matignan ng mata sa mata. Napakagat siya sa kanyang labi na parang may gustong sabihin ngunit nagdadalawang isip siya.
"Rodel? Why is Jasper crying?" ang tanong ni Brian sa kanya. Umiling lang si Rodel habang ang mukha niya'y tulad ng sa isang magnanakaw na nahuli.
Ipinakita ko kay Brian ang umaagos kong mga luha.
"Brian, si Rodel ang boyfriend ko na best friend ni Simon. Ikaw ang gusto kong tanungin ngayon. Kaano ano mo si Rodel?" ang halos humagulgol ko nang tanong sa kanya. May kutob na akong masama ngunit pilit kong iwinawaglit ito sa aking isipan. Nagsalubong ang kanyang kilay sa aking sinabi.
"Rodel IS MY boyfriend. He's the one I was telling you about." ang may galit niyang sagot sa akin.
Tinignan kong muli si Rodel. Nakayuko na gustong magpalamon sa lupa.
"Rodel, bakit? Ano ulit ang dahilan? Dito ulit sa Makati? Ha? Gusto mo dun sa SM sa gilid ulit ng Dusit Hotel? Sagutin mo ko. Kung uulitin mo lang ang lahat ng iyon sa akin. Maawa ka naman sa akin. Pangalawa na ito." ang nangigigil kong sinabi sa kanya. Patuloy naman si Rodel sa kanyang lagay ngunit tuwing titingin siya ay hindi siya makatingin ng tuwid sa akin.
"I don't know what's going on now so you guys better explain things to me. I'm not liking this anymore." ang sabat ni Brian.
Tumingin ako sa kanya at ipinakita ang pilit na ngiti.
"Brian, sabi ko sa iyo, magfocus ka sa boyfriend mo di ba? Kay Rodel pala. Ngayon, nalaman ko na mali pala ako. Hindi ako galit sa iyo. Sorry, magkita na lang tayo sa bahay. Magcocommute na lang ako." ang maayos kong pakikipag-usap sa kanya. Tumango ako't binalikan ang aking mga paper bag ng aking pinamili na nakapatong sa ilalim ng aming mesa. Bumalik ako't dinaanan lang silang dalawa nang ako'y lumabas ng Yoshinoya. Agad kong sinuot ang isang shades na binilo ko kanina habang naglalakad ng mabilis. Halos mabunggo ko na ang aking mga nakakasalubong sa paglalakad patungong Ayala Station dahil hindi na ako nakatingin sa iba maliban sa sahig habang ang isip ko'y puno ng pagsisisi at panghihinayang at ang puso ko'y durog na durog at puno ng galit.
Nang mapadaan ako sa daan tungong sakayan ng bus sa Ayala Station, sa mismong gilid ng na pinagigitnaan ng Dusit Hotel at SM, nagbalik ang lahat ng alaalang tila nagyari lang kanina. Napahinto ako't napatingin sa mismong pila ng taxi. Pinagmasdan ko ang kapaligiran. Tila hindi nagbago ang lahat ng naroon. Kahit ang simoy ng hangin na may bahid ng usok mula sa mga sasakyan, naroon pa rin.
Para akong nanood ng pelikula sa paglitaw ng aming mga anino sa lugar kung saan kami nakatayo't magkaharap. Lahat ng iyon ay nagsimulang maglaro sa loob ng aking isipan.
--- simula ng flashback ---
"Jasper, sana maunawaan mo. Patawad pero hindi ko na kayang manatili sa relasyon natin. Kasalanan ko at wala na akong salitang pwedeng gamitin para masabi lang sa iyo para hingiin lang ang kapatawaran mo. Kailangan na talaga natin tapusin ito ngayon. Hindi na kita mahal." ang sabi niya sa aking puno ng lungkot at pait ang kanyang mga mata ngunit mas dama kong gusto niya nang lumaya kaysa ang pagsisising tinatapos na niya ang anim na buwan naming relasyon.
Pasado alas otso na ng gabi at narito kami sa pila ng taxi sa likod ng SM Makati sa ilalim ng ambon habang kami ay nag-uusap. Hindi namin pansin ang aming kalagayan. Tila mas mahalaga ang kahihinatnan ng aming usapan.
"Bakit naman biglaan bakit ngayon mo lang sa akin sinabi ito? Inisip mo ba muna ako? Naisip mo man lang ako sa kagustuhan mong iyan? Niligawan mo ko upang ibigin kita ngayon gusto mong tapusin ang lahat? Pansin ko na ang pagbabago mo. Pwede ba natin muna itong pag-usapan?" ang nanginginig kong sinabi sa kanya sa pagkabigla.
"Ayoko! Umuwi na tayo! Tapos na tayo!" ang pautos niyang sinabi sa akin.
Tila gumuho ang aking mundo sa akin narinig. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi at kung papaano niya ito sa akin sinabi. Mabilis na umagos ang aking mga luha sa sakit na aking nadama.
Tatalikuran na sana ako ni Rodel upang sumabay sa mga nakapilang gustong sumakay ng taxi ngunit kumapit ako sa kanyang kanang braso upang pigilan siya.
Hindi ko inaakalang magagawa niyang sampalin ako. Mabilis na humapas ang kanyang kaliwang kamay sa aking kanang pisngi na tumunog ng malakas at siyang kumuha ng atensyon ng mga tao sa aming paligid.
Gulat ang aking mga matang tumitig sa kanya dahil nagawa niya akong saktan. Ipinangako niyang kahit kailan ay hindi niya ako sasaktan at kukunin niya ang sarili niyang buhay kung magawa man niya ito. Ang mga pangako ay nilikha at nandyan upang mapako.
"Gusto mo tulungan kita mag-move on? Sige, sasabihin ko na sa iyo ang nilihim ko sa iyo. Tatlong buwan na rin kami ni Nestor." ang mayabang at inis na inis niyang sinagot sa akin.
"Naala mo na nagpapaalam ako sa iyo madalas na gagabihin ako o hindi ako uuwi ng bahay dahil sa basketball? Kasama ko siya noon. Gusto mo pa marinig ang iba?" ang dagdag niyang sinabi sa akin.
Hindi ko siya pinagdudahan dahil sa buong buo ang tiwala ko sa kanya. Hindi ko inakalang magagawa niyang lokohin ako sa kabila ng hindi ko sa kanya pagtago ng kahit ano sa akin.
Nanginginig ang aking mga kamay at tuhod sa aking nalaman.
"Sabi mo... Ako ay... Sabi mo... Hindi mo ko... Sabi mo sa akin... Ikaw ay..." ang nanginginig kong sinabi sa kanyang hindi mo matapos sabihin. Dati ay kinukumpleto niya ang aking sasabihin tuwin sasabihin ko sa kanya ang linyang iyon. Sa pagkakataong ito ay nasabi ko lang ulit dahil sa gusto kong ipamukha sa kanya ang kanyang mga sinabi sa akin.
Hindi na siya nakikinig s akin. Panay lang ang lingon niya sa pila ng taxi at hindi makatitig sa aking mga mata.
"Rodel... salamat... at paalam." ang huli kong sinabi sa kanya matapos punasan ang luha sa aking mukha. Agad akong tumalikod sa kanya at tumungo sa sakayan ng bus sa ilalim ng MRT Ayala station.
--- tapos ng flashback ---
Unti-unting naglaho ang mga nakatayong anino namin sa lugar kung saan nangyari ang lahat. Masidhing sakit na ang nararamdaman ng aking puso. Parang lumulutang ang aking utak dahil hindi ko na maramdaman ang aking katawan. Naglakad ako ngunit parang nawawala ang aking mga paa.
"Rodel..." ang bulong ko habang malayo ang aking mga tingin.
Nang paakyat na ako sa hagdan kung saan ako maaaring mag-abang ng mga nagdaraanang bus papuntang Alabang, sa ilalim ng MRT station. May kamay na kumapit sa aking kanang balikat.
"Saan ka pupunta?" ang tanong ng boses sa aking likuran. Mabilis akong lumingon kasabay ang paglipad ng aking bumigat na kamay sa kanyang mukha bago ko pa siya makilala.