Chereads / Salamin [BL] / Chapter 43 - Salamin - Chapter 43

Chapter 43 - Salamin - Chapter 43

----- Rodel -----

"Good morning, jiho." ang masiglang bati ni Don Amante kay Jasper. Matinding kaba ang aking nararamdaman sa mga oras na muli kong masilayan ang taong aking minahal na ng higit pa sa aking sarili.

Bagaman halata na pagod siya at hindi pa natutulog, lumabas na kay Jasper ang pagiging isa niyang Elizalde sa kanyang tikas at pananamit. Lalo akong nabighani sa kanyang itsura ngayon. Magulo ang buhok niya ngunit bumagay pa rin sa kanya. Mamahalin ang suot niyang polo na humuhubog sa kanyang katawan na tinernohan niya ng itim na maong na may mga tastas bilang disenyo. Nakakatuwa rin na makita na nagsuot siya ng pulang chucks simbulo lang na may natitira pa rin na alam ko sa kanya. Gusto niya ng pula dahil para sa kanya makulit ang kulay na ito tulad niya ngunit malambing at mapagmahal.

Naglulumundag ang puso ko sa kabila ng katotohanang matindi pa rin ang galit niya sa akin dahil sa ipinipinta ng kanyang mukha ngayon habang nakatitig ang mga mata niyang halos lamunin na ako sa poot nang magkatinginan kami mula sa kanyang kinatatayuan. Sa mismong tarangkahan ng bahay ni Don Amante.

Matagal na akong nasasabik sa pagmamahal niya na minsan kong tinalikuran ng dahil as tukso. Gustong gusto ko na siyang yakapin at halikan ngunit nagmistulang tuod ang kabuuhan ng aking katawan. Napayuko na lang ako't naipako ang aking mga mata sa sahig. Para akong bibitayin na hindi ko malaman.

"Tito, anong ginagawa ng walang hiyang lalaking iyan dito sa pamamahay natin?!" ang galit niyang bungad sa matanda habang nakaturo sa akin na para ba akong isang kriminal.

"Jasper, it's such a good morning. Sit beside me, jiho. Let's talk first. Nena, please assist Rodel sa kainan. Pakainin mo muna siya ng breakfast while I talk to my nephew." ang malumanay na sagot ni Don Amante kay Jasper sabay utos sa kanyang alalay na ako'y samahan muna upang kumain dahil sa pinapunta nila ako doon ng napaka-aga.

Lumapit sa akin ang alalay ni Don Amante ng nakangiti at sinamahan ako sa hapagkainan kung saan ay may nakahanda ng ham, pritong itlog, sinangag, hotdog, at tinapay sa mahaba nilang mesa na gawa sa narra na pinalilgiran din ng barnisadong upuan na gawa sa kaparehong uri ng kahoy.

Umupo na ako sa isa sa mga silya at iniwan ng alalay ni Don Amante upang makakain na. Habang nagsasalin ako ng akin kakainin sa platong nakahanda na sa aking harapan ay dinig ko pa rin ang boses nila dahil hindi ganoon kalayo ang kanilang hapagkainan mula sa sala bagaman malaki masyado ang mansiyon nila. Bukod dito, malakas talaga magsalita ang matanda sa malaki nitong boses.

Tahimik lang akong nag-abang sa pwedeng mahuli ng aking pandinig. Kahit natapos na ako magsalin ay hindi naman agad ako nagsimulang kumain dahil sa kakaibang pakiramdam ng sikmura ko ngayon mula ng makita kong muli ang aking iniirog.

"You haven't visited one of our branches sa Mandaluyong, Jasper." ang animo'y nagsesermon na pari na wika ni Don Amante kay Jasper.

"I don't get the connection, tito. I really don't! Why would that hoar come here and even sit next to you even if you had him leave me dati at ayaw na ayaw mong makita siyang muli?! Naguguluhan ako! Kahit kay Simon inilayo mo rin ako. Hindi ko na maintindihan!" ang nawalan na ng galang na sagot ni Jasper sa kanyang tiyuhin.

"Let me finish first." ang natatawa niyang sagot kay Jasper. Napako na ang tingin ko sa aking pagkain habang nananatili akong nakaabang sa bawat salitang lalabas sa kanilang mga bibig. Nagbabaka sakali akong may masasabi si Don Amante kay Jasper upang makinig siya sa akin kapag nagkaroon kami ng pagkakataong mag-usap mamaya.

"For months I've heard you cry in your room. I don't know what the reason is but I was thinking it was about Rodel. You didn't want to stay here and be an Elizalde because him, di ba?" ang pauna ni Don Amante. Wala akong marinig na sagot ni Jasper. Nagsimula na akong laruin ang tinidor at kutsara sa aking mga kamay ng hindi man lang humuhukay sa aking almusal.

"I realized I was no different from my parents sa ginagawa ko sa iyo. Like everything is starting to happen again with a different twist. Your mother, Lea, only wanted to be happy kaya tinalikuran niya lahat ng sa kanya kahit sarili niyang pamilya dahil lang sa pag-ibig. Pareho kayo ng mama mo mag-isip. Manang-mana ka sa kanya. Naalala ko rin ang mga gabi bago siya nakipagtanan sa lalaking iyon. Panay rin ang iyak niya sa kanyang kwarto at si Luisa lang ang nakakausap niya." ang dagdag ng matanda na natigil nang umubo ito na parang nilinis ang lalamunan sa mga plemang sumasabit sa kanyang lalamunan. Tahimik pa rin si Jasper. Gusto kong makita ang mga reaksyon niya.

Dahil diyan, binilisan ko ang aking pagkain habang patuloy na nakikinig sa kanilang dalawa.

"I would like to make a change. I want you to be happy, and I'm very sorry for everything. I had to learn things from people around you pa para malaman ko kung gaano na katindi ang pinagdaanan mo sa buhay at kung ano na mga nangyayari sa iyo ngayon. Alam ko mga pinupuntahan mo at pinaggagawa mo ngayon. I think it's all because of me. I'm… very… sorry… Jasper. I really am." ang nanginginig na patuloy ng matanda. Narinig ko ang biglang paghinga ni Jasper ng malalim na para bang bigla siyang napahagulgol. Maingat kong ibinaba ang hawak kong kutsara at tinidor at agad na bumangon upang sumilip sa likod ng pader ng tarangkahan patungo sa kanilang sala. Nakita kong lumuluha si Jasper na nakayakap sa matanda. Nanginginig ang kanyang mga balikat sa pag-iyak habang nakasubsob ang kanyang mukha sa kanang balikat ni Don Amante. Hinahaplos ng matanda ang buhok niya na para bang pinatatahan niya ito.

Hindi ko man makita ang mukha ng matanda ngunit dahil sa kinuskos ng kamay niya ang isang mata niya at nakita kong basa ang daliring dumampi dito ay nalaman kong lumula rin pala ito. Marahil sa pagsisisi at awa para sa kanyang pamangkin.

Naintriga ako sa sinabi ni Don Amante na 'pinupuntahan' at 'pinaggagawa' ni Jasper ngayon. Nang kutuban ako ay parang pinipiga ang puso ko. Alam kong ako ang mas higit na dapat sisihin sa mga nangyayari sa kanya. Gusto kong saktan ang aking sarili habang pinagmamasdan ang pinakamamahal kong lalaki. Ayaw na ayaw ko nang makikitang umiiyak siya.

Bumangon si Jasper at tinignan si Don Amante na may pagtataka sa kanyang mukhang nawala na ang galit.

"Tito, sino yung nagsabi sa iyo?" at tumawa lang si Don Amante.

"Huwag ka magagalit sa pamangkin mo ha? Para sa iyo naman yung ginawa niya. Isa pa, magkaaway daw sila ng nobyo niya. Pumunta dito kagabi nagdadabog. Hindi daw siya maunawaan ni Luther." ang dagdag pa ni Don Amante na nadugdungan muli ng kanyang halakhak.

"Talaga yung babae na iyon." ang inis na sagot ni Jasper. Nakita kong muli sa kanyang mukha ang itsura niyang iyon na isa gustong gusto ko sa kanya. Ang naiinis siya. Parang reset button si Jasper ng emosyon ko tuwing nakikita ko siyang nagkakaganoon.

Hinugot ni Jasper ang phone niya't tumawag. Marahil si Alice ang kinokontak niya. Marahil naghihintay itong makarinig ng paliwanag o magtatanong tungkol sa kanya at sa nobyo niyang si Luther.

"Iba na pala ang boyfriend ni Alice." ang bulong ko sa aking sarili.

"Hoy! Ikaw tsismosa ka. Kausap ko ngayon si tito. Malilintikan ka na sa akin pag nagkita tayo mamaya." natigil si Jasper na nakikinig sa sagot ni Alice sa kabilang linya.

"Ha? Ayusin niyo yan ni Luther. Kung hindi, ako naman papasok sa eksena ng buhay mo." ang sabi naman ni Jasper sabay balik ng kanyang telepono sa kanyang bulsa.

"Kayo talagang mga bata kayo. Ibang iba na kayo kumpara sa panahon namin." ang natatawa at napapailing na puna naman ni Don Amante sa kanya.

"Tito, bakit nga pala nandiyo yang… arrrrrgghh!!!!" ang sagot ni Jasper at nanumbalik agad ang poot sa kanyang mukha. Namumula na siya sa inis habang naghihintay sa isasagot sa kanya ng matanda.

"You haven't visited our store sa Mandaluyong." ang sagot ni Don Amante.

"Anong meron doon? Tito, am still studying and grabe ang traffic papunta doon."

"Kesa naman sa iginigimik mo oras mo sana minsan pinutuntahan mo muna yung store doon."

"It still doesn't answer my question." naging seryoso na si Jasper sa kanyang tono sa matanda.

"It's almost a year now and our sales there really has improved a lot for that branch. I paid a visit there yesterday and I was told by the manager that it was because of their newly hired employee. Yesterday kasi, the current manager of our branch was planning to resign. Nagtataka talaga ako kung bakit siya magreresign so I personally paid them a visit. Personal naman pala ang reason but she was assuring me that she can refer someone better sa kanya. In fact, yung nirerefer niya is the employee na dahilan kung bakit nagkaroon ng significant increase ang sales natin doon dahil sa mga ideas niya." ang kwento ni Don Amante. Nangingiti ako ng kaunti sa kanyang pagkakasabi sa kanyang pamangkin.

Si Jasper naman, hindi pa rin nawawala ang poot sa mukha.

"Ano naman connection ng sales natin doon at ng tindahan natin sa animal na iyan?" wala na talagang galang si Jasper dala marahil ng damdamin niya. Tumatawa lang ang matanda kay Jasper bago nagpatuloy muli.

"I was intrigued so I asked her to have this employee pay me a visit today here sa bahay mismo. Honestly, I didn't know it was him. Though have his name pero hindi ko talaga siya naalala until he arrived kanina. Call it a twist of fate. I needed to talk to him din to ask for his forgiveness sa naging asal ko sa kanya." ang sagot ng matanda. Napangiti ako lalo sa kanyang nasabi dahil napalitan ng pagtataka ang kanina'y naiinis na mukha ni Jasper. Bumalik na ako sa aking kinakain at nakakain na rin ng maayos. Baka rin puntahan ako ng alalay ni Don Amante at mahuli pa akong nakikinig sa kanila.

Dahil sa takbo ng kanilang usapan ay unti-unti akong nakaramdam ng pag-asa. kahit alam kong kakarampot lamang ito. Panahon na para ipaglaban ko si Jasper.

Habang kumakain ay naririnig ko pa rin ang kanilang pag-uusap. Tungkol naman ito sa mga pinaggagawa ni Jasper. Nakakalungkot ngunit ako lahat ang may kasalanan. Kung kani-kanino na pala siya pumapatol kahit walang relasyon. Hindi na siya ang dating Jasper na aking nakilala. Mapusok, mapagmahal, may paggalang sa sarili, at may sinusundang prinsipyo.

Di nagtagal, nang matapos ako kumain ay sinundo na ako ng isa sa mga alalay ng matanda.

"Rodel, sit next to Jasper. I've told him my part and I hope he'll listen to you." ang sabi sa akin ng matanda habang ako'y naglalakad papunta sa kanila habang siya naman ay inaalalayan ng kanyang katulong na lumipat sa kanyang wheelchair. Halata sa kanya na gusto niya kaming iwan upang makapagusap ng maayos.

Tumango lang ako kay Don Amante at agad na ibinaling sa iba ang aking mga tingin paiwas kay Jasper. Nahihiya ako na kinakabahan. Round two nanaman ako sa kasalanan ko sa kanya. Sana, mapatawad niya pa rin ako kapag nalaman na niya ang lahat. Sana, magkaayos pa ang dating amin.

Bumangon si Jasper pa ako makalapit sa kinaroroonan nila. Akala ko'y allis siya ngunit napatigil ako sa paglalakad nang makitang papalapit na siya. Salubong ang kanyang mga kilay habang nakatitig ng masama sa akin.

Napakagat na lang ako ng labi. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula.

Nang makalapit si Jasper sa akin ay agad niyang hinawakan ng mahigpit ang aking kaliwang braso at sinabing "Doon tayo mag-usap sa kwarto. Baka hindi ko mapigilan sarili ko." ang pigil sa galit niyang yaya sa akin sabay hila sa paakyat sa kanyang silid.

Malaki ang kwarto ni Jasper, natutuwa akong makita siya sa kanyang kinalalagyan ngayon. Hindi tulad dati, halos hindi na kumain buong araw para lang may maipamasahe papunta at pauwi ng school.

"Isara mo yang pinto. Lock mo." ang mataray niyang utos. Nauna siyang pumasok sa silid at nang makapasok ay agad siyang tumungo sa kanyang kama at naupo. Mabagal ang pagsunod ko sa kanya.

"Bilisan mo inaantok na ako!" ang sigaw niya matapos kong ilock ang pinto. Naglakad ako papunta sa kanyang kinaroroonan hanggang sa nakatayo na lang ako sa kanyang harapan.

Nakaliyad na nakaupo si Jasper sa gilid ng kama paharap sa akin. Hindi niya ako matignan sa mata ngunit mabuti na rin iyon dahil ganoon din ang sa akin. Gusto kong yakapin si Jasper. Gusto ko na siyang halikan ngunit may invisible wall na pumipigil sa akin sa kanya.

Napansin ko ang biglang pagbabago ng mga titig ni Jasper sa sahig. Naging malungkot na ito.

"Jasper, sorry..." sabay luhod sa kanyang harapan habang ang magkabila kong mga kamay ay nakapatong at marahang pumipisil sa kanyang mga hita. Hindi niya ako tinataboy ngunit umiiwas sa akin ang kanyang mga titig.

"Pwede sabihin mo na lang mga sasabihin mo."

Natigil ako sandali upang ayusin ang aking sasabihin bago ko simulan.

"Sa mula ng pumunta ako ng Amerika, hindi na ako nakapag-aral pa ng maayos. Kaya ako pumunta doon ay dahil sa pagpapagamot ni mommy. Hindi namin akalain na may brain tumor na pala si mommy." ang malungkot kong kwento sa kanya. Hindi pa rin nabago si Jasper sa pag-iwas sa aking mga titig sa kanya.

"Si daddy, may ibang babae pala. Alam mo naman na doon siya nakatira sa states mula pa ng maliit ako. Doon ko lang nalaman na iba na pala pamilya niya. Akala ko noon, nagtatrabaho lang siya doon kasi bumibisita pa rin siya kahit sobrang bihira." hindi ko na napigilan lumuha. Si Jasper at kay Jasper lang ako naglalabas ng totoo kong damdamin dahil sa lalaki pa rin ako at dahil sa mahal na mahal ko siya. Hindi di ko kayang mabuhay ng wala si Jasper.

"Hindi ako tinaggap ni daddy, kaya ang nangyari hinayaan niya ako manirahan doon habang binibigyan niya ako ng kaunting pantustos sa araw-araw. Kinailangan ko na magtrabaho para sa sarili ko. Naisip ko rin kasi, kung uuwi ako ng bansa, wala na rin akong mapapala dito dahil sa ulila na rin ako." ang patuloy kong kinukwento kay Jasper. Sa mga sandaling iyon ay nawala na ang galit sa kanya at nagkatapat nang muli ang mga mata namin. Ngunit awa lang ang nararamdaman ko sa mga tingin niya. Hindi na tulad ng dati, sinasalubong pa niya agad ako ng yakap kung alam niyang malungkot ako.

"Narinig ko kay daddy na ibebenta niya mga lupain namin dito sa pinas. Desperado na akong itira ang isa sa mga ari-arian na nakapangalan kay mommy. Nakilala ko isang araw si Brian at siya na naging kasagutan ko sa mga pangangailangan ko. Siya na rin ang nagbigay sa akin ng ticket ko pauwi dito at pati na rin ang pabalik doon. Ang kasunduan lang namin, sasagutin ko siya. Ang alam niya kasi single ako kaya minabuti ko na rin itago muna ang bagay na iyon sa kanya." dagdag ko pa.

"Sa pinagdaanan mo, kung totoo man yan, baka maniwala pa ako. Masyado lang naging magulo ang lahat para sa atin sa mga ginawa mo Rodel." ang sabat niya sa akin sabay baling ng kanyang titig sa kung saan palayo sa akin.

"Nang malaman ko na kilala niya at doon siya maninirahan sa best friend ko, alam kong magkukrus ang landas nating tatlo. Hindi ko na inaasahan na magiging ganon ang kinalabasan ng lahat. Balak ko na sana sabihin sa inyo ang lahat bago ako umalis pero natatakot talaga ako. Kapit patalim na ginawa ko. Kahit alam kong masasaktan ka." ang pilit kong ipinapaunawa sa kanya.

"Takot na ako sa iyo, Jasper. Takot akong masaktan ka. Pero sana maunawaan mo na kinailangan ko talaga gawin ang bagay na iyon."

"So nasarapan ka naman?! Nag-enjoy ka rin naman?! Bakit hindi ka na lang sumama sa malanding duktor na iyon?!" ang matigas at mapanghusgang mga tanong ni Jasper sa akin habang ang mga titig niya'y nag-aalab sa galit.

Bumangon ako at umupo sa kanyang tabi. Niyakap ko siya sa isa kong bisig ng mahigpit habang nakayuko at sinisilip ang kanyang mukha na nanlalambing.

"Hindi na gagana yan Rodel sa akin. Tigilan mo na yan. Nakakasuka ka." agad kong inayos ang aking sarili sa pag-upo.

"Hindi ako nasarapan. Hindi ako masaya."

"Hmph! Hindi ako naniniwala, Rodel. Hindi talaga tumatalab sa akin mga paliwanag mo. Besides, ano pa ba magagawa ng mga paliwanag mo sa akin kung wala na ang lahat sa atin?" ang mataray niyang sagot sa akin. Parang kontrabida na kung umasta ang dati'y tahimik, mapagmahal, at di makabasag pinggan na binata na akong nakilala.

"I had to let those faggots from Putatan suck mine to survive before I met you, Rodel. I know the feeling. Been there, done that."

"Eh di dapat maintindihan mo kung ano kalagayan ko, di ba?" ang panunuyo ko sa kanya sabay haplos sa kanyang balikat ngunit agad niyang tinabig ito.

"Rodel, mine was different. I had to find ways to survive when I met you. Tinigilan ko pagpapasuso kung saan malaki kinikita ko kahit halos sing hirap na namin ng nanay ko ang mga daga sa pamumuhay. You can never use that as an excuse to me." ang nagmamalaking sabi niya sa malakas niyang boses.

Hindi na ako makasagot. Wala na akong lusot. Hindi ko na alam sasabihin ko makuha lang na patawarin man lang niya ako. Tumayo ako't akmang aalis na sana nag bigla niya akong pinigilan.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap. Huwag kang bastos dahil pasalamat ka't kinausap pa rin kita." ang nangigigil niyang wika. Para akong tutang napalo sa kanyang sinabi't napayukong umupo muli sa kanyang tabi.

"Hindi ko na alam, Jasper kung papaano ko ipapaliwanag sa iyo eh. Basta, hinanda ko na ang sarili ko sa araw na ito. Kung mapatawad mo ako at magkabalikan tayo o hindi. Basta, ikaw lang ang laman ng puso ko. Kasalanan ko naman lahat, Jasper. Nagsisisi ako ng lubos." ang sagot ko sa kanya. Halatang desperado na ako sa tono ng aking boses na hindi ko na napansin dahil sa mas malakas ang kabig ng dibdib ko sa mga sandaling iyon.

"Eh bakit ka nandito. Matagal ka na pala nandito. Akala ko ba babalik ka na doon?"

"Wala na rin saysay. Mahirap mamuhay doon. Yung ticket sana inirefund ko na lang at yung perang mayroon ako bukod doon, dun ako nagsimula para sa sarili ko. Ikaw lang naman na ang dahilan ko kung bakit pa ako nagpapatuloy sa buhay. Binalak ko na magpakamatay sa Amerika pa lang at lalo na nung naghiwalay tayo nung malaman mo ang tungkol sa amin ni Brian. Pakiramdam ko noon, nag-iisa na lang ako sa mundo. Pero dahil sa mahal na mahal kita at gusto pa rin kita makita. Nag-apply ako sa isa sa mga tindahan ninyo nang malaman kong may opening kayo doon sa lugar kung saan ako naninirahan. Madali kasi makahanap ng trabaho doon kahit waiter man lang pero pinalad pa rin ako." ang paliwanag ko sa kanya. Habang pinagmamasdan ko ang mukha ni Jasper na unti-unting nawawala ang galit ay sabay naman nito ang pagtindi ng pag-asa na aking nararamdaman para sa aming pagmamahalan.

"Eh bakit hindi ka na lang sumama sa Brian na iyon? Mayaman naman yung matandang yun. Ayaw mo non? Financer?" ang nang-aasar niyang sagot sa akin. Natatawa na siya ng kaunti. Dahil sa aking nakikitang mga galaw niya ay nagawa ko siya muling yakapin. Ngunit sa pagkakataong ito, binalot ko siya ng mahigpit sa aking mga bisig.

Parang may kulang. Hindi ko malaman kung ano pero ang alam ko kahit di man sabihin ni Jasper, pinatawad na niya ako.

"Ayoko nga sa kanya. Ikaw ang mahal ko." ang masaya ko nang sagot sa kanya. Natigil si Jasper at nawala ang kaunting ngiti na kanina'y nasa kanyang mga labi.

"Seryoso, sana sa kanya ka na lang." para akong tinamaan ng sibat sa kanyang sinabi. Hindi ko alam pero sa tono ng kanyang pananalita ay he really meant what he told me.

"B-B-Bakit? Ganun ka na ba talaga kalamig sa akin ngayon?" ang tanong ko bigla s kanya.

"What do you expect, Rodel? Haven't you even noticed what I've been through? Besides, since umamin ka na sa akin dapat ay umamin na din ako sa iyo." para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang sinabi. Hindi ko inaasahan na may ganoon siyang sasabihin.

"H-Hindi ko maintindihan." ang sagot ko sabay kalas ng aking mga kamay na nakayakap sa kanya upang harapin siya ng maayos.

"The reason it became easy for me was because of Simon." ang walang pakundangan niyang wika sa akin. Pakiramdam ko'y naloko ako na hindi ko maintindihan sa mga sandaling iyon.

"S-Simon?"

"Sorry, let me correct myself. Si Andrew pala ang ibig kong sabihin. Nung maging magkapatid na kami ko lang nalaman lahat at naranasan ang pagmamahal ng isa sa katauhan ni Simon sa akin. Kahit alam kong mali, napakatama niya para sa akin."

Naguguluhan ako. Hindi ko na alam ang aking sasabihin. Hindi ko na gustong isipin kung anong meron ang naging sa kanila ng mga sandaling hindi ko siya kasama. Nanlumo ako.

"Don't worry. We never had sex. We'll except for Miguel na katauhan ni Simon na siya palang gumahasa sa akin na noon ay inakala nating si Nestor mo. Technically we did but Andrew and I never did it."

Namutla ako sa aking naririnig. Nanuyo ang aking lalamunan sa mga sinasabi ni Jasper.

"You fell in love with a lunatic?!?!" ang tanong ko sa kanya.

"Technically, yes. But it was all mutual." ang walang puso niyang sagot sa akin. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko habang pinagmamasdan si Jasper sa kanyang asta. Parang isang bangungot lang ang lahat na ang taong minahal ko ay lubhang ibang iba na.

"Mutual?!?!"

"Oo, he helped me out by making me love him more than I do to you. So eventually, the last time na nag-usap tayo, madali na para sa akin ang lahat na kalimutan ang sa atin." ang pagmamalaki niya.

"You can leave now or you can stay. Do what ever you want. I want to sleep." ang dagdag niya sabay higa ng patagilid sa malaki niyang kama habang nakababa ang kanyang mga paa sa sahig. Yuyuko na sana ako upang ilapit ang aming mga mukha ngunit tumagilid siya patalikod sa akin.

"Now you know that we're even. What else do you need?" ang sabi niya na nasa tono niyang gusto na niya akong lumayas.

Nanig pa rin ang aking pagmamahal kay Jasper. Kailangan kong tanggapin ang lahat ng iyon at kalimutan dahil sa ako ang may kasalanan. Ang taning gusto ko lang ay ang magkabalikan kaming muli.

"Kalimutan na natin ang lahat mahal ko. Pwede ba kita tabihan?"

"Mahal ka diyan. Letche! Bahala ka sa gusto mo basta hindi tayo pwede magsiping ngayon dahil may nakauna na sa iyo kagabi at masakit pa yan." ang sagot niyang parang lasing na. Marahil dala na nga ng kanyang sobrang pagod at puyat ay halos makatulog na siya agad.

Hindi na ako nagsalita pa. Iniayos ko siya ng higa pahilata at binuksan ang kanyang polo. Nagpaubaya lang si Jasper. Siguro dahil sa sanay na siya na may nahuhubad sa kanya o sanay na siyang ako ang naghuhubad ng kanyang damit. Hindi ko masasabi. Ibang iba na ang aking, Jasper.

Hinubad ko ang sapatos at medyas niya bago ko siya hinubaran ng maong. Nang maayos ko na siya ay binuhat ko siya mula sa kama upang ihiga ng maayos. Napansin kong tulog na siya nang ibaba ko ang kanyang ulo sa unan nang makarinig ako ng mahina niyang paghilik. Napangiti ako habang pinagmamasdan ko siyang natutulog. Parang batang natutulog lang.

Umalis muna ako sa kama at nagalis ng aking damit. Nang bumalik na ako ay napansin kong tinititigan na pala ako ni Jasper. Batid ko sa kanyang mga mata ay malim ang kanyang iniisip. Nagbabakasakali akong sana'y maging maganda ang takbo ng lahat mamaya pag gising niya.

Tumabi ako kay Jasper na tulad ng lagi naming pusisyon sa kama. Dahil sa sinabi niyang huwag ay walang nangyari sa amin. Habang kami'y magkatabi, pinagmasdan ko muli ng maigi ang mukha ni Jasper na lagi kong ginagawa bago ako matulog at tuwing ako'y magigising na kasama siya. Nakatulog ako at si Jasper na muli ang huli kong nakita.

Naalimpungatan ako ng mga tanghali na. Wala na si Jasper sa aking tabi. Hindi man ako bumangon, sinuri ko ang buong silid at nakita si Jasper na nakaupo sa harap ng kanyang study table. Umiiiyak. Nakakaawa. Hindi pa rin mawaglit sa aking damdamin na ako ang dahilan ng lahat. Ngunit sa nangyari kanina'y nakaamoy na ako ng pag-asa na magkakaayos din kami tulad ng dati.

Bumangon ako sa kama at nilapitan si Jasper. Mula sa kanyang likod ay hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at pinisil-pisil ang mga iyon. Hinaplos niya ng kanya ang sa akin.

"Huwag ka na umiyak. I'll fix everything for you and for me." ang malambing kong sabi sa kanya sabay halik sa kanyang bunbunan. Hindi ako nililingon ni Jasper at parang malayo ang tingin niya sa labas ng bintana.

"Masakit mata ko. Nakalimutan ko magtanggal ng contact lens kanina." ang sagot niya kahit di ko naman tinatanong.

"Kawawa naman ang mahal ko." ang lambing ko sa kanya.

"WE can be friends, Rodel. But you'll have to make sure you do everything to bring me back to you. Let's enjoy life as it is. Ayoko umasa ka at ayoko na umasa muli sa iyo." ang humihikbi niyang sagot sa akin.

"Kahit ano pa pagdaanan ko. Para lang sa iyo mahal ko. Time heals all wounds." ang malalim kong sagot sa kanya. Tumayo siya at humarap sa akin. Niyakap niya akong mahigpit ngunit hindi na ganoon ang pakiramdam. Para talagang may kulang.

----- Jasper -----

Habang ako'y nakaupo at malayo ang tingin sa labas ng bintana kung saan abot tanaw ko ang bintana ng silid ni Simon. Hindi ko mapigilang lumuha.

Sa gilid ng aking study table ay may maliit akong salamin. Doon ko ibinaling ang aking titig. Pinagmasdan ko ang aking anino mula rito. Pakiramdam ko'y ibang tao na ang aking nakikita.

Naalala ko isa-isa ang mga nakaraan sa aking buhay. Ang mga araw na buhay pa ang aking inay. Ang masasaya ngunit gumagapang sa kahirapan sa pamumuhay. Nagbabakasakali akong sana'y pwede kong maibalik ang nakaraan sa aking buhay. Gusto kong maulit ang dati. Gusto kong ibalik ang aking sarili sa nakaraan kung saan simple lang ang lahat.

Hinigpitan ko maigi ang yakap ko sa kanya dala ng matinding pangungulila. Hindi ko na mapilit ang aking damdamin na ibiging muli si Rodel. Nauunawaan ko siya sa pinagdaanan niya kahit masakit ngunit huli na ang lahat para sa aming dalawa na ibalik pa ang damdaming naiwan sa kahapon.

"Rodel.... I'm so sorry!!! Hindi ko na magagawang mahalin ka ng tulad ng dati. Puso ko mismo ang nagmahal ng kusa kay Simon. Sorry talaga! Sana ako ang patawarin mo dahil minahal mo ko ng lubusan. Huli na ang lahat. Wala na. Wala kang mapapala sa pagmamahal mo sa akin dahil ganito na ako. Sana'y makahanap ka na lang ng iba na mas hihigit sa akin na iingatan mo ng lubos. Sana hindi mo siya ipagpapalit sa tukso. Sana lagi mo iisipin ang mararamdaman niya sa mga bagay na gagawin mo. Kung mahal mo siya dapat wala kang tinatago sa kanya dahil masisira ang tiwala niya sa iyo. Sana gamitin mong leksyon ang sa atin sa susunod mong mamahalin." ang humahagulgol kong sambit kay Rodel. Naiyak din siyang lubos sa aking mga sinabi. Nasasaktan ako na nakikita siyang umiiyak dahil bihira lang umiyak si Rodel at ako pa lang ang nakakakitang tumutulo ang kanyang mga luha.

"Mahal na mahal kita, Jasper. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." ang sabi niya sa nanginginig niyang wika na dumudurog sa aking puso dala ng matinding awa.

"Hindi naman kita kakalimutan eh. Nandito naman ako di ba? Hindi naman ako lalayo. Pinatawad naman na kita, Rodel. Mahal pa rin kita pero mas mahal ko ang sarili ko ngayon at bukod diyan hindi ko na alam kung maibibigay ko pa sa iba ang pagmamahal na naibigay ko na kay Simon kahit alam kong mali. Sinasaktan ko na ang sarili ko sa matagal na panahon na. Pero dito lang kasi nakakakita na ng kaligayahan ang puso ko. Ang umaasa sa pagmamahal ni Simon. Nagbabakasakali pa rin. Patawad!!!!!!" ang pagsusumamo ko. Nanlalambot na ang aking mga tuhod kaya'y unti-unti akong bumaba at napaluhod habang nakayakap pa rin kay Rodel.

"Salamat, Jasper. Isinusumpa ko sa Diyos. Ikaw lamang ang laman ng puso ko hanggang mamatay ako."

"Huwag kang magsalita ng tapos. Ako man hindi nagsasalita ng tapos kahit ganito na nararamdaman ko."

"Maghihintay ako Jasper. Maghihintay ako. Ganyan katindi pagmamahal ko sa iyo. Kung iibig ka man ng iba, nandito pa rin ako. Sayong-sa'yo na ako." sabay luhod ni Rodel upang magkalapit ang aming mga mukha. Hinawakan niya ang aking batok at marahang itinulak ang aking mukha as kanya. Naglapat ang aming mga labi at hinalikan niya ako ng mariin. Dama ko ang matinding pagmamahal niya sa kanyang mga halik. Nanghihinayang ako at naaawa para sa kanya at para sa aking sarili. Hindi ko mapigilan ang pagluha at ganoon din siya. Para na kaming mga baliw sa aming lagay ngunit balewala lang ang lahat dahil sa pareho kaming nagdurusa. Pareho kaming umaasa. Ngunit, kailangan pa rin namin maghintay at umasa pa rin habang nagdurusa. Alam mo iyong pakiramdam na wala kayong kawala pero nariyan pa rin ang isa't-isa para sa inyo.

"Mahal mo ba ako?" ang tanong ni Rodel agad matapos bumitiw ang kanyang mga labi sa akin.

Hindi ko magawang tumango o umiling basta ang alam ko lang iginalaw ko ang ulo ko pababa.

"Huwag mo pahirapan ang sarili mo, Rodel. Please."

"Para sa iyo ito. Hindi ka man maniwala pero ikaw na ang nandito. Masaya na akong ngayon ay pinatawad mo na ako at mula dito bubuuhin kong muli ang lahat pati ang dating Jasper na nakilala ko noon. May gagawin ako para sa iyo, para matulungan ka. May sorpresa ako sa iyo mamayang gabi. Punta muna tayo sa Festival Mall ngayon. For old time's sake." habang abot tenga ang kanyang ngiti.

Natawa ako ng kaunti sa sinabi ni Rodel habang nakatitig ang matagal ko nang hindi nakikitang mga nangungusap na mata ni Rodel.

"You shouldn't be kissing me like that since friends na lang tayo. Baka gilitan ka ng leeg ni Alice kung makita niyang ginagawa natin iyon." ang natatawa kong biro sa kanya.

Hindi na kami naligo, nagbihis lang ako ng pambahay dahil sa nagmamadali si Rodel na pumunta sa mall. May bibilhin lang daw siya ngunit hindi ko matiyak kung saan niya gusto pumunta nang kami'y makarating sa mall na aming pupuntahan.

Nang ka'y palabas na sa Penshoppe, sa kabilang banda ng tindahan na Folded & Hung ay nakita ko si Alice na masayang naglalakad palabas mula rito. Akay-akay ni Simon ang kaliwa niyang braso at marami silang dalang pinamili. Nanikip ng lubusan ang aking dibdib ng makita ko si Simon. Para akong nakakita ng multo sa panlalaki ng mga mata kong napako na sa kanya. Hindi nila kami nakita ni Rodel. Parang nawala ang aking mga paa sa mga sandaling iyon na kasabay na rin yata ng pagkawala ng aking sarili. Napakabilis ng tibok ng puso kong sugatan sa pangungulila para kay Simon. Ngunit dahil sa nakikita kong pagsasama nila ni Alice ngayon ay parang iyon na ang katapusan ng lahat para sa aking umaasang damdamin. Durog na kasing pino na ng buhangin.

Napuna ni Rodel ang aking reaksyon ng makita ang dalawa na palayo na sa abot ng aming matatanaw. Inakbayan lang niya ako ng mahigpit at sa harap ng maraming tao ay hinalikan niya ang kanan kong pisngi.