Chereads / Salamin [BL] / Chapter 14 - Salamin - Chapter 14

Chapter 14 - Salamin - Chapter 14

"Mamaya na nga eh! May gagawin muna ako sandali. Madali lang naman ang Algebra kailangan ko lang na ipaliwanag mo sa aki kasi minsan mali lang pagkakaintindi ko. Confusing kas madalas sa professor namin, may pagkamalabo rin kasi yun. Kung babasahin ko book, medyo iba sa tinuturo niya kaya medyo nalilito ako. Kaya for this night, I'd need your opinion." ang paliwanag naman niya sa akin.

"Eh bakit kung makakulit ka naman kasi parang buhay na ang nakasalalay?" ang inis kong sagot sa kanyang inasal kanina.

"Sorry na. Gusto lang kitang kulitin. Sabi ko sa iyo, magaang loob ko lagi mula ng makasama kita. Hindi na ako nagtataka kung bakit naging best friends kayo ni Rodel at kung bakit parasite sa utak mo ang girlfriend ko." ang paumanhin niyang may halong pambobola.

"Kupal ka lang talaga." ang sagot kong banas na banas na sa kanya.

Inabot niya ang kamay ko habang ito'y nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama gawa ng aking pagluhod sa gilid nito. Agad kong inilayo ang aking kamay na hawak ang aking mga gamit.

"Hinuhuli ba ako ng mokong na ito o tamang trip lang talaga ang gago?" ang tanong ko sa aking sarili.

Tumingin si Randy sa wall clock sabay tumayo at iniwan ako sa aking lagay upang tunguin ang kanyang computer.

"Kausapin ko lang si mommy at daddy." ang paalam niya habang nakaharap sa computer na nasa aktong bubuksan pa lang niya.

Hindi ko na siya pinansin at sinimulan na lang ang aking aralin. Ilang sandali lang ang nakalipas at naririnig ko nang naguusap sila ng kanyang mga magulang at naka webcam pa sila.

Mula sa monitor ni Randy ay nakita ko ang isang lalaking matandang bersyon ni Randy. Manang mana niya ang magandang mukha ng kanyang ama at ang kanyang ina naman ay mestisa rin at halatan may dugong intsik bagaman tipikal lang sa isang corporate na babae na may pamilya na ang kanyang itsura.

Halata ko sa boses ni Randy ang parang bata nitong pakikipagusap sa kanyang mga magulang sa wikang ingles. Lubos ang kanyang saya at tila di ko na makita ang mayabang na Randy an una kong nakilala sa tapat ng aming paaralan. Nakaramdam naman ako ng kaunting kirot sa damdamin sa aking nasasaksihan. Nangungulila nga ng lubos si Randy sa piling ng kanyang mga magulang. Tila sabik na mayakap ang mga ito.

Hinayaan ko na lang si Randy sa kanyang ginagawa at pinilit ko na lang matapos ang aking ginagawa upang makapagsimula na kami agad sana sa aralin naman ni Randy. Di ano ay bigla siyang lumingon sa akin at nagmamadaling kumaway upang ako'y palapitin.

"Jasper... halika pakilala kita kila mommy at daddy." ang imibita niyang namimilit sa aking magmadali.

"Ayoko nga... busy ako oh! Nahihiya ako!" ang pagtanggi ko naman sa kanya sabay angat sa aking mukha ng aking hawak na aklat.

"Ito naman oh! Dali na!" ang pangungulit pa niya.

Hindi na ako sumagot kaya't lumapit siya sa akin at hinila ako sa aking braso palapit sa harap ng computer.

"Mom.. Dad... this is Jasper, my friend. The "boy genius" I've met my whole life so far." ang pakilala niya sa akin. Hindi ako makaharap sa tapat ng webcam sa sobrang hiya habang nanatili ang kamay ni Randy na nakakapit sa akin.

"Jasper... this is my dad, Richard, who works as an engineer for a known construction firm and this is my mom, Maya, who works as a manager sa isang brang ng isang sikat na banko sa Elgin, Illinois. Kumaway ka naman sa kanila oh." ang pangungulit niya habang papinut-pindot niyang hinihigpitan ang kanyang kapit sa aking braso.

"H-hi, Mr & Mrs. Tiongco! Good morning!" ang nahihiyang bati ko sa kanila.

"Good evening, Jasper! Glad to meet you! Wish you could hang around more with our son, Randy. I hope we didn't disturb you on what you were doing over there." ang mainit naman na pagtanggap sa akin ng kanyang ina at nakakatawang turo niya sa dako kung saan ako nag-aaral kanina gamit ang kanyang nguso. Tila nakikita yata nila ako kung saan ako naroon kanina nag-aaral. Napakamot na alng ako ng ulo at kumaway na nag-aalam sa kanila habang si Randy naman ay natawa sa aking hiyang ipinamalas sa kanilang lahat.

Lumipas ang ilang sandali at natapos na rin ako sa aking aralin habang si Randy naman ay kakwentuhan pa rin ang kanyang mga magulang. Hindi ko na siya inistorbo sa nakikita kong pagkasabik niya sa kanyang mga magulang. Bigla kong naalala ang aking ama at may kirot na dinulot ito sa aking damdamin. Hindi ko napigilang lumuha.

"Buti pa si Randy nakakausap pa rin niya dad niya. Sana may maimbento na rin na aparato para makausap ang mga yumao na." ang wika ko sa loob ng aking isipan habang impit na humihikbi sa sulok at ngayo'y nakatalikot na sa kanila upang di mapansin ng magulang niya.

"Tatay, tulungan mo si inay gumaling. Siya na lang ang kasama ko. Tay, please... tulungan mo kami ni inay." ang dalangin ko sa aking ama dala ng takot na pati ang aking ina ay mawala dahil sa kanyang sakit.

"Jasper, okay ka lang tol?" ang dinig kong tanong ni Randy na kanina pa pala nakatingin sa akin.

Agad kong inayos ang aking sarili at hinarap siya. Kita ko sa kanyang likuran ang kanyang mga magulang ay tila nakatingin na rin sa akin.

"Okay lang ako tol. Sumakit lang mata ko. Pwede na ba tayo magsimula sa Algerba mo?" ang tanong ko namang pilit ibahin ang aming usapan.

Nilingon niya ang kanyang mga magulang at nagpaalam na kumaway sa kanila. Ganoon din ang ginawa niya pabalik sa kanya at sabay silang lumapit at nag-flying kiss kay Andrew.

Nakakainggit.

Nang masiguro ni Randy na sarado na ang canyang iMac ay agad na siyang lumapit sa akin. Buong sandaling iyon ay pinagmasdan ko lang siya.

"Asan na yun libro mo? Pano tayo magsisimula?" ang mataray kong mga tanong sa kanya na sinagot lang niya ng isang ngiti sabay kamot ng kanyang bunbunan.

"Oo nga pala. Sandali lang ha?" ang pakiusap niya at agad tinungo ang kanyang mga gamit na nakapatong sa ibabaw ng kanyang study table.

"Gusto mo diyan na lang tayo para makapag-aral tayo ng maayos?" ang tanong ko muli sa kanya at sinagot lang niya ng pag-iling.

"Gusto ko diyan sa kama nakadapa pag nag-aaral ako. Madali kasi akong antukin kung dito tayo sa study table." ang sagot naman niya at lumapit na sa akin tangan ang kanyang kwaderno at libro.

Umakyat siya sa kama at naglakad sa ibabaw upang dumapa sa aking tabi.

"Ready!" ang masigla niyang sinabi.

"Sira ulo ka parang di ka naman mag-aaral niyan sa lagay mong iyan eh. Pag ikaw nakatulog habang nagdadadakdak ako dito sasapukin kita." ang babala ko naman sa kanyang tinawanan lang niya ng malakas.

"Tignan lang natin. Kung makatulog ako, gawin mo na lahat ng gusto mong gawin sa akin basta hindi ako makakatulog sinasabi ko sa iyo." ang pagmamayabang naman niya sabay bukas ng kanyang libro upang hanapin sa mga pahina nito ang aming pag-aaralan.

Hindi ko napigilan ang pagsimula ng aking kapilyuhan sa naring kong sagot niya sa akin. Pinagmasdan ko lang maigi ang kanyang mukhang maamo na bakas ang pagkaabala sa kanyang ginagawa. Ang gwapo ni Randy.

"Kahit ano pala ha. Gago ka. Huwag mo kong subukan baka kung ano gawin ko sa iyo hindi mo maatim. Sige ka." ang wika ko sa aking isipan.

"Dumapa ka nga sa tabi ko! Tingin ka lang ng tingin diyan sa akin. Anong meron sa mukha ko?" ang bigla niyang sinabi sa akin habang hindi naman naaalis ang kanyang tingin sa kanyang hinahanap. Nahiya ako sa kanyang sinabi. Napansin niya marahil ang pagtitig ko sa kanya mula sa gilid ng kanyang paningin. Hindi ako nakasagot. Tumabi na lang ako sa kanya tulang ng kanyang sinabi at kinuha ang kanyang hawak na aklat.

"Ano bang topic? May table of contents naman di ka na lang dun tumingin. Sana hindi ka na nagpapalipat-lipat ng page."

Nagdikit ang aming mga tagiliran na nagdulot ng isang malakuryenteng kilig na biglang bumalot sa aking katawan.

"Ummm.. Sa Trinomials na kami na may Laws of Exponent." ang sagot naman niya matapos niyang idikit ang kanyang mukha sa akin.

"Putang ina Randy magtigil ka nga. Ano ba ginagawa mo? Ayokong magkasala sa iyo at kay Alice." ang bulong ko sa aking sarili. Nagsimulang mamuo ang pawis sa aking ilong sa mga sandaling iyon at nabigla na lang ako nang bigla niyang inilipat ang kanyang titig mula sa aklat sa aking mukha. Hindi ko sinasadyang tumitid din sa kanya pabalik.

"Ano ba Jasper? Kanina ka pa titig ng titig eh. Nakakaloko ka na ha. Ano ba meron sa mukha ko?" ang kunwari'y pikon niyang sinabi sa akin sabay akbay sa aking likuran.

"Ah... Eh... Wala.. Nakikinig lang ako sa sinasabi mo. Yung tungkol sa ano..." ang nahihiya kong sagot sa kanya. Hindi ako nakahagilap agad ng isasagot sa kanya dahil sa huli niya ako sa akto.

"Akala ko ba nakikinig ka? Nasaan ba lumilipad yang isipan mo ngayon?" ang tanong niya sa akin sabay kabig ng kanyang yakap padikit ng aking tagiliran sa kanya. Tumatawa lang siya sa akin habang ako nama'y lalong nagpapawis sa magkahalong kaba, kilig, at hiya.

"Tang-ina naman ang daming sat-sat." ang buwist kong sagot sa kanya. Upang di na kami magpatuloy pa sa aming usapan ay sinimulan ko na lang ang pagpapaliwanag sa kanya ng nasabing aralin habang sumusulat sa kanyang kwaderno.

Batid kong nakatitig siya sa akin kahit sa buong haba ng aming pag-aaral bagaman hindi ako tumitingin sa kanya pabalik ay dama ko ang kanyang di maalis na mga titig habang nakangiti. Tulad ng kanyang mga titig ay hindi rin naalis ang kanyang kaliwang bisig na kanina pa nakabalot sa aking bandang balikat at leeg.

"Ano ito? Bakit ganito? Naguguluhan ako. Ganito ba talaga ang single? Always ready to mingle? Kahit sa straight?!! Tang ina, sa straight ako nagkakagusto ngayon?" ang mga katagang hindi mawagit sa aking isipan. Hindi ko maipagkakaila ang aking nararamdaman. Nagsisimula na akong magkagusto kay Randy ngunit mali ang lahat ng mga ito. Nakakagulat din na tila napakabilis ng mga pangyayari para sa aking sarili.

"Jasper? Yun ano? Bakit ka biglang natulala diyan? Kinakausap mo nanaman sarili mo?" ang wika ni Randy na gumising sa aking ulirat.

"Ah... Wala... May bigla lang akong narealize dun sa formula." ang palusot ko at nagpatuloy na lang na turuan siya habang hindi nabagi ang aming lagay.

Nang kami ay natapos ay nagpaalam na siyang maghihilamos muna. Ako na ang nagligpit ng aming gamit at ipinatong na lang ang mga iyon sa ibabaw ng mesa ng kanyang computer. Nangmatapos si Randy sa palikuran ay agad akong gumamit nito upang maghilamos.

Ninamnam ko ang malamig na tubig sa aking mukha. Nang ako'y makalabas na sa palikuran habang nagpupunas ng tuwalya sa aking buong mukha.

"Tol, Sampay mo na lang sa likod ng pinto iyan. Boxers lang ako ha? Pareho naman tayong lalake." ang paalam niya sa akin. Ibina ba ko ang tuwalya mula sa aking mukha at nakitang ang ikli ng suot niyan boxers at tila isang size itong maliit kaysa sa tama sa kanya. Nakaramdam ako ng matinding init sa aking katawan habang pinagmamasdan ang kanyang kabuuhan.

"Favorite boxers mo ba yan? Ang liit kasi parang pinaglakihan mo na yan since elementary." ang pabiro kong sinabi sa kanya na nagdala sa kanya upang magbitiw ng isang pilyong ngiti.

"Ganito talaga ito, presko. Tama hula mo, paborito ko nga ito pero three months ko pa lang ginagamit ito. Lagi ko ngang kinalalakihan ito lumalabas nga dito tuwing umaga. Wala kasing buttons ito. Okay rin para kay manoy kasi di siya nasasakal. Gusto mo?" ang sagot niyang nanunukso habang tumuturo sa butas sa harap ng kanyang boxers.

"AAAAAAAHHH!!! Ano ba nangyayari sa akin?! Ano ba pinagsasabi ni Randy?! Anong gusto?!" ang sigaw ko sa aking sarili sa hindi pagkapaniwala sa aking narinig.

"Huy! Ano na? Natutulala ka diyan, Jasper?" ang tanong pa niya.

"A.. A... " ang mga salitang hindi ko mailabas sa aking lalamunan na biglang natuyuan ng laway.

"Ano? Gusto mo din magsuot ng ganitong boxers? Presko to." ang tanong ulit niya. Bigla akong nahimasmasan ng marinig kong hindi niya tinukoy ang inakala kong bagay na inaalok niya sa akin.

"W...wag na Randy. Okay lang ako sa suot ko ngayon." ang tanggi ko sabay tungo sa likod ng pintuan ng kanyang silid upang isampay ang ginamit kong tuwalya.

Parang batang tumungo si Randy sa kanyang kama at sumampa tila nang-iinggit na nilalasap ang lambot ng kama habang siya ay nakahilata at inuulunan ang kanyang mga kamay.

"Jasper, sarap matulog dito. Dali inaantok na ako." ang panunukso pa niya habang siya'y pinanonood ko lang.

"Batugan ka talaga." ang sagot ko sa kanya habang saglit na pinagmamasdan ang kabuuhan ng kanyang katawan. Tumawa lang siya ng malakas at pinanood akong lumapit sa kanyang tabi matapos kong ipatong ang aking salamin sa computer table at patayin ang mga ilaw.

Nang makahiga ako sa kanyang tabi ay tumagilid akong nakatalikod sa kanya at siya naman ay nanatili sa kanyang pwesto.

"Good night, Jasper."

"Gandang gabi, Randy."

"Randy nanaman! Andrew, Andrew, Andrew nga!" ang nagmamaktol niyang sagot sa akin habang sinisipa-sipa ang kanyang mga paa sa ibabaw ng kama na tila nagdadabog na bata. Tumawa lang ako ng malakas pilit ginagaya ang kanina niyang tawa.

"Sorry mister Tiongco." ang pang-asar ko pa sa kanya. Isang katahimikang sandali ang nanaig sa pagitan naming dalawa.

"Jasper, bukas ng umaga, may sasabihin ako sa iyo." ang habilin niya habang ako'y nakapikit na.

"Eh di sabihin mo na lang bukas."

"Nga pala, bukas may lakad ako kaya kahit magtantrums ka hindi mo ako mahahagilap kahit saan." ang paalam ko sa kanya makalipas muli ang isang saglit. Hindi na siya sumagot sa akin at isang mahinang hilik na lang ang aking narinig na sagot niya.

Napakalambot ng kama at unan. Para akong lumulutang na nakapatong sa ibabaw ng mga ulap. Ang amoy nito ay napakalinis at tila araw-araw nilalabhan. Kumpara sa aking tulugan na malamig, matigas, at may pinaghalong amoy na luma at sahig.

Nakatulog akong nilalasap ang pinakamahimbing na gabi sa unang pagkakataon ng aking buhay at nagising sa pusisyong hindi ko inaasahan.

Nakayakap ako ng mahigpit sa inaakala kong unan na katawan pala ni Randy na mahimbing na mahimbing pa rin ang tulog. Bigla kong naimulat ang aking mga mata sa matinding kaba at takot matapos matuklasan ang aking lagay. Pilit kong inaninag ang aking mga natatanaw.

Ang kaliwa kong kamay ay nakapatong pa sa ibabaw mismo ng nanghuhumindig at gustong kumawalang alaga ni Randy. Sa kabila ng pagkabigla nang ito'y kumislot ay nagawa ko pa ring dahan-dahang alisin ang aking kamay mula rito ngunit bago ko maalis ng tuluyan ang aking mga kamay dahil sa nauga ko ng kaunti ang kama ay nagising na si Randy.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita at napabangon bigla sa kanyang pagkakahiga.

"Puta ano ginagawa mo sa akin?!" matinding galit ay bakas sa kanyang mukha at sa mabilis na kaganapan ay agad na bumalot ang magkabila niyang kamay sa aking leeg. Mabilis na sumikip ang kanyang pagkakasakal sa akin. Nakakatakot ang kanyang matalim na titig sa aking mga mata na ngayo'y puno ng pinaghalong hiya at takot.

"R-R-Randy sorry! H-h-hindi ko sinasadya!" ang pagmamakaawa kong hirap dahil sa higpit ng kanyang pananakal.

"Sorry?! Gutom ka sa titi kang gago ka?! Putang ina mo! Bakla!" ang galit at nangigigil niyang sinabi sa akin.

Napansin niyang hindi na ako makahinga kaya't agad niya akong pinakawalan. Ilang beses agad akong umubo upang luwagan ang aking lalamunan.

Hindi pa nakuntento si Randy. Sa isang iglap ay bumaon ang kanynag kamao sa aking sikmura. Sa tindi ng sakit ay nangulot akong gumulong sa kama at nahulog sa sahig.

"Putang ina mo lumayas ka dito, bakla ka!" ang sigaw niya habang nakaturo sa pintuan. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig pa rin sa akin. Matinding galit ang nagliyab sa aking kalooban ng marining ko ang kanyang unang nasabi.

"Kahit hampas lupa kami hindi puta ang ina ko. Kahit bakla at mahirap ako hindi ako arogante at tamad na tulad mo!" ang galit na sigaw ko pabalik sa kanya at nagmadaling tumungo sa computer table pilit inaaninag kung ano man ang matatanaw ng aking paningin.

Nasa ibabaw ng computer table ni Randy ang aking salamin kasama ang aming mga gaklat at kwaderno katabi ang isang maliit na lalagyang gawa sa plastic. Agad ko itong tinungo at kinuha ang aking mga gamit at dahil sa pagmamadali ay nahulog ko ito.

Sa pagbagsak nito sa sahig ay naglabasan agad ang mga ginupit na banig ng gamot na nakalagay dito. Agad kong sinuot ang aking salamin dahil sa pamiyar ang hugis at kulay ng mga tabletas na ito.

Hindi ako nagkamali sa aking akala nang ito'y aking pulutin upang basahin ang pangalan ng gamot na Valium.

Sa masidhing poot ay mas matalim na mga titig ang ibinalik ko kay Randy.

"Bakla?! Ako?! Akala mo ginagapang kita?! Nakapatong lang kamay ko sa bayag mo dahil nagising akong ganon na ang lagay ko tapos ikaw?! Ano tingin mo sa sarili mo?! Straight na pumapatol sa babae at lalake?! Rapist ng mga bakla?! Ano kinaibahan mo sa isang bakla?! Tingin mo sa sarili mo malinis ka?! Ginahasa mo kong tarantado ka!!" ang sigaw ko sa kanya habang ipinapamukha sa kanya ang gamot kong hawak.