Chereads / Salamin [BL] / Chapter 17 - Salamin - Chapter 17

Chapter 17 - Salamin - Chapter 17

"Kung sasabihin mo sa akin kung bakit ka niya binibigyan ng mga pasa baka maunawaan ko pa Mariah." ang iritado kong sagot sa kanya sabay taas ng aking kilay at tumayong umalis upang matimpla ng kape.

"Ganun lang siya magmahal, Jasper. Tipo niya kasi na umuungol ako kapag tinitira niya ako gusto ko rin naman na sinasaktan niya ako." ang pahabol niya sa aking sinabi bago ako makaalis ng tuluyan sa kanyang tabi. Singhal lang ang isinagot ko sa kanya at di na siya pinansin.

Na nasa ibabaw lang aming hapagkainan ang thermost at isang karton ng kape na 3-in-1 na naka sachet. Ang mesa ay nasa gilid pa rin ng aming pinto tulad ng dati at ang dating kinalalagyan ng papag ni inay ay doon nakaratay ang kanyang kabaong. Ang kanyang papag at ang aming lumang aparador ay pansamantalang itinabi na lang muna namin sa pinakasulok ng aming bahay kahit masikip mapagbigyan lang ng luwang ang pinto at ang nakaburol kong ina.

Pilit kong inaalala ang nakaraang maayos pa ang lahat sa loob ng bahay at hindi nakaburol si inay ngunit sa lagay ng mga bagay sa loob ng bahay ay pilit din bumalik ang burol ng aking ama. Ganoon din ang pagkakaayos ng aming bahay noon at tanda ko itong mabuti kahit ako'y bata pa.

"Pahingi ng pera may raket pa kami ng mga tropa ko." ang barumbadong pautos na sinabi ni Abet habang nakakapit ito ng napakahigpit sa kanyang braso. Nabitiwan ni Mariah ang mga hawak niyang baraha sa sakit at lakas ng pabiglang kabig nito.

"P-pwede mamaya na mahal? Wala akong dala ngayon dito eh. N-nakainom ka nanaman? Uubusin mo lang sa inuman yung ibibigay ko eh." ang kabado niyang panlalambing habang nakatingin siya kay Abet na puno ng takot.

Natigil ako sa paghahalo ng kape sa tasang ipinatong ko sa ibabaw ng mesa at napatingin sa kanilang dalawa.

"Wala kang pakialam kung ano man ang gagawin ko at wala kang pakialam kung nakainom nga ako. Anong wala kang pera?" ang nangigigil niyang sagot kay Mariah sabay kuha ng taya at panalong pera ni Mariah sa ibabaw ng mesa.

"Hindi ba pera ito?! Akin na 'to!" ang sinabi niya habang binubulsa ang lahat ng mga ito pati ang mga barya matapos ay sinakal sa leeg si Mariah ng isa niyang kamay.

"Tinitipid mo ba ako? Kung wala ka nang pera huwag kang magreklamo kung makikita mo akong may kasama akong ibang bakla o babae. Kung di mo ko kayang sustentuhan humanap ka na ng iba." ang gigil niyang sinabi sabay pakawala sa leeg ni Mariah.

"Punyeta! Lumayas ka! Mukha kang pera! Hindi mo na iginalang ang nanay ko!" ang galit na galit kong sigaw kay Abet nang aktong aalis na sana siya. Agad kong kinuha ang tasa ng mainit na kape at nilapitan siya. Nanlilisik na tinitigan niya akong nilapitan.

"Ay tarantado pala itong batang ito eh! Gusto mo masamain?!" ang kanyang babala at ako'y kanyang kinuwelyuhan. Matangkad siya kaysa sa akin kaya't napatikayad akong pinatili ang aking balanse sa pagkakatayo sa kanyang ginawa.

Nagbalikan lang kami ng masasamang mga titig habang nasa ganoong lagay nang biglang lumapit si Mariah upang pigilin si Abet.

Pinakawalan ako ni Abet ngunit sa isang iglay ay sinuntok niya si Mariah. Napaiktad itong napaupo sa sahig at natabig ang mesa kung saan sila nagbabaraha. Nagulat naman na nagtayuan ang mga kalaro ni Mariah sa kanilang nasaksihan. Sigawan sa takot ang ibang mga nakikiramay na kaninang natahimik sa kaninang sigawan namin. Ang iba nama'y napatakbong umalis upang humanap ng tanod.

"Abet! Harapin mo kong batugan ka!" ang pasigaw kong inutos sa kanya at nang saktong nakaharap na siya ay pabagong ibinuhos ko sa harap ng kanyang suot na dilaw na shorts na pambasketball ang mainit na kape. Napasigaw siya sa sobrang sakit dahil tagos sa kanyang suot ang init ng inuming sinusunog ang palaging bakat niyang alaga.

"Putang ina mo!" ang galit na sinabi niya sa akin habang di makali kung ano gagawin sa kanyang shorts sa tindi ng pasong natamo ng kanyang alaga. Nakakapit lang siya dito na parang bagong tuli. Agad siyang lumapit sa akin at sinuntok ako sa aking kaliwang pisngi.

Tumalsik ang aking salamin at agad itong nabasag nang bumagsak. Sa isang iglap ay natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakaupo sa sahig katabi ang basag na tasang kanina'y hawak ko pa. Agad kong hinimas ang aking nananakit na pisngi at napansin kong basa ang aking kamay. Pilit kong inaninag ito at kitang nagdudugo na pala ito dala ng sugat na natamo ko marahil sa aking pagbagsak o pagkasugat nang mapunta ako sa aking pusisyon dagan ng aking palad ang bubog.

"Tama na! Mga kapitbahay! Tulong!" ang sigaw ni Mariah habang nagtitilian sa takot na ang ibang baklang naroon na kabarkada niya. Maraming usisero ngunit si Mariah lang ang kumapit pinigilan ang nakaambang panununtok nanaman ni Abet.

Hindi ko makilala ang mga tao sa aking paligid gawa ng wala akong suot na salamin. Paulit-ulit kong kinapkap ang maruming sahig upang hanapin ang ito ngunit talo ako sa aking nais. Gusto kong makabawi ng suntok kay Abet ngunit hindi ko ito magagawa kung hindi ko kita kung sino ang dadapuan ng aking suntok.

"Abet! Huwag!! Abet!! Ay!!!" ang narinig kong biglang sigaw ni Mariah habang abala ako sa aking ginagawa.

Naramdaman ko na lang ang biglang pagbagsak ng mabigat na katawan ng taong umipit sa isa kong paa nang marinig ko ang isang sapok matapos sumigaw si Mariah.

Nawala ako sa paghahanap ng aking salamin nang pilit kong inaninag kung sino ang nasa aking tabi. Gawa ng liwanang na nagmumula sa itaas ng mesa kung saan sila nagbabaraha ay nakilala ko si Abet na nakahandusay gawa ng kulay ng kanyang damit at matingkad na pambaba.

Binalot ako ng matinding takot para kay Abet kahit gusto ko siyang gantihan kanina. Iniisip kong baka siya nasaksak para bumagsak ng ganoon na lang at hindi na nagkamalay bumangon pa.

Habang nakatitig ako sa kanya ay bigla naman akong inakay tumayo ng di ko makilalang lalaki ngunit pamilyar ang hubog ng kanyang katawan nang mapakapit ako sa kanyang baywang at bisig.

"A-anong nangyari?" ang kinakabahan kong tanong sa umakay sa akin ngunit hindi siya sumagot.

"Abet! Gumising ka nga diyan nakakahiya ka! Maglalasing ka na lang gagawa ka pa ng gulo!" ang pangangaral ni Mariah kay Abet habang nakaluhod siyang sinasampal-sampal ito.

"Knock-out lang pala ang gago. Buti nga sa iyo." ang nasabi ko sa aking sarili.

Lumapit ang lalaki sa aking tabi na nakashirt na puti at itim na shorts upang bulungan si Mariah. Puna kong tumango lang si Mariah gawa ng pagtango ng anino. Agad tumayo ng maayos sa likod ko ang lalaki at dinala akong parang bata sa ibabaw ng kanyang mga bisig na parang bata.

"S-saan mo ako dadalin?! Sino ka?! Binuburol pa ang nanay ko!! Mamaya na ang libing niya!!" ang reklamo ko sa kanyang ginawa.

Pansin kong tumalikod siya mula sa kung saan sila Mariah at nagsimulang maglakad palayo.

"S-saan mo ko dadalin?!!!! Ibaba mo nga ako!! Bakit mo ginagawa ito para sa akin?! Ano ba?! Okay lang ako!!" ang utos ko sa kanyang inis na inis na. Marahan ko siyang pinupukpok habang nagsisipang parang batang nagmamaktol upang ibaba na niya ako ngunit balewala lang sa kanya. Unti-untian na akong nahihilo marahil dala ng aking paningin o sa lakas ng suntok sa akin kanina. Mabilis na umaakyat ang sakit sa aking nagsisimula namang mamanhid na pisngi.

Nang medyo makalayo na kami ay madilim na ang paligid para sa aking paningin ay napapalakas na ang mga pukpok ko sa kanya ngunit tinitiis niya lang ito kahit pa namamanstahan na rin ng dugo ang puting shirt niya . Matapos ang ilang sandali ay huminto na lang siya. Dinig kong maraming sasakyan ang dumaraan at bumubusina. Nasa main road na kami ng Putatan. Aninag ko na ang liwanag na nagmumula sa pinaghalong kulay berde, puti, at pula na marka ng 7-eleven.

"Oh my goodness, Jasper! What did they do to you?!!" ang nakakagulat na tinig ni Alice. Pilit kong inaninag kung saan siya naroon ngunit unti-untian nang dumidilim ang aking paligid at lumulubha ang aking pagkahilo.

"Pakikuha yung med kit sa koste! Rodel tulungan mo ko kay Jasper!" ang pakiusap ni Randy na siya pa lang may bitbit sa akin. Agad kong naramdaman ang pagkuha sa akin ni Rodel mula sa mga bisig ni Randy nang maamoy ko ang pabango niyang lagi niyang gamit tuwing nagdedate kami noon. Nawalan na ako ng malay sa mga sumunod na nangyari.

Nagising na lang akong nakahiga sa isang malamig na bakal na pakurba. Nasa ibabaw yata ako nng kotse pero sa kung saang banda ay hindi ako makatiyak. Nagbalik halos lahat ng aking ulirat sa lakas ng amoy ng ipinalanghap sa akin. Agad kong kinapa ang aking nananakit na pisngi habang nanatiling nakapikit ang aking mga matang walang silbi sa mga oras na iyon. Naramdaman ko na lang ang gasa na nakabalot sa aking kamay matapos dumampi ito sa aking balat na gustong haplusin.

"Okay na si Jasper... Thanks babe!.. Salamat Rodel! Okay na siya." ang wika ni Randy na siyang nagpalanghap pala sa aking ng pampagising. Naaninag kong nasa ibabaw ko lang ang kanyang mukhang nakatapat sa akin. Nagsimula naman akong magalit kahit aninag lang ang mukha niya.

"Jasper, we need to talk about a lot of things pero hindi about sa band. Please listen to us." ang sabi ni Randy.

"Narito pa rin sila sa kabila ng lahat. Nahihiya ako. Makikiramay sila at eto naging alagain pa nila ako. Kung hindi dahil sa kanila baka mas napaaga ang pagkawala ng ina ko. Kung di dahil kay Randy baka isa sa amin ni Mariah nakaburol ngayon kung may dalang baril o patalim yung lalaking 'yon. Kailangan ko ba silang iwasan o dapat ko muna silang pakinggan? Jasper, ano ba ang plano mo? Pinalaki ka ng ina mo na hindi nagkikimkim." ang pagtatalo ko sa aking sarili matapos tumagilid sa aking pagkakahiga palayo sa harapan ni Randy.

"Pwede maglamay muna tayo at mag-usap na lang tayo pagkatapos ng libing ni inay bukas? Salamat sa tulong ninyo ha? Lalo na sa iyo, Randy." ang aking wika habang nananatili sa aking lagay.

"Thanks, Jasper! This means a lot..." ang sagot naman ni Randy na parang nabunutan ng tinik.

"Friend, we need to talk din ha? Baka makalimutan ko kaya sinasabihan na kita." ang wika ni Alice sa akin na nagpatawa sa akin.

Umayos na ako at bumaba sa kung saan man ako ihiniga ngunit nahirapan akong maglakad sa kadahilanang wala nga akong makita.

"Guys, pwede magrequest pa isa? Sorry ha? Wala kasi akong eyeglasses. Pwede paalalay pauwi?" ang nahihiya kong pakiusap sa kanila. Tinawanan nila akong bigla at mismong si Rodel na ang tumabi sa akin.

"Can I, carry you like I used to?" ang pabulong na paalam niya sa akin na nagpatayo ng lahat ng balahibo sa aking batok.

"Wag ngang ganyan. Parang wala naman si Nestor dito eh." ang sagot ko naman sa kanyang pabulong din.

"Wala nga. Pero mamaya na namin sa iyo ipapaliwanag ni Randy kung gusto mo na talaga malaman kung bakit." ang sagot sa akin ni Rodel na may bakas na galit. Agad niya akong kinarga at hindi na ako nakapagsalita pa sa pagkabigla at pagtataka.

Nang makarating kami sa burol ay kaunti na lang ang tao dahil halos nangalahati na ang mga taong aking naaaninag.

"Nasaan si Mariah?" ang tanong ko sa aking mga kasama sa pagdating.

"Wala siya dito." ang agad na sagot ni Randy.

Lumapit sa amin ang isang baklang naiwan na kabarkada ni Mariah na nakaupo sa mesa kung saan sila naglalaro kanina.

"Jasper, alis daw muna si Mariah. Samahan daw muna niya fafa niya. Mukhang umuwi yata pero babalik daw siya bukas bago ang libing." ang sabi ng katropa ni Mariah habang pilit kong kinikilala ang mukha niya.

"Salamat ha? Sige lang laro lang kayo diyan. Kuha lang kayo ng biskwit o kape sa loob kung gusto niyo ha? " ang sagot ko sa kanya sabay lapit namin ni Rodel sa isang mesang wala nang nakaupo. Ibinaba niya ako sa isang upuan at ako ay kanyang tinabihan habang si Randy at Alice naman ay tumungo sa loob ng aming bahay upang tignan ang labi ng aking inang nakaratay.

"Rodel... pwede... ngayon na natin pag-usapan ang tungkol sa sasabihin mo kanina?" ang pakiusap ko sa kanya.

Narinig kong nagtunungan ang kanyang kamaong marahil ay bimilog ng mahigpit sa galit.

"B-bakit, Rodel?" ang agad kong tanong sa kanya.

"Randy! Iwan mo muna diyan si Alice. Usap muna tayo ni Jasper." ang panawagan niya sa loob ng bahay.

Nagmamadaling lumabas si Randy at tumabi na rin sa aking kabilang gilid.

"Ano ba yun bakit kayong dalawa lang dapat ang nandito at hindi kasama si Alice?" ang naguguluhan kong setup nila ng pakikipag-usap sa akin. Hindi ako makatingin sa kanilang dalawa kaya't parang bulag na lang akong tumitig sa aking harapan na nakinig sa kanila.

"The day I found out about you being gay and about you and Rodel, kinausap ko agad siya tungkol sa paratang mo sa akin. Hindi ako ang gumahasa sa iyo, Jasper. I need Valium to make me sleep lang minsan but I was aware na nalasing ako dahil sa may halong Valium yung iniinom natin nung gabing iyon." ang panimula ni Randy.

"Matagal na rin akong naguguluhan sa bigla mong pagbabago noong kala ko ay ayos na tayong dalawa. Buti na lang nag-usap kami ni Randy. Nagdeduct kami sa mga events that night. Bago kami mag-akyat ng drinks sa room noon, Nestor came. Siya na lang yung hindi natumba sa atin at siya mismo yung nagdala sa akin sa kama dahil nagising ako katabi ko na siya. Nitong huli lang after the school year ends, galing kami sa resort. When we got home sa apartment ilalabas ko na sana yung stuff niya para ayusin for him habang nasa shower siya nakitaan ko siya ng Valium sa bag niya. Lumabas siya ng shower ibinato ko sa kanya yung gamot asking him kung bakit siya may ganoon. He tried to deny it but I asked him to leave. Wala na kami after that." ang pagpapatotoong kuwento naman ni Rodel sa sinabi ni Randy.

Kinilabutan ako sa aking mga narinig. Hiyang-hiya akong pinaratangan silang dalawa na gumahasa sa akin. Mas may tibay ang mga patunay nila kaysa sa aking halos gulay na't walang kaalam-alam sa mga nagaganap sa akin.

"B-bakit niya ako gagahasain? Ano naman ang makukuha niya kung gagawin niya iyon? Akala ko dedicated bottom ang boyfriend mo, Rodel." ang sagot ko naman at nagpatuloy sa pag-iisip.

Hindi sumasagot si Randy marahil hindi siya makarelate dahil sa hindi nga siya bukas sa ganitong bagay.

"Hindi na mahalaga ang lahat. Ang importante lang ngayon, alam mo na kung sino ang gumawa sa iyo ng bagay na iyon." ang biglang sinabi ni Randy matapos ang ilang sandaling katahimikan sa aming tatlo.

"Oo nga, isa pa hindi na para sa iyo iyon upang marinig." ang pag-sang-ayon ko sa kanyang inaalala ang pagkamuhi niya sa mga bakla.

"Rodel, pwede mo ba kami iwan ni Randy?" ang pakiusap ko sa kanya habang kinakapkap abutin ang kanyang kamay upang pisilin.

"Sige, bisitahin ko muna si tita. Pero, Jasper, sa makalawa baka hindi na rin tayo magkita. Pupunta na ako sa US para mag-aral." ang sagot ni Rodel sabay haplos niya sa aking likuran habang bumabagong sa kanyang upuan. Isang pasunggab na halik sa aking labi ang kanyang iniwan ngunit parang balewala lang iyon sa akin. Marahil, wala na akong nararamdaman para sa kanya o namanhid lang ang aking damdamin sa aming pinagdaanan.

"R-randy, sana maniwala ka na hindi kita ginagapang. Nagising lang akong nakaganon na ang kamay ko sa ibabaw ng ano mo. Masyado kasing masarap mahiga sa kama mo. Mas malambot pa sa kama nila Rodel. Foam lang gamit nila sa mga kama nila. Aalisin ko na sana kamay ko pero nagising ka na. Mamatay man ako peksman hindi ko talaga gagawin sa iyo yun, Randy." ang nahihiya kong paliwanag sa kanya.

Hindi siya sumasagot at hindi ko maaninag kung ano ang ipinipinta ng kanyang mukha sa mga oras na iyon.

"Sorry din kung pinaratangan kita ha? Nahihiya ako sa iyo. Ang dami mo nang naitulong para sa akin." ang paumanhin kong dinagdag sa aking mga sinabi.

"Secret lang natin ito ha? Randy ka ng Randy diyan. Na-miss kita." ang makulit na sagot niya sa akin at naaninag ko ang kanyang abot tengang ngiti.

Naramdaman ko na lang na bigla niyang hinawakan ang aking baba at sinubsob ang kanyang mga labi sa aking bibig. Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang ginawa at bago pa ako umalis sa kanyang maalab na halik ay marahang pinigilan niya ako sa aking batok ng kanyang kamay.