Chereads / Salamin [BL] / Chapter 19 - Salamin - Chapter 19

Chapter 19 - Salamin - Chapter 19

"Hindi napansin ni Nestor yung mga damit ko doon?" ang tanong ko sa kanya. Alam kong maprinsipyo siyang tao kaya't gusto kong marinig ang sasabihin niya.

"Ibinalik ko kahapon lahat ng damit mo doon. Ibinalik ko na kay Nestor kahapon bago kami pumunta sa inyo. Gusto ko talagang doon ka matutulog ngayon." ang nagmamalaking sagot naman niya.

"Ano yun? Bakit pa? Wala na si Nestor kaya ako naman gusto niya ilagay sa eksena ng buhay niya na parang aparador lang din?" ang sabi ko sa aking sarili.

Kumunot ang aking noo nang mainis matapos marinig ang sinabi ni Rodel. Hindi ko mapigilan ang aking sariling hindi maniwala sa kanyang mga sinabi. Parang kahapon lang ang araw na iniwan niya akong luhaan. Nanariwa ang hapdi ng malakas na sampal na noon ko lang nadama na gawa ng kanyang mga palad na puro haplos lang ng pagmamahal ang ginawa.

"Rodel, nakikiusap ako sa iyo. Hindi na natin dapat pag-usapan ang tungkol sa ating natapos na. Sawa na ako, Rodel. Ayokong maging sirang plaka ang dating atin. Tama na, please? Payag na ako sa gusto mo pero bilang magkaibigan na lang." ang nanhihina kong sinabi sa kanya gawa ng pagod at puyat. Ngunit alam ko kung gaano ka kulit si Rodel kaya't inaasahan ko na ang mga susunod niyang gagawin.

Agad niya akong binuhat na parang bata at isinakay sa loob ng kanyang sasakyan. Nanlalambot na ako para manlaban pa at pakiramdam ko ay nanginginig na ang aking mga tuhod sa panghihina.

Habang nakaupo na ako sa loob ay nagmamadali din siyang sumakay at agad na pinatakbo ang kanyang sasakyan. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata upang makaidlip sandali gawa ng ang mga mata ko ay sobrang bigat na na tinukso pa ng lamig ng aircon ng kotse. Hindi ko naman magawang makatulog sapagkat dama ko ang galaw ng kanyang minamanehong patigil-tigil na nang marating namin ang haba ng kalsadang papunang Metropolis na sa mga oras na iyon ay medyo mabagal na ang takbo ng trapiko.

"Rodel, buti naman hindi mo kinalimutan yung sinabi ko sa iyo." ang wika ko sa kanya habang nanatiling pinipilit ang sariling umidlip.

"Siyempre naman! Pero, paano mo naman nalaman na maingat na ako magmaneho?" ang natatawang tanong niya na may paglalambing.

"Dama ko yung pagabante at pagpreno ng kotse mo kahit nakapikit ako. Hindi gaya ng dati kulang na lang humampas ako sa salamin sa harap ng kotse sa biglaang pagtigil mo." ang natatawa ko namang sagot sa kanya.

Agad niyang ipinatong ang kanyang kamay sa aking hita habang ako'y nakatagilid paharap sa kanyang nakapatong ang aking mga paa sa upuan na tulad ng dati kong puwesto.

"Naaalala mo pala ang lahat. Namimiss mo pa rin ba ako?" ang marka niya sabay pisil sa aking hita.

"Tropa na lang tayo ngayon, Rodel." ang sagot ko naman sa kanyang may tonong wala nang interest na ipagpatuloy ang aming usapan. Inalis na niya ang kanyang kamay matapos marinig ang aking nasabi.

Nakarating kami sa apartment at inalalayan niya akong umakyat sa silid.

"Jasper, gusto mo muna maligo o maghilamos?" ang tanong niya.

"Huwag na. Gusto ko lang humiga na." pakiusap ko sa kanya at inalalayan niya ako agad hanggang sa ako'y makahiga sa kama.

"Sandali lang, Jasper ha? Maghihilamos lang ako." ang paalam niya't dinig ko na lang na naglakad siya papalayo.

Sa mga oras na iyon ay halos mawala na ako sa aking ulirat nang bigla siyang umupo sa kama sa aking tabi at narinig kong pumipiga siya ng isang basang hand towel. Mahihinang pagpatak ng tubig mula rito ay nagmala tambol na tumulo sa tubig na nasa isang palanggana.

"Punasan na lang kita, Jasper." ang mahina niyang sinabi sa akin nang mapansin niyang lilingunin ko na siya habang ako'y nakatagilid na nakahigang patalikod sa kanya.

"Huwag na. Matulog ka na lang din Rodel." ang pakiusap ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinakinggan. Inalalayan niya akong alisin ang aking shirt at suot na shorts ngunit pinigilan ko siya sa pagbaba ng aking salawal.

"Ano ba, Rodel? Huwag na." ang pagtanggi ko sa kanya.

"Ito naman, may itatago ka pa ba sa akin? Huwag ka na mahiya." ang natatawa't malambing niyang sagot sa akin. Hindi na ako pumalag pa at hinayaan na lang siyang pagsilbihan ako.

"Jasper, naalala mo yung nilalagnat ka? Di ba ganito tayo noon?" ang tanong niyang pilit sa aking ipinaalala ang nakaraang nasa ganoon kaming lagay habang ako ay inaapoy ng lagnat.

"Hindi ko na maalala yun. Basta isa lang masasabi ko, bawal na tayo magtalik. Kung gusto mo ihiga mo na lang ako sa sofa sa gilid o kaya sa sahig basta hindi na pwede kung yan ang iniisip mo." ang malamig kong wika sa kanya. Hindi naman siya nakasagot sa akin at pinunasan na lang ang aking likod habang ako'y nakaupo pa sa ibabaw ng kama.

Natapos niya akong punasan ay agad na akong humiga kahit walang suot na saplot. Lubhang di ko na kayang pigilan ang aking matinding antok.

Agad namang bumalik si Rodel sa aking tabi at nagmamadaling humigang pahilata. Unan niya ang kanyang mga braso habang nakatingala sa kisame upang magpaantok.

"Jasper, ilang araw na lang aalis na ako. Pwede ba kitang mayakap? Pwede ba tayo matulog tulad ng dati?" ang pakiusap niya sa akin nagbabakasakaling gising pa ako.

Hindi ako makasagot sa kanyang alok sapagkat sa kaibuturan ng aking damdamin ay gusto kong madamang muli ang matulog sa kanyang tabi. Inangat niya ang aking ulo upang ipaunan sa akin ang kanyang kanang braso at ang kaliwa niyang kamay ay marahang bumalot sa aking baywang. Nalaman kong walang saplot si Rodel nang magdikit ang aking likod at ang kanyang dibdib habang unti-untian niyang hinihigpitan ang kanyang yakap sa akin. Sa ganoong lagay ay nabuhay ang aking nahimbing na pagmamahal para kay Rodel. Inabot ng aking kaliwang kamay ang kanyang kaliwang braso upang lalong ibalot sa akin. Ligaya ang unti-untiang umuusbong sa aking dibdib sa mga sandaling iyon at hindi ko rin napigilan ang pagtulo ng aking luha na puno ng kasayahan. Nakuha ni Rodel ang aking ibig sabihin. Alam niyang mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat ngunit pilit ko lang itong itinatanggi.

"Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko. Kilala na kita. Mahal pa rin kita at lubos akong nagsisisi sa lahat ng nagawa ko sa iyo. Sana, pagbigyan mo ako sa pagkakataong ito." ang bulong niya sa akin. Hindi ako makasagot, naguguluhan na ako. Nagtatalo ang aking isip at damdamin kaya't hinigpitan ko na lang lalo ang kanyang yakap sa akin.

"Para saan pa, Rodel? Aalis ka na rin naman? Ano pang magagawa kung ibabalik natin ang atin? Lalo mo lang akong sasaktan sa pag-alis mo. Isa pa, takot na ako sa iyo na baka saktan mo lang ulit ako." ang sagot ko sa kanya habang humihikbi. Hinalikan na lang niya ang aking batok at nanatiling nakadikit ang kanyang mukha sa aking likod upang maramdaman ko ang kanyang hininga tulad ng kanyang laging ginagawa tuwing kami ay magkatabi na siya namang nagpapatulog sa akin.

"Babalikan kita dito sa Pilipinas kung walang pasok sa school. Gusto kong makipagbalikan ka sa akin. Yan lang ang hiling ko sa iyo, Jasper. Sana magtiwala ka sa akin." ang bulong niyang nagmamakaawa. Hindi ko mapigilan ang aking sariling pagbigyan siya sa kanyang hiling dahil alam ko'y may katumbas din itong kaligayahan para sa akin.

"Para paasahin mo ako, Rodel? Hindi ka na ba naawa sa akin?" ang tanong ko sa kanya habang umiiyak. Umayos siya sa kanyang higa upang pagmasdan ang gilid ng aking mukha at hinahaplos ang aking buhok habang ako'y kanyang inaawitan.

Rodel: I thought sometime alone

was what we really needed

you said this time would hurt more than it helps

but I couldn't see that

I thought it was the end

of a beautiful story

and so I left the one I loved at home to be alone

and I tried to find

out if this one thing is true

that I'm nothing without you

I know better now

and I've had a change of heart

"Rodel, please. Huwag. Parang awa mo na. Tama na!" ang pakiusap ko sa kanya habang lumalakas ang pagnanasang makipagbalikan sa kanya subalit ako'y naguguluhan. Kumapit ako ng mahigpit sa kanyang mga bisig tila gusto ko na siyang yakapin.

Rodel: I'd rather have bad times with you, than good times with someone else

I'd rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself

I'd rather have hard times together, than to have it easy apart

I'd rather have the one who holds my heart

Lumuluhang tumitig sa akin si Rodel na nagmamakaawa. Dama ko ang pagpatak ng kanyang mga luha sa aking pisngi. Inabot ko ng isang kamay ang kanyang mukha at nakapa ang basa niyang pisngi. Alam ko sa aking damdamin na totoo ang ibig iparating sa akin ni Rodel. Sa pagkakataong ito ay seryoso siyang makipagbalikan sa akin.

Rodel: And then I met Nestor

and thought he could replace you

we got a long just fine

we wasted time because he was not you

we had a lot of fun

though we knew we were faking

love was not impressed with our connection built on lies, all lies

so I'm here cause I found this one thing is true

that I'm nothing without you

I know better now

and I've had a change of heart

"Totoo ba talaga ang ibig mong sabihin, Rodel?! Sagutin mo ko!!! Sabihin mong ako lang ang minahal mo!! Sabihin mong hindi ka naging masaya sa kanya!!!" ang sigaw ko sa kanya sabay bangon sa higaan upang umupong nakaharap sa kanya. Magkadikit ang aming mga noo at kapit ko ang magkabila niyang pisngi.

"Oo, Jasper!!! Matagal akong nag-isip tungkol dito. Naguluhan lang ako noon pero ikaw lang ang sinisigaw ng puso ko!!! Tawag lang ng laman ang lahat para kay Nestor!!! Hindi ako naging masaya sa piling niya!!! Hindi ko minahal si Nestor!!! Sorry talaga, Jasper!!! Hindi ko alam kung papano ko ipapaalam sa iyo na nagsisisi ako at nagmamakaawa akong makipagbalikan ka sa akin!!! MAHAL NA MAHAL KITA JASPER!!!! NAGSUSUMAMO AKONG MAGING AKIN KANG MULI!!!" ang nagmamakaawa niyang sinisigaw habang pinipisil ang aking mga kamay na nanatilig nakahawak sa kanyang mukha. Puno ng pagmamakaawa at lungkot ang buong mukha ni Rodel sa mga oras na iyon. Hindi siya makatingin ng tuwid sa akin marahil sa matinding pagsisisi at hiya. Nagpatuloy naman siya sa kanyang pag-awit na parang alay niya sa akin ang kanyang awitin.

Rodel: I can't blame you if you turn away from me, like I've done you,

I can only prove the things I say with time,

please be mine!!!!!

Agad lumuhod si Rodel sa ibabaw ng kama paharap sa akin habang hawak ang aking mga kamay.

"PLEASE BE MINE!!!! JASPER!!! I LOVE YOU MORE THAN ANYTHING OR ANYONE IN THIS WORLD!!! PLEASE, BABY!!! RODEL MADE A BUBU!!! I AM VERY VERY VERY SORRY!!!" ang pagmamakaawang sigaw niya sa abot ng kanyang makakaya habang nakatingala sa kisame at nakapikit. Napuno ng kaligayahan ang aking damdamin sa kanyang ginawa kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha.

"Babalik ka para sa akin? Kailan? Magastos yata ang gagawin mong iyon? Pano kung pareho tayong walang pera? Paano tayo magkikita? Gaano tayo tatagal sa ganoong setup? Kakayanin ba natin ang pagsubok na iyon?" ang sagot ko sa kanya habang naghahalo ang saya at pangamba sa aking damdamin.

"Gusto lang ng magulang ko na mag-aral ako sa US para na rin sa nilalakad nilang citizenship ko doon. Hindi ko maunawaan pa ang lahat kaya't sumusunod na lang ako sa gusto ng mga magulang ko. Please trust me, Jasper. I'll do anything and everything for us... for you." ang pagpapalagay niya sa akin.

"Sasagutin kita sa pagbalik mo sa Pilipinas. Kapag nagkita na tayong muli. Sa ngayon, masaya na ako pero gusto kong makasigurado. Sana maunawaan mo, Rodel. Ako ang nasaktan sa relasyon natin. Pinatawad na kita pero hindi mo maaalis sa akin ang matakot. Madaling sabihin na pagtiwalaan kita pero alam mong mahirap ibalik iyon. Kung mahal mo talaga ako, Rodel, patunayan mo ngayon." ang sagot ko sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit at binigatan niya ang kanyang katawan upang pareho kaming mapahiga sa kama.

"I will, baby." ang sagot niya sa akin habang malapit ang mukha niya sa akin. Abot tenga ang kanyang ngiti bagaman hindi ko ito maaninag man lang.

Sa matagal na panahon ay muling naglapat ang aming mga labi upang magpalitan ng maiinit at mapupusok na halik punong-puno ng pagmamahal. Unti-untian nang ipinatong ni Rodel ang kanyang katawan sa akin sabay nito ang kanyang pagbigat at pagdiin ng kanyang nagsisimulang magalit na alaga tulad ng akin. Nang mapansin kong sagad na ang katigasan ng kanyang alagang nakikiskis sa aking hita ay hindi ko napigilang matigil sa pakikipaghalikan sa kanya at matawa.

"Ano yun? Bakit ka natatawa?" ang natatawa rin na tanong ng pilyong si Rodel.

"Ano pa ba?! Hindi ka na nagbago, mahilig ka pa rin! Saan nanaman mauuwi ito? Sabi ko hindi magaganap ito eh. Saka na pag sinagot na ulit kita." ang pakipot kong sagot sa kanya. Agad siyang umalis sa aking ibabaw at ako'y agad ding tumagilid ng higa patalikod sa kanya. Humiga siyang tagilid sa aking tabi nang nakaharap sa aking likuran.

Dumampi ang kanyang basang daliri bigla sa aking butas at nilaro ito habang patuloy na binabasa ng petroleum gelly na nasa ibabaw lagi ng lagayan sa itaas lang ng kama. Hindi ko napigilang umungol sa tindi ng sarap na matagal ko nang hindi naramdaman. Matagal ko nang hindi naranasan ang paglalaro ng apoy kasama ang tunay na minamahal. Halos makalimutan ko na ang pakiramdam ng pakikipagpalit ng pagbibigay ng ligaya sa taong mahal ko.

"Mukhang virgin na uli ang misis ko ah." ang pabiro at malambing na sinabi ni Rodel sa akin.

"Tarantado ka. Kung di ako nagahasa ng ex mong adik mas virgin pa ako kesa ngayon. Tigilan mo na nga iyan! Umasa ka!" ang pabiro ko rin sinagot sa kanya na kanyang tinawanan ngunit hindi naman siya natigil sa kanyang ginagawa. Tinabig ko ang kanyang kamay at humarap na lang sa kanyang nakahiga.

Hindi siya natigilan at nagpalit ng pagkakaayos sa kanyang paghiga taliwas sa akin. Nagulat ako ng bigla niyang isubo ang aking alaga na nagpaulos na man sa aking balakang paabante sa sobrang sarap.

"T-tama n-na Rodel! Kung pakiusap ko lang na ito hindi mo magawa papano pa ako aasa sa pagbabalik mo? Papaano pa ako aasa sa relasyon natin?" ang pakiusap ko habang hinihila palayo ang kanyang ulo upang iluwa ang sa akin.

"Galit kasi si baby eh." ang malambing niyang sagot sa akin matapos iluwa ang aking alaga. Umayos na siya ng hiya at nagbalik kami sa aming pusisyong nauna na nakayakap siya sa akin habang ako'y nakatalikod sa kanya.

"I love you, Jasper." ang bulong niyang puno ng ibigsabihin at pagmamahal.

"I love you too, Rodel." ang sagot ko naman sabay pisil ng marahan sa kanyang braso.

"I love you more, my Jasper." ang pahabol naman niya sabay yakap lalo ng mas mahigpit.

Nakatulog kami sa ganoong lagay kahit parehong nabitin sa nag-iinit naming mga katawang nagsusumigaw nang makaraos at makaranas ng kaligayahan. Ala-una na ng tanghali anng kaming dalawa ay magising at tila panaginip lang ang lahat ng mapapait na kahapon na lumipas sa akin sa pagmamahalan namin ni Rodel. Kahit wala na si ina ay may kaunting kaligayahan na akong muli sa piling ni Rodel. Kahit alam kong sa ilang araw lang ay hindi na kami magkikita.

Maayos akong nakapagbihis at nakapagsapatos na rin sa tulong ni Rodel. Bilang paunang regalo niya sa akin ay dumaan muna kami sa isang pagawaan ng salamin sa Festival Mall bago kami umuwi ng bahay pabalik sa burol ng aking ina.

"Jasper! Ang gwapo mo! Mukha kang anak mayaman nanaman!! May new eyeglasses ka pa ha! At may mga kislap yang mga mata mo ha! Anong meron?!" ang maarteng pabati sa amin ni Mariah nang kami'y makabalik ni Rodel sa burol. Nagtinginan kami ni Rodel at natawang humarap muli sa kanya.

"Nako, ito yung mga gamit ko na naiwan kina Rodel. Yung salamin naman, regalo din ni Rodel." ang sagot ko sa kanya.

"Kayo na ulit?!!" ang gulat niyang tanong habang nanlalaki ang kanyang mga matang tumitingin sa amin ni Rodel.

"Hindi no!" ang pagtanggi ko sa kanya na tila hindi naman bumenta kay Mariah. Napuna kong bigla ang mga pasa sa kanyang katawan at ilang sugat sa kanyang braso.

"Ano yan?! Ano ginawa sa iyo ni Abet?!" ang mga tanong kong seryoso sa kanya.

"Ah... wala... dala lang ito nung inalalayan ko siya pauwi. Ayun, nadiligan naman ako kagabi at natural na akong nagpapasa kasi nga maselan ang balat ko kahit hindi ako maputi." ang palusot naman niyang sagot sa akin. Batid kong hindi rin nakuntento si Rodel sa narinig niyang sagot ni Mariah.

"Ay, maiba ako. Dumaan dito si Randy kanina tinatanong oras ng libing at hinahanap ka. Hindi ka daw niya makontak sa phone mo. Sabi ko doon ka matutulog kila Rodel." ang kwento naman niya.

"Baka nawalan ng signal, mahina kasi signal sa kwarto ni Rodel." ang sagot ko naman sa kanya sabay tingin sa aking telepono.

"Kasama niya si Alice?" ang agad kong tanong kay Mariah.

"Siya lang mag-isa pumunta dito. Chuchupain ko na nga sana eh. Sarap! Pero agad siyang umuwi." ang sagot niya sa akin.

Agad kong kinuha ang aking telepono at sinubukang tawagan si Randy pero hindi niya ito sinasagot. Matapos ang ilang pagsubok ay nacancel ito at di nagtagal ay unattended or out of coverage area na. Pinadalan ko na lang siya ng mensahe ng oras ng libing ni ina ngunit sa di ko inaasahan at agad naman siyang sumagot ng "OK". Sinubukan ko siyang tawagan muli ngunit hindi naman siya sumasagot. Matapos ang ialng ulit na pagsubok na siya'y makausap ay tumigil na akong nagsawa.

"Nga pala, Jasper. May ipinabibigay sa akin si Randy kanina para sa iyo pero nagbago isip niya tapos kinuha niya ulit." ang wika ni Mariah matapos kong ibalik sa aking bulsa ang aking telepono.