"H-hello?!!" ang pilit kong ipinadinig na sagot sa taong tumatawag sa akin nang sumabay ang malakas na tugtugin ng bandang Up Dharma Down. Si Rodel sa mga oras na iyon ay tinawag ang waiter na nagdala ng isang bucket na bote ng beer sa kaharap lang namin na mesa.
"Loka ka! Ikaw ha! Mula kanina pa ako nag-iisip talaga. Noon pa lang duda na ako sa inyo eh. Kanina talagang malakas na kutob ko eh." ang nag-iinarteng bungad sa akin ni Alice sa kabilang linya habang pilit ko siyang pinakikinggan.
Lumapit na ang waiter kay Rodel at nagsimula na siyang magbigay ng aming order nang hindi tinatanong ang sa akin. Marahil ay sa kabisado na niya ako sa mga pipiliin ko gawa nang alam na niya kung saan ang aking panlasa.
"H-ha?!? H-hindi kita maintindihan. Ano ibig mong sabihin?" ang patay malisya kong tanong sa kanya habang kinutuban na akong napansin na niya siguro ang gawi namin ni Rodel kanina sa libing ng aking ina.
"Friend! Ang daya mo! You tend to keep a lot of secrets from me! Tatanggapin naman kita kahit ano ka pa!" ang agad na sagot niya pilit na gustong marinig ang iisang bagay mula sa aking bibig.
"Anong lihim? Anong tinatago ko sa iyo?" ang pilit ko pa ring tanong sa kanya ngunit sa mga oras na iyon ay kinakabahan ako dala ng takot na malaman ni Alice ang aking pagkatao at nagsisisi ng lubos dahil sa hindi kami nag-ingat ni Rodel.
"Bakla ka ba? Amamin ka." ang seryoso niyang tanong sa akin. Tila nanuyo ang aking lalamunan matapos marinig ang kanyang sinabi. Pilit kong nilagok ang laway na mayroon sa loob ng aking bibig sa mga oras na iyon na halos tuyo na rin.
"Jasper, kaibigan kita. Ano ba talaga?" ang pangungulit pa niya.
"Sino may sabi sa iyo?" ang nanginginig kong tanong sa kanya.
"Hello?!? Obvious ba kanina habang naglalakad kayo sa harapan namin ni Randy nakabalot sa balakang mo yung braso niya na para kang babae tapos para kang di papakawalan. Ang lagkit kaya ng mga tinginan niyo pati habang umiiyak ka nung binababa mommy mo sa hukay." ang wika niya. Gusto kong ibaba ang kanyang tawag ngunit di ko magawa. Parang maihuhulog ko ang aking telepono sa aking pagkakahawak. Natulala ako sa ibabaw ng aming mesa at tila nawala ang lahat ng dugo sa aking mukha.
"Bakit di ka kasi nag-iingat?! Bakit sa harap pa nila kanina?!" ang paninisi ko sa aking sarili.
"Bee? Okay ka lang?" ang nag-aalalang tanong sa akin ni Rodel habang hinahaplos ang aking likod. Kunot ang noo niya habang ako ay kanyang pinagmamasdan.
"Alice, patawad. Hindi mo naman tinanong dati. Secret lang natin sa school ha? Oo, ganito ako. Sana hindi magbago ang pagtingin mo sa akin. At si Rodel... naging kami dati b-bago n-naging sila ni..." ang walang takas kong inamin sa aking mabuting kaibigang humihingi ng kasagutan.
"Oh... My... Gawwwwwd!!!!! I'm so happy right now, friend!!!! That is so great!!! Don't worry hindi magbabago tingin ko sa iyo dahil napakabuti mong tao. In fact, I'm so excited sa mga possibilities natin as friends!!! Girl friends!!! So, kayo na ulit ni Rodel?!!!!" ang masaya't maligalig niyang sagot sa kabilang linya na tinapos ng isang malakas na tili. Ngumiti ako sa ginhawang naramdaman ko at agad akong napatingin kay Rodel na may abot tengang ngiti. Nabalot naman ng pagtataka si Rodel bagaman wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari.
"Hindi eh. Pero balang-araw, baka. Di natin masasabi." ang nahihiya kong sagot sa kanya matapos ang isang saglit na pinagmasdan ko ang mukha ni Rodel.
"Ha?!?! Ang gulo mo. Teka, saan ka ba ngayon parang ang ingay naman diyan?!" ang agad na tanong niya nang mapalakas ang tugtog ng drummer ng Up Dharma.
"Nasa Antakya kami ni Rodel ngayon." ang pilit kong pinarinig kay Alice.
"Sino ba yan, Bee?" ang tanong ni Rodel na umagaw sa aking atensiyon at si Alice naman ay nagtititili na sa kabilang linya.
"Si Alice, alam na niya lahat sa atin. Okay na okay lang sa kanya at eto kanina pa tili ng tili." ang nakangiti kong sagot kay Rodel. Agad niya akong niyakap ng mahigpit sa tuwa.
"I love you, Jasper." ang binulong niya sa aking kabilang tenga at ang mainit niyang hininga nama'y dumamping nagdulot ng malakas na kiliti.
"O... M... G... Nagdedate kayo! Kinikilig ako! Wait niyo kami diyan ni Randy ha?! Gusto ko pumunta! Double date tayo!" ang mabilis na sinabi ni Alice na puno ng pamimilit.
"Alice, wag na. Hindi naman kami magtatagal. May pasiyam pa si nanay mamaya kina Mariah. Kung gusto niyo dun tayo magdouble date." ang natatawa kong pagtanggi sa kanya. Tumawa rin si Rodel na nakayakap pa rin sa akin sa mga oras na iyon.
"Daya mo naman, friend. Sige na kill joy ka na. Enjoy the night ha? Keep me posted. Good night and safe sex!" ang paalam ni Alice na may halong biro.
"Wala noon ngayong gabi baka multuhin kami ni nanay. Bye!" ang natatawa kong sagot sabay baba ng kanyang tawag.
"Hay... Rodel! Bakit ka pa kasi aalis! Maganda naman ang education dito kahit papano!" ang baling ko naman kay Rodel habang umaapaw ang kilig sa aking damdamin. Kumalas siya sa kanyang yakap sa akin at tinitigan ako sa aking mga mata. Inalis niya ang aking salamin at pinagmasdan ang mga ito sa tulong ng kakaunting liwanag na kumukutitap saliw sa tugtog ng banda.
"Hindi ko decision ito mahal ko. Pero eto lang ang mga masisigurado ko sa iyo, ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko habang buhay. Balang araw, uuwi rin ako dito para sa iyo. Malay mo? Balang araw dalin na rin kita sa Amerika. Sana kayanin mo lang ang magtiis para sa pagmamahalan natin."
ang malalim na mga sinabi niya sa akin pili ang mga bawat salitang kanyang sinabi.
"Ano ba yan, Bee. Bata pa tayo huwag ka nga magsalita ng ganyan! Isa pa, patunayan mo muna sarili mo. Long distance relationship? Ako hindi ko kakayanin iyon kaya hindi pa kita sinasagot. Isa pa, tulad ng isang salamin, nagkalamat na ang tiwala ko sa iyo at hindi mo na mababago iyon. Paano tayo? Paano kung ngayong gabi sagutin na ulit kita? Paano?" ang hamon ko sa kanya.
Niyakap lang niya ako ng mahigpit at bumulong sa aking tainga.
"Lahat ng mga ito ay salita lamang. Sana, ang puso ko ang paniwalaan mo. Sana, ang puso ko ang pinakikinggan mong kumakausap ngayon sa iyo. Mahal na mahal kita, Jasper. Hindi distansiya ang pipigil o magpapahina ng pagmamahal ko sa iyo. Nagkamali akong minsan at ngayon alam ko na kung saan ako dapat." ang pagpapalagay niya sa akin at ibinalik sa akin ang suot kong salamin.
Lumipas ang sandali at dumating agad ang order ni Rodel para sa amin. Masaya naming ninamnam ang pagkain at sandaling magkasama kaming muli na tulad lang ng dati. Kahit magulo ang paligid at puno ng ingay at may eksenang nagaganap sa aming harapan ay di namin alintana. Hindi namin matanggal ang titigan sa bawat isa at paminsanang palitan ng matatamis na ngiting kami lang dalawa ang nagkakaintindihan.
Sa saliw ng tugtog na "Tadhana" ay lumuhod ang lalaki sa harapan ng binatang nakaupo sa aming harapan. Puno ng luha ang kanyang mga pisnging nangingintab tuwing tinatamaan ng kumukutitap na mga ilaw. Agad itong napuna ni Rodel at ako'y kanyang kinalabit upang mapatingin. Naabutan ko na naglabas ng singsing ang binatilyong nakaluhod at inalay ito sa kanyang kasinatahan.
Seryoso silang nag-uusap habang ang dalawa nilang kasama'y tahimik lang na nanonood sa kanila. Nainggit ako sa aking nakikita. Sa unang pagkakataon, nagnais akong balang araw ay luluhod rin sa akin harapan si Rodel. Balang araw ay bibigyan niya rin ako ng singsing. Tanda ng kanyang habambuhay na pagmamahal sa akin kahit malayong mangyari na kami ay ikasal.
Kahit hindi namin marinig ang kanilang usapan, batid naming sinagot ng umiiyak na binata ang lalaking nasaharapan niya nakaluhod. Agad silang naghalikan at nakita namin ang isang tunay na nagmamahalang magkapareha. Lalong umigting ang tindi ng aking pagkainggit sa kanila. Si Rodel naman sa isang banda ay nalungkot sa kanyang nakikita, marahil ay naiinggit din siya. Kinalabit ko na lang siya at pinakitaan ng isang matamis na ngiti.
Sa mga oras na iyon ay umakyat na ang bandang Calla Lily at ilang sandali lang ang lumipas ay sinimulan na nilang tumugtog na nagbigay kilabot sa akin.
Ngayon ko lang nakita ang matinding lungkot sa mukha ni Rodel. Nauunawaan ko ang kanyang damdamin at ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon. Gusto na niya akong angkining muli ngunit balakid talaga ang malaking pagkakamali niyang nagawa. Gusto ko na siyang sagutin pero may kaunting alinlangan pa rin ako sa aking sarili.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang mga kamay habang nagsisimulang mamuo ang mga luha sa kanyang mga matang nagungusap at humihingi ng kapatawaran.
Lumapit ang kanyang mukha sa akin at dahandahan niyang idinikit ang kanyang mga labi sa aking noo. Hinalik-halikan niya ako pababa hanggang sa aking mga labi at doon ito dumiin at nanatili ng matagal.
"Sorry... Sorry... Sorry..." ang wika niya sabay tulo ng luha sa kanyang kaliwang pisngi. Marahan niyang idinikin ang kanyang noo sa akin at paulit-ulit na sinambit ang nauna niyang sinabi.
"Mahal na mahal pa rin kita Rodel. Naglalaban ang puso at isipan ko. Pilit kong sinasabi sa aking sarili na pagsubok lang ang lahat. Kahit papaano sa sarili ko napatunayan kong ikaw lang ang mahal ko matapos ang lahat at nagawa pa rin kitang mahalin hanggang sa ngayon." ang bulong ko sa aking sarili habang patuloy na pinanonood siyang lumuluha sa kalungkutan ng pagsisisi.
"Ako man, Jasper. Nakinig ako sa tawag ng laman kaya kita nasugatan. Kahit maghilom ang sugat mo alam ko pa ring di mawawala sa puso mo ang markang iniwan ko. Napakalaki kong tanga! Gusto kong saktan ng paulit-ulit ang sarili ko mahigitan lang ang kalupitan ko sa iyo noon. Inabuso ko pagmamahal mo sa akin at ngayon takot na takot akong hindi ka na muling mapapasa akin." ang hagulgol niyang impit habang hinahaplos ng kanyang mga nanginginig na kamay ang aking magkabilang pisngi. Nagtitinginan na ang ibang mga tao sa aming dalawa ngunit hindi namin sila pansin.
Matapos ang ilang saglit kong pagninilay ay pinunasan ko ng aking kamay ang kanyang mga pisnging basa ng luha. Agad niya akong niyakap ng mahigpit at naramdaman ko ang buong puso niyang pasgsusumamo.
"Nandiyan ang pagsubok marahil. Tulad ng mga kwentong aking nababasa. Di rin naman kami magiging kami kung di ko siya sinagot noon. Ganito siguro ang pag-ibig, puno ng saya at lungkot. Kung pipigilan ko ang sarili ko hindi ako muling magiging masaya. Parang sugal pala ang lahat. Baka pagsisihan ko rin bandang huli na hindi ko pinakinggan ang aking puso. Nandiyan naman ang utak ko para sumalo kung masaktan man akong muli. Sige na nga..." ang wika ko sa aking sarili habang parang sasabog na naglulundag ang aking puso't damdamin.
"Rodel... I'm taking a risk again. Because I love you..." ang bulong ko sa kanya habang patuloy siya sa pag-iyak.
"... Please... sana hindi mo ako saktang muli. Dahil mahal kita..." ang dagdag ko pang sinabi sa kanya. Inayos ko siyang umalis sa kanyang yakap sa akin at tinitigan ang kanyang mga namumula nang mga mata.
"... Hay! Mamimiss kita ng sobra! Nakakainis ka!... Pero.. maipapangako mo ba?" ang tanong ko sa kanya.
"Ang alin? Kahit anong kaya ko, Jasper. Para lang sa iyo!" ang nagmamakaawa niyang tugon.
"... Tayo lang? Habang buhay? Walang iwanan? Tulad ng dati?" ang isa-isa kong tinanong sa kanya na agad niyang sinagot din ng mabilis na pagtango ang bawat isa.
"Sige na nga... tayo na ulit Bee! Malakas ka sa akin eh! Promise mo iyan ha?!" ang surpsesa ko sa kanyang masigla at nakita kong halos lumagpas na sa kanyang tenga ang kanyang mga ngiti.
Agad niya akong niyakap ng mahigpit at paulit-ulit na sinabi ang "Thank you!", "I swear", at "I love you!" na parang wala nang bukas.
Nasa ganoong lagay kami ng ilang sandali nang bigla naming mapuna na kami ay nakalimot na marami palang tao sa aming paligid. Nanonood din sa amin ang dalawang magkapareha na nakaupo sa harapang lamesa. Mukhang nasiyahan din sila sa kanilang nakita at nakipagtoast pa ang isa sa kanila sa amin.
Agad lumapit ang isa sa kanilang dalawa.
"Hi! Care to join us? By the way, my name is Rafael." ang imbita ng isa sa kanila ng kanina'y nagpropose. Doon ko lang naaninag ang itsura niya. Siyempre, di ako papatalo kaya't sa aking damdamin ay ipinagmalaki ko si Rodel na hindi naman nalalayo ang antas ng itsura.
"Ummm... Thank you! Huwag na lang. Nakakahiya. Ako nga pala si Jasper at ito naman si Rodel." ang tugon ko. Nakipagkamay siya sa aming dalawa ngunit hindi pa rin siya umalis.
"I insist. My boyfriend just accepted my proposal. Isang mahabang ligawan ang nangyari pero it was all worth it." ang pagmamalaki niya habang tinataas niya ang kanyang kamay na may singsing.
"I'll do that someday." ang preskong sagot naman ni Rodel sa kanya.
"Well you should join us first before you do that." ang pagpupumilit niyang sagot kay Rodel.
"Tara na Bee. Gabi natin ito. Let's make it special." ang baling naman sa akin ni Rodel. Hindi na ako nakahindi sa kanya ngunit binalot naman ako ng matinding hiya sa mga oras na iyon.
Kinuha niya ang isa kong kamay at sabay naming sinundan si Rafael. Nang makatayo ako sa tabi ng binatang kanyang iniirog ay nagtulungan silang dalawa na buhatin at dikit sa kanilang mesa ang amin.
Magkatabi pa rin kami ni Rodel umupo at ganoon din si Rafael sa kanyang nobyo.
"This is my wife, Joseph. This is his cousin, Jeremy. He's Dexter, Jeremy's hubby." ang pakilala ni Rafael sa kanila.
"Nice to meet you." ang nahihiya kong bati sa kanila.
"Same here." ang sagot ni Joseph sa akin habang nakangiti.
"Ilang taon ka na utoy?" ang tanong sa akin ni Jeremy habang siya'y inaakbayan ni Dexter.
"Umm.. Seventeen po." ang nahihiya kong sagot sa kanya.
"Hay... naalala ko tuloy. Di ba kuya? Nakakamiss!" ang buntong hininga naman niya sabay tingin kay Dexter.
"Time travel tayo gusto mo, Jemimi? Kaya lang, back to textmates ulit tayo nila Kevin noon gusto mo?" ang pabiro't malabing niyang sagot. Tumawa si Jeremy ng pahagikgik na parang bata.
"Huwag na lang kuya. Okay na ako ngayon." ang nanlalambing niyang sagot kay Dexter.
"So, gaano na kayo katagal?" ang agad na tanong ni Rodel na naiinggit na rin pala sa kanyang nakikitang mga magsing-irog.
"Sila ni Jeremy, seven. Kami ni Raffy, kanina lang." ang sagot ni Joseph sabay tawa ng malakas.
"Talaga?!" ang sagot kong di makapaniwala. Nagulat ako nang biglang kunin ni Rodel ang aking kamay upang humarap ako sa kanya at bigla na lang niya akong sinunggaban ng kanyang halik. Habang nasa ganoon kaming lagay ay hinawakan niya ang isa kong kamay at hinawakan ang aking palasingsingan sa ilalim ng mesa.
Dahan-dahan niyang inabot ang kanyang bulsa at may nilabas na tila maliit na karton. Hindi ko kita ang mga nangyayari dahil sa napapikit ako sa sarap ng kanyang mainit na halik na may kaunting lasa ng kanyang kinain at beer na ininom niya kanina.
Sa isang banda, walang kamuwang-muang na nagpapalakpakan ang aming mga kasama sa nangyayari. Ang akala lang nila ay naghahalikan lang kami.
Ang ibang mga naroon naman sa Antakya ay tila di na natutuwa sa kanilang nakikita. May mga naririnig na kaming mga panunuya at pandidiri. Wala pa rin kaming pakialam sapagkat para sa amin, wala kaming ginagawang masama at ipinapakita lang namin ang aming pagmamahalan sa isa't-isa tulad ng ginagawa ng mga normal na taong tinatawag nila.
Napadilat ako sa gulat nang maramdaman kong dahan-dahan niyang isinusuot ang isang bakal na bilog sa aking daliri. Tumayo alhat ng aking balahibo at pakiramdam ko'y sasabog ang aking dibdib sa ligaya.
Kumalas ang kanyang labi at itinapat ang kanyang hintuturo sa kanyang nguso. Nakuha ko agad ang aknyang ibigsabihin ngunit hindi ko inaasahang ilalapat niya ang aking kamay sa kanyang harapan upang maramdaman na kanina pa pala nanghuhumindik sa galit ang kanyang alaga.
Lumaki ang aking mga mata sa pagkagulat at sabay na natawa.
"Pilyo ka talaga." ang bulong ko sa kanya. Agad niyang binitiwan ang aking kamay upang ipahawak sa akin ang isa pang singsing matapos isilid sa kanyang bulsa ang kartong naglalaman nito kanina.
"Ikaw naman. No words, just feelings." ang bulong niya sa akin. Tulad ng kaniyang gusto ay isinuot ko sa kanyang palasingsingan ang isang singsing at hinalikan siya sa kanyang labi.
"Kanina pa kayo nagtutukaan diyan. Magmotel na kaya kayo." ang biro ni Rafael sa amin.
Hindi namin pinansin ang kanyang sinabi dahil abala kami aming ginagawa.
"I swear, Jasper. Through sickness and in health. Forever, I'm yours." ang pangako niya sa akin habang nakatitig ang kanyang mga nangungusap na mga mata.
"I swear the same, Rodel. Forever." ang tugon ko sa kanya sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
"Kami na! Forever!" ang masiglang pagmamalaki ni Rodel sa kanila habang itinataas niya ang aking kamay at ang kanya na may suot nang singsing.
"Aba! Ayos tol! Congratulations!" ang sagot sa kanya ni Rodel at si Joseph at Dexter naman ay natutuwang pinanonood kami. Si Jeremy sa isang banda ay nakasimangot na parang nagtatampo.
"Ah basta, wala kayo sa amin ni kuya ko." ang pagmamayabang niya.
"Bunso, ikaw talaga!" ang sagotni Dexter sa kanya at nagtawanan kaming lahat.
Natapos ang gabing puno ng saya't pag-asa at tulad ng aming plano ay umuwi na kami sa bahay ni Mariah isang oras bago magsimula ang pasiyam ng aking ina.
Dahil sa wala pang tao at si Mariah ay nakakain na, nakaupo lang siya sa salang hinihintay ang mga kasama sa dasal habang nanonood ng balita.
"At saan naman kayo nanggaling? Aber? Bakit namumula ka, Jasper? Ikaw naman Rodel? Bakit namumugto mata mo? Adik ba kayo? At ano yang mga singsing na yan? Kala ko ba hindi kayo? Mga ipokritang ito. Bakla na ipokrita pa! Hay nako!" ang nagmamataray na bati niya sa aming dalawa nang kami'y kanyang makita. Batid sa kanyang mga mata ang pagkainggit nang makita ang saya sa aming mga mukha at lalong nagpatindi marahil ang makita ang mga singsing sa aming daliri.
Tumawa lang kaming dalawa at sabay na tinungo ang sofang gawa sa kahoy na katabi lang ng upuan ni Mariah upang umupo't makinood ng palabas. Hindi naalis ang naiintrigang tingin niya sa aming dalawa at makailang saglit ay dahan-dahan niyang ibinaling ang kanyang tingin mula sa amin tungo sa pinapalabas na palita.
Tila nakakita kami ni Mariah ng multo nang ipakita sa telebisyon ang kasunod na ulat.
"Isang di pa nakikilalang patayang natagpuan sa talahiban ilang metro mula sa kayleng Daang Hari kaninang hapon. Sa ngayon, hinihinalang suicide lang ang kanyang pagkamatay dahil sa walang nakitang sugat o marka ng panlalaban ang bangkay ayon sa report. Wala namang nakasaksi sapagkat liblib ang lugar ngunit natagpuan ito dahil sa masangsang na amoy na tumawag sa mga nagdaraang mga sasakyan. Inaalam pa ng mga pulis ng Muntinlupa hanggang sa mga oras na ito kung sino ang naturang bangkay..." anya ng field reporter na hindi na namin natapos pakinggan sa gulat na makita kung sino ang nakahandusay sa talahiban.