"Tumae ka ba Jasper?!" ang gulat na gulat niyang puna habang nakaturo sa aking sa aking likuran. Agad akong tumalikod sa kanya habang tinatakpan ang aking likuran. Pilit naman niya itong sinisipat ng silip mula sa kanyang kinatatayuan.
"Anong tae?!? Ang baboy mo!!! Timang!!! Hindi no!!! Matanda na ako... pero hindi ako ganoon katanda para di makontrol pagdumi ko!" ang galit kong sinabi sa kanya. Pulang pula ang aking mukha sa inis sa kanya at nakalimutang wala na rin akong saplot sa buong katawan.
"Parang kumalat sa buns mo tapos may parang gumuhit pa sa legs mo mula sa ano.." ang nagtatakang sinabi ni Randy sa kanyang nakita.
"Huwag na natin pag-usapan nga Randy! Huwag mo na alamin kung ano yun dahil hindi dumi yon at kahit ako hindi ko alam kung bakit.." ang natigil ko namang sigaw sa kanya nang mapunang wala akong saplot. Nagmadali akong pinulot ang tuwalya sa sahig at agad itong ibinalot sa aking katawan.
"Randy ka nanaman diyan! Andrew nga eh! Kulit mo!" ang sagot niyang naaasar na agad namang nawala.
"May almuranas ka ba? Parang dugo eh!" ang natatawa na niyang sinabi sa akin.
"Kala ko ba hindi ka sanay sa locker room scene pero nakikipagsabayan ka na ngayon sa akin." ang natatawa pa rin niyang idinagdag.
Lubos na namula ang aking mukha sa lahat ng kanyang sinabi at nangyari sa akin. Hiyang-hiya na ako't gusto ko nang magpalamon sa lupa sa mga oras na iyon.
Hindi na ako sumagot pa sa kanya at nagmadali na lang na tumungo sa palikuran at balagbag na isinara ang pintuan na parang doon lang ako nakatira.
Bumungad sa akin ang isang malaking salamin sa loob ng palikuran na katapat mismo ng pintuan. Agad akong tumalikod at sinuri ang aking likuran sa abot ng aking matatanaw mula sa salamin.
Kinapa ko ang aking butas at nagulat na mapansin na sariwa pa rin ang hiwa nito at may kaunting dugo ang kumapit sa aking daliri.
"Binaboy mo ko kung sino ka man sisiguraduhin kong mababawian kita." ang galit na galit kong binigkas habang namumuo na ang mga luha sa aking mga mata sa sobrang galit.
Hindi rin nakatakas sa aking puna ang ilang marka ng ipin na naiwan sa akin likuran at pasa na tila gawa ng pagkurot o paglamas ng madidiin. Dahil sa maputi ako at may kaselanan ang aking balat ay madali talaga itong mamasa. Hindi ko alam kung bakit ngunit wala naman akong dugo ng isang mayaman para maging maselan.
Nang matapos akong maligo ay hindi ako agad nakapagbihis dahil nakalimutan kong dalin ito kanina bago ako pumasok. Nagtapis na lang ako ng tuwalya at nang makalabas ay napuna kong wala na si Randy sa loob ng silid. Bukas ang pintuan ng kanyang closet kaya't sigurado akong makapagbibihis akong walang panggagambala niya.
Naiwan ko pala sa gilid ng panan ng kama niya ang aking mga gamit at nang lapitan ko ito upang isilid dito ang aking duguang panloob ay napansin kong may nakapatong na isang pilas ng papel na nakapaibabaw dito.
Tol,
Nauna na ako para masundo ko na ang mga kasama natin sa banda. Kilala mo na sila kaya hindi ka na mahihirapan pang makisama sa kanila. Yung isa sa kanila hindi mo talaga aakalain na kasama natin pero supresa na lang.
You can use my iMac while you wait for my return. Kung mas sanay ka sa Windows, pagboot mo press and hold mo lang ang ALT key tapos select mo yung disk icon na may label na Windows.
Andrew
PS.
Jasper sorry kanina kung naoffend kita ha? Alam ko ayaw mo sabihin sa akin at dinaan ko na lang sa biro kanina kasi... basta... kung willing ka sabihin sa akin ang tungkol diyan sabihin mo na lang.
Hindi kita pipilitin. Naalala ko lang kasi yung sinabi mo sa akin nung nasa kotse ko tayo. Yung kundisyon mo noon pero hindi mo ako pinilit magsabi ng dahilan ko. Basta... ako si Andrew... tawagin mo akong Andrew... at gusto ko ikaw lang ang tatawag sa akin na Andrew dahil magaang ang loob ko sa iyo.
Naantig naman ako sa mga salita ni Randy at napangiting tinupi ang kanyang sulat upang isilid ito sa mga pahina ng aking mga libro.
"May good side naman pala tala itong kumag na ito... at techy pa. Simula ngayon Jasper, Andrew na ang itatawag mo sa kanya ha?" ang sabi ko sa aking sarili at nagsimula nang magbihis.
Matapos nito ay tinungo ko ang kanyang iMac at ginamit ito tulad ng kanyang sinabi. Hindi ko alam gumamit ng operating system ng computer niya kaya't Windows ang aking ginamit. May Yahoo messenger din siya kaya't nagchat muna ako habang naghihintay sa kanya.
Habang iniisa-isa ko ang listahan ng contacts ko kung may mga online...
"Si JkyL at CX4U!" ang sabik na sabik kong nasabi nang makita ang kanilang status ay online.
Si JkyL ay ang isang masaya kong laging nakakausap sa chat na may hawig daw kay Vince Canizares. May katagalan na rin ang pag-uusap namin ngunit hindi pa kami nagkikita. Masasabing may mutual understanding na kaming dalawa dahil sa bunso ang tawag niya sa akin at kuya naman ang tawag ko sa kanya. Sa webcam pa lang kami nagkikita ni JkyL dahil sa nasa Amerika na siya at bukod doon gusto daw niyang surpresa ang aming pagkikita. Alam niya ang katayuan ko sa buhay at pangako niyang paguwi niya minsan sa pinas ay lalakad daw kaming dalawa upang magdate. Natatawa ako lagi sa tuwing pinaaalala niya sa akin na sinupladuhan ko siya noong unang magkakilala kami sa chat room.
Si CX4U naman ay ganoon din. Isang gwapitong kahawig daw ni Alfred Vargas ngunit larawan ni Alfred Vargas ang gamit niya at tanging mayroon siya. Taga Bicutan siya. Kung tatanungin mo ako, mas gusto ko siya kaysa kay JkyL dahil sa huli niya ang aking kiliti at ang tawag naman niya sa akin ay "my sunshine". Iba rin kasi ang dating ng taong nakakausap mo na may mukha kang nakikita kaysa sa wala ngunit nabalaan na ako ni Mariah tungkol sa mga tinatawag nilang "posers" na gumagamit ng larawan ng iba at sinasabing sila ay ang taong aking gusto nilang makita.
princeofhearts: hi kuya Lawrence!
JkyL: oi! musta bunso?
princeofhearts: k lng kuya. lam mo kuya? :(
JkyL: k lng pero may sad face ang bunso ko?
princeofhearts: kuya... huwag ka matatawa ha?
JkyL: bakit ako matatawa?
princeofhearts: kuya kasi kagabi naginuman kami ng mga kasama ko...
JkyL: ano naman nakakatawa dun? big boy na pala bunso ko :)
princeofhearts: ndi pa ko tapos sa kwento ko eh
princeofhearts: :(
princeofhearts: narape ako kuya.. mukhang 2x pa ako ginamit kagabi
JkyL: ha?!!!! kilala mo kung sino gumawa?!!!
princeofhearts: hindi nga eh... sobrang nalasing ako...
princeofhearts: tapos kaninang umaga natagpuan ko yung banig ng Valium sa basurahan
JkyL: wtf!?! may gumamit ng drugs sa drink mo?! pagnahuli mo bunso ipakulong niyo yang gagong manyak na yan!
JkyL: kung nandyan lang ako sa pinas tutulungan pa kita
princeofhearts: thx kuya! ok lng me. dnt wori po
JkyL: good bunso! sori have to go na. am at school kc. missed you much bunso!
cuteJas4u: ok lng po kuya. I missed you much rin po!
JkyL: bye bye and always take care!
JkyL is now offline
"Hay... kahit papaano nailabas ko na rin itong dinadala ko. Nakakamiss talaga si kuya Lawrence." ang nasabi ko sa aking sarili habang nakangiti.
"Ikaw naman ngayon CX4U. May utang ka pa sa akin." ang natatawa kong nasabi naman habang binubuksan ang chat window upang kausapin na siya.
princeofhearts: musta po?
CX4U: online ka na pala
CX4U: ok lang ako medyo nangungulila na sa piling ng isang nagmamahal
princeofhearts: aww.. eh di puntahan mo na siya
CX4U: hindi ko alam kung san nakatira wala rin ako phone number niya
princeofhearts: bat di mo kunin?
CX4U: wala siyang phone eh
Hindi ko mapigilang kiligin nang mabasa ko ang sagot niya sa akin.
"CX4U!! Too good to be true ka... Sana ikaw na nga... Sana seryoso ka sa mga sinasabi mo sa akin... Hindi mo lang alam kung gaano ka na kahalaga sa akin ngayon. Hindi mo alam kung gaano na ako kaligaya sa tuwing kinakausap kita." ang nasabi ko sa aking sarili habang magkahawak ang aking mga kamay na tila nananalagin sa Kanya na sana'y si CX4U na ang para sa akin.
princeofhearts: bakit siya walang phone?
CX4U: hindi ko rin alam eh
princeofhearts: hihihi... baka wala siyang pambili
CX4U: baka nga
CX4U: pero okay lang yun kasi nakakapagusap naman kami kaya kahit madalang
CX4U: kaya nga lagi kong namimiss yung mahal ko
princeofhearts: ah talaga? wow naman
CX4U: oo naman sobrang namimiss ko siya palagi
princeofhearts: bakit mo naman siya namimiss? nagkita na ba kayo?
CX4U: hindi pa nga eh. nahihiya kasi ako
princeofhearts: bakit ka naman mahihiya? sa gwapo mong iyan?
CX4U: kung sabagay. pero sana matanggap niya pa rin ako kung makikita na niya ako.
princeofhearts: niloloko mo ba siya?
Hindi siya agad nakasagot sa akin. Mukhang napaisip ng kaunti.
BUZZ!
princeofhearts: huoist!!! nanahimik ka na jan... niloloko mo yata siya eh.
CX4U: sorry may kinuha lang ako sandali.
CX4U: hindi ko siya niloloko no. baka pag nakita niya ako sa personal hindi siya makapagpigil
princeofhearts: yabang mo naman. pero promise... hindi mo nga siya niloloko?
princeofhearts: pano ba yan mahal ka na niya.
CX4U: hindi ko siya niloloko
CX4U: talaga? pano mo naman nasabi na mahal na niya ako eh sandali lang kami nagkakausap.
CX4U: ni hindi pa nga niya ako nakikita sa personal
princeofhearts: ang pagmamahal nararamdaman at wala itong dahilan dahil hindi ito nasusukat.
CX4U: naks!
CX4U: mahal ko na rin siya eh.
CX4U: sana maging kami pag nagkita na kami.
princeofhearts: makipagkita ka na kasi.
CX4U: pwede kaya siya bukas?
princeofhearts: LOL!! seryoso ka kuya?
CX4U: mukha ba akon nagbibiro?
princeofhearts: mahal mo na rin ako kuya? kahit mahirap lang ako? bukas pwede ako :-)
CX4U: mahal na mahal na kita Jasper.
CX4U: tamang tama!!! kita tayo bukas sa metropolis mga alas tres pwede na ba iyon?
princeofhearts: call!! sa tapat ng Jollibee hihintayin ha? sa bandang entrance. Kilala mo na mukha ko kaya lapitan mo na lang ako pag nakita mo ko.
CX4U: thanks Jasper! I love you! ang saya saya ko ngayon!
princeofhearts: i love you too Luis. Bye and kitakits po bukas. :-)
"Sana siya na nga... Shet! Kahawig pa ni Alfred Vargas." ang nasabi ko sa aking sarili habang nakangiting abot tenga at balot na balot ng kilig sa sayang nadarama.
"Panay ang chat! Tapos parang baliw na nakatingala sa kawalan!" ang natatawang banggit ng isang pamilyar na boses na nanggagaling sa aking likuran na sinundan ng pagtawa niya at ng isang babaeng pamilyar din ang tawa.
Mabilis kong nilingon si Randy at Alice na tumatawa pa rin na nakatingin sa akin.
"Jasper? You've resorted to that means of meeting your future girlfriend? Maraming poser ngayon baka bakla pa yang nakakausap mo diyan!" ang pangangaral sa akin ni Alice na ngayon ay papalapit na sa aking kinaroroonan kasama si Randy.
Nagmadali akong isarado ang lahat bago pa nila mapuna ang mga windows na nakabukas sa monitor.
"Hindi no... ako? Naghahanap lang ako ng makakausap nakakabagot kasi. Wala naman books si Randy na mababa..." ang sagot ko sa kanyang kinakabahan. Hindi ko natuloy ang aking sasabihin dahil agad tumuro si Alice sa isang shelf sa sulok ng silid ni Randy na ngayon ko lang napuna.
Agad kong inayos ang aking salamin at pilit binasa ang mga maabot ng aking nataw dahil may mga aklat doon na may malalaki ang letra. Magaganda nga ang titulo ng ga nagsisiksikang aklat sa kanyang bookshelf.
Dali-dali ko itong nilapitan at natawan naman ang dalawa sa akin sa hindi ko pagkapaniwala.
"I love reading books, Jasper. But all of them are romantic fiction. Alice doesn't know anything about them because she really hated books. I guess you already know that." ang marka naman ni Randy habang nilalambing na inaasar si Alice.
"Babe! I hate you!" ang pagmamaktol naman ni Alice sa kanya sabay salo nito ng isang patukang halik mula kay Randy.
Hindi ako makapaniwalang may mga librong akda ni Sydney Sheldon siya sa karamihan ng aklat na aking nakita.
"Alice in Wonderland?!?!" ang natatawa kong sinabi sa kanya nang mapuna ko ang isang aklat sa pinaka sulot na tila madalas niyang nagagalaw dahil bakas na rito na gamit na gamit ito at halos walang alikabok na nakadikit rito di tulad ng ibang aklat.
"It's one of his favorites, Jasper. That's why Randy loves my name too." ang mayabang naman na pagmamalaki ni Alice.
Nilingon ko si Randy at hindi siya sumasagot. Halata ko sa kanya ang kanyang mayabang nanaman na asta.
"Nood ka ng practice namin Alice?" ang tanong ko naman upang maiba ang aming usapan.
"I'll be playing the base guitar, Jasper. Hindi ako marunong kumanta pero may kaya naman akong tugtugin." ang pagmamalaki niya.
"T-talaga?!! Sa haba ng mga kuko mo na iyan na nakakolorete pa marunong ka non?" ang nasabi ko sa gulat at di pagkapaliwala sa isang tinatagong talento ni Alice.
"Yeah! My babe plays the base with me most of the time. Kung trip namin before sex." ang sagot naman ni Randy.
"Nandiyan na ba yung iba?" ang tanong ko na lang upang mabago ulit ang usapan. Nagyayabang na si Randy at hindi ko gusto pag nagnanaknak na siya ng kayabangan.
"They're downstairs waiting sa music room ni Randy." ang sagot sa akin ni Alice.
"Music room?!" ang gulat kong sagot naman sa kanya habang nanlalaki ang aking mga matang nakatitig sa kanila.
"Yeah... It's my only past time, Jasper. Gift sa akin nila mommy at daddy." ang sagot naman niya habang nakataas ang isang labi niyang pangiti.
"Tara na nang matapos na nga ito." ang sagot ko na lang sabay labas sa silid. Sumunod lang sa akin ang dalawa at nang makarating kami sa sala.
"San ka pupunta? Alam mo na ba kung saan iyon?" ang mayabang na tanong ni Randy. Napahiya ako sa ginawa niya at sa sarili ko dahil nauna nga ako sa kanila sa paglalakad.
"Hindi... may tinignan lang ako dito sa sala pakiramdam ko kasi may naiwan ako kanina." ang palusot ko na lang. Hindi ako makatingin sa kanilang mga mata habang silang dalawa nama'y pinagtatawanan nanaman ako.
"Friend! Nakakatuwa ka talaga. Come, let's walk." ang sabi sa akin ni Alice matapos lumapit sa akin at kumapit sa aking kanang braso.
Ilang ikot patungo sa likuran ng pamamahay nila Randy at narating namin ang kanyang sariling studio. Simpleng silid lang ito sa kanilang bahay na inayusan ng kaunti upang hindi lumabas ang ingay at nilagyan din ng pabalat ang mga pader upang hindi umaliwangwang ang ingay ng musika sa loob. Maganda ang pagkakadisenyo at ang kulang na lang dito ay ang mga aparato at pwede na itong gawing recording studio.
"Best friend!" ang malakas na sigaw ni Rodel sa sulok ng silid at napuna kong kasama niya si Nestor nang lingunin ko siya sa kanilang kinaroroonan.
Nagmamadaling lumapit sa akin si Rodel at agad akong binulungan.
"Jasper, please. Pagpasensiyahan mo na. Sana okay lang sa iyo. Alam kong magpapanggap ka lang na nakikisama akin sa harap nila. Sana, okay lang sa iyo na kasama si Nestor." ang pauna niya akin. Nanlalaki lang ang aking mga mata't nagsisimula nang mamuo ang galit sa aking dibdib. Pilit ko itong kinontrol at nanahimik na lang na tumungo sa keyboards matapos saguting ng pagtango si Rodel.
Taas noo akong humarap sa kanila at isang pilit na ngiti ang aking ipinakita.
"Tara na! At home ako sa band na ito! Ano unang kakantahin natin?! Nasaan na yung copy ng chords ko?" ang yaya ko sa kanila.
Nagulat silang lahat sa aking ipinakita.
"Ah... yun nga eh... kakakuha ko pa lang nito sa maid ni Don Amante. Iisa lang ang alam namin kantahin, sana alam mo rin yung isang yan. Sila kasi magdedecide ng line-up ng kanta natin. Pero hayaan mo, kinukumbinsi ko na silang tayo na gagawa ng line-up natin." ang sagot sa akin ni Randy matapos abutin ang isang itim na clearbook na nakapatong sa isang amplifier.
Binuksan niya ito sa aking harapan matapos itong ipatong sa ibabaw ng keyboards upang ipakita kung ano ang aking ibig sabihin.
"I Do ng Cueshe? Okay." ang sagot ko sa kanya matapos basahin ang titulo ng kanyang ipinakita.
"Patay kang bata ka." ang nasabi ko sa aking sarili habang humahalakhak sa loob ng aking isipan.
Nilingon ko si Rodel na nasa sulok pa rin na umiiling. Si Nestor naman ay tila alam ang aming iniisip ni Rodel dahil masama ang titig niya sa akin.
"Gusto mo ba pakinggan muna yung kanta bago natin simulan?" ang tanong ni Randy sa akin. Tumango lang ako sa kanya.
Si Alice ay nagdali-daling tinungo ang CD rack ni Randy na nasa kanto lang din ng silid at agad na pinatugtog sa component.
Tahimik kaming nakinig sa musika. Si Alice ay lumapit kay Randy at yumakap habang nanatili naman si Rodel at Nestor sa kanilang lagay.
Did you ever wonder what went wrong
I always do
Don't you ever wanna work things out
I always do
Cause you never want our love to grow
But I always do
Funny how you never thought we'd last
I did too
Everything's alright
Without you my life's so fine
"BWAHAHAHAHAHA!!!! In your face!!!" ang nasabi ko sa aking sarili nang magtagpo ang mga mata namin ni Rodel. Hindi ko mapigilang mapatawa at puna iyon ni Alice at Randy.
Napatingin ako kay Nestor inisnab lang ako matapos niya akong taasan ng isang kilay at nambelat. Walang alam si Alice at Randy sa namumuong bagay sa loob ng silid sa pagitan naming tatlo.
I remember the days when you were mine
All this time
How could I have been so blind?
Since you've gone
I've been feeling so right
Everything's alright
I don't want you back
Funny how I kept fighting for our love to last
Only to find out you're not worth fighting for
Everything's alright
Without you my life's so fine
"Maganda ba yung kanta Jasper? Tingin mo kaya mo ba?" ang tanong sa akin ni Alice. Hindi ko maalis ang aking abot tengang ngiti habang tumatango sa kanya.
"Good! Everyone has a copy. That one is yours na Jasper." ang sabi pa sa akin ni Alice sabay tungo pabalik sa component.
Hindi sinasadyang napatingin ako kay Randy at nagkasalubong ang aming mga mata. Nakatitig pala siya sa akin at tila wala siya sa kanyang sarili. Hindi ko napigilang magtaka sa kanyang mga titig sa akin.