ANDY
"Ahmmm hmm." Masaya akong naghu-hum habang naglalakad papunta kina Kate.
Nang makarating ay sumandal muna ako sa kotse ni Kate dito sa labas nila habang hinihintay siya. Maaga pa naman. Kinuha ko muna ang aking phone at nang buksan ko ito ay nagmessage pala sa akin si Mich ng 'Good morning'. Masaya ko naman itong nireplyan.
"Andy? What's happening to you? Kanina ka pa nakangiti diyan. Di mo man lang ako napansin," biglang may nagsalita at hindi ko namalayan dahil sa pakikipagtext ko kay Mich.
Pag-angat ko ng aking tingin ay nanghihinala itong nakatingin sa akin lalo na sa hawak kong cellphone. Ops, I smell danger. Initiating retreat.
Imbes na pansinin ang nakakatakot niyang titig ay nginitian ko ito at binati. Para hindi naman ako halata 'di ba?
"Good morning Kate! Tara, pasok na tayo," yaya ko sa kanya. Tumaas pa ata 'yong pitch ng boses ko na lalong ikinakunot ng noo ni Kate.
Hindi pa rin nito pinuputol ang tingin sa akin at mas tumindi ngayon na tila kinikilatis ako. Lumapit na ito at medyo madiin ang pagkakabigay niya sa akin ng susi at kahit napangiwi nang kaunti ay pinilit ko siyang pagbuksan ng pinto ng nakangiti. Ibinulsa ko na rin ang aking phone.
Nang mai-on ko na ang engine ay umalis na kami. Habang nagdadrive ay masaya akong sumisipol-sipol at ini-on ko rin ang radio dahilan upang mapasabay ako sa indak ng musika.
May pahampas-hampas pa ako sa manibela nang biglang tumigil ang musika. Paglingon ko ay ini-off pala ni Kate ang radio at salubong ang mga kilay habang nakatitig sa akin.
"Andy. Tell me the truth. Anong meron at ang hyper mo at halatang-halata na masaya ka?" mataray na tanong nito sa akin habang nakahalukipkip.
"Wala naman Kate. 'Tsaka masaya lang talaga ako. May ineexpect ka pa bang ibang dahilan?" simple kong sagot pero nakangiti pa rin.
"Isa. Kilala kita Andrew Torregozon. Alam kong meron. Hindi ako tanga," seryoso at may diin nitong pagkakasabi. Pwede na akong mamatay sa mga titig niya ngayon.
Magdadahilan pa sana ako pero itinuon ko muna ang atensyon ko sa daan, baka mabangga kami. Narinig kong tumikhim ito. Hudyat na 'yon. This lady beside me needs a serious attention from me to avoid unwanted interrogation.
"A-Ano Kate, g-ganito k--," alanganin kong sabi pero pinutol nito ang sasabihin ko.
"What? Make sure na matutuwa ako sa sasabihin mo or else, so speak," maawtoridad niyang sabi.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita at bahagyang sumulyap-sulyap kay Kate na seryosong nakatingin sa akin at sa daan.
"Do you still remember Mich? Our childhood bestfriend? She came back yesterday from Australia and she's staying here for good. That's why I'm happy and it's been a long time since I saw her," madamdamin kong pahayag sa kanya.
Pagsulyap ko ulit sa kanya ay mas dumilim ang mukha nito at parang may ibinubulong-bulong pa. Saglit na katahimikan muna ang namayani bago ito magsalita uli.
"Oh? You mean the great Michelle Ortega?" sarkastikong sabi nito at hindi man lang siya nagulat sa sinabi ko. "Why did she even bother to come back here? Is it because of first love never dies? at tumawa ito nang pagak at umirap pa.
Nagkibit-balikat na lang ako. Nakarating na pala kami sa university. Mabilis akong bumaba at pinagbuksan siya ng pinto 'tsaka inalalayan. Hindi man lang ito tumitingin sa akin.
"See you later Andy," seryoso nitong sabi sa akin sabay pisil sa aking kamay at nauna na ito.
Pumunta na rin ako sa classroom na may ngiti pa rin sa aking labi.
"Good mor-- Teka Drew, mukhang ang saya natin ngayon ah. Kakaiba 'yang mga ngiti mo. Parang may mali," pang-aasar na bungad agad sa akin ni Luce. Hinayaan ko na lang siya at ngumiti ulit.
Nagsimula na ang aming klase at nagkaroon kami ng long quiz. Makalipas ang isa't kalahating oras ay P.E. na namin.
Nandito kami ngayon sa gym at maglalaro ng volleyball. Team sports kasi ang topic ngayon. Binigyan muna kami ng sampung minuto para makapagpalit ng aming P.E. uniform.
Makalipas ang sampung minuto ay nagsimula na kaming maglaro. Hindi ko kakampi si Luce kaya tuwang-tuwa kaming dalawa dahil magkakaroon kami ng sarili naming pagtutuos na kaming dalawa lang ang nakakaalam.
Ganyan kami ni Luce pagdating sa sports. Kinakalaban namin ang isa't isa. Trip lang namin at di naman seryoso.
Sa kalagitnaan ng paglalaro namin ay dikit lang ang score ng aming mga teams. Kahit laro-laro lang ay mukhang sineseryoso ni Luce. Nagspike na siya ng nagspike samantalang chinecheck ko naman ang mga iyon kaya hingal na hingal kaming dalawa.
Natapos ang aming paglalaro na nanalo ang team nina Luce. Hindi ko na kaya dahil sa pagod at hinayaan ko na rin siya. Ngumisi naman ito sa akin at sumenyas pa sa akin ng 'basic'.
Nang idinismiss na kami ay magpupunas na sana ako ng pawis nang biglang may marahas na humila sa akin at kinaladkad ako palabas ng gym. Pag-angat ko ng tingin ay si Kate pala, hila-hila ako papuntang canteen.
Pagdating namin ng canteen ay dumiretso na kami sa kanilang favorite place at nadatnan naming nando'n na ang tatlong kaibigan ni Kate na masayang nagkukwentuhan. Nang mapansin kami ng mga ito ay bigla silang nagsitahimik at umayos ng upo.
Hinila na naman ako ni Kate at pinaupo na sa tapat ni Skye.
"Kayong tatlo, bantayan niyo 'to ha? Huwag niyo akong subukan at kapag nadatnan ko 'tong wala rito, malilintikan kayo sa akin or better, tumakbo na kayo," seryosong bilin at pagbabanta nito sa tatlong kaibigan. Tiningnan pa ni Kate ang mga ito isa-isa sa mata kaya wala sa mga sariling tumango ang mga ito.
Magsasalita na sana ako nang magsalita uli si Kate. "Isa pa, walang magpapaupo sa tabi ni Andy. Dapat pagbalik ko, walang katabi 'to. Maliwanag ba?" utos na naman niya sa tatlo. Tumango ulit ang mga ito.
"Kate, bi--"
"Dito ka lang. Hintayin mo ako at ako na ang bibili ng lunch nating dalawa. Umayos ka o baka gusto mo ng hindi makalakad pero syempre sa ibang paraan kita lulumpuhin," maawtoridad na bilin nito at may himig din ng pagkapilya ang pagkakasabi nito.
Tiningnan niya muna kaming apat bago tuluyang umalis para bumili ng lunch.
"Grabe talaga 'yang si Kate. Ang possessive masyado. Ang labo niya, di ko siya maintindihan kung ano ba talaga ang trip niya sa buhay," usal ni Skye sabay buntong-hininga nang makaalis si Kate.
"Hayaan mo na siya. Magulo talaga siya. Bahala siya sa pinaggagagawa niya 'di ba Drew?" baling naman sa akin ni Claire at nagkibit-balikat na lamang ako.
Magsasalita na sana ako nang biglang may nagtakip sa aking mga mata. Kinapa ko naman kung kaninong kamay 'yon at pilit na inaalis. Nang hindi ko mahulaan kung sino ay hinayaan ko na.
"Ander!" masayang sigaw nito nang maalis nito ang kanyang kamay sa pagkakatakip sa aking mata at mahigpit na niyakap ako mula sa likod habang nakakawit ang mga braso niya at nakadantay sa aking dalawang balikat palibot sa aking leeg.
"Mich! Paano ka na nakarating at anong ginagawa mo rito?" masaya ko ring bati sa kanya.
Umupo na ito sa tabi ko at tiningnan akong maigi. Naglabas naman ito ng panyo. "Basang-basa ka ng pawis Ander. Dapat hindi ka nagpapatuyo at magpalit ka ng damit," malambing na sabi nito sa akin sabay punas sa aking mukha pababa sa aking leeg. Hinagod din niya ang aking likod para alamin kung basa rin ito ng pawis.
Bigla kong naalala na may kasama pala ako kaya pinakilala ko si Mich sa kanila. Pagtingin ko sa tatlo ay nakatulala lang sila sa amin at nagtatanong ang mga mukha nila.
"Guys, this is Mich, my childhood bestfriend. Mich, these are Claire, Skye and Alice; Kate's friends," pakilala ko sa kanila sa isa't isa.
"Hello! Nice to meet you," nakangiting bati naman ni Mich at kinamayan ang mga ito.
Matapos ang ilang saglit ay masaya na kaming nagkukwentuhan nang biglang may kumalabog sa mesa.
Pagtingin namin ay ang nakakatakot na itsura ni Kate ang aming nasilayan. Para akong tinutusok ng mga tingin niya sa akin at hindi nakalampas sa akin ang pagkuyom ng kanyang palad.
Hindi na ito nagsalita pa at umupo na sa kanan ko. Hahawakan ko sana siya sa balikat kaso baka magalit lang siyang lalo. Kaya palihim kong hinawakan nang mahigpit ang nakakuyom niyang palad sa ilalim ng mesa at pinisil ito.
I felt that she unclenched her fist after what I did. In just a second, she intertwined her hand with mine and squeezed it. It sent a thousand volts through my body and made my heart skipped a beat.
"Guys, hindi pa ba tayo kakain?" pukaw sa amin ni Skye pero naghihinalang nakatingin sa aming dalawa ni Kate. Aalisin ko na sana ang aking kamay nang bigla niya akong hinila palapit sa kanya.
"Let's eat," tipid na sabi ni Kate at binigyan na ako nang pagkain.
Nagsimula na kaming kumain. Magsusubo na sana ako ng pagkain nang biglang pigilan ako ni Kate at siya na ang naghiwa ng karne at dahan-dahang isinubo sa akin.
Ginagawa naman akong bata ni Kate 'tsaka nakakahiya. Nakatingin sa amin ang mga kaibigan niya.
Nang malunok ko na ang pagkain ay lilingunin ko na sana si Mich nang biglang hinawakan ni Kate ang baba ko at pinaharap sa kanya at sinubuan ulit ako. Mataray itong nakatingin sa akin kaya wala na akong nagawa.
"Ander, I need to go na. I'll wait for you after your class. Goodbye babe," at hinalikan ako nito sa pisngi 'tsaka ngumiti nang malapad. Nagpaalam na rin ito kina Skye.
Bago pa ito makaalis ay hinawakan ko agad ang kanyang braso at nagsalita uli matapos malulon ang pagkain.
"Wait Mich. Bago ka umalis ipapakilala ko muna sa'yo si Kate." Huminto naman ito at bumaling uli sa akin. "Sure babe," nakangiti pa rin nitong tugon.
"Mich, this is Kate. Kate, this is Mich," pakilala ko sa kanila sa isa't isa.
Si Kate ay blangko lang na nakatingin kay Mich habang si Mich naman ay nakangiti lang kay Kate.
Ba't parang may nararamdaman akong tensyon sa pagitan nilang dalawa?
At bago pa kami mabingi sa katahimikan ay nagsalita na si Mich.
"Nice to meet you again Kate," sabay lahad nito ng kamay nito kay Kate. "Nice to meet you too, Michelle," at bigla namang ngumiti pabalik si Kate at nakipagkamay dito.
Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa.
Di nagtagal ay nagpaalam at tuluyan ng umalis si Mich at may pahabol pang kindat sa akin. Natapos na rin kaming maglunch at pabalik na rin sa aming classroom ngunit nagpaiwan pa silang apat dahil may pag-uusapan pa raw sila.
Nang makabalik na ako sa classroom ay umalis ulit ako at patakbong pumunta sa gym para magpalit ng damit. Pabalik na sana ako nang may makita akong isang estudyanteng babae na nakaupo sa floor at hawak-hawak nito ang kanyang ankle.
Agad-agad ko itong nilapitan at nang tingnan ko ang ankle niya ay namamaga ito. Hindi na ako nagdalawang-isip at dahan-dahan siyang binuhat sa aking likod at dinala na siya sa clinic. Iniwan ko na siya ro'n sa nurse at nagmadali nang bumalik. Pero late naman na rin naman ako sa klase.
Nang nasa hallway na ako ay nagtaka naman ako dahil ang ibang estudyante ay nasa labas at ang hindi ko inaasahan ay si Kate. Pabalik-balik itong lumalakad sa tapat ng classroom namin at mayamaya ay may kausap na itong isang kaklase ko.
Nang makalapit ako sa isang pinto ng classroom namin ay dahan-dahan na sana akong papasok nang biglang nagsalita si Kate. Patay! Napansin pa niya ata ako.
"Saan. ka. galing. Andrew. Torregozon?" malamig nitong tanong sa akin. "Kanina pa kita hinahanap at bakit pawis na pawis ka ha? At gusot pa 'yang damit mo?" naghihinala pang tanong niya habang nakataas ang kilay. Pinasadahan pa niya ng tingin ang kabuuan ko.
"Ah eh, diyan lang sa tabi-tabi Kate," palusot na sagot ko habang kamot-kamot ang aking ulo. Ang weird ni Kate ngayong araw. Parang may dalaw ata at laging nakasungit.
"Marami ka ng atraso sa akin Andy. Humanda ka. I'm watching you," at isinenyas niya ang kanyang sinabi 'tsaka tuluyan ng umalis.
Makalipas ang tatlong oras ay natapos na ang aming klase at uwian na. Paglabas ko ng classroom ay napansin kong nakatayo ro'n si Mich at tila naghihintay.
"Ander! Uwi na tayo," salubong nito sa akin at kumapit na sa aking braso. Wala na akong nagawa at sabay na kaming pumunta sa parking lot.
Pagdating namin doon ay nakasandal at tila naghihintay na si Kate kaya lumapit na kami. Nang makita kami ay ibinaba nito ang suot na aviator sunglasses at nakakunot na tumingin sa aming dalawa.
"Kate, sasabay na sa atin si Mich," at bago pa sumagot si Kate ay pumasok na sa loob ng kotse si Mich.
"Sabihan mo 'yang alaga mong linta na ayusin ang manners niya. Baka gusto mong magpalutang-lutang ang katawan niyan at di na matagpuan," seryoso nitong bulong sa akin at hinila pa ako palapit sa kanya. "You owe me big time for this. Tayong dalawa lang dapat ang sabay na umuuwi at sumasakay sa kotse ko."
"Ander! C'mon, let's go home na. I can't stay any longer in this car." Napairap na lang si Kate at nagpipigil na ng kanyang galit kaya ibinato na niya sa akin ang susi at umupo na sa passenger seat.
Habang pauwi na kami ay halos nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kotse. Hindi rin ako mapakali at parang ang hirap huminga dahil parang may kakaibang aura ang bumabalot sa amin dito. Parang tumatagal din ang aming biyahe.
Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na kami sa bahay nina Kate at sabay-sabay na kaming lumabas. Magpapaalam na sana kami kay Kate nang bigla itong lumapit sa akin.
"Thanks for driving me home Andy. Take care. At syempre 'yong mga bilin ko. Remember, you owe me a lot," pabulong nitong sabi sa akin at niyakap ako nang mahigpit sabay halik sa aking leeg. Akala ko ay saglit lang pero matagal pala dahil sinipsip niya ito at dinilaan pa.
Nakangisi itong tumingin kay Mich matapos niyang gawin 'yon. Mula sa peripheral vision ko ay seryosong nakatingin sa amin si Mich.
"Bye Andy!" at pumasok na si Kate sa bahay nila.
Bumaling na ako kay Mich na biglang ngumiti at kumapit na sa akin. Naglakad na kami pauwi sa amin. Sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay bigla itong nagsalita.
"Ander, make-out with me or let's get laid tomorrow? Yes or yes?
"Eh?!"