ANDY
"I've got to go Mom," paalam ko kay Mom habang nagsisintas ng aking white converse shoes at paalis na ako upang pumasok. Maayos na rin ang aking pakiramdam.
"You're early Prince. Six-thirty pa lang. Inaayos ko pa 'yong baon mo," malambing na tugon naman ni Mom. "And what's with the rush, Prince?"
"Wala naman Mom. I just need to," di ko mapakaling sagot habang nakatingin sa aking wrist watch at hinihintay ang aking baon.
"Oh! I knew it. It's because of Kate, right?" makahulugan naman itong ngumiti sa akin at iniabot ang aking baon. Humalik na ako sa pisngi ni Mom at tumakbo na paalis.
"Take care, the both of you!" pahabol na sigaw pa sa akin ni Mom.
Sa aking pagmamadali ay nakarating ako kina Kate sa loob ng limang minuto. Sakto namang kalalabas lang ni Kate sa kanilang gate kaya agad-agad akong lumapit sa kanya habang bitbit ang aking baon na bento.
"Good morning Kate!" nakangiti kong bati na siya namang ikinaangat ng kanyang tingin sa akin dahil nagcecellphone ito.
"Andy?" gulat na sambit nito at mabilis na yumakap sa akin. Yakap na animo'y parang ang tagal naming di nagkita. "I miss you!" bulong pa nito sa pagitan ng aming yakap.
Sana ganito lang kami.
Napangiti naman ako sa kanyang sinabi dahil tulad niya ay miss na miss ko rin siya. Humiwalay na ako sa kanyang pagkakayakap at niyaya na siyang pumasok. Kung magtatagal pa kami ay baka hindi ko na siya bibitiwan.
Siya muna ang nagdadrive ngayon dahil baka mabinat daw ako. Akala ko ligtas na ako sa kanya pero akala ko lang pala. Ang kaliwang kamay niya ang may hawak ng manibela habang ang kanang kamay niya naman ay naglalakbay sa aking hita.
"Kate! Baka mabangga tayo," sita ko sa kanya at inilayo ang kamay niya sa hita kong pinagdidiskitahan niya.
Di man lang ito lumingon sa akin at mukhang hindi ako pinakinggan. Mas lalo niyang hinaplos na may kasamang pisil ang aking hita. Hinayaan ko na siya tutal wala rin namang mangyayari kaya pumikit na lang ako.
Mayamaya ay naramdaman kong tumigil kami at lumuwag na ang aking suot na black jeans at may nakapasok na kamay sa loob ng tshirt ko at hinihimas ang aking tiyan. Pagdilat ko ay isang pares ng kulay grey na mata ang nakatitig sa akin.
Those alluring eyes always keep me captivated but this time, all I can see is desire.
Bago ko pa matanggal ang kamay niya sa loob ng tshirt ko ay mabilis niyang tinanggal ang kanyang seatbelt at agad na pinaulanan ng halik ang aking leeg.
"Kate, stop please," pakiusap ko habang pilit na itinutulak siya pero mas diniinan niya ang pagsipsip sa aking leeg na mag-iiwan na naman ng panibagong marka.
Patuloy lang siya sa paghalik at pababa ito nang pababa. Parang mapupunit na ang aking pang-itaas dahil sa pagkakahila niya para lang maexpose ang aking balikat. Bago niya pa maituloy ang kanyang binabalak ay may bumusina sa likod namin.
Mabilis itong umupo sa driver's seat at nagseatbelt habang ako naman ay parang nirape ang itsura. Buti na lang tinted ang bintana ng kotse niya kung hindi baka nagkaroon na kami ng scandal.
Nang makarating na kami ng university ay hinalikan muna niya ako sa pisngi at bumulong pa.
"See you at the gym. Locker room. Be there at six," seductive nitong pagkakasabi habang hinahaplos ang aking pisngi at nauna na itong lumabas ng kotse.
Parang gusto ko na ulit magkasakit.
Mabilis ko nang inayos ang aking sarili at kinuha na ang aking bento at pumasok na.
Pagkarating ko sa room ay agad akong niyakap ni Luce at muntikan pa kaming matumba. Sumisigaw-sigaw pa ito. Anyare kaya rito?
"Drew! Kumusta ka na? Magaling ka na ba? Sobrang namiss kita!" sunod-sunod nitong sabi.
"Luce, pwede bang luwag-luwagan mo ang pagkakayakap sa akin? Hindi ako makahinga eh," tugon ko naman dahil halos mapisa na ako sa yakap niya. "'Tsaka okay na okay na ako."
Bigla namang bumalik ang dating Luce na kani-kanina lang ay malambing. "Oo nga Drew eh, mukhang okay na okay ka na. Kasi base sa nakikita ko ngayon sa leeg mo, nagpakain ka na naman," sarkastikong usal nito sa akin at kinurot ang aking leeg.
"Teka Luce! Ayan ka na naman eh. Kinakarir mo na ang pagiging sadista sa akin," sabi ko habang himas-himas ang kanyang kinurot. "Bakit ka ba nangungurot?"
Nilabas naman nito ang kanyang salamin at itinapat sa akin. Hay, may hickeys na naman ako! Kate naman, kapag nalaman ni Mom, katakot-takot na interogasyon ito. Bahala na!
Umupo na kami habang si Luce ay hindi pa rin inaalis ang nakakamatay nitong tingin sa akin kaya nagkibit-balikat na lang ako. Nagsimula na ang aming klase.
Manghihiram pala ako ng notes kay Luce dahil panibagong topic na ang idinidiscuss ngayon. Hindi tuloy ako makasabay.
Makalipas ang ilang oras na puro discussion lang ay natapos na rin ang morning classes namin at lunch break na.
Lalabas na sana ako nang bigla akong hinila ni Luce at niyayang sabay-sabay na kaming maglunch kasama si Hazel. Wala na akong ginawa kung hindi sumunod na lang at kinuha na ang aking bento.
Pagkarating namin ng canteen ay nadatnan namin sina Hazel, Mia at Lucas na nakaupo sa paboritong place nila. Medyo malayo ito kina Kate. Tiningnan ko naman kung nando'n ang mga ito pero first time na wala muna sila.
Nasaan kaya ang mga 'yon? Wala ring text sa akin si Kate. Baka busy.
Nang makaorder na sila at kumpleto na ay sabay-sabay na kaming kumain. Kinumusta rin nila ako kung okay na ako.
Binubuksan ko pa lang ang aking bento box pero si Luce ay nakatitig sa ginagawa ko at ang kutsara't tinidor niya ay nakaabang na. Napangisi ako sa aking naisip.
"Drew! Bakit di mo pa binubuksan 'yong bento mo? Dalian mo na," at akmang kukunin na niya ng ilayo ko ito at dumila sa kanya.
Habang sarap na sarap ako sa bento na ginawa ni Mom ay pasulyap-sulyap ako kay Luce at iniinggit ito. Inirapan lang ako nito at nagpatuloy ng kumain habang ako naman ay natawa sa kanyang ikinikilos.
Dahil hindi niya ako pinapansin ay binigyan ko siya ng tonkatsu, onigiri at tamagoyaki. Ang iba naman ay binigyan ko ng tempura at sushi.
Bigla namang lumiwanag ang mukha ni Luce at naging maamo. "Drew naman kasi eh. Para kang tanga," pabebe nitong sabi habang kumakain ng bigay ko at sumiksik pa sa akin dahil magkatabi kami.
"Hoy Lucy, sa tingin ko ngayon, bulagta ka na," sabat naman ni Mia sa amin. Nagtaka naman ako sa sinabi niya at inginuso si Hazel na masamang nakatingin kay Luce. "Drew, in fairness, ang sarap mo ha este 'yong bento mo," pang-aasar ulit nito.
"Hayaan mo na sila Drew. Mga kulang sa pagkain eh kaya ganyan," komento naman ni Lucas.
"Nga pala Drew, may practice tayo ng badminton buong hapon kaya damihan mo na ang kain," paalala ni Luce sa akin sabay pasak ng tamagoyaki sa bibig ko.
Ilang sandali pa ay natapos na kaming kumain at magpapaalam na sana sina Mia nang bigla akong kausapin ni Hazel at lumayo muna kami sa tatlo.
"Dee, can we talk by some other time? I just want to tell you something though busy ako this week," sabi nito ng hindi tumitingin sa akin at bahagyang namumula ang kanyang pisngi.
"Sure Hazel. Just call or text me and I'll be right away," nakangiti kong sagot sa kanya at mahigpit naman niya akong niyakap.
Nang makaalis na sila ay tumungo na rin kami ni Luce sa gym. Iniwan muna namin sa locker room ang aming gamit at nagpalit ng damit pangtraining. Tinext ko na rin si Kate na hindi ako makakapunta mamaya dahil sa training.
Habang inaayos na ni Luce ang kanyang raketa ay hinablot ko ang isa niyang Yonex Voltric LD Force. Huli na bago pa ito makapagreact. "Pahiram muna nitong baby mo ha," at patakbo na akong umalis papunta sa court.
Sa buong training namin ay nakabusangot lang si Luce sa akin at bawat palo at serve niya ay may halong gigil. Kada swing ko ng raketa ay nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Ito na 'yong baby mo. Maraming salamat ha, next time ulit. Ewan ko lang kung may gasgas," pang-aasar ko rito at bumalik na sa locker room.
Kinuha ko na ang aking gamit at hindi na nag-abalang magbihis pa dahil pauwi naman na ako. Pagcheck ko sa aking phone ay alas-siete na pala ng gabi at may isang message ako mula kay Mom.
Kahit hindi na ako makagulapay dahil sa pagod ay patakbo na akong umalis.
Nandito ako ngayon sa mall at naggogrocery. Marami-rami rin ang pinapabili ni Mom na puro pagkain panghanda at mga wines rin at kung ano-ano pa. Naisip ko sanang magpuslit ng iba pang snacks pero naalala ko na sariling pera ko pala ang gagamitin. Iyak! Wala man lang pasabi si Mom.
Nang makapagbayad na ako ay kinuha ko na ang aking mga pinamili na apat na supot na punong-puno. Naisip ko sanang magtaxi kaso alas-otso na ng gabi at delikado. Dahil medyo malapit naman ang subdivision ay naglakad na ako.
Nang makarating ako sa bahay namin at ibinaba ang aking pinamili at nang mabuksan ko ang pinto ay biglang may sumugod at yumakap sa akin nang napakahigpit.
Tiningnan ko naman ito. Babae pala na may kulay brown na lagpas balikat ang buhok. Tinitigan ko naman ang itsura nito pero hindi ko mapagtanto kung sino ba itong babae. Pero ang ganda niya at ang amo ng mukha.
"Prince! Nandito ka na pala. Buti na lang nakauwi ka ng ligtas," bati sa akin ni Mom at hinalikan ako sa pisngi. "Hindi mo ba siya naalala?" usal ulit nito nang mapansin ang pagkalito sa mukha ko.
Umiling ako habang ang babae ay nakayakap at nakangiting nakatitig sa akin. Gumaganda siyang lalo. Jusko, nagkakasala na ako!
Dumating na rin si Dad at binati ako, kinuha na rin nito ang aking mga pinamili habang kami ay niyaya na ni Mom sa living room. Hindi pa rin ako binibitawan ng babae at para siyang linta kung makakapit.
"Prince, hindi mo ba talaga siya maalala? Siya 'yong childhood bestfriend mo. 'Yong batang babae na lagi mong kalaro ng lupa at habulan tapos lagi mo siyang binubuhat at binibigyan ng pagkain kapag umiiyak dahil inaaway ni Kate. Siya si Michelle Ortega," masayang kwento ni Mom sa akin.
Pilit ko namang inaalala ang mga sinabi ni Mom lalo na ang pangalang binanggit niya at ilang minuto ko pa bago maalala at ngumiti na halos mapunit na ang aking mukha.
"You mean Mom, 'yong batang yagit?" tumango naman si Mom. "Mich? Ikaw na ba 'yan?" hindi ko makapaniwalang sabi at niyakap ito nang napakahigpit at halos kargahin ko na siya.
"Oh my god Ander! I missed you! Akala ko hindi mo na ako maaalala," halata sa mukha nito ang labis na kasiyahan at mas humigpit ang yakap sa akin.
Humiwalay muna ako sa yakapan namin dahil ang lagkit ko dahil sa pawis. Nagpaalam muna akong maliligo at dumiretso na sa aking kwarto.
Iniready ko na ang bath tub at naglagay na ng scented liquid body soap for my bubble bath. Nang okay na lahat ay naghubad na ako at nagsimula nang maligo.
Ahh, this is heaven. Ang sarap sa pakiramdam at nakakarelax matapos ang nakakapagod na training.
Habang ineenjoy ko ang aking bubble bath ay pumikit muna ako at sumandal sa bath tub.
Makalipas ang ilang sandali ay may naramdaman akong hubad na katawan na pumatong sa akin. Pagdilat ko ay si Mich na nakangiti sa akin.
"Do you mind if I join you?" seductive na tanong nito sa akin ngunit hindi ko ito sinagot dahil napako ang aking tingin sa kanyang malamodelong hubad na katawan na kasalukuyang nakayakap sa akin.
Biglang nag-init ang aking pakiramdam at napalunok ng wala sa oras. Inilapit pa nito ang mukha sa akin na kapag gumalaw ako ay maglalapat na ang aming mga labi. Ikinawit pa nito ang kanyang kamay sa aking batok at idiniin ang kanyang katawan sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kasulok-sulukan ng kanyang katawan lalo na ang kanyang kaselanan.
At bago pa ako bumigay sa init ng aking katawan ay kinuha ko na ang hand held shower head at binuksan ito 'tsaka itinutok sa aming dalawa.
"Ahh ang sarap," mahina kong sambit nang dumapo sa aming katawan ang malamig na tubig mula sa shower head.
Kahit papaano naibsan ang init sa aking katawan.
"Ander, why can't you look straight to my eyes? Huh?" pilyang sambit naman ni Mich at hinawakan ang aking baba para iharap sa kanya.
Binitawan ko na ang shower head at mabilis na kinabig si Mich at niyakap ito nang mahigpit at bumulong sa kanya. Napangiti naman ito at nagsimula na kaming maligo ng sabay.
Makalipas ang kalahating oras ay natapos na kaming naligo at nagpunas na sabay tapis ng towel.
Sabay na kaming nagbihis dito sa aking kwarto. Nanguha lang ako ng black jogging pants at oversized white tshirt. Binuksan ko na rin ang aircon. Nang mapatuyo ko na rin ang aking buhok ay pabagsak na akong humiga sa kama habang nakaspread ang aking mga kamay.
Inaantok na ako at wala na akong balak na kumain pa.
Pipikit na sana ako nang biglang may humiga sa tabi ko na nakatagilid sa akin at ginawang unan ang aking braso.
"Ander, I missed you so much," malambing na bulong sa akin ni Mich at hinalikan ako sa pisngi habang hinahaplos nito ang aking dibdib. Ipinatong din nito ang binti sa akin.
"I missed you too Mich," nakangiti pero mahina kong usal sa kanya. Namumungay na ang aking mga mata. "Bakit biglaan kang napabisita rito at anong gagawin mo? It's been a long time since you left for Australia."
Tumitig naman ito sa akin habang hinahaplos ang aking pisngi. "I'm staying here for good and I kept my promise so I'm going to fulfill it now that I've returned.
"What promise?"
"That I'll marry you once I came back. I promised it to you when we were kids and you were dying not to let go of my hand just to stop me from leaving. You were crying back then."
Inalala ko naman ang mga panahong 'yon. Napangiti na lamang ako nang maalala ang itsura ko noon. At bago pa ako makasagot ay tuluyan na akong binalot ng antok.