ANDY
"Hmmm," ungol ko ng maramdamang may humahaplos sa aking pisngi. Ramdam ko ring may mabigat na nakadagan sa braso at binti ko kaya hindi ako makagalaw. Medyo mainit pa rin ako.
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. "M-Mom?" mahina at gulat na usal ko nang maaninag ko ang pamilyar na mukha. Hindi ko ito inaasahan.
"Good morning Prince! I missed you," masaya at malambing na bati ni Mom sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Napangiti na lang ako dahil sa saya dahil nandito na ulit si Mom at Dad.
Humiwalay na ito sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. "Kumusta ka na? Kawawa naman ang Prince ko pero mukhang alagang-alaga naman ng dalawang prinsesa," makahulugang sabi sa akin ni Mom at itinaas-taas pa nito ang dalawang kilay.
Natawa na lang ako nang mahina at nagpout dahil sa pang-aasar niya sa akin. Wala pa rin talagang pinagbago si Mom. Para pa rin siyang teenager kung asarin ako kapag kaming dalawa lang kahit ito ay nasa kanyang early forties na. 'Yan ang dahilan kung bakit kami close ni Mom.
Ilang saglit lang ay may gumalaw sa tabi ko at pagtingin ko ay si Kate. Mas napangiti ako dahil magkatabi kaming natulog at nakayakap pa siya sa akin. Nawala rin ang ngiti ko nang maalala ko ang ginawa niya sa akin sa cr kahapon.
Kahit may sakit ako ay hindi talaga pinalampas ni Kate ang pagkakataon at sinamantala ang panghihina ko.
"Good morning Andy," malambing nitong bati sa akin pagkagising niya at nakatitig lang ito sa akin. Tumitig din ako sa kanya at ngumiti dahil medyo mabigat pa ang aking ulo.
Bigla namang tumikhim si Mom kaya napatingin ako sa kanya. Nakangisi lang ito sa akin. "Mamaya niyo na ituloy 'yan. Magbreakfast na muna tayo. Baka hinihintay na tayo ni darling at Hazel."
Tumayo na si Mom at inalalayan akong tumayo, gano'n din si Kate. Pagbaba namin ay nadatnan namin si Dad at Hazel na naghahain ng mga pagkain at nagtatawanan. Tumigil lang sila sa pagtatawanan nang makita kami.
"Good morning Duke!" masayang bati sa akin ni Dad at mabilis na lumapit sa akin para yakapin ako. "I missed you!" Halos maipit na ako sa pagyakap ni Dad.
Hindi ko ba alam sa parents ko kung ba't nila ako tinatawag ng ganyan. Hindi naman kami royal family.
Binitawan na rin ako ni Dad at binati rin nito si Kate at niyakap din. Si Hazel naman ay lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Paglingon ko kina Mom, Dad at Kate ay nahuli ko ang parents ko na nakatingin sa amin pero agad ding nag-iwas ng tingin at nagpatay-malisya na lamang. Si Kate naman ay masamang nakatingin sa amin.
Dahil biglang tumahimik ay nagyaya na si Dad na magbreakfast na kami. Bigla namang nagsalita si Hazel.
"Ahmm, Tito Henry, Tita Elizabeth, hindi na po ako makakasabay magbreakfast dahil tumawag na po si Mom at may pasok pa po ako. Pasensya na po talaga, tito, tita," magalang na sabi ni Hazel sa parents ko.
"Sigurado ka ba hija?Kung gano'n eh mag-iingat ka sa pag-uwi. Paano ka pala uuwi?" tanong ni Dad kay Hazel.
"Opo tito at mag-iingat po ako sa pag-uwi. May dala po akong sasakyan. Maraming-maraming salamat po. Bibisita po ako sa susunod."
Pagkatapos no'n ay nagpaalam na rin ito sa akin at niyakap ako. Inihatid na ni Mom at Dad si Hazel sa labas. Pagkaalis ni Hazel ay sabay-sabay na kaming apat na kumain. Si Dad ang nasa kabisera at kami naman ni Kate ang magkatabi habang katapat ko si Mom.
Tahimik lang kaming kumakain ngayon habang si Mom at Dad naman ay papalit-palit ang tingin sa aming dalawa ni Kate. Tiningnan ko naman ang parents ko pero tulad kanina ay nginisian lang nila ako.
Mayamaya ay biglang nagsalita si Mom at nagtanong kay Kate. Nagsimula na silang magkwentuhang tatlo.
"Kumusta na si amiga, Kate? Nakauwi na rin ba sila?"
"Okay lang naman po si Mom, Tita Eliza. Hindi pa rin po sila umuuwi. Busy pa rin po ata sa mga business at business trips," magalang na sagot ni Kate kay Mom.
"Ang bestfriend ko talagang 'yon, napakaworkaholic. Hija, pakisabi kay amiga pag-uwi nila na puntahan kami ni Henry dito para makapagbonding kami ha," pakiusap naman ni Mom at tumango naman si Kate.
"Oo nga hija. Pakisabi mo rin kay kumpare na dumalaw siya sa T.Y.C. para makapagfishing kami," segunda rin ni Dad. Tinanguan din siya ni Kate.
Hindi na rin pumasok si Kate dahil may sakit daw ako. Ang galing ng katwiran niya 'di ba?
Matapos pa ng ilang kwentuhan ay natapos na kami at si Dad na ang nagligpit. Pinainom na rin ako ni Mom ng gamot at nagpaalam muna sila ni Kate na aalis saglit. Sasama sana ako kaso pinandilatan naman ako ng mata ni Mom.
Kaming dalawa na lang ni Dad ang naiwan dito sa bahay. Nang matapos itong magligpit ay lumapit ito sa akin at sinipat ang aking noo. Itatanong ko sana kay Dad kung saan pumunta sina Mom pero sa halip na sagutin ay sinabihan niya ako na magpunas na ng katawan at magpalit ng damit.
Magpipilit pa sana ako ngunit sinabi ulit niya na hihintayin daw niya ako sa living room. Ngumiti ito sa akin at umalis na papuntang living room dala ang isang newspaper.
Umakyat na ako sa aking kwarto at inayos na ang aking sarili. Nang okay na ako at komportable na ang aking pakiramdam ay bumaba na ulit ako at pumunta na sa living room.
Pagkarating ko ng living room ay sakto ring katatapos magbasa ni Dad ng newspaper. May hawak itong itim na panyo at nakangising lumapit sa akin. Nagtaka naman ako sa ikinikilos ni Dad lalo na ng ipiring niya ito sa akin.
"Let's go Duke," rinig kong sabi ni Dad at inakay na niya ako paalis.
Nagsimula na kaming maglakad nang dahan-dahan. Ilang saglit pa ay naramdaman kong nasa labas na kami ng bahay dahil pababa na kami ng hagdan sa front door.
Naglakad pa kami ng ilang saglit at bigla na lang huminto. Nakaramdam ako ng kaunting hilo at pinagpawisan ng malamig.
"We're here Duke," rinig kong sabi ni Dad at dahan-dahan nitong tinanggal ang aking piring.
"Surprise Prince!" bungad sa akin ni Mom at nakita ko si Kate sa likod nito na tinatanggal ang isang malaking itim na telang takip.
Pagkatanggal nito ay tumambad sa akin ang isang grand piano. Di na ako nagdalawang-isip pa at patakbong yumakap kay Mom. Walang pagsidlan ang kasiyahan ko ngayon kaya mas lalo kong niyakap si Mom at sumiksik sa leeg niya.
"Oh Prince, sshh. You're still a crybaby," pag-aalo sa akin ni Mom at hinagod ang aking likod. Hindi ko namalayan na nabasa na pala ng luha ko ang leeg ni Mom.
"Thank you so much Mom and Dad, I love you!" Naramdaman ko na lang na yumakap na rin sa amin si Dad at Kate.
Dahil sa sobrang kasiyahan ay hindi ko namalayan na nandito pala kami sa garage sa aming bahay. Nakapokus kasi ang atensyon ko sa bagong grand piano na regalo sa akin ng parents ko. Ito pala ang dahilan kung bakit sila umalis kanina ni Kate, para surpresahin ako.
Humiwalay na sila sa pagkakayakap sa akin at ako naman ay lumapit na sa grand pianong naghihintay sa akin. Pinasadahan ko ng hawak ang lid, fall board at higit sa lahat ang keyboard.
Sa bawat haplos ko sa bawat bahagi ng grand piano ay bumabalik ang mga magagandang alaala na hinding-hindi ko makakalimutan noong nagsisimula pa lamang akong matuto kung paano tumugtog.
Mga masasayang alaala na hanggang ngayon ay sariwa pa rin dahil sa nag-iisang tao na tinuruan ako na hanggang ngayon ay kasama ko pa rin na walang iba kung di ang bestfriend kong si Kate.
Umupo na ako sa piano bench at nagsimula nang tumipa. Sa bawat pagpindot ko sa mga nota ay hinahayaan ko lang ang aking sarili na dalhin ako kasama sa musikang aking nalilikha.
Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Kate at nagsimula na rin itong tumipa. Sabay na kami ngayong tumutugtog.
Sa aming pagtugtog, ramdam na ramdam ng bawat isa sa amin ang emosyong nais ipahiwatig. Ang pagtugtog ng musikang kaming dalawa mismo ang bumuo ang siyang dahilan ng pagkakaisa ng aming nararamdaman ngayon.
Nang matapos ang aming pagtugtog ay isang malakas na palapak ang aming narinig. Isang palapak mula kay Mom habang si Dad naman ay may hawak na phone at nakatutok sa amin.
"Nakakatuwa kayo Prince. Sobrang galing niyong dalawa," puri sa amin ni Mom at niyakap kaming dalawa ni Kate.
Bakas na bakas sa mukha ni Mom at Dad ang labis na kasiyahan. "Thank you so much, Mom and Dad," pasasalamat ko sa aking parents at ngumiti nang malapad.
Mayamaya ay nagpasya na kaming umalis habang ako naman ay nagpaiwan saglit. Inayos ko muna ang grand piano at tinakpan ito. Umalis na rin ako at bumalik sa loob ng bahay.
Pagkarating ko ay nadatnan ko silang tatlo na nag-uusap sa living room. Uupo pa lang sana ako nang biglang tumayo si Kate.
"Tita, tito, mauuna na po ako dahil may kailangan pa po pala akong asikasuhin sa cheerleading. Maraming-maraming salamat po sa bonding. Sa susunod po ulit," paalam nito sa parents ko.
"Ang bilis naman ata hija. Hindi ba pwedeng magstay ka muna rito dahil namiss ka rin namin 'di ba Prince?" biglang sabi naman sa akin ni Mom.
Alanganin naman akong ngumiti at napakamot na lang sa aking ulo. "Oo nga Kate, kahit saglit lang?"
"I'm sorry Andy. Kailangan kasi ako," tugon nito at apologetic itong tumingin sa parents ko kaya wala na silang nagawa.
Humalik muna si Kate sa parents ko at niyakap naman siya ng mga ito. At nang makapagpaalam na siya sa parents ko ay sa akin naman ito bumaling.
"Magpagaling ka Andy ha at mag-iingat," at hinalikan ako nito sa gilid ng labi ko at nagwave muna kina Mom. Pagkatapos no'n ay tuluyan na itong lumabas.
Wala sa sariling hinawakan ko ang gilid ng labi ko na dinampian ng halik ni Kate. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.
Bigla na lang naghiyawan sina Mom at Dad at naghagikgikan pa kaya nakapoker face akong tumingin sa kanila. Imbes na tumigil sila ay nang-asar lang silang lalo. Malala na talaga silang dalawa.
Aalis na sana ako papunta sa aking kwarto dahil medyo napagod at mainit pa ako nang biglang tinawag ako ni Mom.
"Prince, papasok ka na ba bukas?" tanong nito sa akin.
"Baka o depende po kung ayos na ang pakiramdam ko. Bakit Mom?"
"Wala naman. Baka kasi may bisita tayo bukas," nakangiting sabi sa akin ni Mom.
Tumango na lamang ako sa kanila at nagpaalam ng babalik na sa kwarto. Pagkapasok ko ay humiga na ako sa aking kama at iniisip ang sinabi ni Mom.
Sino naman kaya ang bisita naming 'yon?