Chapter 12 - Chapter 12

"Ramirez, dalian mo! Anong oras na!" sigaw ni Troy kay Arian nang makababa ito ng jeep. Nasa tapat na sila ng Henderson University.

"Punyemas naman Fuentes! Sabing sandali!" reklamo naman nito matapos ding makababa ng jeep.

Hindi na sumagot pa si Troy at patakbo nang pumasok sa Henderson University habang si Arian naman ay tumatakbo ring nakasunod sa kanya. Pasado alas-otso na ng umaga at late na sila dahil sa last minute review nilang dalawa kagabi.

Sila ngayon ay nasa Henderson University dahil kasama sila sa quiz bowl competition at dito ang venue ng kanilang event. Ang dalawa ay nasa pair category at representative ng kanilang university.

Sa katatakbo ni Troy at Arian ay natatanaw na nila ang quadrangle kung saan marami ng estudyanteng nagkukumpulan at may mga estudyante ring patuloy na dumarating mula sa ibang universities. Parang kami lang ata ang public school na naligaw dito, ani Troy sa isip.

Hinila na niya si Arian at nakipagsiksikan na rin sila upang hanapin kung saan ang registration booth ng kanilang event. Makaraan ang ilang minutong pakikipagsiksikan at tulakan ay hindi naman sila nabigong mahanap ito kahit marami pang ibang booths para sa ibang events dito.

"Hoy Troy, paano pala si sir? Hindi ba natin siya hahanapin?" nag-aalang tanong ni Arian sa kanya matapos nilang makapagpa-register.

"Hindi ko alam Yan, bahala na. Yari tayo mamaya, ang bagal mo kasi," katwiran ni Troy at inasar ang huli.

Magbabangayan pa sana ang dalawa nang biglang may nagsalita na.

"Good morning everyone! Welcome to the prestigious and respected college in the Philippines, our school, the Henderson University. It is an honor for us to host this big event and we are very grateful that all of you are here to represent your university. Today is the annual quiz bowl competition. We are wishing everyone a good luck. You may now go to your own respective rooms. And again, thank you and may the results will be in favor of your university."

Pagkatapos ng panimulang iyon ng emcee ay bumalik ulit sila sa booth kung saan sila nagpa-register at nagtanong si Troy kung saan ang magiging room nila. Buti na lang mabait ang napagtanungan ko ro'n at sinabi ang room number. Hindi nila napansin kanina dahil sa pagmamadali. Samantalang 'yong kasama ko walang kuwenta. Ako ang nagsulat ng pangalan namin habang siya ay lumilipad ang isip at nakatanga sa kabuuan ng Henderson University. Ang hirap kapag may kasamang taga-bundok.

Bago sila dumiretso sa na-assign na room nila ay dumaan muna silang dalawa sa cafeteria rito. Paano namin nalaman? Nakalagay kasi 'CAFETERIA'.

Mabilis namili ng chupa chups na lollipop si Troy at paglingon niya ay nakangisi si Arian. Magtuturo pa sana ito ngunit hinila na niya ito palayo. Magpapalibre na naman. Pasensya na, hindi ako si dude eh.

Paalis na ang dalawa nang maalala ni Troy na 'di pala nila alam kung anong building o saan ang kanilang designated room dahil first time nila rito at wala pa ang kanilang coach.

Kaya nagtanong na si Troy sa isang babaeng nakatambay doon. "Ah miss, puwedeng magtanong? Saan ba rito ang room 602?" Ang ganda naman ng babaeng 'to. Pero 'di na kailangan pang magtagal dahil late na kami. Pagkakataon nga naman kung saan nakakita ako ng chix doon pa ako mawawala.

"Paglabas mo ng cafeteria, lumakad ka at may makikita kang building malapit sa quadrangle then turn left. Nandoon ang room 602, 3rd floor," sagot ng babae sa kanya.

"Naku, salamat miss. Pasensya na sa abala. Late na kami sa competition," at dali-dali na silang umalis doon. Buti na lang at may napagtanungan ako. Tumakbo na sila para makapunta na sa Room 602 tapos 3rd floor pa. Langya!

Sa totoo lang mukha kaming tanga rito. Para kaming nasa temple run tapos kami na lang ang nandito sa campus. Shit.

Walang pang sampung minuto ay nakarating na sila sa Room 602. Hayop na experience 'to. 'Di pa kami nagsisimula, pagod na agad. Hingal na hingal ang dalawa.

"Sa wakas, nakaabot pa kayong dalawa. Alam niyong competition ngayon tapos magpapa-late kayo. Gawain ba 'yan ng responsableng estudyante? Sige, pumasok na kayo at mamaya na tayo mag-uusap. Good luck sa inyo Fuentes at Ramirez," galit at bungad na sermon sa kanila ni Mr. Agbayani.

"Sorry po sir. 'Di na po mauulit," hinging paumanhin nila. Tumango naman ito at umalis na habang silang dalawa ay pumasok na sa loob.

Binigyan muna ang mga participants ng fifteen minutes para mag-prepare. Ang kanilang ginawa? Nagdaldalan at nagtawanan. Nakatingin na sa kanila ang iba.

"Yan, candy oh, chupa chups. Pampalakas at pampatigas ng loob. Pampawala na rin ng kaba dahil masarap," nakangisi niyang alok kay Arian saka tumawa nang mahina.

"Ay pucha, ang yaman mo muna ngayon ah. Upgraded ka na ngayon kupal. Anyways, maraming salamat dito sa chupa chups mo at nawa'y masarapan ako," nakangisi ring turan nito at sinimulan nang dilaan ang lollipop.

"Tangina mo sagad, Yan. Basta sinabi ko, masarap." Naputol na ang kanilang usapan dahil may nagsalita ng proctor pero kahit gano'n ay di rin naman sila nakinig.

"Good morning everyone. Please prepare your whiteboard, whiteboard marker and eraser. The contest is divided into blah blah..." Pagkatapos magsalita ng proctor ng kung ano-ano ay binigyan na ang lahat ng whiteboard, whiteboard marker at eraser at nagsimula na ang contest.

Ilang minuto na ang lumipas nang magsimula ang contest ay medyo nahihilo na si Troy. Nakakaramdam na rin siya ng gutom. Ang hirap ng mga tanong. Si Arian naman ay hindi na rin maipinta ang mukha.

Sana nandito si dude ngayon para naman may katulong kami sa pagsagot. Siya kasi ang magaling sa ganito. Kumusta na rin kaya siya? No'ng magkakasama kami sa mall at namili sa motor shop ang huli naming pagkikita.

"Hoy gagong Fuentes, mamaya ka na nga tumulala diyan. Tulungan mo kaya ako," pabulong na reklamo ni Arian sabay sagi sa kanya.

Minura niya rin ito nang pabulong at tinulungan na ang kasama. Baka umiyak eh. Mamaya ko na papatulan.

Makalipas ang ilang oras na pagpapadugo ng kanilang mga utak ay natapos na ang contest. Nauna na nanv lumabas si Troy habang hinihilot ang batok at nag-stretch ng braso. Naramdaman niyang may kumurot sa kanyang tagiliran. Hindi ko na kailangang lingunin pa kung sino.

"Kumusta ang math quiz, Troy? Arian?" nakangiting bungad sa kanila ni Mr. Agbayani habang nakapamulsa.

"Okay lang naman po sir. 'Di ba po mag-u-"

"Ay sir sobrang okay na okay at ang saya po no'ng math quiz," putol ni Troy kay Arian sabay hawak nang madiin sa balikat nito habang nakangiti sa kanilang coach.

"Mabuti naman kung gano'n. Congrats at nairaos niyo ang math quiz. Oh siya mga anak, tanghali na. Puwede na kayong mag-lunch pero dito lang kayo at huwag ng lumayo, maliwanag ba?" Tumango na lamang sila at nagpasalamat dito.

Umalis na ang dalawa at nang makalayo ay hinila ni Troy si Arian sa isang tabi.

"Hoy Arian! Tangina ka talaga kahit kailan. Ipapaalala mo pa kay sir 'yong kanina. Pahamak ka talaga," nanggigigil niyang sabi rito. Aasarin ko lang 'to lalo na tinamaan ako ng pangti-trip ngayon.

Binatukan naman siya ni Arian nang malakas. "Putangina ka Troy! Makahila wagas ha? Ano ako bata? Saka gago, asa ka namang maalala niya 'yon. Ulyanin 'yang si Agbayani."

Hindi na sumagot pa si Troy at habang nagsasalita pa si Arian ay umalis na siya at tumawa nang malakas. Mayamaya lang ay naramdaman niyang patakbo siya ntong binangga. Hayop talagang Arian 'to.

Nang makarating sila sa quadrangle ay naglibot muna ang dalawa dahil may mga food stalls dito. Dito na lang siguro kami bibili ng pagkain. Mga ginto kasi sa cafeteria nila. Bumili lang si Troy ng shawarma rice at kay Arian naman ay siomai rice. Dito na rin nila napiling kakain dahil may mga mesa at upuan. 'Di rin mainit dahil may payong. Susubo na sana si Troy nang bigla niyang naalala si dude dahil paborito rin nito ang shawarma rice kaya naisipan niya itong tawagan.

Hahanapin na sana niya sa kanyang contacts si dude nang maalala niyang may group chat pala silang tatlo. Binuksan na niya ang kanyang messenger at nagsimula nang mag-type sa group chat nila na Three Mighty Bonds na si Arian mismo ang nag-set ng name. Napakatanga talaga.

Bigla namang sumilip sa selpon niya si Arian. "Ano ba 'yan? Huwag ka ng mag-chat kay Nix dahil wala siyang phone." Ay oo nga pala. Ang tanga mo talaga Troy.

Kumain na lang sila pero hindi niya tinitingnan si Arian. Kapag tumingin ka, ubos ang pagkain mo. Makalipas ang ilang sandali ay natapos din silang kumain at tumambay muna rito. Bigla namang naglabas ng papel at ballpen si Arian.

"Anong gagawin mo?"

"Malamang magsusulat. Tanga mo talaga," sagot naman nito sabay irap sa kanya.

"Para saan? Saka malay ko kung nagugutom ka pa," pang-aasar ni Troy pabalik at sinamaan lang siya ng tingin nito.

Dahil bisi si Arian sa pagsusulat ay inilibot muna ni Troy ang kanyang paningin at naghanap ng mga chix. May nakita siyang isang babae na hindi naman kalayuan sa kanilang puwesto at nakatingin din ito sa kanya. Nginitian niya ito saka kinindatan. Napayuko naman ang babae at pupuntahan niya sana ito.

"Gago, aalis muna ako saglit dahil idadala ko lang 'tong sulat. Babalik din agad ako. Maghanap ka muna ng chix baka sakaling may maglakas-loob na patulan ka," paalam at pang-aasar ni Arian kay Troy at mabilis na umalis dala ang kanyang bag.

Dahil maaga at mag-isa lang si Troy, naglibot-libot muna siya sa buong campus ng Henderson University. 'Di bale nang mainit kung may mga chix naman. Makapag-picture nga at ipapakita ko kay dude. Baka magustuhan niya. Sayang dalawa sana kaming nag-fi-fishing ng mga chix ngayon.

Isang oras na ang lumipas nang maggala-gala si Troy ay nagsawa na siya at wala pa rin si Arian. Mamaya pa malalaman ang results at awarding ceremony kaya nagpasyang uuwi muna ito para kunin ang kanyang motor.

Pagdating niya sa kanilang bahay ay umidlip muna siya.

***

Nagising si Troy nang tumutunog ang kanyang selpon. Pupungas-pungas naman niya itong sinagot.

"Yes babe? Why are you calling?" pilyong sagot ni Troy.

"Babe?! Putangina mo Troy! Nasaan ka na ba, malilintikan ka talaga sa 'kin! Pumunta ka na nga rito sa may gym at awarding ceremony na. Patay ka kay sir ulyanin!" talak ng kausap niya sa kabilang linya na dinaig pa ang megaphone sa lakas ng boses.

Kulang na lang ay ibato ni Troy ang kanyang selpon para manahimik si Arian. Ibababa na sana niya ang tawag nang may pahabol pa ito. "Ako pala ang papatay sa 'yo buwisit ka!" at in-end na nito ang tawag.

Kinuha ni Troy ang susi ng kanyang motor pati helmet at nagpaguwapo saglit. Nang mas guwapo na siya sa kanyang paningin ay umalis na siya sakay ng kanyang motor.

Pagdating ni Troy sa gym ng Henderson University ay sinalubong siya ni Arian at pagparada ay agad-agad siya nitong piningot papasok. Tiniis niya ang sakit at binitiwan lang siya nito nang makalapit na sila kay Mr. Agbayani at umupo na.

"Good afternoon everyone. Kumusta na kayo? Masaya ba ang competition? Just wait for a few minutes and we'll announce the winners. And before that, congratulations to all of you who participated in this annual event," pa-suspense na sabi ng emcee.

Nakaramdam naman siya ng kaba kaya pinisil niya ang kaliwang hita ni Arian. Pinalo naman ng huli ang kamay niya at madiin siyang kinurot sa kanang hita habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. "Humanda ka sa aking manyak ka mamaya," bulong pa nito sa kanya.

"Again, good afternoon everyone. Finally, after a very long and thorough deliberation ay hawak ko na ang results. So, when I call the names of the participants and their respective university, please come here in front of the stage to get your trophy, medal and certificate. Shall we start?"

Makaraang sabihin 'yon ng emcee ay lalong kinabahan si Troy. Gusto ko tuloy yumakap kay Arian kaso mas mahal ko ang buhay ko.

"For the debate, under pair category, the second place goes to Eastville University, James Santos and Sandy Adams.

"For the first place, congratulations to Henderson University, Tyler Acosta and Silver Zamora!"

"For the first place in business proposals, congratulations again to Henderson University, Aubrey Collins, Black Avila and Reign Arevalo."

"For the architecture, since we only have one participant and again, congratulations to Henderson University. May I call on Natalie Morgan."

Patuloy lang ang emcee sa pag-aanunsyo ng mga nanalo at pansin ni Troy na puro taga-Henderson ang nanalo kaya hindi na siya nakikinig. Puro estudyante ng nasabing unibersidad ang naghihiyawan at nagpapalakpakan. Nakakasawa at puro sila. Napansin naman niyang nakatulala si Arian sa stage at hindi man lang kumukurap.

"Hoy panget, ba't ka nakatulala diyan? Nagmumukha kang tanga, ay tanga ka na pa lang dati," pabulong niyang pambubuwisit kay Arian.

"Puwede bang shut up ka na lang? Nakakagigil ka na, sobra. Saka tinitingnan ko ang mga nasa stage dahil namumukhaan ko sila. Hindi ko inaasahan na dito pala sila nag-aaral," paliwanag ni Arian.

"Sino naman 'yang mga tinutukoy mo? Baka mga sindikato 'yan.

"Alam mo Troy, ang bobo mo talaga. Tumingin ka kaya sa stage nang malaman mo. Hindi kasi puro bibig at bayag ang pinapairal. Saka ang gaganda't gaguwapo nilang nilalang para maging sindikato. Pero kung ikaw lang din, mukha pa lang pansindikato na, what more pa kaya kung sindikato ka talaga."

Sasagot pa sana si Troy nang patigilin siya nito at nagpaliwanag tungkol sa mga kilala niyang 'sindikato'. Nalaman niyang mga customers pala ni Arian ang mga ito sa The Midnight Haven.

"And for the quiz bowl competition in civil engineering under the pair category, the third place goes to Don Jose Graciano State University! Congratulations!

"May we call on Arian Ramirez and Troy Fuentes to come here in front to claim your awards."

Pagkarinig no'n ay napasigaw si Troy at kinaladkad na si Arian papuntang stage. Masaya ako ngayon kahit hindi namin nakuha ang first place eh proud naman kami lalo na't ginawa namin ni tanga ang aming best.

Masaya niyang kinamayan ang dalawang nag-a-award na sa tingin niya ay ang President at Dean ng Henderson University. Nabasa ko kasi sa nameplate nila. Pagkatapos ng awarding at picture taking nila ay bumaba na ang dalawa ng stage. Pabalik na sila sa kanilang puwesto nang biglang may tumawag kay Arian.

"Arian? Is that you? Congrats!" bati ng isang babae kay Arian na may pagka-pink ang kulay nang lagpas balikat nitong buhok. Maganda siya pero hindi ko type.

"Miss Natalie? Thank you po. Congrats din po sa inyo," parang maamong tupang bati ni Arian pabalik sa babae.

"Hey guys! Sakto dahil nandito rin pala kayo Arian, what if sabay-sabay na tayong mag-celebrate ng ating pagkapanalo? What do you think guys?" biglang sabat naman ng isang babae na may maikli at kulay itim na buhok.

Bigla namang nagsisang-ayon ang mga kasama nito. Tatanggi pa sana si Arian at Troy nang bigla ulit itong nagsalita.

"That's settled then. Sa Yellow Cab tayo. Tara, sabay-sabay na tayong pumunta," masayang yaya sa kanila ng babaeng maikli ang buhok.

Dahil tapos na ang awarding ceremony ay sabay-sabay na silang umalis kasama ang mga 'sindikato' na kilala ni Arian. Nagtaka naman si Troy nang biglang huminto si Arian sa paglalakad at 'di mapakali ang itsura.

"Troy, nasaan ang susi ng motor mo? Puwedeng pahiram?" sabay kapkap nito sa kanyang pantalon. Naguguluhan siya sa ikinikilos nito at bago pa siya makapagsalita ay nagpaalam na ito. "Mabilis lang ako. Sa Yellow Cab 'di ba?" at nagmamadali na itong umalis.

Bigla namang huminto at lumingon kay Troy ang tinutukoy niyang pitong 'sindikato'. Mga nagtataka ang mga tingin nito. Natulala naman siya sa babaeng nasa pinakagitna nilang pito. Kahit saglit lang itong lumingon ay 'di niya maikakailang nakuha nito ang kanyang atensyon. Kahit ang taray ng mukha niya ay hindi ko maiwasang humanga dahil sa angkin nitong ganda.

Wala sa sariling naglakad ulit si Troy. Nang makalabas na sila sa gym ay saka lang niya napagtanto na paano pala siya makakapunta ng Yellow Cab eh itinakas pala ni Arian ang kanyang motor.

"Excuse me? Aren't you getting inside the car? We're leaving," mataray na sabi sa kanya ng babaeng nakakuha ng kanyang atensyon kanina. Hindi na sumagot pa si Troy at kusa na lamang siyang sumakay sa sasakyan.

***

Nakarating na si Troy at ang kasama niyang pitong 'sindikato' sa Yellow Cab at nakaupo na. Kasalukuyang nag-uusap-usap ang mga ito kung ano ang o-order-in habang siya ay tahimik lang. Nasaan na ba si panget? Bumiyahe na ata at itinakas na ng tuluyan ang motor ko.

"Excuse me? Si Arian pala?" pukaw sa kanya ng babaeng may maikli at kulay itim na buhok.

"'Di ko alam miss, eh. Nagmamadaling umalis kanina. Tumae ata. Troy nga pala," patay-malisya niyang sagot bago nagpakilala.

Bigla namang tumawa ang isang babae na sa tingin niya ay Natalie ang pangalan base kay Arian nang banggitin niya ang salitang miss. Sinamaan naman ito ng tingin ng kanyang kausap bago ito nagpakilala sa kanya. "Just call me Silver and these are my friends: Nat, Aubrey, Mc, Black, Ty and Reign," pakilala nito mula sa babaeng pink ang buhok hanggang sa lalaking may kaputian na nakangiti at kumaway pa kay Troy. Alanganin din siyang ngumiti dahil sa hiya at nagpakilala ulit.

"Guys, mag-order na ba tayo o hihintayin muna natin si Arian?"

"Mag-order na siguro tayo Black tapos si Troy na lang bahala mag-order para kay Arian."

"Sige pala pre. Um-order na kayo ng kahit anong gusto niyo. Treat na naming boys. Huwag ka ng mahiya sa 'min Troy tutal magkakaibigan na tayo rito."

"Wow, ang babait niyo naman! Basta Reign ha gusto ko lahat no'ng nasa menu," bulalas ni Natalie habang nagpapa-cute kay Reign.

"Oh my god Nat, why so takaw? Wala na naman bang foods sa inyo? Mahiya ka naman kay Troy," maarteng sabi naman ni Aubrey.

"Let her be, Bree. 'Di ka pa ba sanay diyan? Kung mabulunan 'yan, pasakan mo na lang ng pizza sa bunganga," asar naman ni Silver.

"Anyways, Troy, have you already chosen your order?"

"Ah m-miss Mc, kayo na pong bahala, kung ano po 'yong sa inyo gano'n na rin po yo'ng sa amin. Nakakahiya po eh," kinakabahan at nauutal niyang sagot. Troy, umayos ka nga! Expert ka sa mga babae 'di ba?

Inirapan lang siya nito at sinabi na nila kung ano-ano ang kanilang mga gustong pagkain at nag-order na ang tatlong lalaki habang si Troy naman ang naiwan kasama ang apat na babae.

Maraming salamat po sa biyayang ito Lord. Hindi ko po alam kung paano magpapasalamat sa pagiging Adan ko dahil napapalibutan ako ng maraming Eba.

Bumalik lang si Troy sa ulirat nang biglang may tumikhim at pagtingin niya ay si Mc pala. Hindi ko kasi namalayan na nakangiti na pala ako rito dahil sa aking pagpapantasya sa apat na chix na kasama ko. Iba talaga kapag guwapo.

"Guys, let's eat na! Gutom na gutom na ako!" sigaw ni Nat nang dumating na ang mga order nilang pagkain.

"Teka, paano si Arian? 'Di pa ba siya darating?"

"Parating na siguro 'yon, pre. Puwede na kayong mauna."

"Sige pala pre. Kainan na!"

Nanguha na sila ng kanya-kanya nilang pagkain. Dahil libre, nanguha na si Troy ng marami. Minsan lang 'to kaya lubusin na.

Kasalukuyan na silang kumakain nang biglang sumigaw si Nat. Mukhang nabulunan ata. Dali-dali naman nila itong inabutan ng inumin saka nag-asaran. Hindi na niya ito pinansin pa at kumain na lang nang kumain.

Halos nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang biglang sumulpot sa harap nila ang hinihingal na si Arian.

"Hoy panget! Ba't dumating ka pa? Eh di mauubos na 'yong pagkain," pang-aasar ni Troy kay Arian habang kumukuha ng pizza at fried chicken.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Arian at mabilis na umupo sa tabi niya. "Alam mo Fuentes, bilangin mo na kung ilang pagkain na lang ang makakain mo. 'Di ka na makikita bukas, buwisit ka!" pabulong at madiin na sabi nito sa kanya. 'Di pa ito nakuntento ay kinurot pa siya nang napakadiin sa kanyang hita.

"Buti na lang at nakarating ka rin, Arian. Kumain ka na. Huwag ka ng mahihiya, tayo-tayo lang dito," nakangiting saad ni Silver kay Arian. "Troy, 'di ba masarap 'yong pagkain?"

Gago kasing panget 'to kaya napangiwi ang mukha ko at napansin pa tuloy ni Silver.

"Maraming salamat po Miss Silver. Pasensya na po at nahuli ako," magalang na tugon naman ni Arian. Plastik ka talaga panget.

Sasabat pa sana si Troy nang bigla siyang tinapakan sa paa. Aba, sinisimulan mo talaga ako Ramirez. Pagbibigyan kita.

Kumukuha na si Arian ng pagkain nang paunti-unti itong sinasagi ni Troy para hindi ito makakuha nang maayos. Nang makapili ito ng kanyang paboritong parte ng fried chicken ay mabilis niyang itong kinuha at kinain. Nagkibit-balikat lang si Troy habang nakangisi at ang huli naman ay nanlilisik na ang mga mata.

"Arian, nasaan si Kale? Bakit wala siya? Hindi ba siya pupunta rito?" biglang tanong ulit ni Silver sa kalagitnaan ng pagkain ni Arian.

Nilunok muna nito ang kinakain saka sumagot. "Ay, hindi po makakapunta si Nix dahil masama raw po ang pakiramdam niya."

Nagsimula na ang mga itong magkuwentuhan habang si Troy naman ay nag-chat kay dude at kinumusta ito. Hindi na siya nakisali sa kanila dahil mas gusto niyang pag-usapan ang mga babae at chix. Kung nandito lang sana si dude eh di sana hindi ako nabubulok dito kasama si panget.

Kahit hindi siya nakikisali sa usapan ng mga ito ay naririnig niya naman na nagtatanong ang mga ito tungkol sa kanila. Mayamaya lang ay bigla niyang narinig ang pangalan ni dude sa usapan ng mga ito.

"Eh si Kale, kumusta? May boyfriend ba siya?" curious na tanong ni Silver. Bigla namang napaubo si Mc kaya napalingon dito si Silver saka nakakalokong ngumiti.

Bago pa makasagot si Arian ay sumabat na si Troy.

"Naku miss, marami siya niyan. Pero mas marami siyang ano."

"Ano Troy?"

Bigla ring sumingit si Arian. "Marami rin po siyang girlfriend."

Gulat na gulat naman ang reaksyon nila at biglang napatingin sa kanilang dalawa sina Mc at Nat. Nang makabawi ang mga ito sa pagkabigla ay sumali na rin sa usapan si Nat at nagtanong-tanong pa ng tungkol sa kanilang kaibigan.

Nang mapansin nila kung anong oras na ay nagpaalam na sila sa bawat isa.

"Arian, Troy, nabusog ba kayo?" tanong sa kanila ni Ty habang palabas na sila ng Yellow Cab.

"Maraming salamat po sa treat niyo. Nag-enjoy kami ni Troy. Sana sa susunod, makapag-bonding po ulit tayo," nakangiting saad ni Arian at bineso naman ito ni Nat at Silver.

"No problem, Arian and 'wag ka ng mag-po sa 'min tutal magkakakilala na tayo. Eh di kung gano'n pala, what if we have a pool party this coming Thursday at Tyler's house? We don't take no as an answer," nakangisi nitong tanong sa kanila habang isa-isa silang tinitingnan.

Nakakalokong tumingin sa kanya si Arian bago sumagot. 'We're in."