Chapter 16 - Chapter 16

Lumipas ang buong linggo ay patuloy pa ring nambu-bully ang pitong magkakaibigan sa bagong transferee at sa ibang estudyante na bumabangga sa kanila lalo na kay McKenzie. Dahil ako ang gumawa ng app na Hender's Talk, ako ang nagpo-post ng mga pictures ng mga targets namin matapos naming i-bully at doon ipagpapatuloy ang pambu-bully. Bukod sa 'kin ay nagpo-post din si Aub at siya ang naglalagay ng caption, ani ni Natalie sa sarili.

Sa kanilang edad na twenty-one ay hindi maiisip ng iba na nambu-bully sila. Kasalanan 'yan ng nagmamaganda naming leader na si Kenz. Kung wala na siyang makitang mabu-bully ay ako naman ang pagdidiskitahan nilang tatlo nina Pilak at Aub. Ako ang pinakakawawa sa aming pito kaya binabawian ko sila sa pagkain. Tapos ako pa ang sasabihan nilang matakaw eh ano bang ginagawa kapag maraming pagkain?

Para kay Natalie, demonyita si McKenzie kaya lagi niya itong binabara pero patola rin ang kaibigan. Ang tanga talaga, parehas sila ni Aub.

Linggo ngayon at nakatambay sila sa condo suite ni Silver. Dito sila nag-overnight na magkakaibigan. Buwisit na buwisit si Silver kay Natalie dahil sa lakas ng loob nitong mag-imbita sa suite niya ng walang paalam. Sinabi naman ni Silver na hindi puwede at sa iba na lang. Ganyan talaga siya, napakadamot. Ayaw lang niyang magpakain eh, katwiran ni Natalie. Kasalukuyan silang nagkukuwentuhan tungkol sa mga nangyari at mga mangyayari next week sa kanilang university.

"Guys, what's the plan na?" pukaw ni Natalie sa kanila dahil abala ang kanyang mga kasama sa kani-kanilang selpon.

"Ayokong pumasok. Gusto ko munang magpahinga. You know unwind," sagot ni Silver habang naglalaro ito ng kanyang PS5.

"Lagi naman tayong nagpapahinga ah. Napakatamad mo talaga Pilak."

Ang mga boys naman ay naglalaro ng Xbox at may mga alak pa. Hindi na nagsawa ang mga itong uminom mula kagabi.

"Alam niyo ba girls, papasok na ata 'yong bagong captain ng women's volleyball team ng ating university bukas. Excited na akong makita kung sino siya!" bulalas ni Natalie na siyang ikinalingon ng mga kasama niya habang si McKenzie at Aubrey ay napatakip ng tenga gamit ang unan sa couch. "What the fuck Nat? Kailangan talagang isigaw?" Inirapan niya lang si Aubrey. Pinapairal na naman ang kaartehan.

"Baka Nat chix 'yan ha. Kapag maganda yayayain kong makipag-date!" nakangising tugon ni Silver habang patuloy pa rin sa paglalaro ng Call of Duty.

"Wait girls ha, I mean mga not so straight whatever you wanna call it. Wala na ba kayong mahanap na ibang paglalaruan niyo and that new volleyball captain ang target niyo?" maarte na namang komento ni Aubrey. Sarap talagang hambalusin. Lahat na lang may kontra siya eh. Kulang ata sa aruga ni Black.

Bigla namang lumingon si Tyler sa kanila at sumabat. "Oo nga naman Sil, ayaw kaya ni Collins ng mga nambababae. Saka Collins, okay lang daw 'yon basta hindi ikaw," at humagalpak na ito ng tawa. Sinamaan naman ito ng tingin ni Silver sabay bato nito ng kanyang PS5 controller kay Tyler.

"Ano ka ba Aub, may masama ba and besides, wala naman kaming balak na kung ano. Makikipagkilala lang. Famous daw eh."

"I agree muna sa 'yo this time Nat. 'Di ka rin pala tanga," sabay hampas ni Silver sa likod ni Natalie. Ibinato naman niya ang kanyang slide slippers sa PS5 nito saka bumelat.

"Whatever girls. Bahala kayo. Mga playgirls," at umirap pa ito sa kanila lalo na kay Silver na binato nito ng unan.

Pumunta saglit si Natalie sa kusina para kumuha ng maraming wine at pagkain. Bahala na si Pilak at marami naman siyang stock dito. Nanguha na rin siya ng yelo at baso. Mag-iinuman ulit sila. Niyaya niya ring lumabas ang mga kaibigan pero umayaw ang mga ito dahil tinatamad buhat sa maulan buong araw.

Bumalik na si Natalie sa living room at nadatnan niya si Silver na namimili ng movie sa Netflix habang si Aubrey naman ay inaayos ang kanilang puwesto. Ang mga lalaki naman ay gano'n pa rin, naglalaro. Buti nga kahit mag-jowa 'yong dalawa naming kaibigan eh marunong lumugar hindi 'yong puro sila harutan.

Inilapag na ni Natalie ang mga dala niya at niyaya na ang dalawang kasama. Binatukan naman siya ni Silver. Gago talaga.

"Hoy Nat, ang dami mo na namang kinuhang pagkain! Inubos mo na lahat ng stock ko!" Hinampas na naman siya nang malakas sa likod. Kapag nalaglag talaga ang baga ko niyan Pilak.

"Bullshit naman Pilak! Ang damot mo naman! 'Di pa nga nababawasan 'yong mga stocks mo at ngayon lang ako nanguha 'no!"

"Let's watch na lang 'kay? Mag-aaway na naman kayo eh." Pumuwesto na sila sa carpeted floor. Napansin niya namang tahimik si McKenzie.

"Parang ang tahimik muna ng mga ibang espiritu diyan. Okay na rin para walang nagsusungit saka maingay," usal niya habang kumakain ng Lays. Pagtingin niya sa kanyang gilid ay wala na siyang katabi. Mabilis na tumabi si Aubrey at Silver kay McKenzie na ngayon ay nakataas na ang kilay sa kanya.

Sinenyasan pa siya ni Silver na yari siya habang iminumuwestra ang hintuturo nito at nakangisi. Pag-uuntugin ko pa kayong tatlo. Walang yari-yari sa 'kin.

Tumigil na sila sa pag-uusap at nanood na. Napili nilang panoorin ang Lucifer. 'Di ko na pinansin pa ang tatlong Lucifer na kasama ko. Kakain na lang ako't manonood. Makalipas ang dalawang oras ay inaantok na si Natalie. Tumigil muna silang manood at pinatay ang flat screen tv. Mag-iinuman na lang silang apat at magkukuwentuhan.

"May tanong ako Kenz. Anong meron sa inyo ni Nic?"

Biglang nandilim ang mukha ni McKenzie at imbes na ito ang sumagot ay inunahan na ito ni Aubrey. "Nic? You mean Nixon, the waitress at The Midnight Haven? Don't ask stupid questions, Nat. Kenzie has a boyfriend and she is straight. "

"Is that so, Aub? Why do I have a hunch that there's something between them? Anyways, you'll never know. Straight ba talaga 'yan o bak-"

"Nat! Will you please shut your fucking mouth?! Kung ano-anong pinagsasabi mo at parang wala ako ah para pag-usapan niyo. Parehas kayo ni Eiji," nanggigil nitong sambit habang matalim na nakatingin kay Natalie. "Don't make me mad or else lahat talaga ng mga kaparehas niyo, may sasapitin sa Henderson University."

Nagulat naman sila nang biglang tumayo si Eiji at seryoso ang mukha. "Since you already said that, I can't take this anymore. I'm out," saka ito umalis papunta sa boys.

Bumaling naman sa kanya si McKenzie. "Gusto mo rin bang sumunod kay Eiji?" Naghahamon nitong tanong sa kanya pero tumahimik na lang si Natalie at yumuko. Umalis na rin si McKenzie at silang dalawa na lang ni Aubrey ang naiwan.

"That's what I'm talking about to the two of you. Kaya if I were you, be thankful at 'di niya kayo gaanong pinandidirian kahit na may part kay Kenzie na ayaw niya talaga. Don't make an issue na lang about that Nixon and her kung ayaw niyong magalit siya sa inyo," pangangaral nito kay Natalie. May kuwenta rin pala ito akala ko puro pangbu-bully lang sa 'kin ang alam niya.

Well, may point naman si Aub. Homophobic talaga si Kenz kaya naglakas ako ng loob na sabihin sa kanya kung ano talaga ako. Ayoko kasi ng may itinatago at akala ko magagalit siya. 'Yon pala hindi. Medyo pinandirian niya ako sa una pero hinayaan ko lang siya. At ito ang kapalit, pambu-bully nila sa 'king tatlo kahit na kalahi ko rin si Pilak.

Si Silver naman ay open na open sa kanyang sexuality. Wala itong pakialam kung pandirian o magalit sa kanya si McKenzie. Ito lang din ang may lakas ng loob na sagut-sagutin ito. Walanghiya kung ituring ito ni Natalie.

'Di na pinansin ni Natalie ang sinabi ni Aubrey. Isa rin kasi itong pasimuno. Kaparehas nito si McKenzie kaya ang dalawa ang madalas na nagkakaintindihan samantalang silang dalawa ni Silver ay mas lalong hindi magkasundo. Inaaway lang kasi ito ni Silver.

"What about you Nat, do you like Nixon?"

"Oo, gusto ko siya. Crush gano'n but I don't want to be in a relationship for now. Fling lang muna."

"You and Silver are really the same. Treating every girl as your toy. Ang hilig niyo sa fling kaya wala kayong mga partner eh."

"Palibhasa kasi may boyfriend ka na. Lakas makapangaral Aub."

Inirapan lang siya nito at kumain na ulit. Lumapit na sa kanila ang mga boys at nakikain na rin. Hindi naman nagpahuli si Natalie. Dinamihan niya ang pagkuha ng pagkain at bahala na ang kanyang mga kasama dahil libre ito at masasayang lang ito para kay Natalie kung mahihiya siya. 'Di na rin nila alam kung nasaan na ang dalawang kaibigan na si McKenzie at Silver.

Habang sabay-sabay silang kumakain ay nagkukuwentuhan din sila. Nagtanong naman ang mga boys kung anong nangyari kay McKenzie at Silver. Si Aubrey na ang nagpaliwanag. Nakikinig lang si Natalie sa pinag-uusapan ng mga ito tungkol sa mga pambu-bully nilang gagawin. Hindi na siya sumabat pa dahil mas gusto niyang kumain. Tulad ng sabi sa kanila ni McKenzie, sila ang The Elite Seven. Sa labas ng university ay medyo maayos sila pero kapag nasa loob na ng campus ay ibang usapan na.

Ilang sandali pa ay natapos na silang kumain at nagpaalam na sa isa't isa. Umuwi na sila habang si Natalie naman ay nagtungo sa isang tennis shop. Nagtingin-tingin ito ng mga bagong raketa at ilang accessories. Gusto na kasi nitong palitan ang kanyang raketa at pandagdag na rin dahil mabilis niyang masira ang kanyang mga raketa. Sporty rin si Natalie kahit na inaaway lang siya ng mga kaibigan. Nagtingin na rin siya ng sapatos na puwede niyang gamitin sa laro niya. Alam niyang biglaan ang sports meet kaya naghahanda na siya. Ilang saglit na masinsinang pagtitingin ay may napili na siya.

Binili ni Natalie ang napili niyang dalawang Head at Babolat saka isang Wilson na raketa. Bumili rin siya ng limang branded tennis shoes. Nang makapagbayad ay umalis na siya at dumiretso ng umuwi para magpahinga.