Chapter 18 - Chapter 18

"Remember me, lesbi? 'Di ka nababagay dito. Get lost!" sabi ni McKenzie sa transferee student at ngumiti nang nakakaloko. Kasalukuyan silang nagla-lunch sa cafeteria.

Tatayo na sana ang binubully nila nang biglang may tumawag dito. Parang boses bakla 'yong tumawag. Isa na namang sugo ang ipinadala rito sa university ko. Dumarami na ang mga gay at lesbian. I won't tolerate any of it, fuck them! puna ni McKenzie sa mga ito. Halos manigas at kilabutan siya nang marinig niya kung sino ang kanilang binubully.

"Kale!"

What the?! Gulat na gulat ang pitong magkakaibigan at tila namutla ang kanilang mga itsura lalo na ang mga kasama niya. Shit! Kinurot pa ni McKenzie ang sarili kung totoo ba ang nangyayari ngayon. Bullshit!

How come na ang lesbi na transferee student na 'yon at si dumb waitress ay iisa?

Bumalik lang siya sa kanyang ulirat nang may nagsalita na naman. Sa pagkakataong ito ay isang babae naman. Tila nagpantig ang kanyang tenga at bumangon ang inis niya dahil sa sinabi ng babaeng na sa tingin niya ay kung makaasta ay parang ito ang pinakamataas sa buong Henderson University. At sino na naman kaya ito?

"Sinong gumawa sa 'yo niyan, babe?"

Seriously, babe? Nakakadiri. Babago lang siya sa teritoryo ko pero kung makatawag ng babe akala mo kung sino saka hindi man lang kinikilabutan sa sarili niya. Napakafeeling concerned. Kaya tiningnan itong maigi ni McKenzie.

"I don't want to repeat myself. Who did this to her?! Anyone?!" galit na galit na sabi nito.

Napakalakas talaga ng loob ng babaeng 'to at mukha siyang bitch! Feeling heroine! Ano siya knight in shining armor ni dumb waitress? Feeling tagapagligtas. Ako lang ang nag-iisa at nararapat na Knight dito wala ng iba!

"Teka lang President, kalma ka lang. Para kang papatay eh."

"Inuutusan mo ba ako ha Secretary? Ayoko sa lahat ay binabastos at sinasamantala ang taong pinakainiingatan ko. Wala akong pakialam kung makapatay ako."

"Sabi ko nga po Pres. Tatahimik na po ako. Zip na ang mouth ko. Pero Pres, obvious naman na kung sino ang may gawa," at itinuro sila ng bakla nitong kasama.

Sa isip ni McKenzie, kaya malakas ang loob ng babaeng tinatawag niyang 'bitch' ay dahil ito ang president ng student council habang ang bakla nitong kasama ang secretary.

Paano nangyari 'yon? Napakapangit ng ugali niya at isa siyang bitch tapos president idagdag mo pa 'tong sipsip na bakla. Itinuro pa talaga kami at may nalalaman pang obvious obvious na kami ang may gawa sa nangyari kay lesbi-slash-dumb-waitress, pagngingitngit ng loob ni McKenzie.

At tama ba 'yong narinig kong sinabi ni bitch? Sino naman kaya ang tinutukoy niya? Si lesbi na dumb waitress? Mukhang lesbi rin itong si president bitch. Magsama silang dalawa! Titingin-tingin pa sa amin nang masama eh kung dukutin ko 'yang mata niya. Patuloy pa rin ang pagkabuwisit niya sa tatlo at sa mga nangyayari sa kanila ngayon.

Lalapit na sana sa kanila si Ashley pero pinigilan ito ni Kale. Take note, dito pa talaga sila magharutang dalawa. Nakakasuka. Si feeling tagapaglitas at feeling naaapi, yuck, tuya niya sa dalawa.

'Di na lang sila umalis nang mawala na ang mga lapastangang tao rito. Mga naghahasik ng lagim ang mga lahi nila rito which is very displeasing and infuriating.

Habang kung ano-anong pinagsasabi ni McKenzie sa dalawa ay nagsalita na naman si Ashley.

"Sa susunod na maulit pa ito ay sinisigurado kong may kalalagyan ang sino mang kumanti sa babaeng gusto ko."

At talagang tumingin sa akin ng matalim. May ginagawa ba akong masama? For fuck's sake, I'm the one and only McKenzie Knight Henderson, the heiress of this university! While she, of course, the stupid president. Hindi siya uubra sa akin. Wala akong kinatatakutan. Baka siya pa ang matakot sa akin.

Tuluyan nang umalis ang mga ito at bumalik na ulit sa dati ang loob ng cafeteria. Maingay na ulit at may mga naririnig kaming bulungan.

Guys, 'di ba si Ms. Ashley Grey 'yon?

Oo, siya nga 'yon. Nakabalik na pala ang student council president at siya ang new captain ng women's volleyball team ng university natin.

Omg! Ang ganda-ganda niya tapos sobrang bait pa. Wala na akong masabi. She's perfect!

Kahit famous siya ay madali siyang lapitan kaya idol at crush ko siya!

Ang bait niya kasi tinulungan niya 'yong nabully. In fairness, may itsura rin 'yon ha. Bagay na bagay sila ni President Ashley.

"All of you! Will you please shut up?!" iritang-irita na sigaw ko sa mga estudyanteng nagchichismisan na agad naming nagsisinunod. Nakakarindi at nakakasawa ang mga naririnig ko! Puro si bitch! So Ashley's the name huh? Sinasagad talaga niya ang pasensya ko puwes humanda siya! Hinding-hindi ko 'to palalampasin. Bagay na bagay sila ni lesbi? Let me see what I can do with that.

Napabalik lang ako sa aking ulirat nang kalabitin ako ni Eiji.

"Hoy Mc! Ano ng nangyari sa'yo? Natulala ka na!"

"Hala Kenz! Si Nic pala 'yong binubully natin. Paano 'yan sira na ang image natin sa kanya! Baka ayaw na niya ako."

"Hoy mga pre, si Nixon pala 'yong binublly natin araw-araw. 'Wag kayong mag-alala tayo kaya ang The Elite Seven kaya hayaan niyo na."

Saglit na katahimikan ang namayani sa aming pito habang tumitingin sa bawat isa. Mayamaya ay nagsalita uli si Eiji. "So Mc, what's your plan?"

Bigla akong napataas ng kilay dahil parang may kakaiba sa tanong at boses ni Eiji. "I don't know...yet."

"Anyways, siya pala ang president at new volleyball captain. Di na tayo makakaporma ro'n Pilak. Galit na sa atin."

"Kaya nga Nat. Sayang, type ko pa man din kaso may gusto ng iba 'di ba Mc?"

"Shut the fuck up Eiji. I'm pissed off."

"If you say so. Hang-out tayo mamaya guys. Marami tayong pag-uusapan dahil may gigisahin ako mamaya," at ngumisi pa talaga sa akin ang gagong Eiji na 'to.

"Sure Silver! Where ba?"

"Kayo bahala."

"Doon na lang sa bahay ni Ty para maraming pagkain!"

"Okay fine Nat, sabi mo eh. Okay lang ba sayo Ty?"

"May magagawa pa ba ako? Pasok na lang kayo mamaya pagpunta niyo. Hihintayin ko na lang kayo sa may pool."

"Yes!" at sabay-sabay na kaming umalis ng cafeteria para pumunta na sa aming kanya-kanyang klase.

***

Lumipas pa ang mga araw ay patuloy pa rin sila sa pambubully kay Kale sa Hender's Talk. Buhat sa naging usapan nila sa condo ni Silver noon ay hindi na ito sumama pa sa kanilang anim at malimit ay nambababae ito sa loob ng Henderson University.

Dahil hindi na nila ito nakakasama ay lagi rin siyang hinahanap ni Aubrey at dahil hindi nila mahagilap ay hinayaan na lang nila.

"Babe, hinahanap mo pa rin ba si Silver? Nandiyan lang siguro siya sa tabi-tabi 'tsaka sasama ulit sa atin 'yon kapag parehas na silang malamig ni Zie," pag-aalo ni Black sa kasintahan 'tsaka hinalikan ito sa labi.

Kasalukuyan silang nasa cafeteria habang pinagchichismisan ang student council president na si Ashley at si Kale.

"Guys, look! Trending na trending ang picture ng student council president na si Ashley and our lesbi target, Kale," bulalas ni Aubrey sa gang habang ipinapakita ang isang post ng picture kung saan nakahalik si Ashley sa pisngi ni Kale at nakayakap dito. Si Kale naman ay kumakain.

Bigla na naming uminit ang ulo ni McKenzie nang makita ang post at parang sasabog na ito sa inis sapagkat ang naturang post ay naging topic sa buong Henderson University ng ilang araw. Umani rin ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga estudyante.

Marami ang naintriga at nagulat ngunit mas nanaig ang pagkagusto ng mga estudyante kay Ashley at Kale. Dahil iniidolo nila ang bagong volleyball captain ay suportado sila kung ano man ang meron sa dalawa. Ito rin ang dahilan kung ba't mas tumindi ang pambubully ng The Elite Seven dahil sa utos ng kanilang leader na buong linggong galit na galit at iritado.

***

"Babe, have you seen her face? That McKenzie Knight Henderson? Mukhang apektado siya sa pagiging topic at trending nating dalawa rito sa ipinagmamalaki niyang university na wala namang kwenta," nakangising saad ni Ashley kay Kale. Silang dalawa ay kasalukuyang nasa student council office.

"Sino 'yon? Hayaan mo na lang." Ngumiti na lang si Ashley sa itinuran ni Kale at bigla itong yumakap dahilan para matumba silang dalawa sa couch at mapaibabaw si Ashley kay Kale.

Ilang saglit muna silang nagtitigan hanggang sa papalapit na nang papalapit ang mukha ni Ashley. Sa isip ni Kale ay hindi niya alam ang gagawin at tila nag-iisip pa ito. Ramdam na ramdam ni Kale ang kaba at bago pa mahuli ang lahat ay mabilis niya itong kinabig at napasubsob si Ashley sa leeg niya.

Lumipas ang ilang minuto na gano'n pa rin ang posisyon nilang dalawa ay akmang tatayo na si Kale ngunit pinigilan siya ni Ashley at mas humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya at nagsimula nang dilaan ni Ashley ang leeg ni Kale. Nagpaubaya na ito sa kung anumang gustong gawin sa kanya nito. Hinagod na lang niya ang likod ni Ashley at pumikit dahil sa kakaibang sensasyon na dulot ng ginagawa nito sa kanya.

***

Papunta na si Kale at Ashley sa cafeteria matapos ang ginawa nila sa student council office. Tumingin muna ang dalawa sa isa't isa at masayang dumiretso sa loob.

Kahit malayo pa lang ay mas tumindi ang disgusto ni McKenzie sa dalawang kararating kahit natatanaw pa lang niya ang mga ito mula sa counter na nagkukulitan. Ang lahat ng atensyon ng mga estudyante ay nandoon sa dalawa at manghang-mangha ang mga ito sa nakikita.

"Those two fucking dykes! Humanda talaga kayong dalawa! I'll make sure that the both of you will experience hell here," nanggigigil na ngitngit ni McKenzie at halos hindi na makain ang pagkain niyang steak dahil sa pagtadtad niya nf knife rito. Habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa dalawa ay naglalaro rin sa isip ni McKenzie kung paano patatalsikin ang dalawa sa university.

Naghahanap na ng pwesto si Ashley at Kale nang may mapansin silang bakante malapit sa The Elite Seven. Ngumiti nang nakakaloko ang dalawa sa isa't isa at walang ano-anong pumunta na sa pwestong 'yon.

Nang mapadaan silang dalawa sa tapat ng pwesto ng The Elite Seven ay tumigil muna si Kale sa harap ng mga ito. Tumingin ito nang diretso sa mga mata ni McKenzie at tinititigan ito ng ilang saglit 'tsaka ito nginisian.

Sa isang iglap ay nakatayo na agad si McKenzie na nag-aalburuto sa galit ang mukha at marahas na hinila si Kale. Gigil na gigil ito kay Kale kaya patuloy pa rin siya sa paghila nang sa ikalawang pagkakataon ay nahila na naman niya ang suot nitong kwintas na siyang ikinalagot nito.

Ang kaninang ginawa niya kay Kale ay mabilis na bumalik sa kanya. Malakas at may pwersa siyang itinulak nito na siyang ikinaupo ni McKenzie at napangiwi ito sa sakit dahil malakas na tumama ang likod niya sa sandalan.

Sobrang dilim ng mukha ni Kale at akmang hahablutin niya uli si McKenzie pero maagap siyang napigilan ni Ashley. Naikuyom niya ang kamay at pigil na pigil ang galit. Gustuhin man niyang dagdagan ang ginawa kay McKenzie dahil kulang pa iyon ay mabilis na lamang niyang pinulot ang kawawang kwintas at patakbo na umalis. Sinundan na rin ni Ashley si Kale.

Parang nawala sa sarili si McKenzie ng mga sandaling 'yon at maging ang buong gang ay nakatulala lang na parang mga estatwa. Tanging mga usap-usapan at bulungan ng mga estudyante sa loob ng cafeteria ang maririnig.