Chapter 23 - Chapter 23

Sa mga nakalipas na araw ay naging tahimik ang buhay ni Kale sa Henderson University. Dalawang araw siyang lumiban matapos siyang mawalan ng malay at nagpagaling.

Hindi ko rin alam kung ba't hindi pa ako natuluyan no'n tutal gustong-gusto naman na nila akong mawala, sabi ng kanyang isip.

Sa loob ng dalawang araw na 'yon ay siya lang mag-isa at hindi rin niya nakakausap ang kanyang mga kaibigan. Kahit sina Troy at Arian ay wala ring kaalam-alam sa nangyari. Ayaw niyang ipaalam sa mga ito dahil ayaw niyang pag-alalahin at baka makadagdag lang siya sa kanilang stress.

Kaya ko naman ang aking sarili simula pa lang. Ngayon pa ba na ito lang ang sinapit ko? Walang-wala pa 'to.

Kasalukuyan siya nasa cafeteria. Nakahinga siya nang maluwag nang mapansin niyang wala ang mga bullies. Mangilan-ngilan lamang ang mga estudyante rito at ang iba'y nakatingin lang sa kanya.

Medyo mabagal ang kanyang paglalakad dahil nakakaramdam pa rin siya nang kaunting sakit sa bandang tiyan niya. May band-aid din ang kanyang pumutok na kilay.

May naririnig din siyang ilang bulungan pero hindi na niya pinansin pa. Wala ngang mga bullies, mga tsismosa naman ang naiwan.

Namili lang siya ng tubig at umalis na. Hindi niya alam kung saan siya patungo ngayon hanggang sa napadpad muli siya sa garden na dati niyang pinuntahan. Umupo na muna siya sa isa sa mga bench doon.

Ang sarap tumambay dito bukod sa napakatahimik ay napakasariwa ng hangin at hindi mainit buhat sa mga punong nagbibigay ng lilim.

Inilapag muna ni Kale ang kanyang biniling tubig sa tabi at huminga nang malalim. Sumandal siya saka ipinatong ang kanyang naka-stretch na mga braso sa sandalan at pumikit.

Hay sana lagi na lang ganito. Napakasarap at walang istorbo sa mundo ko. The tranquility of the place brings peace on my mind and a positive energy.

Makalipas ang ilang minuto ay dumilat na siya at saglit niya munang hinubad ang kuwintas saka ito tiningnan nang maigi.

Kung nasaan ka man ngayon, how I wish na tangayin ng hangin 'tong mga sinasabi ko papunta sa 'yo. Sa dami ng mga pinagdadaanan ko ngayon, gusto ko na tuloy sumama sa 'yo.

Natawa na lang siya nang pagak dahil sa kanyang naisip at mas hinigpitan ang hawak sa kuwintas. Pagkaraa'y isinuot na ulit niya ito. Masyado na akong nagiging sentimental.

Kinuha ni Kale ang kanyang Walkman saka earphones at ipinasak ito sa kanyang tenga. Sumunod naman ay ang kanyang sketchpad at lapis.

Nagsimula na siyang gumuhit ng mga naiisip niyang bagong disenyo ng sasakyan habang nakikinig sa kanyang Walkman. Patuloy lang siya sa pagguhit kaya hindi niya namamalayan ang oras.

Nang makatapos siya ng ilang modelo ay ibinalik na ang sketchpad at lapis sa kanyang bag at pumunta na sa kanyang klase.

***

"Class, keep all your notes. We'll be having our quiz." Mabuti na lamang at nakahabol si Kale sa kanilang klase dahil kung hindi ay babagsak na talaga siya ngayong sem. Hindi na umimik pa ang kanilang propesor nang hinihingal siyang pumasok. Alam na nila na lagi akong late.

Tumakbo ako dahil nawala sa isip ko na may klase pala kami ngayong hapon.

Nagsimula ang kanilang quiz at dictation ito. Hindi niya maiwasang antukin dahil boring at paulit-ulit ang kanyang mga kaklase na hindi nila narinig at mahina ang boses ng propesor. Mga para-paraan. Gusto lang nilang patagalin dahil wala silang maisagot.

Matapos ang quiz ay nag-lecture lang sila at gumawa ng activities sa sumunod na subject. Puro discussion ang kanilang ginawa. Laking pasasalamat niya na wala silang klase sa last subject dahil maaga siyang makakauwi.

Palabas na siya ng kanilang room nang biglang isang pigura ang humarang sa kanya.

"Ms. Oliveros, how are you? I knew what happened," nag-aalalang sabi sa kanya ni Ms. Montoya at maingat nitong hinawakan ang bandang kilay niyang may band-aid.

"Okay lang po ako ma'am."

"Then can you attend our training now? Nagsisimula na 'yong ibang players na na-recruit kong sumama sa billiards team."

Ayaw man ni Kale ay sumunod na lamang siya kay Ms. Montoya at umalis na sila. Pagdating nila sa billiards hall ay tatlong players lang ang kanyang nakita, isang babae at dalawang lalaki. Seryoso ang mga ito sa pag-eensayo.

"Kale, let's go here. Dito tayo magti-training. Tayong dalawa lang." Hinila na siya ni Ms. Montoya at pumasok na sila sa isang pinto sa loob at iniwan ang tatlong players.

Inayos ni Ms. Montoya ang table at ang mga bola habang si Kale naman ay pinagmamasdan lang ang ginagawa nito. Nang okay na ay nagsimula na silang maglaro.

"Just focus on the ball, Kale. Dapat alam mo kung saan mapupunta ang cue ball kapag itinira mo na. Everything about the billiards should be calculated." Bago pa makatira si Kale ay pumuwesto na si Ms. Montoya sa likuran niya at mas inilapit nito ang katawan sa kanya saka ipinatong ang kaliwang kamay nito sa kaliwa niyang kamay na naka-aim sa bola at hawak rin nito ang kanan niyang kamay na siyang panira ni Kale.

Hindi siya makagalaw sa kanilang puwesto ngayon buhat nang hawak siya ni Ms. Montoya. Nang magabayan na siya nito at naitira niya na ang bola ay pumasok ito.

"Just keep it that way Kale. Ang sarap mo pa lang turuan lalo na kapag ganito," bulong nito sa kanyang tenga na nagpatindig sa kanyang mga balahibo.

Nagpatuloy lang ang dalawa sa paglalaro habang ang coach niyang si Ms. Montoya ay patuloy ang malalagkit na tingin sa kanya sa tuwing siya ay titira na.

"Ma'am, puwede na po ba akong umuwi? Medyo sumasakit po kasi 'yong sa may bandang tiyan ko," paalam ni Kale habang sapo niya ang kanyang tiyan. May nararamdaman akong kaunting kirot kapag umaasinta ako.

Sa halip na sumagot si Ms. Montoya ay mabilis itong lumapit kay Kale at walang ano-ano'y ipinasok nito ang kanang kamay sa loob ng kanyang hoodie at hinaplos ang kanyang tiyan. Mayamaya'y tumataas na ang haplos ni Ms. Montoya.

"Are you feeling better, Kale? Hmm?" nang-aakit nitong sabi kay Kale.

Mabilis niyang tinanggal ang kamay nito at lumayo. "I'm sorry ma'am but I need to go now." Kinuha na agad ni Kale ang kanyang bag at patakbong umalis sa lugar na iyon.

Samu't saring bagay ang tumatakbo sa aking isip ngayon pero isa lang ang sigurado ako. Dapat na akong lumayo-layo sa professor na 'yon.

***

Paglabas ni Kale ng campus ay nagulat siya nang mamukhaan niya ang dalawang tao na mukhang kanina pa siyang hinihintay.

"Dude!"

"Nix!"

Ang mga naiinip nilang itsura ay mabilis na napalitan ng ngiti nang makita nila si Kale at agad siyang sinalubong ng yakap lalo na si Yan.

"Dude, anong ginagawa niyo rito? Nasaan 'yong motor mo?" tanong niya matapos humiwalay ang mga ito sa kanya.

"Dude, na-miss ka namin dahil matagal-tagal na kaming walang balita sa 'yo. Saka matagal na rin tayong 'di naglalakad nang sabay-sabay pauwi." Bigla naman itong tumahimik pati na si Yan na seryosong nakatingin kay Kale.

"Nixon, saan galing 'yan ha? Napapaano ka na ngayon?"

"Wala, Yan. Tara, umuwi na tayo," pag-iiba ni Kale para tumigil na ang mga ito sa pagtatanong at nauna nang maglakad.

Hindi na nagsalita pa ang dalawa at sumabay na kay Kale. Tulad ng nakagawian nila noon, napadaan sila sa mga nagtitinda ng street foods at gotohan.

"Dude, Yan! Tara, bili tayong pagkain!" parang batang yaya sa kanila ni dude. Si Yan naman ay hinila si Kale sa isang food stall.

"Nix, libre mo na ako, please?" Niyuyugyog na nito ang kaliwang braso ni Kale.

"Sige, manguha ka na ng kahit na anong gusto mo." Abot-tenga ang ngiti ni Yan at nagsimula na itong magturo-turo sa tindera. Bumaling naman siya kay dude na kasalukuyang nakatingin kay Yan na parang lukot ang mukha.

"Napaka talaga ng babaeng 'yan. Tingnan mo dude oh, parang 'di talaga kumakain sa kanila. Kung iwan kaya natin siya?" sabay ngisi nito at akmang hihilahin na si Kale paalis nang biglang lumingon si Yan sa kanila. Nagtatanong ang mga tingin lalo na sa kamay ni dude na nakahawak sa braso ni Kale.

"Hoy kupal! Kung inaakala mong hindi ko narinig 'yong sinabi mo, puwes nagkakamali ka!" bulalas nito na puno pa ang bibig. "Palibhasa wala kang pambili." Bumelat pa ito.

Inawat ni Kale ang dalawa at namili na rin silang dalawa ni dude. Ilang saglit lang ay umalis na sila. Habang kumakain sila nang naglalakad ay patuloy pa rin sa pagbabangayan ang dalawa. Si Kale naman ay pinapanood ang mga ito at napapailing na lang. Kada bangayan ng dalawa ay hihinto muna si Yan at makikitusok ng tokneneng kay Kale.

Nang maubos ng tatlo ang kanilang kinakain ay huminto si Kale sa tapat ng convenience store upang bumili ng milk tea. Gano'n din ang kanyang mga kasama at 'di rin sila nagtatagal.

Nagpatuloy lang sila sa kanilang paglalakad nang mapadaan sila sa KNOXX International Motors, isang car dealership. Hindi maipinta ang mukha ni dude na manghang-mangha sa nakikitang mga sports car na naka-display kahit nasa labas sila. Hindi na nakatiis pa si dude at niyaya na ang dalawang kasama na pumasok sa loob.

Natutuwa man sa pagyaya sa kanila ni dude ay hindi ito ipinahalata ni Kale dahil baka 'di niya makontrol ang sarili. Pagpasok nila ay binati sila ng ilang staff doon. Nagtaka naman si Kale nang nagbulungan ang mga ito nang mapansin siya kaya hinayaan na lang niya ito. Naramdaman na lang niya na biglang yumuko ang mga ito at tinanong sila kung ano ang kanilang gusto at hinahanap.

"Miss, gusto ko ng Subaru! Meron ba kayong gano'n dito? 'Yong 2022 Subaru BRZ sana." Halatang-halata ang saya sa mga mata ni dude ng banggitin nito ang sasakyan.

Subaru huh?

Walang ano-ano'y binatukan ito ni Yan. "Kupal, puwede ba, maghunusdili ka nga. Nakakahiya ka oh. Tatatlo lang tayo rito saka kung makapagtanong ka parang may pambili ka ah!"

Bigla namang lumapit ang isang lalaking staff. "We only have one stock of that model, sir. May sarili po kasi kaming brand ng mga sasakyan especially sports cars. Gusto niyo po bang makita?"

Hinayaan na lamang sila ni Kale at nagtingin-tingin din siya. Baka sakaling may matipuhan akong model. For all I know—nevermind.

Sa kanyang pagtitingin, nahagip ng kanyang mata ang trademark luxury car ng store, ang Knoxx. Nag-iisa lang ito doon at may mga nakaharang sa pagkaka-display kaya hindi basta-basta mahahawakan o malalapitan.

Mas mahal at maganda ang pagkakadisenyo kaysa sa Lamborghini, Bugatti o kahit ano pang sports car.

Naririnig ni Kale na sine-salestalk na ang dalawa niyang kasama at boses lang ni dude ang nangingibabaw sa buong store.

Sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi niya namalayang nakalapit na siya sa isang paborito niyang sasakyan, ang McLaren at hinaplos ang hood nito. Sa ginawa niyang 'yon ay bigla siyang tinawag ni dude.

"Dude, halika rito!" tawag nito sa kanya habang nasa tabi ng isang Subaru. Agad namang lumapit si Kale at tiningnan ang sasakyan. "Puwede mo ba akong picture-an habang sakay ng Subaru? 'Wag kang mag-alala, pinayagan naman nila akong i-try ito." Agad nang sumakay si dude sa driver's seat at proud na proud itong nakaupo habang masusing pinapasadahan ng haplos ang bawat parte ng sasakyan.

Ilang saglit lang ay nagpaalam na sila at nag-bow ulit ang mga staff nang sila ay paalis na.

"Dude! Bibilhin ko 'yong Subaru na 'yon kapag naging civil engineer na ako!"

"Sana nga kupal! Pahiram ako ha!"

Masayang sigaw ni Yan at dude at tuluyan na silang umuwi para makapagpalit. Bago sila maghiwa-hiwalay, napagkasunduan nilang magkita-kita sa tapat ng isang convenience store upang sabay-sabay nang pumasok sa The Midnight Haven.

***

Pagpasok nila ng The Midnight Haven ay napakarami ng taong nagkakasiyahan at puno ang loob ng bar. Dumiretso na agad si Kale sa bar counter at nagsimula nang magtrabaho.

"Bata, pasuyo nga nitong mga orders sa tables 6, 12 at 15," at iniabot sa kanya ni Kuya Mario ang tatlong pirasong papel. Agad niya itong binasa at inihanda ang mga cocktails.

"One Brooklyn, please."

"Two Honey Winter Bourbon, miss."

Ilang sunod-sunod pang orders ang kanyang ginawa. Sa mga sumunod na oras ay walang humpay ang kanyang paghahalo ko at pag-respond sa mga requests ng customers. Nakailang balik din ang katrabaho niyang si Kuya Mario dala ang mga orders at ginawa niyang cocktails.

"Oliveros, ipinapatawag ka ni Ashley sa rooftop," saad ni Manager Oli kay Kale sa kalagitnaan ng kanyang pagtatrabaho. Napaangat naman siya ng tingin. Nagtatanong. "Don't worry. Ako ng bahala rito sa bar counter."

Pagkasabi no'n ay agad nang umalis si Kale. Mahirap na. Baka mabungangaan pa ako. Lagi pa man ding kumukulo ang dugo niya sa 'kin.

Pagdating niya sa rooftop ay wala siyang naabutang Ashley. Tanging siya lang ang naroroon at ang mga nakaayos na halaman, benches, fountain at grand piano. Hindi kaya ako pina-prank ni Manager Oli? Pero imposible. Sa sungit niyang 'yon.

Naghintay muna saglit si Kale. Nagbabakasakaling may dumating. Ngunit ilang minuto na ang lumipas at imbes na tumunganga ay pumunta na siya sa may grand piano at nagsimula nang tumipa. Heaven Knows by Rick Price ang napili niyang tugtugin.

Dalang-dala si Kale sa kanyang tinutugtog at hindi niya alintana ang lalim ng gabi at ang malamig na simoy ng hangin. Napapikit na siya. Dinadama ang awitin.

Mayamaya ay naramdaman na lang niya na may umupo sa kanyang tabi. Amoy pa lang nito ay kilala na niya. Inihilig nito ang ulo sa kanyang balikat saka ipinulupot ang mga braso nito sa kanyang bewang at yumakap.

Napahinto si Kale sa kanyang pagtugtog at dumilat.

"Babe, why did you stop?" sabi nito habang nakapikit at mahigpit na nakayakap sa kanya.

Hindi sumagot si Kale at akmang tatayo na nang bigla siyang pigilan nito. Nanatili lang silang nakaupo na magkatabi at tanging ihip lang ng hangin ang maririnig.

Ilang minuto ang lumipas ay dumilat na rin ito.

"Babe"

"Hm?"

Nakatitig lang ito sa mga mata ni Kale. Namumungay ang mga nito. Sa pagtitig nito, sobrang lapit na pala ng kanilang mga mukha. Hindi pa rin nito pinuputol ang mga titig sa kanya bagkus ay wala ito sa sariling hinahaplos na ang pisngi ni Kale.

"Can I see your real pair of eyes, L? Please."

Malungkot siyang tiningnan ni Kale saka umiling-iling at hinawakan ang kamay nitong humahaplos sa kanyang pisngi.

Tumayo na si Kale at niyaya niya itong buksan ang secret pool na silang dalawa lang ang gumawa at nakakaalam.

Tinanggal ni Kale ang kanyang sapatos at hinubad ang suot na vest. Sumunod ay inilislis niya ang white long sleeves at slacks. Umupo na siya sa gilid ng pool at itinampisaw sa pool ang kanyang mga paa habang ang kanyang mga kamay nama'y nakahawak sa magkabilang gilid.

Lumapit at tumabi na sa kanya si Ashley.

We spend the night together, looking at the stars above. Talking about our lives. About us.

The moon is our witness.

I hope she is, too.