Chapter 28 - Chapter 28

"Oliveros! Focus on practice! Hindi ka pa nakaka-shoot!" sigaw ni coach Ellie kay Kale.

Ilang araw na silang nag-eensayo sa gym ngunit ang laro ni Kale ay gano'n pa rin. Minsan ay bigla itong natutulala kaya lagi itong nasisigawan ni coach Ellie. Pansin din ito ng ibang players pero hinahayaan na lang nila dahil ayaw nilang makatikim sa kanilang coach.

"Oliveros! Lumapit ka nga rito sa 'kin! Sasampolan na talaga kita!" sigaw ulit nito mula sa bench. Natauhan muli si Kale.

Mabilis naman itong lumapit sa kanilang coach at nakalasap na naman ito ng pingot at nahampas ng towel.

"Coach! Awat na po!" daing nito.

Napakasadista talaga ng coach na 'to, sa isip-isip niya.

"Sinasagad mo talaga ang pasensiya ko Oliveros! Ilang araw na lang at nalalapit na ang sports meet tapos ganyan pa rin ang ipinapakita mo!" sunod-sunod na sigaw ni coach Ellie. Halos lumabas na ang ugat sa leeg nito.

"Opo coach, aayos na po ako," nakayuko niyang turan.

"Aayos nang aayos lagi namang kapos. 20 laps, 200 push ups at 250 curl ups. Then three-point shooting. Now go!" Agad namang tumalima si Kale.

Sa halip na sa court dumiretso si Kale ay sa locker room ito pumunta. Alam niya na gustong makita ng kanilang coach kung paano siya maglaro at 'yon ang kanyang ikinakabahala. Nag-iingat lamang siya. Iwinaglit na niya ang anumang iniisip at kumilos na.

Isinuot na niya ang kanyang dalawang ankle weights at dalawa rin sa kanyang palapulsuhan. Medyo nahirapan siyang gumalaw nang kaunti dahil sa paninibago.

Bumalik na ulit siya at nakita niyang nakahalukipkip habang masamang nakatingin sa kanya si coach Ellie. Nagsimula na siyang tumakbo.

Napamura siya sa kanyang isip. Shit! Gagapang ata ako nito. Daig ko pang may hinihila. Pero mas okay na 'to.

Nakakailang laps pa lang siya ay halos habulin na niya ang kanyang hininga dahil sa kapaguran. Tagaktak na rin ang kanyang pawis. Sumunod ay nag-push-up at curl-ups na siya.

Makalipas ang isang oras ay bagsak ang katawan niya at napapikit. Shit! Ang hirap pala ng ganito. Ayoko ng umulit. Sobrang sakit ng katawan ko. Gusto ko ng magpahinga. Sa sobrang pagod ay hindi na siya makatayo at kulang na lang ay gumapang na siya makapunta lang sa bench para uminom ng kanyang secret drink na nasa loob ng bag niya.

Nang makainom na siya ay medyo naibsan ang kanyang pagod. Kinuha niya ang kanyang Walkman at ipinasak ang earphones upang ganahan siyang maglaro. Bumalik na siya sa court para sa three-point shooting.

Nagsimula na siyang itira ang bola. Ibinabato niya lang at itinitira pero hindi pumapasok. Lumilipat din siya sa iba't ibang puwesto pero hindi niya talaga kaya. Marahil ay dahil sa suot niyang weights.

Nang mapagod at mangawit si Kale ay huminto muna siya. Napansin niyang nakaupo na pala ang lahat, nagpapahinga at nanonood habang si coach Ellie ay seryosong nakatingin sa kanya.

Nagsimula na ulit siyang mag-shoot. Tulad kanina ay hindi niya pa rin sineseryoso dahil sa nahihirapan ang kanyang katawan. Para sa kanya, bahala na si coach kung magalit dahil pagod na siya.

"Oliveros! Tama na nga muna 'yan! Lumapit ka nga rito!" tawag ulit sa kanya ngunit hindi niya naririnig. Sinenyasan na siya nito kaya patakbo na siyang lumapit sa kanila at tinanggal ang earphones.

"Bakit po coach?" medyo hinihingal nitong tanong.

"Hanggang diyan na lang ba talaga ang kaya mo ha Oliveros? Isang linggo na tayong nagti-training pero wala ka pa ring improvement. I'm very disappointed sa 'yo Oliveros. Mukhang nagkamali ako sa pagpili sa 'yo." Mababahiran ng pagsisisi ang tono ng boses nito at napailing na lang.

Yumuko na lang si Kale.

"Alam mo ba kung anong position kita ilalagay ha Oliveros? Pero mukhang malabo."

Hindi kumibo si Kale at nag-angat lang ng tingin. Ang mga ibang players naman ay nakatingin lang at nakikinig sa sermon sa kanya.

"Ikaw sana ang gusto kong maging SHOOTING GUARD ng team kaso ganyan naman ang ipinapakita mo." May diin ang bawat salita ni coach Ellie.

Bigla namang nag-react si Sam at nakatakip pa ang bibig na tila pinipigilang matawa.

"Coach, seryoso ka ba? 'Yan ilalagay mo sa shooting guard position? Eh hindi nga maka-shoot," tatawa-tawang komento nito. Nagtawanan naman ang lahat.

"Stop it Sam! Walang nakakatawa. Bakit magaling ka na ba sa lagay mong 'yan ha?" singit ni Jin, ang team captain.

Ang kaninang natatawang mga players ay biglang tumahimik. Ramdam nila kung gaano kaseryoso si Jin.

"Chill ka lang diyan Jin. Seryoso mo masyado. Ikaw nga pa-relax-relax ka lang eh," sabat ni Abi dito.

"Pa-relax-relax lang siya pero malakas at magaling naman siyang maglaro! Ikaw nga laging nadadapa," banat naman ni Lily.

"Hoy Lily! Ikaw nga nakakalimutan mong magdribol! Atat na atat mag-shoot ng bola pero iba naman talaga ang shino-shoot," nakangising sabi ni Hail dito.

"Hoy bakulaw! 'Yang bibig mo ha! Parang ikaw iba rin naman ang tinitira mo ah!" nakakalokong turan ni Jin at nginisian si Hail.

Bigla na lang sumigaw si coach Ellie kaya natigil ang apat. Punong-puno na 'to sa kanyang mga players at hindi na niya alam ang gagawin o kung may dapat pa ba siyang gawin.

"Kayong apat! 25 laps! Walang uupo sa inyo hangga't wala akong sinasabi! 'Wag kayong titigil!"

Nagsisihan pa muna ang apat saka nagtawanang tumakbo paalis. Bumaling muli si coach Ellie kay Kale at tiningnan ito nang masama at umalis na.

"Wala ka na talagang ipinagbago Oliveros. Laging ka na lang nasesermunan pero mukhang ayos lang sa 'yo," pahayag ni Yuri nang makaupo si Kale sa tabi nito.

"Gano'n talaga kapag malakas," saad ni Kale habang nagpupunas ng pawis.

"Ewan ko sa 'yo. Ba't kasi 'di mo inaayos 'yong training mo? Gusto ko rin makita kung paano ka maglaro kaso puro ka kagaguhan eh," sabay hampas sa braso ni Kale.

"Mapapagod lang ako Yuri. 'Wag na tayong maki-training mamayang hapon. Gumala na lang tayo."

"Baliw ka ba? Idadamay mo pa ako sa katangahan mo pero puwede rin, gusto ko ring magpahinga. Puro na lang training wala namang improvement sa 'kin. Anyways, saan ba tayo gagala?" tanong nito habang inaayos ang gamit.

"Sa mall na lang tayo. May bibilhin ako eh. Okay lang ba sa 'yo?"

Nagkasundo na sila sa kanilang usapan at bumalik na ulit sa training si Yuri. Nakaupo at nanonood lamang si Kale. Inoobserbahang maigi ang bawat galaw nito.

Mabilis at maliksi siyang kumilos. Magaling rin siyang mag-shoot ng bola kaso mabilis rin siyang nababantayan at nababasa rin agad kung kanino niya ipapasa ang bola. May potential kaso mukhang bihira lang siyang ipasok ni coach, puna ni Kale sa kanyang isip.

Ilang oras pa ay natapos na ang kanilang training. Lunch break na kaya mabilis silang tumakas kahit na may sasabihin pa si coach Ellie.

Mayamaya ay nakarating na silang dalawa sa mall at pumunta sa isang fast food restaurant para kumain. Habang kumakain ay nagkukuwentuhan sila.

"Alam mo ba Oliveros, pangarap ko at ng team na makapaglaro sa Germany. Gustong-gusto ni coach Ellie na may makuha sa players niya bilang member ng Germany Women's National Basketball Team. Kaya grabe ang pagti-training niya sa 'min," kuwento ni Yuri.

Bigla namang natigil si Kale sa pagkain. 'Di ito makapaniwala sa narinig. Kaya pala napakahigpit ni coach Ellie.

"Oliveros? Uy, okay ka lang ba? Ba't ka biglang tumahimik?" pukaw ni Yuri sa kasama.

"Ah, wala naman. May naisip lang ako. Gusto mo bang i-train kitang maglaro?" pag-iiba ni Kale ng usapan.

"Ha? Sigurado ka ba? No offense meant pero paano mo naman gagawin 'yon? At bakit mo ako iti-train?" Halata sa mukha nito ang pagtataka.

"'Di ba gusto mong makapaglaro sa Germany? I'll help you but in one condition," nangungumbinsi niyang tanong kay Yuri.

"Teka, ano ba 'yon? Sigurado ba 'yan? Baka ginagago mo lang ako eh," pagdududa nito.

"Take it or leave it." Nawawalan na ng gana si Kale.

Nag-isip muna si Yuri habang nakatitig kay Kale. Nagkibit-balikat lang ang huli at nagpatuloy na sa pagkain.

"Okay, deal. Payag ako sa alok mo. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Ano ba 'yong condition mo?" seryosong sagot nito matapos ang matagal na pag-iisip.

"Just play with me," sagot ni Kale at uminom na ng iced tea. Hindi naman makapaniwala si Yuri at napa-facepalm na lang. Malala ka na talaga Oliveros.

Niyaya ni Kale si Yuri sa isang sports shop nang matapos sila. Namili siya ng extrang ankle weights at kung ano-ano pang gamit panglaro para sa sports meet.

Sumunod ay nagtungo sila sa isang sports clothing store. Namili rin si Kale ng ilang damit panglaro. Nakasunod lang si Yuri at abala sa pagtitingin ng kung ano-ano.

Ang huli nilang pinuntahan ay ang isang sports shoes store. Namili ng dalawang pares ng basketball shoes si Kale. Nang makapagbayad na siya ay umalis na sila.

"Oliveros, ang dami mo atang pinamili. Puro pang-basketball. Mukhang iti-train mo talaga ako ah," biro ni Yuri.

"Kailangan ko lang ng mga bagong gamit at sapatos. Ngayon lang kasi ulit ako makakapaglaro."

Iniabot ni Kale ang isang bag na pinamili niya. Naguguluhang nakatingin si Yuri dito.

"Yuri, para sa 'yo 'tong extra weights na binili ko. Simula bukas, 4am ay pumunta ka na sa basketball gym. Hihintayin kita. May susi ka naman siguro. Don't forget to wear those weights tuwing magti-training tayo," bilin niya rito.

"Maraming salamat dito sa weights ha. Teka, sobrang aga naman ata nating magti-training. Wala pa sina coach niyan eh. Saka sarado pa ang university," nag-aalangan nitong tugon.

"Eh ano pala 'yong Germany? Eh di gagawin natin ang lahat para matupad 'yon. Akong bahala sa 'yo. Ilang araw na lang. Mas maaga, mas maganda ang results," pagpapalakas ni Kale ng loob kay Yuri.

Ipinagkatiwala na ni Yuri kay Kale kung anuman ang mangyayari sa magiging training nila.

Gabi na nang umuwi ang dalawa. Napasarap ang kanilang paggagala. Nagpasalamat at nagpaalam na sila sa isa't isa.

***

Nasa gym na si Kale at halos madilim pa. Nadatnan niya na rin si Yuri na kasalukuyang nakasandal sa may pinto ng gym at naghihintay.

Pagpasok nilang dalawa sa loob ay binuksan nila ang mga ilaw at sinimulan nang ayusin ang mga gamit na gagamitin nila sa kanilang training.

Kitang-kita sa itsura ni Yuri na handang-handa na ito sa kanilang training. Determinado at pursigido ito.

"Yuri, bago tayo magsimulang maglaro, samahan mo muna akong mag-exercise at palalakasin natin ang ating mga katawan. Makakatulong ang ilang drills pati na 'yong weights na pinapasuot ko sa 'yo," mahabang paliwanag ni Kale at nagtungo na sila sa isang silid kung saan may mga gym equipments.

Una nilang ginawa ay cardio workouts tulad ng treadmill workout at core workouts upang hindi mabigla ang kanilang mga katawan. Matapos nilang gawin ang ilan pang basketball routines ay bumalik na sila sa court. Huli nilang ginawa ang sprint workout na matagal nilang natapos dahil makakatulong ito para mag-improve ang kanilang footworks pati na rin ang speed at agility. Pagod na pagod silang dalawa at napaupo na lamang sa sahig.

"Oliveros, teka. Daig mo pa si coach Ellie. Hindi ka ba napapagod?" hinihingal na tanong nito kay Kale.

"Pagod pero wala pa 'yan. Nagsisimula pa lang tayo. Medyo sanay na ang katawan ko sa ganito. Galingan mo pa. Magdi-drills na tayo ngayon." 'Di pa nakakabawi si Yuri ay hinila na siya ni Kale.

Una nilang ginawa ay passing, dribbling, rebounding, defense and agility drills at ang huli ay ang shooting. Habang isinasagawa nila ito ay nagbibigay ng mga advice si Kale.

Todo laro sila ngayon. Si Kale ang dumedepensa kay Yuri habang ang huli ang nagsho-shoot. Mabilis kumilos si Yuri pero hindi ito nakakaporma kay Kale. Lagi siyang naaagawan ng bola at naba-block.

"Oliveros, pahinga muna tayo saglit. Iinom lang ako. 'Di ko na kaya ang sobrang pagod," hinihingal na pakiusap ni Yuri habang ang mga kamay ay nasa magkabilang tuhod.

"Two minutes then laro ulit. Marami pa tayong dapat i-improve. May potential ka pero kailangan mo pa ng training."

"Maraming salamat Oliveros. Ang dami kong natutunang bago sa 'yo lalo na 'yong mga drills at workout na ginawa natin. Babago ko lang gawin. Iba ka mag-train kaysa kay coach Ellie. Ikaw ba? Hindi ka magsho-shoot? Lagi na lang ako eh."

"Hindi ko na kailangan 'yan Yuri. Mapapagod lang ako. Saka isa pa, tapos na akong mag-training. Ikaw ang may kailangan nito kaya nandito ako. Ano kaya mo pa ang may weights? Mas lalakas at bibilis ka diyan."

"Pero Oliveros, gusto kita makitang magla—"

Niyaya na ulit ito ni Kale na maglaro at nagsimula na ulit sila. Mas pinatindi niya ang pagdepensa at gano'n din ang ginawa ni Yuri sa paghawak ng bola. Gaya ng kanina ay hindi pa rin nakakaisa si Yuri at nawawalan na ng pag-asa. Nahihirapan sa depensa ni Kale. Naagaw niya ang bola rito. Pinaalala ulit ni Kale ang Germany kay Yuri at sa puntong 'yon ay nabuhayan ulit ito ng loob at inagaw ulit ang bola. "Focus on the game and outplay your opponent," saad ni Yuri at tuluyang ni-lay up ang bola. Nakangiti na ito.

Lumipas ang ilang oras ay patuloy pa rin sila. Kita ang saya sa mukha ni Yuri kaysa nitong mga nakaraang training kasama ang ibang players. Napahinto lamang sila sa kanilang paglalaro nang biglang may nagsalita.

"Himala, ang aga ng mga weaklings ngayon." Napalingon sila para makita lang ang nakangising si Sam.

Nagkibit-balikat na lang ang dalawa at hindi na ito pinansin. Nagpatuloy na sila sa paglalaro. Mayamaya ay dumating na rin ang ibang players pati na rin si coach Ellie. Gulat na gulat silang nakatingin sa dalawa lalo na si coach Ellie na si Kale lang ang tinitingnan.

"Aba Oliveros, ang aga mo ata ngayon? Ano seryoso ka na ba sa training mo? Sana lang talaga magtuloy-tuloy 'yang ginagawa mo," puna ni coach Ellie.

Himala at hindi ako nasermonan. Tumango lang si Kale bilang sagot. Tahimik lang sa tabi niya si Yuri. Pinasimula na agad ni coach Ellie ang mga ibang players na mag-training habang sila naman ay umupo muna.

Tumingin muna sa kanilang dalawa ang Big Four bago pumunta sa court. Nahuli rin ni Kale na kininditan pa muna siya ni Hail at bigla naman itong kinaladkad ni Abi na masamang nakatingin sa kanya. Hindi na sila sumabay sa ibang players na mag-training. Napansin naman ito ni coach Ellie at napailing na lamang.

Ilang saglit lang ay may isang watergirl ang lumapit kay coach Ellie. May iniabot itong isang long brown envelope at sinabing isang package ito. Nagtataka naman si coach Ellie pero kinuha rin niya ito at nagpasalamat. Sinabihan niya muna ang mga players na magpatuloy sa pagti-training at nagpaalam na may aasikasuhin lamang siya.

Pagkalabas niya ng gym ay lumayo muna ito at tumingin sa paligid kung may ibang tao. Nang makasigurong wala ay saka niya binuksan ito at tiningnan ang nilalaman. Tuwa ang kanyang naramdaman nang mabasa ang nilalaman ngunit palaisipan sa kanya ang isang dokumento na 'di niya inaasahan.

***

"Ano, McKenzie Knight the Great kaya mo pa ang training natin ha? Akala ko ba magaling ka na? Ba't mukhang nahihirapan ka?" pang-aasar ni Silver kay McKenzie na kasalukuyang itinitira pabalik ang mga palo nito at ni Tyler. Doubles si Silver at Tyler at kalaban nila si McKenzie.

"Shut up fuckhead! 'Yan lang ba ang kaya niyong ibigay sa 'kin?" sagot naman nito sa dalawa at mas binilisan nila ang kanilang mga galaw.

Abala rin sa paglalaban si Reign at Black. Wala ring gustong magpatalo sa dalawa. Si Aubrey at Natalie naman ay abala sa iba't ibang drills tulad ng attacking midcourt balls, backhand ralley with alleys at marami pang iba.

Mahigit isang linggo na silang nag-eensayo at sa mga araw na 'yon ay naging maayos ang daloy ng kanilang laro. Hindi rin sila pinapabayaan ng kanilang coach dahil tutok ito sa kanilang lahat. Kung may makita itong pumapalya ay pinapagalitan at pinaparusuhan sa pamamagitan ng mas mahirap na training.

"Team! Lumapit muna kayo rito," tawag ng kanilang coach. Huminto agad ang mga ito sa paglalaro at lumapit.

Hingal na hingal at naliligo na sa pawis ang kanilang mga itsura pero hindi nila alintana 'yon dahil nag-eenjoy naman sila sa kanilang ginagawa at may iisa silang goal, ang maging kampeon.

"Gusto ko lang sabihin na proud na proud ako sa inyo dahil hindi niyo ako binigo sa mga naging training natin at nakita ko sa inyo na ibinibigay niyo lagi ang inyong best. Wala na akong masasabi pa dahil alam kong alam niyo na 'yon. Dahil ilang araw na lang bago ang sports meet, magpahinga na lamang kayo at ikundisyon ang inyong mga sarili. I'll end our training here. Good luck team!" pagbibigay motibasyon ng kanilang coach.

Sabay-sabay nilang niyakap ang kanilang coach na ngayon ay halos maipit na sa kanilang pito.

"Let's go for the championships!" sigaw ni Reign at naki-cheer na rin ang iba.

Ilang saglit lang ay bumalik at inayos na nila ang kanilang mga gamit pati na rin ang mga tennis equipments at nang okay na ay masayang nagpaalam ang kanilang coach.

Nang maisara ni Natalie ang pinto ng gym ay sabay-sabay na silang nagtungo sa parking lot dala-dala ang kanilang tennis bags. Tahimik lang silang naglalakad habang ang boys naman ay abala sa pagpupunas ng kanilang mga pawis. Si McKenzie lang ang nahiwalay sa kanila dahil nauuna ito at abala sa pagseselpon. Si Natalie at Silver ay daig pang sa parke kung maglakad.

Mayamaya ay biglang napasigaw si Natalie gayundin si Silver na nanlalaki ang mata.

"Kenz! Watch out!"

"Mc! Tumabi ka!"

Huli na nang mapansin ni McKenzie ang isang mabilis na sasakyan na papalapit sa kanya. Napapikit na lamang siya.

"Miss!" 'yan ang huling salitang narinig niya at naramdaman na lamang niya ang isang malakas na impact. Kasabay nito ang pagbagsak ng kanyang selpon.

Napadilat na lamang si McKenzie nang may marahang yumuyugyog at tumatapik sa kanyang mukha. "Miss, may masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong nito sa kanya. Daig pa ni McKenzie ang natuklaw ng ahas nang mapagtanto kung sino ang nasa ibabaw niya. Nakatulala lamang siya rito.

Nang hindi siya sumagot ay dahan-dahan na itong umalis. Saktong dumating na rin ang mga kaibigan ni McKenzie at agad siyang chineck. Naglakad na palayo ang nagligtas kay McKenzie habang sapo-sapo nito ang kaliwang braso at medyo paika-ika pa.

"Oh god Kenzie! Saan ang masakit? We need to bring you to the hospital!" nagpa-panic na saad ni Aubrey. Inalalayan naman nina Tyler at Black si McKenzie habang si Reign ay pinulot ang mga nahulog na gamit nito.

'Di pa rin makapaniwala si McKenzie at mukhang nawawala ang isip niya dahil sa nangyari.

Lesbi.